Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

THE NAIVE MISTRESS

To fall in love is almost always guaranteed to get hurt. Can you stop yourself from falling – helplessly and hopelessly – for someone who may not love you in return?

Isang magandang babae si Allaine. Isang lalaking matamis magsalita si Rolf. Nang magtagpo ang mga landas nila, agad na nabuo ang isang masidhing atraksiyon na humantong sa isang malabong relasyon.

Commitment phobic si Rolf, samantalang si Allaine ay naghahangad nang bumuo ng sariling pamilya.

Hanggang kailan kaya mananatiling buhay ang isang pag-ibig na walang kasiguruhan?

* * *

Dalawang taon nang real estate agent si Allaine Sandoval. At hindi siya tatagal sa freelance job na iyon kung hindi siya nagtagumpay.

Nakamtan na niya ang independence na inaasam ng maraming kabataan. Nakakapamuhay na siyang mag-isa sa isang studio pad.

Hindi na umaasa sa mga magulang dahil nasusuportahan na ng kinikita ang mga pansariling pangangailangan.

“Nakakainggit ka naman, Allaine,” anang dating kaklase sa kursong Accounting sa kolehiyo, pero matalik na kaibigan pa rin hanggang ngayon. “Ako, heto pa rin. Sekretaryang isang kahig, isang tuka pa rin.”

“Huwag ka namang maawa sa sarili mo, Irma,” pang-aalo niya sa kaibigan. “O, heto pa ang fries. Kalimutan muna natin ang pagda-diet.”

Bumuntonghininga ang kasalo bago pinilit ngumiti. “Nahihiya na ako sa ‘yo, friend. Palaging ikaw na lang ang taya. Hay, kailan kaya ako aasenso?”

“Darating din ang tamang break para sa ‘yo, Irma,” salo niya.

“Naku, an’daming break na ang dumating sa buhay ko pero hindi ko sinunggaban,” bawi ng kausap.

“Tingnan mo na lang ‘yang trabaho mo ngayon. Hindi ba’t isinasabay mo akong mag-apply noon? Pero nagpatumpik-tumpik pa ako–kaya ‘eto napag-iwanan mo na ako,” paghihimutok pa nito.

“Irma, hindi ko hiyang ang nine-to-five job kaya naghanap ako ng trabahong babagay sa pagka-outgoing at people-oriented ko. Buti na lang, matiyaga rin ako dahil pana-panahon ang suwerte sa trabaho ko. Hindi siguradong meron laging kita.”

“E, ang kaso nga, nasa hubog ng mukha at katawan mo ang suwerte!” pakli ni Irma.

“Tingnan mo nga, nakakapagmo-model ka pa nga ngayon. Baka bukas — maging artista ka na. Kukunin mo akong alalay, ha?” dagdag pa, pero pa-bungisngis na.

“Sira! Alam mo namang modelling lang ang hilig ko kahit nung college pa tayo, a? Sideline pa rin ‘yon hanggang ngayon.”

“Pero d’on ka nakakakuha ng maraming contacts — at buyers. Hay, Allaine, ‘kakainggit ka — sa tutoo lang. Beauty and brains ka talaga!”

“Believe it or not, nagiging disadvantage din ang beauty ko.”

“Ows?”

“Cheap at easy-to-get ang tingin ng mga lalaki sa mga babaeng magaganda at seksi.” Nabahiran ng lungkot ang tinig ni Allaine.

“‘Wag mo namang lahatin ang mga lalaki, amiga. Ang aking si Nestor ay loyal na loyal sa akin, ha?” Ipinagtanggol agad nito ang kasintahan simula pa nung hayskul.

“Of course, your Nestor is always an exception,” agap niya.

“Kailan ba ako makakahanap ng isang maginoo at matapat na prince charming?” Siya naman ang naghimutok.

“E, di sa mga suitors mo. An’dami-daming nanliligaw sa ‘yo, a? Pulos mayayaman at mga guwapo pa.”

