Love moves in mysterious ways. Love has enough power to make two people with different personalities fall for each other…
Will their love survive the test of time?
Paulette is so young and so innocent but she’s got a brave heart. Drake leads a dark life and his heart is shrouded with darkness.
They met accidentally but their lives instantly entwined to create into one destiny… Then fate interfered once again. Will their restless paths meet again?
* * *
“Ano’ng klaseng trabaho ba ‘yan, iho? Maya’t maya na lang, umaalis ka. Hindi ka na napirmi dito sa bahay. Hindi ka na nakikita ng mga kapatid mo, a? Pati ng Papa mo. Kaya lang tayo nagkikita, e, dahil nandito lang ako palagi sa bahay. Palibhasa, taong-bahay lang ang papel ko kaya datnan at panawan ninyo na lang dito.”
It was a mild rebuke. Medyo pa-garalgal na ang huling pangungusap.
“Mama, hindi pa ba kayo nasanay sa akin? Ganito na ako kahit nung bata pa ako, a?” Nangatwiran si Drake habang kumukuha ng mga damit sa loob ng aparador.
“Oo nga, iho, pero hindi ka na bata ngayon. Atsaka, hindi mga lugar na mapanganib ang pinupuntahan mo noon.”
“Kahit saang lugar naman ay may panganib, Mama.”
“Oo nga, iho, pero mas gusto ko sanang palagi kang nakikita. Matanda na ako. Palagi akong nag-iisip kung ano na ba ang kalagayan mo sa kinaroroonan mo. Pagbigyan mo na sana ang kahilingan ko, iho. Magpalit ka na ng trabaho,” pagsusumamo ng ina.
“Mama, imposible ‘yang gusto n’yo,” tanggi niya, patuloy pa rin sa pagtitiklop.
“Imposible dahil ayaw mo,” bawi nito. “Itsa-puwera na kasi ang damdamin ng isang katulad kong walang silbi!” dugtong pa, pahikbi na.
Drake disliked tears. Bigla siyang huminto sa paglalagay ng mga damit sa malaking travelling bag. Nilapitan niya ang ina upang aluin.
“Mama, hindi tutoo ‘yan. Mahalagang-mahalaga kayo sa akin. Kayo nina Papa at ng mga kapatid ko. Nagkataon lang na sa malalayong lugar ako napapa-destino,” he explained coaxingly.
Hinagkan pa niya ang kulubot na noo nito bago pinahi ng mga daliri ang mga matang namasa na sa luha.
“Susubukan kong magpa-transfer sa ibang departamento.”
“Bumalik ka na lang kaya sa kumpanya natin? Kailangan ng Papa mo ang iyong suporta doon.”
Pumakla ang ngiti ni Drake. “Katulad ng ginawa kong pagpapabaya sa mga negosyo noong ako pa ang company president?” salo niya. “I had been a rotten leader. Hindi na ako pagkakatiwalaan ng mga tao doon, Mama. Lalo na ni Papa. Muntik ko nang pabagsakin ang kumpanyang itinatag ng pawis at dugo niya.”
“P-pasensiya ka na, anak, pero talagang labis akong nag-aalala sa ‘yo. Pulos mga delikadong lugar ang pinupuntahan mo, a? Parang… parang nagpapakamatay ka na.”
“Mama naman, wala kayong dapat ipag-alala sa akin.” Niyapos niya ito at marahang hinagod ng palad ang likod. “Marunong na akong mag-ingat sa sarili ko. And, of course not, hindi ako nagpapakamatay. Saan n’yo naman nakuha ang ideyang ‘yan?”
“N-nagbago ka na kasi magmula nung magtalusira si Bettina sa ‘yo. Nung hindi siya dumalo sa kasal n’yo, naging pabaya na sa lahat ng bagay. Sa sarili mo, sa kumpanya natin… Hindi mo pa ba nakakalimutan ang taksil na babaeng ‘yon? She doesn’t deserve your love, iho.”
Something hardened inside him upon the mention of his ex-fiancee’s name. “Mama, nakalimutan ko na siya,” he asserted in a reserved manner.
‘Liar!’ shouted a small voice inside his head. ‘Palagi mo pa siyang naiisip. Palagi kang nagtatanong kung bakit ipinagpalit ka sa isang lampa at uhuging flight steward!’
Mahirap kalimutan ang isang relasyon na katulad ng sa kanila ni Bettina. There were so many things to remind him of her. Lalupa’t napakaraming bagay na tagapagpaalala.
