Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

THE LADY BELL RINGER

Natasha inherited her father’s job as the bell ringer in church. She was resigned to remain in her bell tower forever alone.

One night, Roman suddenly appeared with news about her mother still alive. Was he the prince charming for her?

Hindi makapaniwala si Natasha nang matuklasang buhay pa ang tunay na ina – at siya pala ay nag-iisang tagapagmana ng malaking kayamanan.

Hindi rin pala siya dapat naniwala nang yayaing magpakasal ng isang makisig na binata ang isang dalagang kampanera na katulad niya…

Ngunit naging bingi siya sa mga paalala at babala ng kanyang utak.

Paano kung itinakda pala siyang mabuhay na mag-isa?

* * *

Madilim ang gabi. Pamaya-maya pa, napunit ng mga panaghoy ang katahimikan ng karimlan.

“Itay! Itay ko! Bakit n’yo ako iniwan, Itay?” cried a grieving female voice.

“Natasha, kalamayin mo ang iyong loob,” pang-aalo ng matandang pari sa kanya. “Nagpapahinga na ang iyong ama. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Nardo.” Nag-antanda ito sa sarili bago inantandaan ang bangkay ng katiwala ng simbahan.

Pinigil ni Natasha ang kanyang sarili. She must be strong now that she was alone in this world. Wala na ang kanyang ama. Ano na ang mangyayari sa kanya?

Tila nahulaan ng butihing pari ang kanyang iniisip. “Huwag kang mag-alala, iha. Hindi ka paaalisin sa bakuran ng simbahan. Ikaw pa rin ang nakatira sa tahanang ito,” pahayag nito. “At kung ibig mo, ikaw na ang magiging opisyal na katiwala dito.”

Nag-angat ng luhaang mukha ang dalaga. “Oh, salamat po, Padre! Napakalaki na ng utang na loob namin sa inyo!”

“Huwag mong intindihin ang mga utang na loob. Sobra-sobra ang pagiging masipag ninyong mag-ama sa paggampan ng mga tungkulin ninyo dito sa ating simbahan, anak.”

Suminghut-singhot si Natasha. Nakontrol na niya ang kanyang sarili. Napahinto na niya ang kanyang pag-iyak. Pinaaandar na niya ang kanyang utak.

“K-kailangan po ni Itay ng kabaong, Padre. Ihahanda ko na po,” wika niya habang tumitindig. Pinunasan niya ng mga daliri niya ang kanyang mukha at mga mata.

“Ipapatawag ko si Simon, ang karpintero diyan sa labasan. Para maigawa si Nardo ng kanyang himlayan,” tugon ng pari.

Umiling ang dalaga. Pilit ang ngiting nasa mga labi.

“Ako na po ang bahala, Padre. Inaasahan na po ni Itay na darating siya sa ganito kaya naglaan na siya para sa sarili niya.”

Lumapit siya sa pahabang kahon na nasa isang sulok. Inalis niya ang mga laman niyon matapos buksan.

“Matagal na po niyang ginawa ito. Para daw hindi na makaabala sa iba kapag nawala na siya,” dugtong niya habang hinihila palapit sa pinto ang kahon.

Napailing-iling na lamang ang pari. “Talagang kahanga-hanga ang pagiging masinop ng iyong ama,” sambit nito. “Hanggang sa huling sandali, hindi siya umasa sa iba.”

“Sige na po, Padre. Magpahinga na po muna kayo. Mayroon pa po kayong misa bukas nang umaga. Ako na po ang bahala dito,” pagtataboy niya rito. “Alam ko na po ang aking gagawin.”

“Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang tulong?”

“Opo, Padre. Bibihisan ko lang po si Itay. Mamayang umaga ko na lang po siya ililipat sa kabaong.”

“You’re so independent, iha. Nagmana ka sa iyong ama. Natutuwa ako at humahanga rin sa iyo.” Tumayo ito mula sa kinauupuang silya na katabi ng papag.

“Buweno, magpapaalam na ako. Ipapahinga ko lamang ang aking mga mata. Kung may biglang pangangailangan ka, tawagin mo lang ako, ha?”

Tumango ang dalaga. Inihatid niya ang matandang pari hanggang sa labas ng munting kubo nilang mag-ama.

Nang mapag-isa si Natasha, sinimulan na niya ang mga dapat niyang gawin. Inuna niyang pinturahan ang kabaong. Isang coating lang dahil kaunti lang ang tira-tirang pintura sa lata.