“Hindi ang laman ng bulsa at hitsura ng mukha ang basehan ko sa pagpili ng lalaking iibigin, Irma. Ang gusto ko lang ay isang lalaking magmamahal at gagalang sa kabuuan ko,” ang seryosong pahayag niya.

Nagseryoso na din ang kaibigan. “Marami namang lalaki ang handang magmahal at gumalang sa ‘yo, Allaine.”

Mapakla ang ngiti sa mga labi niya. May bahid ng sinismo. “Paranoid lang siguro ako — but I really doubt it. Sa dinami-dami ng mga lalaking nakasalamuha ko, iisa lang palagi ang gusto nila sa akin.” Mapait ang tono niya. “Ang katawan ko lang.”

“Hindi naman siguro,” bawi ng kaibigan. “Pasasaan ba’t makakatagpo ka rin ng lalaking hinahanap mo.”

“Teka, tama na ang pagse-senti natin. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Kelan nga pala ang kasal n’yo ni Nestor?” Bigla niyang binago ang usapan upang mapalis ang nadaramang lungkot.

“Ilang Pasko pa ba ang hihintayin n’yo, ha? Inip na inip na ang maid of honor n’yo, ha?”

Humagikhik si Irma. “Me good news na ‘ko tungkol d’yan, amiga. Balak nang mamanhikan ng pamilya ni Nestor sa amin.”

“Wow, good news nga ‘yan!” Pinilit niyang maging masigla para sa kaibigan. Itinago niya ang nadaramang pananaghili. “O, e, kailan n’yo naman balak magpakasal?”

“Kung papayag ang mga olds, after two months siguro.”

“Buti pala, isa lang ang prubinsiya n’yo ni Nestor.”

“Oo nga, e. Siyanga pala, kukunin din naming flower girl ang pamangkin mo. Pakibanggit na lang agad kay Ate Anna para makapaghanda na rin siya.” Ang tinukoy ay ang anak ng kapatid niyang panganay.

“Naku, matutuwa si Princess. Gustung-gusto n’on ang magsuot ng magarang gown, e.”

“Manang-mana pala sa Tita niya!”

“Oo nga. Sige, ako na rin ang bahala sa gown ng pamangkin ko. Medyo nag-iipon na naman sina Ate dahil malapit nang masundan ‘yon.”

“Buntis na naman siya? Ang saya-saya naman!”

“Sinabi mo, excited na nga ang bayaw ko dahil lalaki daw ang lumabas na resulta sa ultrasound test.”

“Aba’y dapat lang dahil kumpleto na. May babae’t lalaki na kaya puwede nang huwag dagdagan,” salo ni Irma.

“Gan’on din ang gusto namin ni Nestor. Ayaw namin ng masyadong maraming anak dahil baka hindi matustusan ng mga kita naming kakarampot lang.”

Tinapik ni Allaine ang kamay ng kaibigan. “Hoy, tanggapin mo lang kung ilan ang ibigay sa ‘yo ng Maykapal. Mga biyaya ang mga anak. Sila ang magiging kayamanan kaya mas marami’y mas masaya.”

“May punto ka d’yan, Allaine,” sang-ayon nito. “Kaya ikaw ay mag-asawa na agad para makarami ka ng anak. Hala ka, baka mahuli ka pa sa biyahe,” pananakot pa nito, sa tonong pabiro.

Hindi niya napigil ang mapabuntonghininga. “Hay, naku, friend, inggit na inggit na nga ako sa inyo ni Ate, e,” pag-amin niya.

“Hamo, susunggaban ko na ang unang lalaking mag-aalok sa akin ng kasal,” pagbibiro din niya.

Napahalakhak si Irma. “Gawin mo ‘yan, friend. Sukdulang mamikot ka ng lalaking magiging ama ng iyong mga anak!”

Pilit lang ang pagtawa ni Allaine.

Umuwi na silang magkaibigan matapos kumain. Idinaan niya ito sa bahay bago nagtuloy sa kanyang studio pad.

