The Rebellious Bride-22

Biglang inilipad sa hangin ang orihinal plano ni Guiller na bigyan muna ng pagkakataong makapagsanay sa married life ang bagong kabiyak.

“I’m sorry, Maryana,” bulong niya habang hinahagkan nang buong pagsuyo ang batok ng nahihimbing na asawa.

“I have to do it. Kailangan kong lansihin ka noon para matupad ang pangarap ko na mapasaakin ka!”

Matapos ang paghingi ng tawad, parang lumuwag ang kanyang dibdib.

Napaidlip na rin siya, sanhi ng matinding pagod at tensiyon ng nagdaang maghapon.

Nagising si Maryana na nag-iisa lang sa malawak na kama.

Wala si Guiller sa tabi niya. Ni ang mga bakas nito sa palibot ng kuwarto.

But the marks of his intense possession was all over her alabaster body.

Kitang-kita sa maputing kutis niya ang mga mumunting pasa at mga gasgas na likha ng papatubong balbas at bigote nang lalaki.

Nananakit din ang mga kalamnan niya, lalo na ang kanyang mga hita.

She had aching muscles as though she had done a most strenous activity last night.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

Tutoo naman, dahil nakipaglaban siya sa superior strength ni Guiller.

She fought her husband to guard her virtue gayong pag-aari na siya ni Guiller.

Nagpakasal siya rito kaya puwede na nitong gawin ang lahat ng gusto sa kanya. Legal na ang bawat halik at hipo na dinanas niya mula rito.

Namaluktot si Maryana sa kanyang pagkakahiga. Hindi niya magawang aminin na — na nagustuhan niya rin ang lahat ng mga nangyari kagabi.

Dahil kung hindi niya nagustuhan, hindi sana siya nakalasap ng kasukdulan!

Pumikit nang mariin si Maryana.

I don’t like you, Guiller. Nandidiri ako sa iyo!

Umalingawngaw ang mga kataga sa kanyang utak. Gayon ba ang pagpapakita ng pandidiri at pagkasuklam?

Pabalikwas siyang bumangon upang tumakbo patungo sa banyo. Nais niyang maglinis upang mawaksi na ang init ni Guiller na naiwan sa katawan niya.

“Papa, magtatapat ako sa inyo,” umpisa ni Guiller sa biyenan.

Nasa airport sila. Inihahatid niya ang matandang lalaki sa eroplanong patungo sa Greece.

“Parang alam ko na kung ano ‘yon, iho,” salo naman ni Don Ramon.

“At kung ako ang nasa posisyon mo, na gustung-gusto ko ang babae pero ayaw na ayaw naman sa akin — I’ll do anything, kahit na mandaya ako nang kaunti.”

Parang nangungunti si Guiller. Kahit na malinaw na pinatatawad siya ng matanda sa ginawa niyang panlalansi sa anak nito, nakakahiya pa ring harapin ang sariling kunsensiya.

Lalupa’t mayroon siyang prinsipyo sa negosyo na hindi siya manlalamang at gagamit ng katusuhan.

Tila nababasa naman ni Don Ramon ang nasa isipan niya. Tinapik-tapik nito ang isang balikat niya bilang pang-aalo.

“All is fair in love and war, iho. Ginawa mo lang ang dapat para makuha ang pag-ibig ni Maryana.”

“She doesn’t love me, Papa,” pahayag niya. Mababa ang tono. Paiwas din ang tingin niya. “Pinuwersa ko lang siya.”

Nagulat ang bagong biyenan niya.

“Ang ibig mong sabihin — dinahas mo siya? Pinagsamantalahan bago pinakasalan?”

Umiling si Guiller. “No, Papa. Of course not. I can never hurt your daughter. I respect her too much to do that.”

“Good! And thank you. Inaasahan kong mamahalin mo ang aking anak, iho.”

“Gumawa ako ng mga maling impresyon para mapilit ko siyang magpakasal sa akin.”

