The Purchased Bride

Can you marry someone you don’t love? Can you love someone you hate?

Time heals. Love moves. And the heart falls in love…

Naging napakabait ng mag-asawang umampon kay Rosario. Binihisan siya, pinagtapos sa pag-aaral, at binigyan ng magandang trabaho…

Pero wala siyang kamalay-malay na ang lahat pala ng iyon ay mayroong kapalit.

Si Gringo ay nakulong nang walang kasalanan kaya nang makalabas ay naghahangad na makapaghiganti. Ngunit bago mapasakanya ang mga minanang ari-arian, kailangan muna niyang magkaroon ng asawa.

Wala nang panahon para maghanap bumili na lang siya ng isang babaeng papayag na magpakasal sa lalong madaling panahon.

Napilitang pumayag si Rosario na maging asawa ni Gringo dahil kailangan niyang magbayad ng utang na loob…

Maging maligaya kaya ang kanilang pagsasama kahit walang pag-ibig para sa isa’t isa?

* * *

Limang taon na ang nakalipas magmula nang ampunin ng mag-asawang Leopando…

Ngayon ay beinte-uno anyos na si Rosario. Nagtatrabaho na bilang isang sekretarya sa opisinang pinaglilingkuran din ng kanyang ama-amahan.

She was trying to finish the typing of an important contract when the telephone on her desk rung. Absently, dinampot niya ang receiver niyon at ikinipit sa leeg at balikat upang muli niyang magamit ang kanyang dalawang kamay nang sabay.

“Hello? Good afternoon, this is Operations Department of Salviz and Company. May I help you?” Sinambit niya ang standard greeting nila sa mga callers.

“I want to speak with your boss,” pahayag ng tinig-lalaki sa kanya. Very authoritative ang tono, na para bang may karapatang utus-utusan siya.

Nautal siya dahil sa pagkabigla. “M-my boss–?” ulit niya habang muling hinahawakan ang awditibo.

“Yes, I want Steve on the line,” the deep voice practically barked at her before slamming the phone down.

Napaigtad si Rosario. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na intrumento. At kinabahan agad siya. Ama-amahan niya si Steve Leopando, ang kanyang immediate boss dito sa opisina.

Tamang-tama na papalabas ang kanyang nasa isipan kaya hindi na niya kailangan gumamit ng intercom para ipaalam sa may edad na lalaki ang kakatwang caller.

“Daddy? May naghahanap sa inyo — ngayun-ngayon lang. P-pero hindi nagpakilala. Atsaka, parang nagagalit ang boses.”

Kumunot ang noo ni Steve. “Si Gringo marahil iyon.” Halatang pilit ang pagkahinahon ng boses. “Babalik ako agad. May kailangan lang akong kunin sa Accounting. Kapag dumating siya, papasukin mo na lamang sa inner office. Okey?”

Napilitang tumango si Rosario kahit na ibig na niyang mag-alsa-balutan sa kanyang narinig. Darating ang lalaking arogante! tili ng munting tinig sa loob ng utak niya.

She couldn’t stop her trembling kaya tumigil na lamang siya sa pagta-type sa computer. Minabuti niyang i-prepara na lamang ang mga gagamitin sa pagkakape ng kanyang amo at ng magiging bisita.

Naghuhugas siya ng mga platito at tasa nang may nagbukas ng pinto sa labas ng opisina. Inakala niyang si Steve na iyon kaya tumawag siya upang malaman nito kung nasaan siya.

“Daddy, I’m here. Your visitor hasn’t come yet,” pahayag niya. Umalingawngaw ang kanyang boses dahil kulong sa banyo.

Walang sagot sa kanyang sinabi kaya nagtaka siya. Hindi kaya nakaringgan lang niya ang pagbubukas ng pintuan kanina?

“Dad?” paniniguro niya.

Wala pa ring tugon. She was forced to stop what she’s doing para imbestigahan ang nasa labas.

“Dad — ” Napapatda siya nang makita ang isang estranghero na nakatayo sa tapat ng kanyang computer desk. Binabasa nito ang mga papeles na nakalatag sa kanyang mesa.

“W-what do you think you’re doing, mister?” paghihilakbot niya. Nagdudumali siyang lumapit upang bawiin ang mga papers na hawak ng lalaki. “Who are you?”

Ngumisi ang lalaki habang sinisipat ang kanyang kabuuan. His eyes were glinting with something like insolence. Para bang inaalisan siya ng lahat ng kanyang mga saplot sa katawan.