Nang matapos iyon, nag-init siya ng tubig upang punuin ang malaking termos. Inihanda niya ang mga tasa, baso at kutsara. inilabas niya ang mga garapon ng asukal at kape, pati ang isang malaking lata ng biskwit.

Malakas-lakas pa ang kanyang ama nang bilhin ang mga ito. Matagal na palang may pamulaw ang matandang lalaki sa nalalapit na kamatayan.

Nang wala na siyang maisip na gawin, saka lang siya lumapit uli sa kanyang ama na para bang natutulog lang.

“Itay, nasabi ko po bang mahal na mahal ko kayo? Sana magkita na kayo ni Inay. Para naman magkasama na kayong dalawa. Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko rin siya kahit na hindi ko pa siya nakita, ha?” bulong niya habang hinahaplos ang malamig na kamay ng magulang.

Minasdan na rin niya ang mukhang pinahumpak ng sakit na kanser sa bituka upang memoryahin. There were pictures but they were not as vivid as the brain’s memory.

For a few minutes, she let herself cry. Ngayon lang niya hahayaan ang sarili na magpatangay sa kanyang mga emosyon.

Nang marinig niya ang unang pagtilaok ng manok, saka lang siya uli kumilos. Kinuha niya ang bimpo na ibinabad sa mainit na tubig. Hinilamusan niya ang mukha ng ama bago binihisan ng barong tagalog na naninilaw na sa kalumaan.

“Pasensiya na kayo, Itay. Medyo amoy aparador ang isusuot n’yo. Hindi bale, siguradong hindi naman mapapansin ni Inay ito, e. Makita lang kayo ay tiyak na matutuwa na ‘yon.”

Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang tono habang nagsasalita. Para sa kanya, tapos na ang panahon ng pagluha.

“Huwag n’yo po akong aalalahanin, Itay. Kaya ko na ang sarili ko,” dugtong niya habang sinusuklay ang puting buhok ng ama.

Tinantiya muna niya ang distansiya ng pinto at ng makitid na papag bago pinangko ng mga bisig ang yayat na katawan ng bangkay.

She was not afraid to do hard jobs around the church kaya naging malakas ang kanyang pangangatawan. And being tall helped a lot also.

Mas matangkad si Natasha kaysa sa tipikal na Pilipina. Kaya hindi gaanong madali ang pagtantiya sa tunay na edad niya, which was twenty.

Isa pa, nangayayat nang husto si Mang Nardo magmula nang bumagsak ang kalusugan nito. Halos simbigat lamang ito ng isang batang paslit sa pakiramdam niya.

Hindi naging mahirap para sa kanya ang buhatin ito patungo sa kabaong na ipinatong niya sa dalawang mahabang bangko sa harapan ng kubo.

Tapos na ang pang-araw-araw na misa tuwing umaga. Naibalita na ni Padre Juanito sa mga taongbayan. Nagsimulang dumating ang mga nakikiramay nang dakong alas otso na.

Isa’t isa ay may mga bitbit na kung anumang maibibigay para makatulong sa kanya.

Tinanggap niya nang malugod ang mga iyon kasabay ng mga salita ng pasasalamat.

“Maraming salamat po, Aling Pacing. Hindi na po sana kayo nag-abala nang husto. Baka sumumpong pa po ang inyong rayuma,” wika niya sa matandang babae na nag-abala pang magluto ng kalamay na biko.

“Walang anuman iyan, Tasha. Alam mo namang naging mabuting magkaibigan kami ng iyong ama. Pabaon ko iyan sa kanya. Tanggapin mo na rin pati ito, anak.” Isinuksok nito ang isang sobreng puti sa bulsa ng suot niyang blusa. “Pandagdag sa mga gagastusin sa libing. Kailan nga pala ang libing?”

“B-bukas po ng hapon. Maraming salamat po uli. Sobra-sobra na po ito.” Muntik nang gumaralgal uli ang kanyang tinig. Mabuti na lang may mga dumating pang ibang kapitbahay.

Walang hinto ang pagdating ng mga tao. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na mag-isip o mamighati.

Hindi naging malungkot ang unang gabi ni Natasha na wala ang kanyang ama. Dinamayan siya ng mga kapitbahay.

Kinabukasan, nag-alay ng misa si Padre Juanito para sa dating katiwala bago ihatid sa huling hantungan. Halos ang lahat ng mga tao sa bayan ng San Sebastian ay nakipaglibing kay Mang Nardo Jacinto. Kaya napuno nang husto ang simbahan. Para bang mayroong misa-de-gallo!