His engagement with Bettina Forbes had been a fairy tale came true. He had been constantly making the news through his bold and daring business strategies. While she was a famous socialite who had been a permanent darling of the press through her successful charity projects.
Kinilala ng mga kapwa negosyante ang katapangan at katatagan niya sa pagsisimula ng mga bagong paraan sa pagnenegosyo. Biglang sikat ang kanyang pangalan kahit bagito pa. Samantalang si Bettina Forbes ay isang anak-mayaman na walang pinagkakaabalahan kundi ang mag-promote ng mga charity organizations.
The romance between a business tycoon and a former beauty queen was sensational. Their affair titillated the public’s imagination. Every detail of their wedding plans was published.
The who and what of the wedding dress’ designer and textile material.
The names of the major and minor sponsors.
The bestman and the maid of honor.
The guests lists.
The wedding gifts.
The church.
The priest.
The reception venues.
The honeymoon plans.
The kinds of houses for them.
The number of children they want.
Even the pets they will have.
Naging kontrobersiyal ang kanilang pagliligawan dahil pareho silang paborito ng mga reporters. Masugid na binantayan at sinubaybayan ng publiko ang kanilang romansa. Lahat ng mga detalye tungkol sa kanilang pagpapakasal ay naisusulat. Naging tampulan ng mga ispekulasyon ang gagawa at ang materyal ng traje de boda…
At ultimo ang mga hayop na aalagaan nila!
The elopement of his bride with a nobody — on their wedding day — was naturally the biggest scandal of the century.
Ang pagtatanan ng kanyang nobya sa isang lalaking walang nakakakilala ay lumikha ng isang napakalaking eskandalo. Iyon na ang naging pinakamasangsang na tsismis sa buong siglo.
It had been the talk of the town for the longest time. Halos isang taon ang lumipas bago nagsawa ang mga makakating dila sa pag-uusap ng tungkol sa kanila ni Bettina.
At kaya lang marahil naglaho ang isyu tungkol sa kanila ay dahil nanatili na silang nakatago sa kani-kanilang lungga.
Wala na siyang balita tungkol sa dating nobya, matapos ang maikling apology note nito mula sa Las Vegas. Ni hindi siya binigyan ng paliwanag kung bakit inayawan.
Si Drake naman ay naging palaboy at basagulero sa iba’t ibang bahagi ng Maynila. He became belligerent and hostile to everyone. Palagi siyang naghahanap ng mapapagbuntunan ng sakit at galit na nararamdaman niya.
Sa loob ng tatlong buwan, ang pag-asenso ng kumpanyang pinaghirapan niya ng ilang taon ay matuling dumausdos pababa. He did not care anymore. Malaki-laki na ang mga naging damages, nang bawiin sa kanya ang pamamalakad ng kumpanya. His father took over the presidency again. Tumulong na rin ang iba pang mga kapatid.
His old self reasserted after that. Noon na nagbalik ang dating siya — isang lagalag.
He never stayed for long in one place.
He was footloose, adventurous.
Palaging makati ang mga paa niya. Hindi tumatagal sa iisang lugar.
Lingid sa kaalaman ng pamilya, ang talagang trabaho ni Drake ay isang deep penetration agent para sa militar. Ngunit nagpapanggap na isang adventurous mountain-climber.
He lived like a tramp. Ang kanyang pamumuhay ay payak. Nakatira siya sa isang tent, na itinatayo kung saan abutin ng gabi. Lakad nang lakad kahit saan. Inilalagay ang sarili sa lahat ng uri ng panganib sa loob ng masukal na kagubatan.
He did not give a damn to anything anymore. Wala na siyang pakialam sa anumang bagay. He did not think nor feel. Hindi na siya gaanong nag-iisip. Hindi na gaanong importante ang mga damdamin.
“Talaga bang nakalimutan mo na siya, anak?” Ang boses ng kanyang ina ang nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Drake.
Once again, he lied. “Wala na siyang puwang sa buhay ko ngayon, Mama,” tugon niya.
“Kailan ka babalik sa normal na buhay, anak?”
“Normal na ang buhay ko, Mama,” he stated seriously.
“Normal ba ‘yang wala kang permanenteng tirahan? Walang direksiyon ang pupuntahan?” His mother queried insistently.
“Pabayaan n’yo na lang muna ako, Mama. Bumubuwelo pa ako. Marami pang dapat ayusin.”
“Kung talagang nakalimutan mo na ang nakaraan, bakit hindi ka pa bumalik dito at magsimula uli ng isang panibagong kasalukuyan?” It was an astute observation and a challenge.
