The Hostage Heart-7

The rugged jaw and squared chin conveyed an unsympathetic character.

The muscled chest and shoulder and arms imparted an unequaled strength.

Alana was not a light weight.

Ngunit parang walang anuman ang bigat niya dito.

She transferred her gaze to their surroundings.

Nagsisimula nang magliwanag ang paligid dahil isinisilang na ang araw sa pusod ng di-kalayuang kabundukan.

Napamaang si Alana. Dalawang araw pa lamang siyang nakakapamasyal sa palibot ng plantasyon, ngunit inagaw na agad ng mga magnipikong bundok ang kanyang pansin.

Para bang mga higanteng natutulog sa malayo ang tingin niya sa mga ito.

Sa malayo… Ngunit ngayon ay tila napakalapit.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE HOSTAGE HEART…? Click Here!]

She swivelled back her attention to her captor.

“N-nas’an tayo?”

Sa unang pagkakataon, pinayagan niya ang sarili na makaramdam ng pangamba.

Naging sunud-sunod tuloy ang mga tanong niya.

“Bakit mo ako dinukot? Ano’ng kailangan mo sa akin?”

Hindi tumugon ang lalaking may buhat sa kanya. Patuloy lang ito sa paglakad.

“Ano ba? Sagutin mo ako!” angil ni Alana. She wriggled and twisted her body to get attention.

Ipinadyak pa nga niya sa hangin ang mga paang nakatali.

Still no effect.

Nag-ipon siya ng lakas at pikitmatang isinakyod ang ulo sa ilalim ng dibdib ng lalaki.

But he was like an impenetrable rock. Parang hindi ito tinatablan ng sakit.

Samantalang siya ay napangiwi nang tumama ang bao ng ulo niya sa matigas na buto.

Kaya lalo siyang nanggalaiti sa galit.

“Sumagot ka! Bakit mo ako dinukot? Ano’ng atraso ko sa ‘yo?”

Ngunit parang hangin lang ang kausap niya.

Wala pa ring reaksiyon ang estranghero.

Napilitan siyang huminto nang hingalin siya nang husto.

The thinning air told her that they had been climbing.

“Damn you!” she muttered in exhausted fury. Her strength was spent but not her anger.

“Damn you, damn you, damn you!”

Ang pagmumura niya ay nauwi sa paghagulgol. Hindi na niya napigil ang pag-iyak.

God, she had never been frightened in all her life!

Bakit siya dinukot ng lalaking ito?

Alam na niya ang kasagutan sa tanong na iyon ngunit andap siyang harapin ang katotohanan.

She knew that her parents had the capacity to pay ransom.

Ngunit paano kung hindi lang kidnapper ang tagabihag niya? Paano kung isa rin itong rapist?

At isang killer?

Sinikil niya ang sindak na umaalsa sa kanyang kaibuturan.

Hindi siya dapat matakot. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa.

Makakaligtas pa siya!

‘Don’t be negative, Alana! Think positive! Malulusutan mo ito!’ wika niya sa sarili.

Napuna niyang bumagal ang mga hakbang ng lalaki kaya pinilit niyang huminto sa pag-iyak.

Kahit na malabo sa luha ang kanyang paningin, nakita niyang nasa loob na sila ng isang guwang na tila inuka sa pisngi ng isang higanteng bato.

“Huh! S-saan mo ako dadalhin?” she asked belatedly.

She looked around her with renewed panic.

“A-ano’ng lugar ‘to?”

She was momentarily dazed. Maliwanag ang palibot ng silid.

Singlaki lang ng kuwarto niya sa mansiyon ng mga magulang sa Maynila ang kinaroroonan nila.

They passed the combined living cum dining room. A large sink with a broad clay counter comprised the mini-kitchen.

There was also a tall water container and a wide floor fireplace.

The primitive domesticity gave way to an alcove.

Maliit ang silid na sumunod sa open-planned living area.

Pabagsak siyang inilapag nito sa gitna ng isang mababang kama na yari sa itinumpok na mga damong binungkos at nilatagan ng makapal na kumot na asul.

Tumalbog siya kahit na medyo matigas ang naturang higaan.

Nagkumahog siya sa pagbangon ngunit nakagapos pa rin siya kaya nawalan ng saysay ang pagpupunyagi niya.

Nakahiga pa rin siya nang humakbang palapit ang lalaki.

“Alisin mo ang gapos ko!” utos niya ngunit wala nang tigas ang kanyang tinig.

May bahid na ng himig-nagmamakaawa ang kanyang tono.

And she hated herself for it.

She had never begged for anything.

All her life, everybody had doted on her.

Kahit na spoiled brat kasi siya, meron naman siyang sunny disposition kapag wala siyang sumpong.

Kung babawasan siguro niya ang kanyang katarayan, bakasakaling mapakiusapan niya ang kumidnap sa kanya.

Nakatagilid siya rito dahil ang kanyang mga kamay ay nakatali pa rin sa kanyang likuran.

“Pakialisan mo na ako ng gapos, please?” hiling niya. “Masasakit na ang mga braso ko.”

Wala siyang tinanggap na sagot ngunit naramdaman niyang naupo sa gilid ng kama ang lalaki.

Pamaya-maya nga, kinakalagan na siya nito.

She sighed in relief.

Lumakas ang loob niya sa ginawang iyon ng tagabihag.

There was hope for her plan.

“Salamat,” wika niya habang humaharap sa lalaki.

She stopped abruptly as they faced each other fully.

Paano’y naramdaman na naman niya ang kakatwang epekto ng estranghero sa kanyang sarili.

Electricity-like sensation paralyzed her whole body with shock.

Lumakas ang pagkabog ng dibdib niya.

Naging paragasa ang daloy ng dugo sa mga ugat niya.

Dahilan para maging mainit ang buong katawan niya.

She dragged her eyes away from his hypnotic gaze with difficulty.

Para bang nahihipnotismo siya habang nakatitig sa lalaki.

Dali-dali siyang umatras palayo dito.

Ginamit niya ang mga kamay at brasong namamanhid para makausad siya palayo.

“B-bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?”

Pigil-hininga siyang naghintay sa sasabihin nito.

She had an uncontrollable wish to hear his voice.

The deep-setted eyes narrowed ruthlessly as they flicked a leering glance on her front, while the harsh mouth thinned with barely concealed impatience.

Making her remember about her deshabille state.

Saka lang uli niya naalala ang kawalan ng disenteng kasuotan.

Dali-dali niyang hinawakan ang mga lapels ng roba upang takpan ang kanyang kahubdan.

‘What a beautiful creature!’ bulong ni Leon sa sarili habang pinapanood ang pangingislap ng mga mata ng babae.

‘And she’s got spirit, too,’ dugtong pa niya.

Aaminin niyang humahanga siya sa ipinakikitang tapang ng babae.

There was a challenge in her stormy eyes. And he was itching to take it.

They would surely have a great time, playing ball together. She looked delicious enough to eat.

The creamy skin and the ripeness of red, red lips reminded him of his favorite dessert — fresh strawberry with whipped cream and honey.

THE HOSTAGE HEART-8

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age