“Tawagan mo ‘ko agad ‘pag me balita na sa kasal mo, ha?” habilin niya rito bago sila naghiwalay. “Kumusta na lang sa iyong fiance.”

“Oo, makakarating kay Nestor ‘yan. Salamat uli dito sa mga hamburgers, ha?”

“Walang anuman ‘yan. Pasalubong lang sa mga bata. Ihingi mo na lang ako ng pasensiya kina Inay Ignacia. Hindi na ako makakababa. May fitting appointment pa ako sa designer,” ang mahabang paliwanag niya.

“May lakad ka pa? Gabi na, a?”

Sumulyap siya sa suot na wristwatch bago nagkibit-balikat. “May fashion show kami sa isang buwan. Gusto mo bang manood? May complimentary tickets yata ako.”

“Aba, oo naman, manonood kami. Fans mo kami ni Inay, e!”

“Okey. Idadaan ko na lang sa opisina mo.”

“Naku, tenk yu, tenk yu. O, siya, tumuloy ka na. Baka ma-late ka pa sa appointment mo,” pagtataboy nito.

“Okey. Bye!”

Inihatid siya nito ng tanaw kaya kinawayan niya habang inililiko sa kanto ang minamanehong kotse.

Nang mapag-isa, tuluyang lumambong ang mabigat na kalungkutan sa kanyang puso. Nananaghili siya sa nalalapit na pag-aasawa ni Irma. Naiisip niya ang pagkahungkag ng buhay niya.

Unti-unti na siyang lumulubog sa kumunoy ng depresyon. Inaalihan na siya ng desperasyon.

Ngunit beinte kuwatro pa lang siya. Hindi pa bagay maging desperada!

Hanggang sa mga sumunod na araw, hindi naiwaksi ni Allaine ang lumbay. Malungkot pa rin siya kahit napapalibutan na ng maraming tao.

Para makalimot, ibinubuhos niya ang malaking bahagi ng panahon sa pagtatrabaho. Nagsipag siya nang husto para madaling makatulog sa gabi.

Ang hindi lang niya nagawan ng solusyon ay ang pagkawala ng gana sa pagkain. Dahilan para mangayayat nang husto.

Bagay na hindi nakaligtas sa matatalas na mga mata ni Lula Sanchez, ang baklang designer at organizer ng sinalihang fashion show.

“My, my, I don’t know your secret, Miss Allaine Sandoval — but I like your ultra-slimness. Ikaw ang gusto kong magsuot ng aking mga evening gowns, my alluring Allaine!”

“Thank you for the nice compliment. I’m honored, Lula.” Pilit lang ang ipinakitang katuwaan ni Allaine. Hungkag pa rin ang puso niya.

“I just hope that you’re ready to bare a lot of skin, sweetie?” Pa-kaswal ang pagtatanong nito.

Palibhasa bago pa lang si Lula Sanchez sa fashion world, pulos daringly sexy ang mga disenyo nito. Pilit na gumagawa ng distinction para makilala agad sa industriya.

“I don’t mind.” Aywan kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na pumayag sa gustong ipagawa ng bakla.

“Oh, Allaine, thank you! Thank you very much! Don’t worry — I’ll double your fee.”

“Of course,” salo niya.

Inakbayan siya nito. “We’ll shock them all with my creations, darlin’,” pangako nito. “Magiging sikat na sikat tayo pagkatapos ng gabing iyon.”

“I hope I could carry your designs well, Lula,” sambit niya.

“I have one more week to make sure of that, sweetie. Come, we’ll have a fitting session now.”

Sa loob ng isang linggo, nagsanay si Allaine sa pagdadala ng mga seksing kasuotan. Gayundin ng sensuwal na pagkilos at seksing paglakad.

Bagama’t buo ang desisyon niya na maglantad ng maraming pribadong balat, may isang sarili pa rin siya na nagugulat at nagtataka kung saan nagmumula ang tapang ng apog.