“I’m Gringo,” anito, very casual. Muling ibinalik ang mga mata sa kanyang mukhang namumula na sa magkakahalong reaksyon.

“Oh.” Ikinuyom niya ang kanyang mga palad upang mapigilan ang pagtutop sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang ipahalata ang pagkalito at pagkabahalang naghari sa kanyang kalooban nang mga sandaling iyon.

Mayroon ding sumisibol na paglalaban sa kanyang kaibuturan. Para bang ang lahat ng pagkatao niya ay nagnanais na lumayo at lumaban sa hindi nakikitang katunggali…

It was a long minute before she recovered her partial insanity. Nagawa niyang pigilan ang kanyang sarili na magtatakbo patakas.

“H-have a seat, Mister Gringo,” alok niya habang isinesenyas ang mahabang sopa na pinaka-waiting area ng mga may appointment kay Steve kapag mga busy days.

Umiling si Gringo. Naglakad-lakad sa palibot ng outer office habang sinisipat ang bawa’t sulok. Para bang may hinahanap na mali sa mga detalye ng silid niya.

“Matagal ka na bang nagtatrabaho kay Steve?” Nagtanong ang lalaki nang makalipas ang maraming sandali na puno ng tensiyon.

“M-medyo,” tugon ni Rosario, in a trembling voice.

“Gaano katagal ang ‘medyo’?” Nang-uusig na ang tono ni Gringo. Nanunuya ang bahagyang ngisi sa matigas na hubog ng bibig.

Napatalon si Rosario. Mahina at mababa lamang ang boses ng lalaki ngunit parang nasigawan na ang pakiramdam niya. His steely tone was so forceful.

“I’ve worked here for a year now,” tugon niya, habang nagtataka sa loob-loob niya kung bakit tumutugon siya rito.

Tumango-tango ang lalaki na para bang nagustuhan ang isinagot niya. “So, one year ka nang sekretarya ni Steve, huh?”

Tumango si Rosario kahit na mabigat na ang loob niya na ipagpatuloy pa ang peculiar conversation na iyon sa isang lalaking ngayon pa lang niya nakita at nakilala.

Hinimas ng lalaki ang squarish chin na halatang katatapos pa lamang ahitan. Muli na naman siyang hinagod ng mga matang puno ng misteryosong balakin.

“Gusto kita,” pahayag ng lalaki matapos sipatin uli ang mukha at ang katawan niya. Pero ang tono ay parang nagkumento lang sa lagay ng panahon. “Ano nga ba’ng pangalan mo?”

Napalunok si Rosario. Mayroon nang blatant desire sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa kanyang mukha at katawan. Bigla siyang nakaramdam ng matinding sindak. Paano niya magagawang iwasan ang panganib na nakaamba gayong napakalayo niya sa pintuan?

God! Ngayon lang siya natingnan na para bang hinuhubaran ng saplot sa katawan!

And to her frustration, she felt hypnotized. Hindi siya makagalaw. She could not take her eyes off him habang nababasa niya nang malinaw ang mga lustful messages na inihahatid ng hangin.

Kapag dumadapo sa kanyang harapang bahagi ang mapagnasang paningin ni Gringo nakakaramdam siya ng mala-kuryenteng pangingilabot. It was like being electrocuted with tiny voltages bursting into her sensitive veins.

Naaapektuhan pati ang kanyang katinuan.

“R-r-rosario,” sambit niya, kandautal.

“Rosario — ?”

“Leopando,” pahayag niya sa kanyang apelyido, mas matatag na ang boses.

Tumaas ang mga aroganteng kilay.

“Rosario Leopando?” ulit ni Gringo habang naniningkit ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. “Kaanu-ano mo si Steve?”

Halatang may iba na namang emosyon na nakakubli sa banayad na tono nito. Parang pigil kasi ang pagsasalita.

“A-adopted child niya ako.”

“Adopted child!”

Nagkaroon uli siya ng lakas ng loob nang umaliwalas nang bahagya ang ekspresyon ng kausap.

“Darating na siguro ang boss ko, Mr. Gringo,” pahayag niya sa mas kalmadong tono. “Ibinilin niya na papasukin na kita sa loob ng opisina niya. May kinukuha lamang siya sa Accounting. Would you please go inside?” hiling niya nang hindi tuminag ang aroganteng lalaki.

Tila nag-isip muna bago sinunod ni Gringo ang nais niya. Ikiniling pa nga nang patudyo ang ulo bago pumasok sa pintuang binuksan ni Rosario.

“I’ll bring you coffee while you’re waiting, sir,” ang magalang na wika niya bago niya isinara nang bahagya ang dahon ng pintuan.