Kahit paano, naibsan ang lumbay ni Natasha dahil sa ipinakitang pakikiramay at pakikiisa ng mga kababayan sa kanyang ama.

It was the last time that she would see a churchful of people. For she was to be the next bell ringer of this town…

Three years later…

Si Natasha pa din ang kampanera ng bayan ng San Sebastian.

Aywan kung bakit walang magnais na pumalit sa kanya gayong napakarami namang lalaki ang entusiyastiko sa pagbibigay ng serbisyo para sa simbahan — huwag nga lang sa kampanaryo.

Kaya nga natengga na ang pobreng dalaga sa mataas na tore ng mga batingaw. Nabansagan na nga siyang ‘Tashang Kampanera’ ng mga taongbayan, kahit na ang tunay na posisyon ay bilang katiwala lamang.

Nangangamba na tuloy siya na baka doon na siya tumanda at mamatay, katulad ng kanyang ama…

Sa loob ng tatlong taon na nagdaan, ilang daang kasalan na ba ang naganap sa simbahang iyon na hindi man lang niya nasaksihan?

Halos lahat ng mga kababata niya ay ikinasal na ngunit ni hindi siya naimbitahan bilang abay kahit na minsan. Palagi na lang bilang tagatugtog ng mga kampana.

Dahil ibig daw ng mga ito na maging masaya at masigla ang mga ingay na umaalingawngaw habang ibinabalita sa lahat ang maligayang pag-iisandibdib ng mga pusong nag-iibigan.

“Hay…” buntonghininga ni Natasha sa kanyang sarili habang nakatanaw sa mga ibong nagliliparan sa kalangitan. “Kailan naman kaya ako makakatagpo ng isang lalaking iibig sa akin at mag-aaya sa aking magpakasal?”

Nangangarap siya na balang araw ay mayroong isang prinsipe na aakyat sa kanyang tore. Iyung katulad ng nabasa niyang lumang kuwento noong bata pa siya, iyong istorya ni Rapunzel.

Kaya nga marahil nagpahaba siya ng buhok kahit na napakahirap imintini.

Her long hair was hard to maintain. She had to dry it properly before braiding it. Para hindi sumakit ang ulo niya habang nagtatrabaho sa maghapon. Magastos pa sa shampoo. Pati sa tubig. Limang balde ang kailangan niyang igibin bago siya makaligo.

But she could not bear to have it cut. Dahil iyon ang nagsisilbing simbolo ng kanyang lihim na mga pangarap…

Narinig niya ang pagtunog ng munting kampanilya. Inihuhudyat na ng sakristan ng pari na kailangan na niyang patunugin ang mga kampana.

Umalis si Natasha sa kanyang pagkakatalungko sa batong pasamano ng kuwadradong bintana ng tore upang gampanan na ang kanyang tungkulin.

Magmula pagkabata, napapanood na niya ang kanyang ama kaya nakuha niya ang istilo at technique nito sa pagpapakilos ng malalaking batingaw. Pati ang eksaktong puwersa ng paghila sa mga lubid upang maging pino at matining ang mga tunog na lilikhain.

Kapag araw ng Linggo, hindi na siya bumababa ng kampanaryo. Masyadong matarik ang mga hagdan na makikitid. Wala ring kuwenta ang pagpapahinga sa ibaba kung aakyat din naman siya sa dakong hapon.

Kaya nagbabaon na siya ng pagkain at bihisang damit, pati banig at unan upang may mahigaan sa tanghali.

Makakababa lang siya uli doon kapag tapos na ang pinakahuling misa. Dakong alas siyete y medya na ng gabi iyon.

Nagsisimula nang mabagot si Natasha sa kanyang buhay. She was too young to spend her life in solitude. Ngunit wala naman siyang mapupuntahan.

Marahil ang isa pang nagdudulot ng malalim na lungkot sa kanyang kabuuan ay ang pagkawala ng butihing pari na si Padre Juanito. Pumanaw na ito nung isang buwan lang.

At ang pumalit na kura paroko ay masyadong bata ang edad.

May mga pumupuna na nga sa kanyang pagtira sa bakuran ng simbahan. She was being viewed on as a temptation to the new priest, being a single and young woman.

Wala raw kaso nuong si Padre Juanito pa dahil ubod na nang tanda ito. Ibang usapan na raw si Padre Benny.

