The Rebellious Bride-20

“Ayaw ko mang aminin, anak. Nangungulila na naman nga ako sa iyo.”

Humalakhak si Don Ramon. Tila inaalo ang sarili.

“Biruin mo, kagagaling mo pa lang sa ibang bansa. Ngayon ay wala ka na naman sa piling ko. A, talagang malaki na ang baby namin ni Morena!”

Ibinalik ni Maryana ang paksa bago pa maging sentimental ang tema nilang mag-ama.

“Er, Papa, b-baka naman bumaling na naman kayo sa pagsusugal kapag nalulungkot kayo sa pagkawala ko?” pananalakab niya nang magkaroon ng kaunting katahimikan.

“Pagsusugal?” taka ni Don Ramon. Tila inosenteng-inosente nga ang tono nito.

Parang sinuntok sa dibdib si Maryana ngunit pinilit niyang paganahin ang kanyang isipan.

“N-nasaan kayo nung minsang ginabi kayo nang gusto sa pag-uwi, Papa?” tanong niya, pigil-hininga ang paghihintay sa kasagutan ng kausap.

“Nung gabing inihatid ka pa nga ni Guiller?”

“O-opo, Papa,” tugon niya, halos wala na siyang boses.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

“I mustn’t discuss this on the telephone, iha,” wika ng Papa niya. Halatang nag-aalinlangan ang tono.

“Please, Papa. Gusto ko pong malaman. Kailangan kong malaman,”

“Hay, iha, hindi naman sikreto, kaya lang — sige na nga. M-mayroon akong tinubos kay Mr. Vitug,” pag-amin nito. “Isang papeles ng negosyo.”

“N-natalo kayo sa sugal kaya napunta kay Mr. Vitug ang isang papeles ninyo?” panghuhuli niya.

“Sugal?” ulit na naman ni Don Ramon. “Iniisip mo ba na nalululong ako sa sugal, anak?”

She almost stopped breathing as she waited for his answer.

“Hindi, anak. Hindi pa naman nasisiraan ang ulo ko para isugal ang mga pinaghirapan ko — namin ng iyong Mama.”

“I’m sorry, Papa. Napagbintangan ko kayo ng hindi tutoo. I’m sorry.”

Galit naman ang nagpapasikip ng dibdib niya ngayon. Agad siyang nagpaalam sa ama.

“I want you to know that I still love you, Papa, kahit na tutoo pa ang mga iniisip ko.”

“I’m sorry, too, anak. Naglihim ako sa iyo. One of these days, ipagtatapat ko sa iyo ang iba pang sikreto na dapat ay nalalaman mo rin,” pangako nito sa kanya bago pinutol ang kuneksiyon ng mga linya nila.

Ang una niyang ginawa matapos ang telephone conversation, isinara niya ang lahat ng mga pintong puwedeng daanan ni Guiller.

Pagkatapos, nagtungo siya sa banyo upang maligo. Nagbabad siya sa bathtub upang malunod ang mga tensiyon na umaalipin sa kanyang buong pagkatao.

Nakahiga na siya sa malawak na bilugang kutson nang kumatok si Guiller.

“Maryana? Maryana, bakit ini-lock mo ang pinto?”

Hindi kumibo si Maryana. Nagtalukbong lang siya ng kumot at nagtakip ng malambot na unan sa ulo.

Pumikit siya nang mariin. Gusto niyang burahin ang lahat ng mga maling desisyon na ginawa niya — impulsively.

Ngunit hindi na puwedeng baguhin ang mga nangyari na.

“Maryana!” Sumisigaw na ang lalaki mula sa labas.

Ngamol at mahina ang boses nito dahil solido ang dahon ng pinto ngunit nararamdaman ni Maryana ang tumitinding galit nito.

Kinalabog nang kinalabog ni Guiller ang makapal na kahoy na puno ng mga disenyong ukit.