Hindi nagsalita ang lalaki. Nagpalakad-lakad lamang sa loob ng mas maluwag na lugar si Steve. Para bang naiinip na gayong wala pa ngang isang segundong naghihintay.

Laking pasalamat ni Rosario nang mamataan ang ama-amahan. Iniawang niya ang outer door para maabangan niya ang pagdating ni Steve Leopandon.

“Thank God, Daddy! Ang tagal mo naman,” ang masuyong pagrereklamo niya bilang pambungad. “Kanina pa nandito si Mr. Gringo.”

Walang ipinakitang reaksiyon ang may edad na lalaki. Ngunit kapuna-puna ang tila pamumutla ng kulubot na balat sa palibot ng bibig at ilong

“Ganoon ba? Pasensiya na, iha. May mga taong nauna sa akin. Alangan namang sumingit ako. That would be a bad example,” he chided her gently. “Nabigyan mo na ba si Steve ng kape?”

“Opo, Daddy.”

“Kung gayon, magdala ka uli ng bagong timplang kape, ha? Salamat sa pag-e-estima mo sa kanya, iha.”

Nagtataka si Rosario dahil hindi makatingin nang diretso sa kanya ang ama-amahan. Parang may itinatago sa kanya na hindi niya mawari.

Dinatnan niyang nag-uusap nang masinsinan ang dalawang lalaki. Maingat siyang humakbang palapit habang hawak ng dalawang kamay ang munting tray na alumino. Parang hinihigop ng kung anong puwersa ang kanyang mga mata upang tumingin agad sa dako ni Mr. Gringo.

Muntik na tuloy siyang matalisod dahil mainit pa rin ang paraan ng pagtitig nito sa kabuuan niya.

“Careful, Rosario,” wika ni Gringo habang maliksing tumitindig upang salubungin siya. Kinuha ang tray mula sa kanyang mga daliring parang nawalan ng pakiramdam.

“Give that to me,” utos pa nang akmang tututol siya sa alok na tulong.

Nakamasid lang si Daddy Steve. Parang nakikiramdam.

Nag-blush si Rosario. Nag-init ang buong katawan niya. Nahahalata kaya ng ama-amahan ang atraksiyon na ipinahahalata ni Gringo sa kanya?

Panakaw siyang sumulyap kay Gringo.

Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat maramdaman sa pagpapakita ni Gringo ng lantarang pagkakagusto sa kanya. Parang nababastos siya pero nai-excite din. His eyes were promising unknown promises of sensual delights whenever he looked at her.

She disliked him at first sight… She disliked him at first sound. Hindi niya gusto ang kilabot na gumapang sa kanyang gulugod magmula nung marinig ang malalim na boses ng lalaki sa telepono!

Pero hindi rin niya mapigil ang isang bahagi ng sarili na parang tumutugon sa pagnanasang nasa mata ni Gringo Salviz!

“I’d like to make a formal introduction between the two of you,” pahayag ni Steve nang mailapag na ang tray sa ibabaw ng malapad na mesa nito.

“Rosario, this is Gringo Salviz, our absentee chairman and president. Mr. Salviz, this is my adopted daughter.”

Natulig si Rosario sa kanyang narinig. Ang lalaking itinuturing niyang bastos at presko at arogante ay ang mismong may-ari pala ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nilang mag-ama!

Ngumisi sa kanya si Gringo Salviz. Para bang napakaraming iniisip gawin na pulos kapilyuhan.

“How do you do, Miss Leopando?”

Napakurap si Rosario. Umatras siya ng isa. She felt threatened by just a mere smile. Pinilit niyang ngumiti.

“Uhm, I’m fine, thank you.”

Nagpalitan sila ng mga pormal na salita habang ang kanilang mga isipan ay naggigirian.

Muling namagitan si Steve. Tumikhim muna na para bang naghahanap ng magandang tiyempo para sa susunod na sasabihin.

“Simula bukas, siya na ang magiging immediate boss mo, Rosario. Si Lerma na ang papalit sa iyo dito. Paparating na siya para turuan mo ng mga dapat niyang gawin bilang sekretarya ko.” Mababa at malumanay ang tono pero tila buo na ang desisyon. Nakaiwas rin ang mga mata sa kanya.

“Please, leave us now. Marami pa kaming pag-uusapan ni Mr. Salviz. Kung dumating na ang oras ng uwian, you can go home without me. Okey?”

Parang wala sa sarili niya ang dalaga nang tumango. Nabigla siya nang husto sa hindi inaasahang pagbabago sa kanyang posisyon.