Kaya nag-iisip na si Natasha kung saan naman siya pupunta. Samantalang ang buong buhay niya ay ginugol na niya sa paglilingkod sa simbahan.

She had been racking her brain for ideas on where she would go from here every night since Father Juanito was buried. Natapos siya ng highschool — as valedictorian — pero hindi na nagtuloy sa kolehiyo dahil nagsimula nang manghina ang kanyang ama.

Pero dahil palabasa siya ng mga librong nahihiram mula sa library ng simbahan, hindi natulog ang utak niya. Nadagdagan pa ang mga kaalaman niya kahit na hindi na siya nakapagpatuloy sa pag-aaral.

She turned to a ‘Jane of all trades but a mistress of none’ habang ginagampanan niya ang mga samutsaring tungkulin ng isang katiwala.

Puwede siyang maging labandera, at puwede rin naman siyang mananahi. Kapag hindi naaasikaso ng mga manang sa simbahan ang paglalaba at ang pananahi ng mga kasuotan ng mga santo, siya ang gumagawa.

Napa-buntonghininga si Natasha. Sino naman kaya ang magiging kustomer niya?

Karamihan ng mga babae sa bayang ito ay marunong manahi. At lalong marunong maglaba. Masyadong mahirap ang pamumuhay dito para magkaroon ng pambayad sa mga serbisyong iaalok niya.

Diyos ko, paano na ako ngayon? usal niya sa sarili habang nagliligpit ng mga gamit sa palibot ng bilugang ispasyo ng kampanaryo.

Ngayon malapit na niyang maiwan ang lugar na kinababagutan, parang bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan.

Mayroon siyang ipon pero mauubos iyon agad kung hindi siya magkakaroon ng matatag na hanapbuhay.

Nasa ganitong estado ang kanyang pag-iisip nang may tumawag sa kanyang bansag.

“Tashang Kampanera?” tawag ng isang tinig-lalaki na hindi pamilyar. It had a deep timbre and a foreign accent. Kaiba sa punto ng mga tagaroon.

Luminga si Natasha sa direksiyong pinanggalingan ng boses. Hindi niya ito kilala.

“Sino po sila?” tanong niya habang sinisipat ang lalaking matangkad at may matipunong pangangatawan.

Humakbang palapit sa kanya ang tinanong. Hindi ito sumagot. Sinipat din siyang maigi.

“Ikaw si Natasha Jacinto, anak ni Bernardo Jacinto?” tanong nito uli, parang naniniguro.

Tumango ang dalaga. She was suddenly curious. Bakit kilala nito ang kanyang nasirang ama?

A semblance of a smile curved his hard mouth.

“I’m glad I found you at last, little sister,” wika nito matapos ang mabigat na katahimikan.

“You don’t look like our mother,” dagdag pa, enigmatiko ang tono.

“L-little sister — ?” she gasped in shock. Nanlalaki ang mga mata niya habang muling tinititigan ang kaharap. “K-kapatid kita?”

The man was tall, with dark complexion and an austere expression.

His eyes were deep-setted and enigmatic. His lips had a firm upper lip with a full underlip that conveyed a hidden sensuality. His nose, high-cheeked bones and high brow imparted an aristocratic bloodline.

May halo na ang dugong Pilipino nito.

Parang katulad niya…

Hindi gaanong matangos ang ilong ni Natasha ngunit pino naman ang hubog nito kahit na maikli lang. Mataas din ang mga pisngi at hindi gaanong mabuto ang kanyang mga panga.

Her lips were generously shaped, and both her chin and forehead were rounded.

Her almond-shaped eyes had light brown color that looked like a lion’s.

Pati ang kanyang buhok ay tila mayroong mga hiblang pula kapag tinatamaan ng sinag ng araw.

“Oo, magkapatid tayo,” wika ng estranghero matapos tumikhim.

Tumingin ito sa paligid ng maluwang at madilim nang paligid ng simbahan.

“Dito ka raw nakatira?” tanong nito, habang tila may hinahanap ang mga mata.

Natasha nodded numbly. “D-diyan sa may bandang likuran ang kubo ko.”

“Puwede bang doon na tayo mag-usap? Importante ang sasabihin ko. Kailangan natin ng pribadong lugar.”

Nagpauna siya sa paglakad. “Dito ang daan,” sambit niya. Halata ang pagkabigla sa kanyang tinig na nanginginig.

