The Hostage Heart-4

“Okey na sa amin ‘yon ng iyong Mama, iha,” Alana’s father capitulated with an easy smile.

But she was not fooled by all the easiness.

Alam niyang magtotoka ito ng mga tao na magbabantay sa bawa’t kilos niya.

Ang mga taong iyon na lang ang tatawagan gabi-gabi.

Alana hid a mischievous smile.

Tiyak na masosorpresa ang mga magulang niya kapag nalaman kung saan niya balak magbakasyon!

Kinabukasan, inihatid niya sa airport ang dalawang matanda. Kasama niya si Vivi.

Pagkasakay na pagkasakay ng Papa at Mama niya sa eroplano, inumpisahan na ni Alana ang unang hakbang para sa plano niyang adventure.

“S’an ba tayo pupunta, Senyorita? Naliligaw ka ba? Nandoon ang pinto patungo sa carpark,” protesta ni Vivi nang kaladkarin niya ito kungsaan-saan.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Ikaw ang ‘Senyorita Alana’ ko magmula ngayon,” pakli niya. “Ako si Vivi, okey?”

“T-talaga, senyo — este, Vivi pala. Ako na naman ba ang amo?” paniniguro nito.

Tumango si Alana. “Pero huwag kang masyadong O.A., ha? Baka makalimutan kong ako nga pala si Vivi,” she said warningly.

“Ay, si Vivi naman. Masyadong pikon. Paminsan-minsan lang naman akong magiging amo, e!”

“Basta’t huwag lang trying hard para hindi tayo mahahalata. Magiging katawa-tawa ka kung ako pa rin ang mas mukhang amo sa ating dalawa.”

“Areglado.”

“Gayahin mo ang ibang kilos ko. Gusto kong maging perpekto ka, Vivi, este–Senyorita pala.”

“E, bakit naman?” Tuluyan nang na-intriga si Vivi.

“Saka ko na lang sasabihin. Nandito na tayo sa hinahanap ko.”

Ang administrator sa mga flying vehicles rental services.

“What can we do for you, ma’am?”

Kuntodo ang paninigas ng leeg ni Vivi. Pati ang pagpo-project.

Ngunit kay Alana pa rin nakatingin ang dinatnan nilang clerk.

“Gusto po sanang umarkila ng aking senyorita ng isang helikopter,” pahayag niya.

“Helikopter!” Nagkasamid-samid si Vivi sa narinig. “Rerenta ng helikopter!” Inulit pa nito ang pagbulalas.

Inapakan ni Alana ang kalyo ni Vivi para mahimasmasan ito.

Muntik namang mapahiyaw sa sakit kaya napilitan siyang itulak ito papaupo sa waiting bench na plastik.

Vivi sat down heavily with a squeak.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng kaharap na lalaki sa kanilang dalawa.

“E, ano’ng klaseng helikopter po ba, ma’am?”

Kay Vivi na ito nagtanong.

Ngunit si Alana pa rin ang sumagot.

“Magpapahatid sana kami sa Negros province, ginoo.”

“A, transportation lang pala ang kailangan n’yo, ma’am? Marami po kaming available dito. Kailan n’yo ba gagamitin?”

“Bukas na siguro, ano, senyorita?” Kunwa’y tanong niya kay Vivi ngunit hindi naman niya hinintay ang kasagutan nito.

“Oo, bukas nga. Kumusta kaya ang panahon bukas? Baka naman nakakahilo ang magiging biyahe namin?”

“A, hindi, siyempre. Sisiguraduhin naming magiging enjoyable ang lipad n’yo bukas, mga ma’am,” pangako ng patpating clerk.

“Buweno, gusto na naming magpa-reserve, ginoo,” Alana stated briskly.

“Tumatanggap ba kayo ng credit card — ay, nakalimutan nga pala ng aking senyorita ang credit cards!”

Binawi niya agad ang tanong nang maalalang siya nga pala si Vivi.

