The Rebellious Bride-16

“Magtataksi na lang ako pauwi. You don’t have to leave your friends. Okey lang sa akin.”

Akmang iibis si Maryana. Pero pinigilan siya ni Runty. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa isang braso niya.

Sigurado si Maryana na may mga pasa na agad siya doon. Nagpumiglas siya ngunit hinaklit lang siya nito nang buong dahas.

“Our night’s just starting, darling Ana,” bulong nito habang sinisibasib ng halik ang kanyang bibig.

Ibinaling ni Maryana ang mukha niya kaya ang kanyang leeg ang tumanggap ng mga nakakadiring halik.

Runty was a sloppy kisser. He had wet her neck with slippery saliva while his hands groped hurtingly on her body. His fingers pinched her breasts painfully as his teeth nipped her shoulder.

Napaungol siya sa sakit. She was taken by surprise and she was feeling drowsy kaya nagdududa siya ngayon na baka may halong droga ang mga inumin at pagkain na inihain sa kanya kanina.

Hindi siya makapiglas dahil para siyang naparalisado.

“Runty, ano ba?” angil niya habang pagigil na itinutulak ang lalaki. “Let me go! Hayup ka!”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

Humalakhak lang si Runty. Hindi siya pinakawalan. Maryana panicked when she heard her clothes being torn off from her body.

Nahati sa gitna ang suot niyang silk dress. Her skin looked white and vulnerable against the blackness of the smooth cloth.

“Ang ganda-ganda mo! Patikimin mo rin ako. Gabi-gabi, iba ang mga ka-date mo. Ang galing-galing mo siguro, ano?” Kinagat siya uli sa balikat, sa kabila naman.

Natatakot na siyang talaga nang mga sandaling iyon. Tila hindi mahihinto ang bangungot kung hindi siya makakagawa ng paraan para makakawala sa walanghiyang lalaking ito!

Umigkas ang mga tuhod niya ngunit nasaktan lamang siya nang matitigas na bagay lamang sa loob ng masikip na kotse ang tinatamaan niya.

Kinalmot niya ang lalaki ngunit hindi yata ito marunong masaktan. Tila natutuwa pa kapag nagugurlisan niya ang balat.

“Hayup, bitiwan mo ako,” utos niya, paus na paos ang boses.

Hinihingal na siya habang pasabunot niyang inilalayo ang ulo nito mula sa kanyang dibdib. She wriggled violently but her action just excited him more.

“Sige, ganyan nga ang gusto ko sa babae, Ana,” halakhak ni Runty. “Ana, Ana, are you ready na?” kanta pa nito na para bang naglalaro lang silang dalawa sa loob ng sasakyan.

Sumigaw si Maryana ngunit parang walang lumalabas na boses sa lalamunan niya. She had never been this afraid in all her life! She was damnably frightened!

Kaya pala sa madilim na parte ng parking lot pumarada ang luku-luko. Kaya pala pinatugtog nang malakas ang car stereo.

Parang nagdidilim na ang paningin niya nang may maramdaman siyang dumating na saklolo.

Pumasok ang malamig at malakas na ihip ng hangin sa loob ng sasakyan nang mabuksan ang pinto nito.

Pagkatapos, ‘hinablot’ palayo sa kanya ang lalaking tila hayok sa laman.

Humahagulgol na siya sa matinding takot nang pangkuin siya ng matitigas na bisig palabas ng kotse ni Runty.

Hindi na niya tiningnan ang mukha ng kanyang tagapagligtas. Yumapos na lang siya sa leeg nito at isinubsob ang mukha sa malapad na dibdib.

She felt like she had been transported to a safe place after experiencing a near-rape.

Nang maging hikbi na lang ang mga hagulgol niya, saka lang nagsalita ang kanyang savior.

“You shouldn’t have gone out with that snake, Maryana,” anang galit na boses ni Guiller.

Sa isang sulok ng kanyang isipan, nahulaan na niyang si Guiller ang tumulong sa kanya. Her body had known him through touch alone.

She didn’t answer him. Wala siyang boses — at wala pa siyang mukha.

“Dammit! Nandito naman ako na palaging nag-aaya sa ‘yo!” He sounded ready to explode kaya muling bumangon ang sindak sa dibdib niya.

“G-guiller, please — ” pakiusap niya. Her husky voice was shaking with fear.

The man sighed loudly. “I’m sorry. It’s okey,” pang-aalo nito habang hinahaplos ang kanyang likod.

Nang makalma siya, isinandal siya nang buong ingat ni Guiller sa passenger’s seat. Hinubad nito ang suot na jacket para ipasuot sa kanya.

“Gusto mo pa bang magsampa ng reklamo laban kay Runty Rowel?”

Hindi niya naisip iyon kaya hindi agad siya nakatugon.

Bumuntonghininga uli si Guiller. He eyed her with gentle exasperation.

“Kung gusto mong maeskandalo, go ahead, Maryana. It’s your right. Pero kung ayaw mong madawit sa gulo ang pangalan ng Papa mo, you must forget this night had happened to you.”

Natigilan ang dalaga. Napatitig siya sa labas ng bintana. Madilim ang gabi. Walang bituin. Singdilim ng isipan niya.

Pinaandar ni Guiller ang sasakyan nito. Lumayo sila sa lugar na iyon nang hindi na inaalam ang lagay ni Runty.

Matagal na katahimikan ang pinalipas ni Maryana bago siya nagsalita. Nilunok niyang pansamantala ang kanyang pride.

“M-maraming salamat, Guiller. You don’t know how grateful I feel about you now. I — I’ve never felt so frightened!” Napahinto siya nang gumaralgal ang kanyang boses.

“A-a-akala ko’y magtatagumpay na siya kanina!” Muli siyang napaiyak nang manumbalik ang mapait na karanasan.

Kahit na hindi natuloy ang paglugso ng dangal niya, her imagination could supply the ending very easily. She could conjure up the sordid details without any effort at all.

Huminto ang kotse sa isang carpark na nasa tapat ng malaking restaurant.

“Hintay ka lang dito. I’ll get you some food and drink. Siguradong hindi ka nakakain sa mga lugar na pinagdalhan sa ‘yo ng sira-ulong ‘yon!”

Maliksing umibis si Guiller at lumakad patungo sa take-out counter ng establishment.

Kahit na sandali lang itong nawala sa tabi niya, nakadama pa rin siya ng pagkainip. She felt a great relief when he finally returned with a huge-sized food package.

“C’mon, kumain ka muna. Sasaluhan kita.”

Maryana was surprised she could still eat. Tinanggap niya ang isang bottled orange juice at ang isang chicken drumstick. Kumain siya nang ngitian siya ni Guiller.

Para bang nagkakaroon siya ng lakas at direksiyon kapag napapatingin siya sa matatag na mukha ng lalaki.

“Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito, Maryana,” sambit nito, seryosung-seryoso nang matapos silang kumain nang tahimik.

“I’ll take you to my house — to show you something very important. Magtitiwala ka ba sa akin?”

THE REBELLIOUS BRIDE-17

Comments are closed.