“Napakasulok naman pala ng lugar na pinagkublihan sa ‘yo ni Mang Nardo. Napakahirap hanapin,” sambit nito habang naglalakad sila.

Hindi umimik ang dalaga. Sumulyap lang siya dito. Panakaw sana ngunit nakatingin din pala sa kanya ang lalaki.

“Alam mo bang matagal na kayong ipinahahanap ni Mama?”

“Tuloy ka,” imbita ni Natasha habang itinutulak pabukas ang dahon ng pinto na yari sa sawali.

Sinadya niyang huwag tugunin ang lalaki. Hindi pa gumagana ang kanyang utak na naparalisa sa sobrang pagkabigla.

“Maupo ka.”

Sa unang pagkakataon, nakita niya nang malinaw ang miserableng kabuuan ng munting dampang tirahan.

She could already imagine his distaste as he looked around for a chair to sit on.

“Magtitimpla ako ng kape,” wika niya habang tuluy-tuloy sa paminggalan na isang kapirasong bahagi lang ng kabahayan.

Nagsalin siya ng mainit na tubig na mula sa termos sa dalawang baso at tinimplahan ang mga iyon ng asukal na pula at pulbos na kape.

“Salamat,” wika ng lalaki habang tinatanggap ang basong malinaw.

Though he was looking at it with repugnance. Halatang hindi sanay uminom ng kapeng bigas at maligamgam.

Natasha cupped her glass with cold palms as she sipped the lukewarm liquid.

Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang hindi nito magugustuhan ang kanyang tinimpla. Isinangag niya ang hilaw na mga butil ng bigas hanggang sa masunog at ipinagiling iyon nang pino.

“Maaari ko bang makita ang mga katibayan mo na tutoong magkapatid nga tayo, uhm — hindi ko pa alam ang pangalan mo,” pahayag niya nang maubos nang ilang lagukan ang kanyang inumin. Nag-angat siya ng mga mata.

Nakatitig sa kanyang mukha ang lalaki. Nakaupo ito sa nag-iisang silya. Siya naman ay nakatindig habang nakasandig ang balakang sa pasamano ng bintana ng kusina.

“Of course,” sambit nito habang hinuhugot sa bulsa ng suot na black leather jacket ang isang mahabang sobre na kulay brown.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala si Natasha sa kanyang mga nabasa. Nandoon ang mga pangalan ng kanyang ama at ina!

“Ama — Bernardo Jacinto. Ina — Nastasia Mendez,” sambit ng lalaki. Ang sumunod na iniabot nito ay ang isang I.D. card. “Ako naman si Roman Vienreza.”

Binasa rin ng dalaga ang naturang identipikasyon. Nakita niya ang birthdate ng lalaki doon at mabilis niyang kinarkula ang edad nito. Thirty-one years old.

“Pitong taon lang ako nang magkaroon ng relasyon ang iyong ama at ang ating ina,” pahayag nito. Malinaw na nasusundan ang direksiyong tinatakbo ng isip niya. “Idadagdag ko na rin na buhay pa ang aking ama noon.”

Tumalikod si Natasha dahil hindi niya matagalan ang pagkapahiyang nadarama.

Bunga lamang siya ng isang pag-iibigan na makasalanan?

Hindi siya makapaniwalang nagawang makiapid ang mabait at maka-Diyos na si Bernardo Jacinto, ang kanyang pinakamamahal na Itay.

“N-nagkakamali kayo, ginoo,” wika niya kapagkuwan. Pigil ang kanyang tono.

“Hindi ako ang taong hinahanap mo. Patay na ang aking mga magulang. Nananahimik na sila kaya — kaya makakaalis ka na!”

Muli siyang humarap dito. Matatag na uli ang kanyang anyo. Her eyes were blazing with an inner fire magnificently. They were mezmerising in their rare beauty. Hindi niya alam ito.

Kaya nagtaka pa siya nang mapatitig lang ang lalaki sa kanya.

“Ginoo,” ulit niya, matigas pa rin ang tinig. “Maaari na kayong umalis. Hindi ako ang taong hinahanap mo.”

Atsaka pa lang nagsalita ang lalaki. Ipinilig nito nang bahagya ang ulo habang muli siyang tinititigan.

“Tell me, Natasha, mayroon ka bang katibayan na hindi ikaw ang anak nina Bernardo Jacinto at Nastasia Mendez?”

Click here to READ MORE

Comments are closed.