The Rebellious Bride-19

Maryana trembled again.

Hindi niya maiwaksi ang takot na naitanim ni Guiller sa kanyang kalooban magmula pa nung una silang magkita.

Natatandaan pa niya ang bangis ng mukha nito habang ginugulpi ang mga ekstrang goons na kasama niya noon sa shooting.

She was not the recipient of his volatile violence but she had been afraid just the same.

Hanggang ngayon, napaniwala niya ang kanyang sarili na hindi siya natatakot kay Guiller.

Matapos ang isa na namang balisang gabi, sumapit ang isang bagong umaga nang labag sa kanyang loob.

Still, life must go on. Dumating ang mga taong kasama sa preparasyon ng lahat sa gaganaping kasalan.

Everything went smoothly as planned kaya dumating ang bride sa takdang sandali sa simbahan.

Maryana felt like being led to her death. Para siyang bibitayin.

At ang kanyang berdugo ay ang lalaking nakatayo mismo sa harapan ng altar.

Habang nagmamartsa sa aisle, walang nakikitang ibang tao si Maryana. Nakatutok ang mga mata sa magiging kabiyak ng puso. Ano kaya ang buhay na naghihintay sa kanya?

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

Nagsimula ang seremonya nang makarating siya sa tabi ni Guiller sa wakas. Naging mabilis ang mga sumunod na eksena pero biglang bumagal nang magtanong ang pari.

“Woman, do you take this man as your rightful husband?”

“Y-y-yes, I d-do,” she stammered in a trembling voice.

Pinisil ni Guiller ang kanyang kamay. Ramdam niya ang init ng palad nito kahit na may suot siyang guwantes.

“I now pronounce you man and wife. The groom may kiss the bride,” pagtatapos ng pari.

Maryana delt dazed because she didn’t even hear the priest asked the damning question to Guiller.

Parang bigla na lang niyang asawa ang lalaking ito!

Hinapit siya ng bagong asawa sa beywang matapos nitong iangat ang kanyang suot na belo.

The kiss he gave her was a clear prelude to a passionate wedding night that he had promised her yesterday. His mouth was hot and ardent on her stiff cold lips.

“Smile, my sweet bride,” ang pabulong na utos ng lalaki nang magsimula nang magsilapitan ang mga bisita.

Panay ang kislap ng mga kamerang hawak ng mga photographers. Nakakasilaw din ang mga spotlights ng tatlong videomen na kumukuha ng mga eksena sa palibot ng katedral.

Nagamit niya ang kakayahan niya sa pag-aarte sa buong okasyon na iyon.

Ang tanging kunsuwelo niya ay ang matinding kasiyahan sa mukha ng kanyang Papa.

Nahihimasmasan siya kapag nagkakatinginan sila ni Don Ramon. Naaalala niya ang talagang dahilan ng pagpapasakal niya kay Guiller — ang kaligtasan ng negosyo ng kanyang Papa, pati na ang reputasyon nito.

“Mabuhay ang bagong kasal!” hiyawan ng mga tao nang magpaalam na sila sa mga ito sa simbahan.

Tumuloy sila sa malaking hotel ballroom na inarkila ni Guiller para sa masaganang handaan. Nagtaka ang lalaki nang makitang walang inimbitahan si Maryana sa mga taga-showbiz.

“Bakit si Willie lamang ang nakikita ko dito ngayon, Maryana?”

“Tapos na ang kaugnayan ko sa pelikula, Guiller,” pahayag niya habang panay ang ngiti sa mga taong nakamasid sa kanilang dalawa.

“I’m glad you realized that now. You are really a homebody. I’m sure, you’ll be great homemaker, Maryana Corvera!”

Gustuhin man niyang i-deny ang sinabing iyon ng lalaki, hindi maaari. Nasa gitna sila ng maraming tao para mag-angilan. At sa mismong araw pa naman ng kasal nila!

“Papa, kayo na ang bahala dito,” paalam ni Guiller sa matandang don. “Iuuwi ko na si Maryana sa bahay ko.”

Tumawa nang malakas ang Papa ni Maryana. Kinamayan nito ang bagong manugang.

“Pakamamahalin mo sana ang aking anak, iho. Siya ang pinakamahalagang kayamanan ko sa mundong ito.”

Tumango ang tila seryoso nang si Guiller. “Asahan n’yo iyan, Papa. Mamahalin ko nang husto si Maryana.”

Hindi makapagsalita si Maryana. Nanggigigil siya sa sobrang pagtimtimpi.

Muli silang sinabuyan ng mga butil ng bigas nang magpaalam sila sa mga panauhin. Nag-combine ang mga kakilala’t kamag-anak ng Reyes at Corvera kaya halos inabot ng isang libo ang mga bisita.

Umapaw ang ground floor ng hotel, hanggang sa swimming pool area at malawak na hardin.

Guiller didn’t practice his cost-cutting techniques on their wedding day!

Her nervousness heightened as their car neared the large American-style house of her husband. Simputi ng suot niyang wedding gown ang pintura ng palasyong mansiyon.

“Nervous, Maryana?” tudyo ni Guiller habang pinapangko siya sa may pagpasok ng malapad na pinto.

Nanlalaki ang mga mata ni Maryana. She wanted to control her fear but could not.

“Don’t be,” bulong ng lalaki. Seryoso na nang makitang natatakot na nga siya. “I can never hurt you,” he added reassuringly.

But she was not reassured. Nakaukit sa kanyang isipan ang lahat ng mga sinabi ni Guiller nung araw na nag-propose ito ng kasal sa kanya.

It was not even a proposal. Parang blackmail pa nga ang dating ng mga pangyayari noon.

Inihatid siya ni Guiller sa kanilang magiging kuwarto.

“Ayun ang banyo, sweetheart. katabi nu’n ay ang walk-in closet. I’ll use the bathroom outside. Babalik ako dito after thirty minutes,” pahayag ng lalaki.

His husky voice could not contain his excitement any longer.

“Be ready.”

Hindi nga siya nito hinalikan ngunit parang ganoon na rin ang nangyari dahil halos mapaso siya sa mainit na pagtitig nito sa kanyang mga labi bago tumalikod sa kanya.

Saglit siyang nawala sa kanyang sarili nang mapag-isa sa gitna ng malaking master’s bedroom.

Tanaw sa labas ang isang maluwag na balkonahe. Lumapit siya sa french door upang buksan iyon. Nais niyang makasamyo ng sariwang hangin para mahimasmasan.

God, ano’ng gagawin ko? usal niya habang nakatingala sa langit.

Nalingunan niya ang teleponong kulay krema. She made a hasty decision without any more thoughts.

Dinampot niya ang receiver at nag-dial. Kinontak niya ang cellular phone ng kanyang Papa.

“Hello, this is Don Ramon Reyes speaking,” tugon ng matanda sa kabilang linya.

“P-papa?” Halos hindi niya masambit nang tuwid ang kataga.

“Maryana? Bakit ka napatawag? kaaalis n’yo lang dito, a?”

“Uhm, o-opo, Papa,” aniya. “Huwag po kayong mag-alala. Okey lang po kami. Nandito na kami sa bahay.”

“A, ganoon ba? O, e, bakit napatawag ang anak ko?”

Naglalambing na ang tono nito. Medyo nakainom na marahil. Bumaha ng champagne sa reception kanina.

“M-medyo nami-missed ko na kayo,” pagbibiro niya kunwari pero nag-iipon lang siya ng lakas ng loob upang maitanong ang dapat ay noon pa niya naitanong dito.

THE REBELLIOUS BRIDE-20

Comments are closed.