Nagtaka agad ang kanyang ina-inahan nang makitang mag-isa lamang siyang umuwi.

“O, nasaan ang Daddy mo?” usisa ni Marcela habang isinasara ang gate na binuksan nang mag-doorbell siya.

“M-may kausap pa po siya sa opisina, Mommy,” ang matamlay na tugon niya. “Uh, m-magpapahinga na po muna ako sa itaas.”

Nahiga siya matapos mahubad ang suot na uniporme. Gusto niyang ipahinga ang kanyang utak na napagod na nang katatanong kung bakit bigla na lamang siyang ipinasa ng ama-amahan sa lalaking gustong pangilagan.

Napaidlip marahil si Rosario matapos maipatong ang nanakit na ulo sa unan. Naalimpungatan kasi siya nang may maulinigang nag-uusap. Nagtaka siya kung bakit naririnig nang malinaw ang mga boses gayong nasa siya sa ikalawang palapag ang kanyang kuwarto.

Nang makitang bukas ang mga bintana, napagtanto ni Rosario na nanggagaling sa hardin ang marahil ang mag-asawang Leopando. Tumindig siya para isara ang mga sliding glass windows nang marinig ang kanyang pangalan.

“B-bakit naman ang anak natin, Steve?” pang-uusig ng basag na boses ni Marcela. “Tayo lamang ang mayroong pagkakautang sa Pamilya Salviz — hindi kasama si Rosario!”

“Hay, Marcela! Kahit na uugud-ugod na ako, hindi pa rin tapos ang utang na iyon. Pagkakataon na nating makabayad. Suwerte natin dahil nakursunadahan ni Gringo ang anak nating si Rosario — ano naman ang masama kung pumayag ako? Kaya nga ako pumayag na mag-ampon na tayo noon, e. Alam kong darating ang panahon na maghahanap si Gringo ng magiging asawa.”

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” Si Marcela ang nagsatinig sa katanungan ni Rosario.

“Alam ko kung ano ang nakalagay sa huling testamento ng matandang Salviz. Ako ang dati nilang abogado, remember? Pagdating sa edad na treinta ni Gringo, kapag hindi pa siya nakakapag-asawa — mapupunta sa kapatid ni Don Basilio ang kontrol sa lahat ng mga ari-arian na minana niya. E, nawalan ng panahon ang pobre dahil nasangkot sa isang kaso na nagpakulong sa kanya nang matagal sa bilangguan bago nagkaroon ng kalutasan,” paliwanag ni Steve habang tatawa-tawa.

Rosario felt nauseous but remained standing by the open windows. Gusto niyang malaman kung ano pa ang nakalatag sa kanyang magiging kapalaran. Hindi niya akalain na napaka-calculating ng kanyang Daddy Steve. Habang pinag-aaral pala siya, mayroong ibang pinaplano para sa kanya!

“Suwerte sa atin si Rosario, Marcela,” pang-aamuki ng may edad na lalaki sa maybahay na nagdaramdam. “Alam mo bang nakahandang magbayad si Gringo Salviz para lamang mapapayag akong ipakasal sa kanya si Rosario bago dumating ang takdang kaarawan niya?”

Narinig ni Rosario ang mga impit na paghikbi ng ina-inahan ngunit wala siyang pag-asang maisalba siya ni Mommy Marcela. Sunud-sunuran ang may edad na babae sa asawang si Steve.

“Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin ng bagong pangyayaring ito sa buhay natin, Marcela?”

“M-magiging masakit sa kalooban ng anak natin ‘yan, Steve,” katwiran ng umiiyak nang babae.

“Aba, suwerte nga ng anak natin, e. Hindi biro ang laki at lawak ng kayamanan ng mga Salviz, asawa ko. Magiging reyna si Rosario. Hindi lang isa, kundi sampu pa ang puwede niyang maging katulong sa bahay. Nakarating ka nang minsan sa mansiyon ni Don Basilio, hindi ba? Doon titira ang anak natin, Marcela. Kahit na hindi natin tunay na anak si Rosario, natutuwa pa rin ako para sa magandang kapalaran na naghihintay sa kanya,” patuloy si Steve sa tonong siyang-siya.

“Ipangako mo muna sa akin, Steve,” giit ni Marcela. “Ipangako mo munang hindi mo pipilitin si Rosario natin sa gusto ninyo ni Mr. Salviz. Ikamamatay ko kapag nagdamdam sa atin ang bata!”