“Katulad nga ng sabi ko, Mama, marami pang dapat ayusin. Hindi ako basta-basta makakabalik dito. Bago pa lang ako sa trabaho ko. Hindi pa ako puwedeng mag-demand ng mga privileges.” It was a hollow explanation, designed only to divert.
But the older woman would not be easily distracted this time. “Ni hindi ko nga alam kung ano’ng pangalan ng kumpanyang pinapasukan mo, e,” patuloy nito. “Malay ko ba kung ano’ng klaseng trabaho ‘yang ginagawa mo?”
Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Drake kahit natumbok na ng ina ang totoo. “I’ll be back soon, Mama,” pangako niya, kahit wala namang balak na bumalik. “Naghihintay lang ako ng tamang timing.”
“Tutoo na ba ‘yan, anak?” His mother eyed him hopefully. Nakarehistro ang lahat ng pagmamahal at pag-aalala nito para sa kanya.
Nakakaantig.
Drake disliked the tugging effect on his heart. Ayaw niyang masaling ang kanyang damdamin. He had frozen all his emotions deliberately. Ayaw niyang makaramdam ng anumang emosyon. It was the only defense mechanism he had. Wala na siyang depensa kundi ang maging malamig at mapag-isa.
Muli niyang hinagkan ang noo ng magulang, kahit taliwas sa pansariling depensa.
“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Mama,” sambit niya.
“Bakit hindi ka maghanap ng ibang babaeng mamahalin mo at magmamahal sa ‘yo?”
“Wala na akong interes, Mama,” he replied aloofly.
“Alam kong babae ang naging dahilan ng mga problema mo, anak,” his mother continued valiantly. “Pero hindi naman siguro tamang magalit ka sa lahat ng mga babae.”
“Hindi ako nagagalit sa ‘yo at sa mga kapatid ko, Mama,” he pointed out coolly.
“Kadugo mo kami,” salo ng ina. “Subukan mo namang magkaroon ng bagong relasyon sa ibang babae.”
DRAKE’S mind and heart hated the female population but his body had biological needs that only them could appease.
Maraming babae na ang napaugnay sa kanya, buhat ng magkahiwalay sila ni Bettina. He had bedded so many women. Hindi na niya matandaan kung ilan na ang naikama niya. Basta na lang siya kumukuha ng kung sinu-sinong babae na papayag na pawiin ang pisikal na pangangailangan niya.
Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig ngayon. Ang pag-ibig ay isang pagnanasa na lang. Isang pagkauhaw na lamang na puwedeng maglaho agad sa pamamagitan ng isang gabing pagsisiping.
“Pipilitin ko, Mama,” he capitulated to curtail the argument. “Sa ngayon, kailangan ko na uling umalis.”
“Ngayon na mismo? Pero, teka–hindi mo man lang ba hihintaying makauwi ang Papa at mga kapatid mo?”
“Mama, hindi ko iskedyul ng pag-uwi ngayon. Nakisabay lang ako sa sasakyan ng iba.”
Ang tutoo ay nag-hitchhike siya para makauwi. Iyon lang ang tanging paraan upang walang makabuntot sa kanya. Hindi kasi imposibleng may nagmamanman din sa kanya.
He was gambling with danger, putting his own life at stake. Nakikipagsugal siya sa panganib, at ang kanyang buhay ang nakataya.
Ang pag-uwi niyang iyon ay isang paraan din ng paalam. Ang mga susunod na operasyon ay magiging mas mapanganib pa. Malamang na mas maging madalang pa ang pag-uwi niya.
Tila nakutuban na naman ng ina ang tutoo.
“Iho, kailan ka uli uuwi?” usisa nito habang sinusundan siya sa paglabas.
“Hindi ko alam, Mama,” tugon niya. “Pero baka matagalan.” He was forced to tell a half-truth.
“Tatawag ka palagi, ha?”
“I’ll try, Mama.”
Nangilid na naman ang luha sa mga mata ng ina. “Mag-iingat kang mabuti, iho.”
“Oo, Mama. Bye.” Tumalikod agad siya upang huwag masaksihan ang pag-iyak ng magulang.
“PAULETTE, ‘wag ka nang tumuloy sa pag-alis dito. ‘Wag ka nang pumunta sa Sitio Beinte-Kuwatro. Nakakatakot d’on. Maraming panganib ang naglipana d’on ngayon.”