“Sigurado kang evening gown pa ‘to, Lula?” Ang tinukoy ay ang bagong kasuotan na ipinasusukat sa kanya.

“Oo naman. This shall be my piece de resistance, my dear.”

Hinipu-hipo ng mga daliri niya ang napakalambot at napakanipis na tela. Sa sobrang dulas, mistulang tubig na umaagos sa mga daliri.

At sa sobrang liit, nakumpol sa gitna ng palad ang buong gown.

“Ano’ng klaseng tela ‘to?” Halos napabulalas si Allaine.

“Oops! Sikretu! Basta’t isukat mo na para malaman natin kung kailangan pa ng alterations.”

Hindi agad tumalima ang dalaga. Sinipat pa muna uli ang damit na naka-hanger. “Ano’ng klaseng underwear ang kailangan dito?”

“No underwear,” pakli ni Lula.

“Oh.” Medyo nalito si Allaine.

“I created this one specially just for you, darlin’,” dagdag ng bakla. “Kabisado ko na ang katawan mo, so, sigurado akong carry mo ‘to.”

Hesitante pa rin si Allaine. “Hindi kaya over-confident ka lang sa kakayahan ko, Lula?”

“No, of course not.” Pinandilatan siya ng kaharap.

“Na-inspired ako sa design na ‘to dahil sa ilang araw nating pagpa-practice. You have the grace and the poise that I was looking for so long. Para sa ‘yo talaga ang damit na ito, Allaine — kaya isukat mo na, please?”

“Er, s-sige.” Napilitan lang ang dalaga na pumayag.

“Thank you.”

Dinampot niya ang tote bag habang patungo sa banyo.

“Itali mo’ng hair mo, sweetie,” pahabol ni Lula nang nasa loob na siya.

“Okey.” Tiim-bagang na naghubad ng t-shirt at jeans si Allaine. Wala siyang itinira kundi ang puting lace panty.

Pagkatapos, buong ingat niyang isinuot ang napaka-daring na gown.

Nang tumingin siya sa salamin, gayon na lang ang panggigilalas niya. Hindi siya makapaniwalang ang sarili ang babaeng nakikita niya.

Nakahakab sa bawat kurba ng kanyang katawan. Nagmistulang balat ang kasuotan. Walang itinagong sikreto.

Ang higit na nakakagulat ay ang makitang halos perpekto na nga ang kanyang hubog. Hindi niya akalaing napaka-seksi ng kanyang kabuuan.

Kumatok sa pinto si Lula. “Tapos ka na bang magbihis, Allaine?”

“T-tapos na,” tugon niya. Pautal dahil nakatigagal pa rin.

“Lumabas ka na para makita na namin.”

Namin? Dumating na marahil ang mananahi.

Ngunit hindi isang mataba at may edad na babae ang katabi ni Lula nang lumabas siya.

Kundi isang matangkad at makisig na lalaki.

Napapatda si Allaine. Aatras sana para bumalik sa banyo pero maagap na pinigilan ni Lula.

“Sandali, sweetie. This is Rolf Villar. Don’t mind him, he’s my half-brother.”

Kaya napigilan ang dalaga ay dahil napatulala siya sa kapansin-pansin ang biglang pagbabago ng tono ni Lula. Parang naging lalaki. Tanging ang colored hair at make-up na lang nito ang naiwang bakas ng pagka-bakla.

Pero nawaglit din agad ang pagkagulat niya. Nakakailang ang walang kurap na pagtitig ng panauhing lalaki sa kabuuan niya.

Parang…

Parang hinuhubaran siya!

“I — I forgot something — excuse me,” pagdadahilan niya habang mabilis na umaatras papasok sa banyo.

“Okey, we’ll wait here.”

Pabagsak siyang sumandal sa likod ng pinto nang maisara iyon. Tinutop ng mga kamay na nanlalamig ang mga pisnging nag-aapoy.

Kakaiba ang epekto ng mga titig ng lalaking iyon sa kanyang katinuan. Parang hindi lang ang katawan niya ang napagmasdan. Parang pati ang loob ng utak niya at ang kaluluwa ay naarok na din.