“Gumawa ka ng bitag? At isa ako sa mga patibong mo, hindi ba?” pananalakab ni Don Ramon.

“Nahulaan ko na ang tungkol sa atin. Nagtatanong si Maryana kung magiging lulong pa ba ako sa sugal ngayong nawala na naman siya sa piling ko. Dahil nag-asawa na siya,” dugtong ng matandang lalaki bilang paliwanag ngunit bitin.

Tumango si Guiller. “Kinunan ko ng video ang minsang paglalaro n’yo sa poker room ng hotel na pinuntahan natin para bilhin, at ipinakita ko kay Maryana pero iniba ko ang sitwasyon. Pinalabas ko sa kanya na madalas ka doon kaya malapit nang malugi ang mga negosyo mo.”

Natawa ang matanda habang umiling-iling. “Puwede ka rin palang direktor na katulad ng pinsan mo, a?” pambubuska muna nito para gumaan ang atmoshpere sa pagitan nila.

“Actually, tutoo naman na malapit na akong malugi, hindi ba? Alam kong alam mo iyan. You’re a very astute businessman, Guiller. Pero hindi ko na kailangan ipakasal sa ‘yo ang anak ko para lang tulungan mo ang kumpanya ko. I’d like to make this very clear to you, son-in-law,” patuloy nito habang inaakbayan siya.

“Kilala ko ang aking si Maryana kaya alam ko na agad na very reluctant siyang magpakasal sa ‘yo, Guiller. Ngunit dahil boto ako sa iyo at naniniwala ako na ikaw ang lalaking makakapagpaligaya sa kanya — nagbulag-bulagan ako sa mga piping pagsusumamo na araw-araw kong nababasa sa mga mata ni Maryana,” pagtatapat ng don.

“Mahal na mahal ko ang anak ninyo, Papa,” ang taimtim na sambit ni Guiller.

“Sinabi mo na ba iyang nararamdaman mo sa aking anak?” panunudyo ng matanda.

Napamaang si Guiller. “K-kailangan ko pa bang sabihin? I mean, hindi naman gagawin ng isang lalaking walang pagmamahal ang lahat ng pagtitimpi at ang lahat ng preparasyon para sa isang memorableng kasal,” pahayag niya.

Tumawa nang malakas ang matandang lalaki. “A, Guiller! A woman needs to hear those sweet words from a man. Kahit na kasal na kayo, kailangang ligaw-ligawan mo pa rin siya. Para manatiling buhay ang romansa. Ang matatamis na salita ang nagsisilbing pataba ng pag-iibigan para lalong yumabong at maging mainit,” sambit ni Don Ramon habang nakangiti.

Napakamot sa ulo si Guiller. “G-ganoon ba ‘yon?”

“O, siya, umuwi ka na sa inyo. Baka nagmamaktol na si Maryana.” Pinisil ng matanda ang braso niya.

“Sa ngayon, tatanggi at lalaban siya sa iyo — pero kapag napatunayan mong iniibig mo siya aaminin na rin niya ang tunay na nadarama niya para sa iyo.”

Napatulala sandali si Guiller. Hindi agad niya napaniwalaan ang sinabi ng biyenan.

“M-may nadarama si Maryana para sa akin, Papa?” he asked in disbelief.

“Kilala ko ang aking anak. She had never reacted to any man like she did to you, Guiller. Para siyang palaging nababalisa at pirming tila napapahiya kapag nababanggit ang pangalan mo o napapasulyap sa iyo.” Tatangu-tango si Don Ramon na para bang may tinitiyak sa kanya.

“Mahalin mo ang aking anak, Guiller. At mamahalin ka rin niya pagdating ng panahon.”

Umuwi si Guiller na iyon ang laman ng isipan. Posible pa kayang mahalin siya ni Maryana pagkatapos ng paggamit niya ng dahas sa gabi ng kanilang pulot-gata?

THE REBELLIOUS BRIDE-23

Comments are closed.