“Cash na lang ba, senyorita?” tanong na naman niya sa naguguluhan pa ring empleyada. “Okey. Tumatanggap ka ba ng cash?”

Napakamot sa ulo ang tinanong.

“Of course, ma’am,” ang nabiglang tugon nito.

Nag-thumbs-up pa siya kay Vivi bago siya humugot ng mga paper bills sa makapal na pitaka.

Sandali lang ginawa ang resibo kaya nakaalis agad sila.

Ilang minuto pa, papalabas na sila ng airport.

Hindi pa rin makapagsalita si Vivi.

“O, nawalan ka na ng imik diyan?” untag niya rito.

“T-tama ba ang narinig ko? Pupunta tayo bukas sa Negros?”

“Yes, your hearing is still accurate.”

“P-pero — pero hindi kayo nagpupunta doon, hindi ba?”

“Kaya nga doon ko gustong magpunta, e!” ang masayang pahayag ni Alana.

Mag-isa lang si Leon na nanubok sa malaking bahay ni Don Paolo Martinez.

He knew Bruno’s stocky figure from afar.

Lumabas ito mula sa harapang pintuan at nagtungo sa kinaroroonan ng isang bagong tayong cottage.

Nahinuha niyang hindi natutulog sa bahay ng amo ang katiwala.

Ang mga babae lang ang natitira sa malaking bahay.

“Good,” bulong ni Leon sa sarili.

He pulled at the thick growth of vines on the concrete walls of the big stone house.

Nang matiyak na kaya siyang dalhin ng mga halamang gapang, sinimulan na niya ang pag-akyat sa balkonahe.

Nagpasalamat siya sa buwan na hindi pa isinisilang uli. Madilim ang paligid.

Hindi siya basta-basta makikita habang nakalambitin siya sa tapat ng mga bintanang nangingitim na sa kalumaan ang salamin.

Maingat niyang hinila pabukas ang isang kalawanging dahon upang makasilip sa loob.

Ngunit nawalan siya ng tinag nang may marinig na mga boses.

“Senyorita, nakahanda na ang pamalit n’yo,” anang tinig na modulato.

“Salamat,” tugon naman ng isang boses na tila kulang pa sa edukasyon.

“Pakidala mo na lang sa banyo ang mga gamit ko sa pampaligo, ha?”

“Masusunod, senyorita.”

Leon craned his neck but he could still not see the occupants.

Huminga siya nang malalim habang nirerebisa ang kinalalagyan niya.

Iiba siya ng posisyon.

He succeeded on getting himself higher and nearer the window. The mirror was blackened with rust and age.

Ngunit nakikita pa rin niya nang malinaw ang loob ng kuwarto dahil nakasindi ang mga ilaw sa paligid.

Isang babaeng mayroong itiman at medyo kulot na buhok na hanggang beywang ang nakatalikod sa gawi niya.

Nabighani siya sa makintab na buhok. Ang una niyang ginugusto sa isang babae ay ang mahabang buhok.

‘Humarap ka sa akin,’ utos ni Leon.

Hindi tumalima ang babae sa piping utos niya. May kinakapa ito sa likuran habang nag-aalis ng mga sandalyas na suot sa mga paa.

He did not realize until it was too late that the young woman with the beautiful hair was peeling off her clothes.

Napagkit na ang mga mata niya rito. Gustuhin man niyang bumago ng posisyon, hindi na niya magagawa.

Hindi na niya maialis ang paningin sa maputing kutis na unti-unting lumalantad sa kanyang mapagnasang mga mata.

Huwag ka sanang haharap! ang pabulalas na bulong niya sa sarili.

Ngunit tinutukso siya ng pagkakataon.

Humarap ang babae sa kanya.

Pumikit si Leon. Pinagpawisan siya nang malapot. His body almost squirmed when strong lust kicked and made his blood ran hot.

THE HOSTAGE HEART-5

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.