Sanay siyang matitigan ng mga lalaki. Kaya niyang ignorahin kahit na ang pinakabastos na pagsipat sa kanyang dibdib, lalupa’t rumarampa siya.

Pero dahil nasorpresa siya kanina, ni hindi niya napruteksiyunan ang sarili mula sa mga sensuwal na titig ng Rolf Villar na iyon.

Itinapat niya sa bukas na gripo ang mga kamay upang mapahupa ang paragasang pagpintig ng pulso.

“Are you alright, Allaine?” Kinatok uli siya ni Lula makaraan ang ilang minuto.

Hindi siya tumugon kahit medyo maayos na uli ang paghinga. Alam niyang babalik na naman ang tensiyon kapag nakaharap uli ang matangkad na estranghero.

“He’s gone, sweetie,” dugtong ni Lula. Tila nararamdaman ang pangamba niya.

“O-okey.” Saka lang siya tumugon.

Binalot niya ng tissue ang metal na seradura para mapihit pabukas. Nagpapawis dahil sa nerbiyos ang palad niya.

Agad na gumala sa palibot ang paningin ni Allaine.

“Sweetie, don’t look so nervous,” salubong ng designer sa kanya. Baklang-bakla na naman ito habang nagsasalita. Abot-teynga ang ngiti habang hinihila siya patungo sa dresser.

“Come, madali lang ‘to. I don’t see any need for major alterations. Very good!”

Nag-ipit ito ng mga aspile sa pagitan ng mga labi kaya hindi na maunawaan ang mga ibinubulung-bulong habang nagpapaikut-ikot sa palibot ni Allaine.

Hindi naman makali ang dalaga. May nararamdaman siyang kakatwa. Parang may mga matang nakatitig sa kanya.

Tinangka niyang luminga ngunit agad na umungol ang bakla. Umiling ang de-kolor na ulo nito at kumawag ang isang makulay na kuko. Binabawalan siyang gumalaw ni katiting.

Kaya tiniis na lang niya ang paggapang ng mga mumunting alon ng kilabot/kiliti sa kabuuan niya. Parang mga daliri ng isang mangingibig na namamasyal sa kanyang balat.

Pumupukaw sa mga inosenteng ningas ng kanyang pagkababae…

“Perfect! Just perfect!” Inihudyat ng mga papuri ang pagtatapos ng fitting session.

“Believe me, kahit sa panaginip — hindi ko akalaing magkakatutoo ang ilusyon ko. This dress is a dream-come-true for me, Allaine dear! Thank you for wearing it.” Tila maiiyak pa ang bakla.

“And your alluring Allaine is a fantasy-come-true,” salo ng isang baritonong tinig-lalaki.

“Rolf! You naughty man, ginulat mo kami! Sabi mo, aalis ka na?”

“A ruse,” kumpisal nito. “Nagsinungaling ako para muling lumabas ang diyosa.” Kay Allaine nakatutok ang buong puwersa ng mga matang mapanrahuyo habang nagsasalita.

Kaya marahil naparalisa ang mga biyas ng dalaga. Masyadong matindi ang epekto ng sensuwalismo nito sa katinuan niya.

At tila nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga mata dahil pinagmasdan din niya ang kabuuan ng lalaki.

Katulad ng unang impresyon niya, napakakisig nito. Matangos ang ilong. Makapal ang mga kilay. Intelihente ang mga mata. Manipis ang mga labi. Matigas ang baba at panga. Disente ang maikli at medyo kulot ang buhok.

“You look dishevelled,” puna ni Lula.

Lumitaw ang mapuputing ngipin nang ngumiti ang lalaki. Hinipo ng mahahabang daliri nito ang nakakalas na kuwelyo at kurbata.

“The view in here is a bit hot,” wika ni Rolf. Nakakakiliti ang medyo paos na boses.

Bumadha ang pagdududa sa mukha ng bakla. “Nanunubok ka ba sa amin?” pananalakab nito.