Pinigil ni Maryana ang manginig nang mapagtanto niya ang magiging resulta ng ginawa — sakaling makapasok si Guiller sa loob ng kuwarto.

Huminto ang mga ingay kaya medyo nakahinga uli siya nang maayos. Dahan-dahan niyang iniangat ang kumot upang makapasok ang oksihena sa loob ng talukbong niya.

Ilang minuto lang ang kapayapaan. Nang muling umatake ang unos ni Guiller, tinangay pati ang kumot na nakapalupot sa kanya.

Nakapasok na pala ang lalaki nang hindi niya namamalayan!

“Ay! Paano ka nakapasok dito?” usig niya habang pilit na binabawi ang kumot.

Ngunit hindi iyon binitiwan ni Guiller. Nang mahaklit nang buo ang kulay asul na kumot, itinapon nito sa isang sulok.

“Bahay ko ito, Maryana!”

She tried to scamper to the other side of the circular bed.

But Guiller caught her with his muscular body.

Sinunggaban siya nito kaya kapwa sila nagpagulung-gulong nang magpumiglas si Maryana.

There was a short but fierce skirmish between the newly-weds bago nangibabaw ang lakas ng groom.

Pareho silang hinihingal nang ang kanilang mga paningin naman ang magtagis.

“You’re cheating, Maryana,” Guiller accused darkly. “Alam mong hindi ako papayag sa isang platonic marriage!”

“Yes,” she hissed at him. “You want two kids, hindi ba? Pero dahil sa ginawa mo, kahit na isa ay hindi kita bibigyan!”

“Bakit? Ano’ng ginawa ko na ikinagagalit mo?” maang ng lalaki.

Inaarok ang kanyang mata. Kinapa ang kanyang kalooban habang patuloy na nakapigil sa kanyang mga biyas ang puwersa nito.

“Nagsinungaling ka sa akin! Hindi naman lulong sa sugal ang Papa ko. Bakit mo nagawa sa akin iyon, Guiller?” pang-uusig niya.

“So, na-diskubre mo na pala ang huling alas na ginamit ko sa iyo?” sighed Guiller.

He flexed his iron fingers but did not ler her free as she expected.

“Pawalan mo ako, lalaking mandaraya!” utos niya.

Her bravado was all that was left in her defenses. Wala na siyang kalakas-lakas para manlaban uli.

“Ngayundin!” she added furiously.

Tumawa nang pagak si Guiller.

“Are you insane, Maryana?” he asked sarcastically.

“Natupad na sa wakas ang pangarap ko. You’re here im my arms now. We’re on my bed, kungsaan madalas akong humabi ng mga pantasya ko sa ‘yo — pagkatapos, gusto mong pakawalan lang kita?”

Tinangka uli niyang magpumiglas. Galit na galit na si Maryana.

“Y-you swine! Nandidiri ako sa ‘yo!” sigaw niya.

Guiller went very still while staring deeply into her eyes.

“Tutoo ba ‘yan Maryana?” tanong nito kapagkuwan. “Nakakadiri ba ako talaga sa ‘yo?”

Tumango si Maryana, kahit na nag-aalinlangan na siya.

She had never inflicted pain to another human being deliberately. Hindi siya tinuruan ng kanyang Papa at Mama na manakit ng kalooban ng ibang tao.

Ang tutoo, the nearness of his hard body was creating havoc inside her.

Para bang may nasisindihang apoy na nagsisimulang kumalat at tumupok sa kanyang katinuan…!

“Tell me, Maryana,” utos nito, paanas. “Tell me na nangingilabot ka kapag ganitong nasa mga bisig kita.”

Bumuka ang bibig niya ngunit walang mga katagang numulas. Tanging ang mga mata lang niya ang nakapangusap. She tried to fight him with her eyes.

His hands explored the curves of her soft body experimentally. Watching her reactions minutely.

She tried to control the tremors in her flesh but could not.

THE REBELLIOUS BRIDE-21

Comments are closed.