Parang dinunggol sa dibdib si Rosario. Saka pa lang niya naalalang kaya hindi nagkaroon ng anak ang mag-asawang Leopando ay dahil sa sakit sa puso ng may edad na babae.

Natahimik si Steve. Matamlay na naman ang boses nang muling magsalita.

“Para sa kanya din ang gusto kong mangyari, Marcela,” may pagsusumamo na tono. “Isipin mo na lang kapag nakamatayan ko ang malaking pagkakautang? Mamanahin ni Rosario ang obligasyon. Legally adopted natin siya, Marcela. Dala niya ang pangalan ko. Mas gugustuhin mo bang tumandang dalaga siya sa kababayad sa maiiwan nating atraso?”

Muling narinig ni Rosario ang paghikbi ng ina-inahan. Parang piniga naman ngayon ang kanyang kalooban.

Naiintindihan na niya kung bakit naging mercenary si Steve. Dahil sa pagmamahal sa asawang sakitin at para na rin sa magiging bukas niya!

A, kung madidiskubre ni Victoria o ng sinuman sa mga kaibigan niya ang direksiyong tinatahak ng utak niya — they would surely crucify her!

“Hay, Rosario! Umaandar na naman ang ka-martir-an mo! hindi mo pasan ang buong mundo, kaibigan!”

Ngunit nabubuo na ang kanyang desisyon. Papayag siyang maging sakripisyo ni Steve sa paganong altar ni Gringo Salviz — alang-alang sa babaeng uliran na nagpadama ng pagmamahal ng isang ina sa kanya!

Kung ang pagma-martir na lamang niya ang puwede niyang gawing kabayaran sa napakalaking utang na loob at walang kahulilip na kaligayahang dulot ng isang mabuti at tahimik na tahanan sa isang ulilang ampon — nakahandang magbayad si Rosario.

Papayag siyang magpakasal kay Gringo kahit… kahit para siyang nakasakay sa isang roller coaster kapag magkaharap sila!

Wala siyang ipinahalata nang pumanaog sa kumedor para sumalo sa hapunan. Hindi napuna ng mag-asawa na wala siyang imik habang kumakain dahil malalim din ang iniisip ng mga ito.

Kinaumagahan, magkasabay pa rin silang pumasok ni Steve. Wala silang imikan habang daan. Ang ama-amahan ang unang bumasag ng katahimikan nang nakaparada na sila sa malawak na car park.

Tumikhim si Daddy Steve. Para bang nag-iipon ng sapat na katwiran upang masabi sa kanya ang alam na ni Rosario.

“Este, Rosario, iha? May gusto sana akong ipagtapat sa iyo. Kahapon… nagsabi sa akin si Mr. Salviz na gusto ka niyang ligawan at — ”

“At payag po akong maging asawa niya, D-daddy.” Sumagot na agad si Rosario bago pa panghinaan ng loob.

Nakatingin siya nang diretso ngunit hindi niya nakikita ang windshield. Ang nakikita niya ay ang kanyang munting pangarap na unti-unting natutuyo at naglalaho.

Pero wala siyang ibang maisip gawin kundi ang magsakripisyo para hindina mahirapan ang mga taong umampon sa kanya. Kung may bahid ng katusuhan ang pagtingin ni Daddy Steve, ang pagmamahal naman ni Mommy Marcela sa kanya ay ramdam niyang puro at dalisay.

“A-ano’ng sinabi mo?” Nagulat ang ama-amahan sa sinabi ni Rosario.

Huminga siya nang malalim bago tumugon.

“Narinig ko ang lahat ng napag-usapan ninyo ni Mommy kagabi — nung nasa hardin kayo,” pagtatapat niya.

“A-at naiintindihan ko po kayo, Daddy Steve. Huwag na tayong magpaliguy-ligoy sa isa’t isa–basta tiyakin n’yo lang po na may resultang maganda sa pagtalima ko sa gusto ninyo,” patuloy niya pa. She could barely control the tremor in her voice.

“Oh, Rosario! Patawarin mo sana ako sa pakikialam ko sa buhay mo pero talagang nagsasawa na ako sa buhay-mahirap!”

Sa opinyon ni Rosario, nakakariwasa sa buhay ang mag-asawa Leopando. Isang munting mansiyon ang tahanan. Dalawa ang katulong sa bahay, ang kusinera at ang tagalinis/tagalaba na parehong stay-in. Ang driver at ang hardinero naman ay stay-out.

Dalawa rin ang kotse. Regular na nakakapag-shopping ng mga damit at mga pagkain. Halos kumpleto na sila sa lahat ng luho.

Click here to READ MORE

Comments are closed.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age