May bahid ng pagka-arogante ang bahagyang pagkiling ng ulo, pero lalong naging pilyo ang ngiti.

“Your goddess here is bewitchingly irresistible, Lula. Pero hindi mo siya naipakilala nang maayos sa akin,” sambit nito habang lumalakad palapit sa kanya.

“Hi, beautiful! What’s your name?” Inilahad nito ang kamay. “I’m Rolf Villar, in case you didn’t catch my name.”

“She’s Allaine Sandoval. Now, you can wait for us outside. Shoo! Get out, you big bad wolf!”

Ni hindi natigatig si Rolf sa pagtataboy ni Lula. Binihag nito ang isang kamay ni Allaine. Yumukod bago ginawaran ng halik ang gitna ng palad.

Napapitlag si Allaine. Ngayon lang niya nadiskubreng sensitibo pala ang palad niya. Bigla niyang binawi ang kamay.

“C’mon, Rolf. Naiistorbo mo ang trabaho namin,” giit ni Lula. “Lumabas ka na muna. D’on ka na lang maghintay.”

“Talagang maghihintay ako,” salo ni Rolf.

Paatras na humahakbang habang hinahagod ng humahangang paningin ang mayamang hugis ng dibdib, ang maliit na beywang, ang balingkinitang balakang, at ang makikinis na mga hita at binti na lalong pinaputi ng itim na tela ng gown.

“See you later, beauty,” paalam nito, sabay kindat bago tuluyang lumabas sa pintuan ng storage.

“Brat!” bulyaw ni Lula habang isinasara ang pinto.

Naulinigan pa nila ang masayang halakhak mula sa labas.

Saka lang nakahinga nang maayos si Allaine nang mawala na sa harapan nila ang nakakabahalang presensiya ng lalaki.

“Pasensiya ka na sa half-brother ko, sweetie. May kapilyuhan talaga ‘yon.” Seryoso ang tono ni Lula sa paghingi ng dispensa sa kanya.

“Now, let’s get back to work. As I was saying, the fit is almost perfect. Wala nang gaanong alterations na gagawin.”

“Ito na ang last dress, hindi ba?” paniniguro niya.

“Yes. Puwede ka nang umuwi para magpahinga pero gusto kong mag-drop by ka pa rin dito everyday.”

“Same time pa rin?”

“Of course.”

“Magpapalit na ako ng damit.”

“Okey. I’ll be waiting.”

Napapatda si Allaine nang makita ang matangkad na lalaking dumiretso sa pagkakasandal sa dingding.

“Ihahatid na kita, Allaine,” wika nito. Puno ng kumpiyansa ang tono.

“May dala akong sasakyan. Thank you.” Nagpatuloy siya sa paglakad kahit nangangatog ang mga tuhod.

Sinabayan siya ni Rolf Villar. “I know a fabulous resto-bar near here,” patuloy nito. “We can have a cozy chit-chat there.”

Pinukol niya ito ng isang pairap na sulyap. “No, thanks, Mr. Villar. Papauwi na ako.”

“Then we’ll have a take-home dinner in your place,” ang maagap na mungkahi nito.

“I need my beauty rest, Mr. Villar,” pakli niya.

“I promise, you’ll get a lot of rest tonight,” salo nito.

“Honestly, Mr. Persistence — I am not interested,” ang mariing wika niya. “Goodbye!”

“You heard the girl, my dear halfbrother,” sabad ni Lula. Naiirita ang tono. “Stop being a nuisance.”

Tumawa nang patudyo ang lalaki. “Goodnight,” pagtatama nito, sabay kindat sa kanya.

“Sinisigurado kong magkikita pa uli tayo, Allaine.”

Hindi na siya kumibo. Nagkibit-balikat na lang bago itinulak pabukas ang salaming pinto ng boutique.

“See you tomorrow, sweetie!” pahabol ni Lula mula sa likod ng drafting table nito.

Click here to READ MORE

Comments are closed.