The Hostage Heart-5

‘When was the last time that I had a woman?’ tanong ni Leon sa sarili habang gumagamit ng ibayong control para masupil ang katawan.

Si Dalena ang babaeng isinisiping niya kapag masidhi ang pangangailangan. She was also an outlaw like himself and they had amicable arrangement to meet their mutual biological needs.

Leon knew when a woman was off-limits.

Like the woman he was looking at now…

Her face arrested his attention. It was angelic.

It was an unforgettable face. Not so perfect but totally lovely.

Her eyes were catlike in their slanting shape.

Her lips were voluptuous and deliciously red.

The nose and the chin were both dainty-shaped, but very pleasant to look at.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

But her body was made for sin. The breasts were small but perfect and firm. The pink tips looked dewy and budlike.

Para bang hindi pa nakakatikim ng halik ng isang lalaki.

The sight of her narrow waist and rounded hips, smooth thighs and legs, and the very private feminine triangle — gave him a definite hard-on.

His gaze returned to her nipples avidly.

Ganito pala ang nararamdaman ng isang peeping tom!

He almost sighed aloud when the lovely apparition went away.

Pamaya-maya pa, nauulinigan na niya ang lagaslas ng tubig sa banyo.

He had received a respite.

Hinintay niyang magbalik sa normal ang presyon ng kanyang dugo, pati ang paglabas-masok ng oksihena sa kanyang mga baga.

Para siyang nalango sa matapang na alak.

The last time he felt an instant desire for an unknown woman was when he was still a green eleven-year-old boy.

Hindi na niya maalala ang pangalan o ang eksaktong hitsura man ng babaeng kapitbahay nila, na paboritong silipan ng mga kalalakihan.

Natiyempuhan niyang naliligo ang naturang babae.

The sight of naked feminine skin had been a potent aphrodisiac for an ignorant boy.

He had lost his senses then and had had a premature ejaculation with the aid of a vivid imagination only.

She was his first woman…

‘Sweet hell! You’re not a young boy of eleven anymore, Leon!’ bulalas niya sa sarili. ‘You can’t just let go of yourself!’

He took tight control of himself more sternly.

Kaya nang muling bumalik ang babae sa kuwarto, kalmado na uli siya.

Nakasuot ng black Japanese robe ang babae.

Parang mas pumuti pa ito kaysa dati dahil sa kasuotan.

Nagsusuklay ito nang may bumuglaw na isa pang babae sa pintuang nasa dulo ng silid.

Naalala niya ang narinig na pag-uusap ng dalawang babae kanina.

Sino kaya sa dalawang ito ang ‘senyorita’?

Lumapit ang bagong dating kaya nabistahan din niya ito.

Maikli ang buhok ng huli. Maputi rin pero hindi naman klasiko ang hubog ng mukha. Ordinaryo lang.

Mas gusto niya ang unang babaeng napagmasdan.

At mas nasisiguro niyang iyon ang ‘senyorita’.

Magtatagal pa sana siya sa kinalalambitinan ngunit naramdaman niya ang unti-unting pagkapigtal ng mga ugat na nakakapit sa sementong dingding.

Mahuhulog siya nang buo kapag hindi pa siya umalis dito.

“Senyorita, naiwan mo yata ang wallet mo sa aking bag,” said the melodious voice.

“Ay, oo nga pala. Kukunin ko na nga. Baka magkapalit na naman tayo ng wallet,” anang mas matigas ang pananalita.

At humagikhik pa nga nang ubod lakas.

The shrill laughter was jarring to his ears. Parang naririndi siya.

Hindi na tuloy niya napag-isipan nang husto ang dapat ay pinagtatakhan niya.

Bakit ang tumatawag ng ‘senyorita’ ay ang boses na modulato?

Maliksi siyang nakalabas ng bakuran.

He was a large man, six feet two and had a muscular body.

Ngunit napakagaan ng mga hakbang at mga kilos niya.

Mistula nga siyang isang leon na tahimik kumilos kapag naninila na sa kagubatan.

Huminto lang siya nang makarating na sa kabilang panig ng mayabong na hardin.

Nakiramdam muna si Leon bago siya gumaya sa huni ng mga ibong panggabi.

Pamaya-maya pa, nagsilitaw na sina Larry.

“Ano’ng plano mo?” salubong nito pagkakita sa kanya.

Natantiya na niya kung gaano kabigat ang babaeng dudukutin.

“Kukunin ko siya mamayang hatinggabi,” pahayag niya. “May nakahanda na bang pampatulog?”

“Meron na. Wala ka nang problema, boss,” pahayag ni Larry.

“Salamat,” sambit niya. “Meron ka bang yosi?”

“Heto, boss,” alok ng isang tauhan habang inilalahad ang isang kahang sigarilyo.

Matapos magsindi, inaninaw niya ang mga kamay ng suot niyang relo.

May dalawang oras pa pala bago maghatinggabi.

“Pampainit, boss.” Isang boteng whisky ang iniaalok sa kanya ni Larry.

“No, thanks,” he said wryly.

Sapat na ang pampainit na naramdaman niya kaninang nanunubok siya!

Naupo si Leon sa malaking ugat na nakausli at sumandal sa magaspang na katawan.

Sanay silang mag-ipun-ipon na ganito ngunit hindi nag-uusap-usap, habang naghihintay sa tamang tiyempo ng gagawing misyon.

Ngunit lingid sa mga kasama niya, mayroon siyang ibang pakiramdam sa misyon na ito.

Para bang walang buting idudulot…

Pero hindi na siya makakaatras. Nagpahayag na ng pag-asa ang mga nasasakupan ni Ka Istong sa kanya.

Kasubuan na, kumbaga.

Kaya tutuloy pa rin siya kahit na iba ang nararamdaman niyang vibrations.

There was an unseen force that pulled to him and sucked at him. At iyon ang hindi niya gusto.

“Boss, titingnan ko lang kung ayos pa ang mga sasakyan natin,” paalam ni Larry. “Trenta minutos na lang.”

Tumango lang si Leon, pero nagsimula na siyang kumilos.

Kinse minutos ang inubos niyang panahon sa pagpasok sa malaking bahay.

Sa front door siya nagdaan. Umakyat siya sa hagdan upang makarating sa kuwarto ng babaeng kukunin.

Mentally, he did a calculation.

Kaya natanto niya agad ang eksaktong kinaroroonan ng babae.

Maingat niyang itinulak ang dahon ng pinto.

Ang lampshade lang na maliit ang nakasindi. Himbing na himbing ang kagandahang nakalatag sa kama.

Inilabas niya ang botelyang nakabalot ng isang panyo. Binasa niya nang husto ang manipis na tela bago yumuko para tumunghay sa maamong mukha ng babae.

Dahan-dahan, inilapit niya ang binalumbon na telang basa ng gamot na pampatulog.

Umungol ang babae at akmang babago ng posisyon kaya nabigla siya sa pagsapo ng palad sa tapat ng bibig at ilong nito.

Napadiin kaya nagising ito at napatitig sa kanya.

Nagpumiglas ito ngunit sadyang wala itong laban sa lakas niya. Saglit lang naman ang rebelyon.

Ilang sandali lamang na nagtama ang kanilang mga mata bago muling binawi ng tulog ang diwa ng babae.

THE HOSTAGE HEART-6

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.