“Kaya nga mas dapat akong pumunta d’on. Kailangang sundan ko si Papa.”
“Pero mahigpit ang habilin niyang ‘wag kang aalis dito kahit na anong mangyari, hindi ba? Magagalit ‘yon kapag sumuway ka.”
“Jean, mahigit sampung buwan nang wala kaming komunikasyon ni Papa. Hindi puwedeng manahimik na lang ako.”
“Lalong hindi ka puwedeng sumunod doon. Napakadelikado ng lugar na ‘yon. Babae ka pa naman. Bata pa — at maganda pa!”
“Kahit na, Jean. Nakahanda akong tanggapin kung anuman ang kapalarang naghihintay sa akin!” It was a statement full of blind determination.
“Paulette, huminahon ka naman. Dumito ka lang. ‘Yan ang utos ni Tito Paul. P’ano kung biglang dumating ‘yon? Ano’ng sasabihin ko ‘pag hinanap ka?”
Ganito ang palaging sinasabi ni Jean, kaya halos wala nang epekto sa kay Paulette. Bahagya na lang dinunggol ng pangamba ang dibdib.
Mas malakas kasi ang mga dagundong ng sindak at takot sa buong isipan niya. Her father had been gone for ten long – silent — months! The silence was very unusual. Sanay siyang may natatanggap na komunikasyon sa kahit na anong paraan.
Bilang isang missionary, ang kanyang ama ay palaging nagpupunta sa kungsaan-saang liblib na baryo. Nung buhay pa ang kanyang ina, palagi silang kasama. Dalagita na siya nung pumanaw sa sakit na malarya si Leticia Cordova, kaya hindi na siya isinasama. Inihahabilin na lamang siya sa mga kamag-anak ng nasirang ina.
Paul Cordova was a Mexican missionary. He never left the Philippines because he fell in love with Leticia.
At dahil ulilang-lubos na, hindi na inilayo ng butihing misyonaryo ang asawa’t anak sa mga kaanak nitong pawang taal na taga-Davao Oriental. Tinanggap rin nang buong puso ang kulturang Pilipino kaya matatas sa iba’t ibang diyalekto ng bahaging iyon ng Pilipinas.
“Oh, Jean! Mamamatay na ako sa sobrang pag-aalala sa Papa ko. ‘Wag mo na akong pigilan. Hindi na talaga kita pakikinggan. Mahal na mahal ko si Papa. Hindi ko na kayang maghintay!” Matatag ang tono niya pero nangingilid ang luha sa mga mata. “Aalis ako bukas — kahit tutol ka at sina Tita Juana.”
“Talagang hindi ka nila papayagan, Paulette. Inihabilin ka ni Tita Letty sa amin. Wala kaming mukhang ihaharap kung may mangyaring masama sa ‘yo.”
Hindi na kumibo si Paulette. Para sa kanya, tapos na ang pagpapaalam niya.
‘I will go!’ ang mariing bulong niya sa sarili.
IT was still dark the next morning when Paulette fleed from the safetiness of her aunt’s home. Alas dos na ng madaling araw nung mahimbing na ang lahat. Balisa ang lahat ng mga kamag-anak dahil sa banta niyang pag-alis.
Itinago ng mga ito ang lahat ng mga gamit niya. Maging ang pera at mga alahas niya.
Kalmado lang si Paulette. Ang tutoo ay nakahanda na siya. She was expecting these to happen. Matagal nang nakaimpake ang mga dadalhin niya dahil matagal na niyang plano ang pagsunod sa ama. Unti-unti niyang inumit ang mga damit at inipon sa isang waterproof knapsack. Hindi rin niya ginastos ang mga allowance.
Stealthily, she crept towards the back gate. Kabisado na niya ang daan patungo sa likod-bahay pero pagapang pa rin siyang tumakas. Ingat na ingat siya. Ayaw niyang magkamali. Nakatago sa ilalim ng makapal na climbing ivy ang kanyang knapsack. Madaling natagpuan ng kamay na ipinangkapa niya.
“Bingo!” She grinned gleefully. Nautakan niya ang mga kamag-anak na mistulang mga warden sa kulungan!
Bitbit ang bag, maliksi niyang inakyat ang tarangkahang bakal. Pagtalon sa kabilang panig, kumaripas na siya agad ng takbo. Sa malayo na niya isinukbit nang maayos ang bag.
She was giggling like a mad thing. Hinihingal na siya sa katatawa pero hindi niya mapigil ang katuwaang nadarama. She was free, at last! Ngayon lang siya naging malaya uli.
