The Hostage Heart-6

Unti-unting pumikit ang mga mata ng babae bago tuluyang napahimbing uli.

Hinintay ni Leon na tumalab nang husto ang gamot bago niya itinali ang naturang panyo sa tapat mismo ng bibig nito.

Maliksi siyang kumuha ng ilang mga kasuotang pambabae sa tokador at inilagay sa dala niyang black haversack na nakasukbit pirmi sa kanyang leeg at balikat.

Dinampot din niya ang big-toothed comb.

Pati ang handbag nito.

“I have to do this, sleeping beauty,” he murmured as he started carrying her downstairs.

Upang madali siyang makalakad, isinampay niya sa isang balikat ang balingkinitang katawan ng bihag.

Katulad nung una, doble pa rin ang pag-iingat niya.

Ang bawa’t hakbang niya ay sigurado at kalkulado.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

“Dito, boss!”

Nakaabang si Larry sa kanya. Agad siyang iginiya nito sa kinaroroonan ng landrover.

Inilagay niya sa likod ang natutulog na bihag.

“Itali mo ang mga kamay at paa niya,” utos niya habang nagmamaniobra palayo doon.

“Tabunan mo siya ng mga lona at sako diyan.”

Pinanonood niya sa rearview mirror ang ginagawa ni Larry.

“Mauuna na akong umalis. Ipaalam mo na lang kina Ka Istong na nakuha na natin ang ipinakukuha nila,” habilin niya sa pinagkakatiwalaang tauhan.

“Pagkatapos, umuwi na kayo. Pero siguraduhin n’yo lang na walang nakasunod.”

“Sige, boss. Ako na ang bahala sa mga kasama natin. Good luck!”

Pinaandar niya ang dyip na itim sa baku-bakong kalsada.

Pinabilis lang niya ang takbo nang makarating na sa highway.

Nang sigurado siyang nasa labas na sila ng plantasyon ni Don Paolo Martinez, inihinto ni Leon ang sasakyan upang bawasan ang takip sa kabuuan ng bihag.

A white breast peeped behind the thin robe and tantalized him wickedly.

Kumuyom ang isang palad niya. At dagling nanuyo ang lalamunan ni Leon.

“Damn!” he cursed himself.

Umuuro sa matinding sakit ang ulo ni Alana. Napaungol siya nang malakas.

Iniangat niya ang isang kamay upang sapuhin ang kanyang noo. Ngunit hindi siya makagalaw.

Tinangka niyang kumilos.

Napakunot-noo si Alana. Bakit hindi siya makakilos?

Pinilit niyang dumilat. Her eyes were gritty with fine particles.

Ngunit napamulagat pa rin siya nang maramdamang umaalog ang kama niya.

At tila napakalapit niya sa bintana…

“A-ano’ng — ?” umpisa niya, paungol.

Na nauwi sa pagkabigla.

“Oh, my God! Nas’an na ako?”

She craned her neck to look up.

Napagtanto na niyang nasa loob siya ng isang umaandar na sasakyan.

Nakaharang ang mataas na upuan kaya pinilit niyang iangat nang husto ang kanyang ulo.

Ngunit biglang nagkabaku-bako ang daan. Nakalog ang buong sasakyan kaya muling bumagsak si Alana.

Habang tinitiis niya ang pagkaliyo, unti-unting nagbalik ang mga nangyari kagabi.

Nagkukuwentuhan sila ni Vivi habang nagpapatuyo ng buhok. Agad siyang nakatulog nang mahiga.

Nananaginip na siya ng tungkol sa mga tanawin sa palibot ng plantasyon nang bigla siyang magising.

She was rudely awakened by a heavy hand. A wet cloth was clamped on her mouth. She could not scream nor utter a word.

A hard-faced man with a pair of wild eyes was looking over her.

Sandali lang silang nagkatitigan ngunit naramdaman niya agad ang kakatwang puwersa na dumaloy sa kanyang buong katawan.

Para bang nakuryente siya na hindi niya mawari…

Iyon ang huling natatandaan niya.

‘Para bang ano?’ untag niya sa sarili ngayon.

Nakapikit siya nang huminto sa pagtakbo ang sasakyan. Umungol uli siya. Ibig bumaligtad ng sikmura niya.

She felt winded with the rough ride.

Hindi siya makagalaw.

Para siyang idinaan sa isang malaking gilingan.

Pamaya-maya, naulinigan niya ang pag-aangat ng makapal na tarapal.

A pair of hands hauled her up and yanked her out wholly.

Naramdaman na lang niya na nakasampay na siya sa isang malapad na balikat.

Lalo tuloy siyang nahilo. Agad siyang pumikit nang mariin.

She clenched her teeth and lips tightly.

“Ummph!” She swallowed the rising bile in her dry throat forcibly.

Mistula siyang lumpia dahil sa nakabalot na makapal na basahan sa buong katawan.

Unti-unting nawala ang masamang pakiramdam nang madapyuan siya ng sariwang hangin sa mukha at leeg.

Huminga siya nang malalim. Ilang beses iyon, to calm herself.

During her college days, napasama siya sa isang yoga group.

Beginner lang siya ngunit malaki na agad ang naitutulong ng kaunting kaalaman sa kanya.

Nagagawa na niyang kalmahin ang sarili — kung ibig niya.

Katulad nga ng sabi ng Mama niya, she had a volatile temper.

“Ibaba mo ako ngayundin!” she commanded in a wobbly voice.

She sounded ridiculous but the man who carried her obeyed. She was put down onto her feet unceremoniously.

Bigla na lang siyang ibinaba sa matigas na lupa.

Kaya nabigla rin ang mga tuhod niya na wala pa palang lakas.

Her knees folded like twin jelly sticks and she tittered like a child just starting to walk.

And she just realized that her feet were trussed with an abrasive abaca rope.

Dumausdos pababa ang maruming kumot na nakapulupot sa kanya. She gasped in dismay when her dishevelled state was displayed.

Medyo maalinsangan kagabi kaya isang manipis na roba lang ang isinuot niya sa pagtulog.

At iyon ay kasalukuyang nakabukas nang husto.

Nakalantad sa lahat ng ibig tumingin sa kanya ang buong harapan.

Her nipples puckered instantly when a breath of cold air touched her sensitive skin.

And she could not do anything with it because her hands were also tied up tightly at her back.

She cried in frustration when she lost her balance after a few seconds.

She fell down on the rocky ground like a heap of dirty rags and giant jellies.

Nalugmok siya sa mabatong lupa, ilang sandali lang matapos niyang makamit ang nais.

Galit na galit si Alana. “Alisan mo ako ng gapos!” utos niya, paangil.

“P’ano ako makakakilos kung hindi mo ako pawawalan?”

Malamlam pa ang liwanag ng langit sa madaling-araw. Kaya hindi niya makita nang maayos ang mukha ng tagabihag.

The memory of his wild eyes danced inside her mind.

Hindi ito nagsalita ang lalaki ngunit umiling-iling ang ulo bago yumuko upang hilahin siya patindig.

She swayed again when she tried to use her knees for support.

Kaya napilitan siyang pumayag na pangkuin ng matitipunong bisig.

Mas malapit na ng mukha nito sa kanya ngunit ang nakikita lang niya ngayon ay isang mabutong panga at kuwadradong baba.

THE HOSTAGE HEART-7

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age