The Rebellious Bride-13

Pinilit niya ang kanyang Papa na payagan siyang maging artista, katulad ng napagkasunduan nila nung bago siya pumayag na mag-aral sa ibang bansa.

However, the course that she was taking was ridiculous for her. It was called home management course but the things that were being taught could be learned through hands-on working with house chores.

Ang gusto sana niya ay maging engineer or di kaya’y marine scientist.

“Iha, naging masinop ako para sa kinabukasan mo. Malugi man ako ngayon, wala ka nang dapat na ikatakot. Kaya ka nang tustusan ng perang itinabi ko hanggang sa pagtanda mo. Hindi ka naman waldas,” pahayag ng kanyang ama nang pagtawanan niya ang nasabing kurso.

“Papa, mas masarap ‘yung nagbabanat ng mga buto para kumita. Boring naman ang gusto n’yong buhay para sa akin, e.”

“Boring ba ang magkaroon ng mga anak na aalagaan at palalakihin?”

“Hay, Papa! Ayoko ngang mag-asawa!” protesta niya pa nga noon.

It seemed a very long time ago. Parang hindi na sila nakakapagbiruan ngayon na katulad noon gayong four years lang naman siyang nawala.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

Maryana started worrying. Pirming paiwas ang mga tugon ng kanyang Papa kapag tinatanong niya ng tungkol sa mga negosyong hawak nito.

Nakarating sila sa isang esklusibong subdibisyon. Tila kabisadung-kabisado ni Miller ang lugar. Alam na may dapat ipakitang sticker at I.D. sa guard bago makapasok.

“Kabisado mo rito, ano?” puna ni Doris.

“Taga-rito ang mga sugar mommies ko e,” pagmamalaki ni Miller habang nakangisi sa rearview mirror. Nakatingin kay Maryana.

Maryana’s skin crawled with distate but she remained silent. Sa kanyang isipan, tatapusin lang niya ang pelikulang ito at maghahanap na siya ng ibang trabaho.

Modelling na lang siguro.

O di kaya’y photography.

Sinadya niyang abalahin ang kanyang isip upang hindi na niya marinig ang pagpapayabangan nina Doris at Miller.

Bumusina si Miller sa tapat ng isang malaking gate na kulay puti. Tanaw na tanaw ang marangyang tahanan na naghihintay sa dulo ng driveway. Pati ang mayabong na hardin na nakapalibot dito.

The gate was opened through electronic devices. Naghihintay na sa bukas na front door sina Guiller at Don Ramon.

Umibis si Maryana nang makahinto na ang sasakyan. Hinila niyang palabas ang mga abubot niya.

“Papa, dala mo po ba ang kotse? Ililipat ko ang mga ito doon”

Lumapit si Guiller para tulungan siya sa paglilipat. “Let me carry that, too,” utos sa baritonong tinig habang kinukuha ang maliit na toiletry case.

“Hello, Don Ramon!” ang masayang bati naman ni Doris sa matandang lalaki. “Nice meeting you again!”

Ngumiti rin nang magiliw ang ama ni Maryana, samantalang nandidilat siya dito. Ayaw na niyang mapadikit ang Papa niya sa isang babaeng nakikipagkurutan sa isang katulad ni Miller!

“Maryana, your father knows what he’s doing,” wika ni Guiller sa kanya. Mahina ang boses nito habang nakatingin sa kanya. “Hayaan mo lang siya. Ang sarili mo ang intindihin mo.”

“Wala kang pakialam sa amin, Mr. Corvera,” pakli niya, sabay talikod dito.

“Malaki ang pakialam ko sa iyo, Maryana,” salo ni Guiller.

“Nakahanda na ang mesa, iha. Talagang hinintay ka namin ni Guiller,” pahayag ni Don Ramon sa kanya.

Hindi siya nakatugon sa ama dahil naulinigan niya ang ugong ng papaalis na kotse. Nilinga niya iyon at gayon na lang ang pagtataka niya nang matanaw na sakay uli si Doris ni Miller.

“A-akala ko’y — ” taka niya habang nagtatanong ang mga mata sa Papa niya.

“Confidential ang pag-uusapan natin. Ang tanging puwede lang ay si Willie, dahil siya ang direktor ng pelikula,” sabad ni Guiller bago pa makasagot si Don Ramon.

“Buweno, pumasok na tayo at nagugutom na ako talaga,” aya ng matandang lalaki. Tila at home na at home na ito sa tahanan ng nakababatang lalaki.

Hindi mapigil ni Maryana ang curiosity habang iginagala niya ang paningin sa paligid ng kabahayan.

Nagsimula agad silang kumain. Kasalukuyang nagsisilbi ng main course ang serbidora nang tumawag si Direk Willie.

“Hindi raw siya makakahabol, Don Ramon,” pahayag ni Guiller nang maupo uli sa mesa.

Nakita ni Maryana ang tila pagtatago ng reaksiyon ng ama sa kanya.

“Importante bang makausap n’yo ngayon si Direk, Papa?” tanong niya rito, nag-aalala na.

Dali-daling umiling si Don Ramon. “A, hindi naman, iha.”

Magtatanong pa sana siya ngunit nakita niyang sinenyasan siya ni Guiller. Kailangan niyang sumunod sa babala nito alang-alang sa kanyang Papa.

“Ngayong nandito na si Maryana, gusto ko nang makita ang iyong original Rembrandt painting, Guiller,” ang magiliw na wika ni Don Ramon nang lumawig ang katahimikan.

Maryana glanced at Guiller noncommittally. Ayaw niyang mag-tour sa bahay ng lalaki dahil ayaw niyang madagdagan ang interes na napupukaw nito sa kanyang isipan.

Ngunit mapilit ang kanyang Papa kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa lahat ng gusto ng matanda matapos ang delicious but forgettable dinner.

“Ah, mayroon ka din palang Juan Luna, iho!” bulalas ni Don Ramon. “Saan mo nakuha ito?”

“Ibinenta sa akin ng malayo nang kamag-anak ng mga Luna. Hindi sikat ang painting na iyan pero original naman, hindi ba?” Guiller said without pomposity. “It’s a good investment.”

“Tama ka, iho. Tataas at tataas pa din ang value niyan pagdating ng panahon.”

Hindi umiimik si Maryana. Tumingin-tingin siya sa mga naka-display sa gallery hallway upang hindi si Guiller Corvera ang galaan ng mga mata niya.

She always caught herself looking at the man without her conscious knowledge.

“Ang isang iyon, kahit na maliit lang ‘yan ay napakamahal dahil gawa ni Picasso.” Itinuro nito ang isang kuwadradong painting na tinatapatan ng isang maliit na spotlight.

Lumapit silang mag-ama doon upang tingnan ang gawa ng isa pang maestro.

“Matalino kang pumili, Guiller,” pamumuri ni Don Ramon.

“Kanino naman ang isang ito?” tanong ni Maryana. Gusto niyang burahin ang papuri ng kanyang ama sa lalaking kinasusuklaman.

“Hindi pa kilala ang pintor na iyan pero mayroon akong kutob na bigla na lang sisikat sa mga darating na taon,” pahayag ni Guiller.

“Ano sa palagay n’yo, Don Ramon?”

“Hmm.” Sinipat-sipat muna ng matandang lalaki ang magkakasunod na kuwadrong may iisang pirma.

“May potential siya para sa akin. Kahit na wala akong gaanong alam sa art, nahuhulaan ko na may appeal ang isang ito.”

THE REBELLIOUS BRIDE-14

Comments are closed.