Her kins were good and genuinely concerned but they were also over-protective. Sa loob ng maraming taon, nagpasakop siya sa mabait pero mahigpit na pag-aaruga ng mga kaanak. She had grown up in a very sheltered surrounding but her spirit did not remain docile.
Ngayong nakalabas na siya mula sa kulungang likha ng pagmamahal, para siyang kabayong pangarera na nakakawala sa kural!
Tumakbo siya nang tumakbo. Nakahandang magpakalayu-layo agad.
She was forced to slow down when the conrete road ran out. Napilitan siyang bumagal nang maubos na ang aspaltadong kalsada.
Pumapasok na siya sa bukana ng masukal na kagubatan. At hindi pa sumisikat ang araw.
She trudged along the rough and rocky road. Nakayuko siya para aninagin ang mabato at baku-bakong daan. She ignored the cold wind that blew at her perspiring face blisteringly. Inignora niya ang pagmimistulang yelo ng balat dahil sa malamig na hanging humahampas sa pawisang mukha niya.
She remained deaf to her rambling stomach. Nagbingi-bingihan siya sa pagkalam ng sikmura. She did not pay attention to her thirst.
Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang napapagtanto ang mga mumunting pagkakamali.
Dapat pala, hindi pera at damit lang ang mga ibinaon niya. Dapat ay nagdala rin siya ng tubig at pagkain. Kahit isang maliit na penlight ay hindi rin niya naalalang magbitbit.
Gayunman, hindi pa rin siya huminto sa paglakad. Lumantad na ang kalahating mukha ng buwan sa itim na kalangitan. Naaninag na niya ang makakapal na mga punongkahoy sa magkabilang panig ng maputik na daan.
“Papa, nandiyan na ako,” she whispered to herself. Trying to soothe the sadness that assailed her. Nagsalita siya nang biglang makaramdam ng matinding lungkot. Inalo niya ang sarili.
The ice in the air had a drastic effect on her wakefulness. Nagdudulot ng matinding pagkaantok ang nagyeyelong ihip ng hangin. Her limbs were getting heavy. Her eyes could not remain open. Her movements became lethargic.
Her young body was demanding its rest. Hindi na niya kayang kontrolin ang katawang iginugupo na ng puyat. The many sleepless nights she’d spent due to so much concern for her missing father were exacting instant payment now.
“Saan ba ako matutulog?” tanong niya habang naghihikab. Namumungay na nang husto ang kanyang mga mata. Halos tulog na siya. Pupungas-pungas na habang mabagal na naglalakad.
“H-hindi ko na talaga kaya…” Liyung-liyo na siya dahil sa matinding pangangailangan ng pahinga. Hindi na niya namalayang sumusuray na siya. At unti-unti nang nakakatulog kahit nakatayo pa.
Nahihimbing na siya bago pa palugmok na bumagsak ang katawan sa lupa.
NANG muling magkamalay si Paulette, may umaalog sa ulo at balikat niya.
She gave a startled scream when she discovered that the world had turned upside down. The ground was beneath her head!
Napasigaw siya nang magulat sa nakita. Ang mundo ay nabaligtad na dahil ang lupa ay napapunta na sa kanyang ulunan!
She looked around wildly. Naghanap ng paliwanag ang tulirong utak.
She noticed a small rectangle with a familiar word: ‘Levi’s’. Nakadikit iyon sa waistband ng isang jeans. Napuna na rin niya ang kulay tsokolateng kamiseta na nakadikit sa pawisang likod na katapat mismo ng mukha niya.
Saka lang napagtanto ni Paulette ang kinaroroonan. Nakasampay siya sa balikat ng isang maskulado at matangkad na lalaki!
Her nausea intensified with the shocking realization. Kaya pala naliliyo siya. Kaya pala nayuyugyog ang pakiramdam niya.
“I-ibaba mo ako — !” she requested breathlessly.
A short squeal escaped her throat once again when the world started rolling before her very eyes. Muli siyang napasigaw nang umikot ang mundo habang nakatingin siya. Pumikit siya nang mariin upang mapigil ang pagkaliyo.
With a thud, she was lying on her back. The ground was rough against her body and the sky above was cottony blue. Sa isang iglap, nakatihaya na siya sa matigas na lupa. Nanghapdi ang kanyang mga mata dahil lubhang nakakasilaw ang kaputian ng mga ulap sa asul na langit kaya muling napapikit.
“Bangon,” commanded a hard masculine voice.