The Rebellious Bride-3

“Eight thirty na ang dinner appointment ko,” pahayag ni Don Ramon.

“You have an hour to get ready. Be beautiful, my dear daughter, ha? Request ng Papa mo ‘yan,” pahabol pa nito habang umaakyat na si Maryana sa paikot na hagdanang yari sa marmol.

Sumimangot uli ang dalaga nang makarating na siya sa kanyang silid. Naiinis siya dahil bagu-bago pa lamang siyang nakakauwi ay halos ipinagduduldulan na siya ng Papa niya sa mga amigo nito sa negosyo.

“I’m just twenty-three!” bulalas niya sa kanyang repleksiyon sa dressing table na malaki. “Bakit ba natatakot ang Papa ko na tumandang dalaga ako?”

Only the silence of her room answered her irritated question.

Lalo siyang nainis. Paano’y sumisingit pa sa kanyang gunita ang preskong mukha ng lalaking nanggulo sa shooting kanina.

“Tarantadong lalaki ‘yon, a? Kung hindi lang pinsan ng direktor ‘yon, sinabon ko na ‘yon nang todo, e!” Bubulung-bulong siya hanggang sa loob ng shower room.

Nagbabad siya sa malamig na bugso ng tubig hanggang sa mawala ang alinsangan ng Pilipinas sa balat niya.

Naglalagay siya ng panibagong make-up nang katukin siya ng katulong na si Nilda.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

“Ate Maryana? Nandiyan na raw po ang bisita n’yo. Pinatatawag na po kayo ni Senyor Ramon.”

“Sabihin mong susunod na ako, Nilda,” tugon niya sa malakas na boses. Sinulyapan niya ang relo sa dingding.

“Ang aga-aga naman ng lalaking ‘yon!” reklamo niya habang pabagsak na inilalapag ang malaking brush na panlagay ng blush-on.

Hindi pa rin siya nagmadali sa pagkilos. Dinahan-dahan niya ang paglalagay ng diamond earrings ang necklace niya matapos magpahid ng mascara sa mahabang pilik-mata na natural ang pagiging malantik at makapal.

Habang pumapanaog siya ng hagdan, naririnig na niya ang boses-lalaki na nag-uusap sa loob ng salas.

“Guiller, tiyak na matitipuhan mo ang anak ko. Kaisa-isang anak na dalaga ko si Maryana. Siyempre, heredera ko ‘yan. Kaya natatakot ako na baka isang fortune hunter lamang ang matapatan niya.”

Nanggigil agad si Maryana sa narinig niya. Sumugod agad siya.

Itinulak niya ang pinto nang pasalya upang gulatin ang dalawang lalaking nasa loob — ngunit siya ang napapatda nang makita ang kausap ng Papa niya.

The bored expression on the man’s face was instantly erased when he saw her. A pure male delight sparked in his deep-settled eyes to show his appreciation of her beauty.

But Maryana didn’t feel flattered. Nabuhay uli ang lahat ng pagkayamot niya nang manggulo sa shooting ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Sinundan mo ako? Wala kang magawa sa buhay, ano?” pagtataray niya agad dito habang namemeywang.

The man smiled coaxingly at her. “Hindi kita sinundan dito, Ana, kahit na gusto kong gawin ‘yon kanina.” Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.

“Seeing you here is a great coincidence. I’m Guiller Corvera, at your service.”

Hinaklit niyang palayo ang kanyang kamay nang akmang hahalik ito sa kanya na animo isang kabalyero.

“Papa, sino ba itong kumag na ito? Bakit nandito ito?”

Kailangan pa niyang tapikin ang ama sa isang braso upang mahimasmasan ito sa pagkabigla.

“H-ha? Iha, siya ang dinner guest natin, si Guiller Corvera,” pahayag nito while glancing at the man apologetically.

“A, ikaw pala!” She paused for a while to look at him from head to foot.

Ganito ang ginagawa niya kapag inis siya isang lalaki at nais niyang ma-turn off agad ito.

But Guiller Corvera was made of a different stuff. He just preened arrogantly as she investigated his wares icily and insultingly.

Para bang nasisiyahan pa ito sa pagsipat niya sa kabuuan nito. Ngumingiti pa nga nang pa-cute at inililiyad pa nang kaunti ang mapalad na dibdib.

This man is maddening! ungol niya sa loob-loob niya.

“Do you like what you see, Ana?” patudyong tanong pa nito.

Lalong nakadagdag sa yamot niya ang ginawang pagtatawa ng Papa niya. Inakala ng matandang lalaki na nagbibiruan sila!

Pinigil ni Maryana ang sumingasing. “I don’t,” she replied acidly.

“Masyado ka nang matanda para sa panlasa ko.”

Matapos i-deliver ang pasimpleng insulto, tumalikod na siya upang magpauna sa paglabas patungo sa kumedor.

“Papa, naririnig ko na si Nilda. Nakahanda na ang hapag-kainan.”

Mabuti naman at nakalatag na nga ang mesa. Katatapos lang magdala ng isang malaking pitsel na kristal na puno ng malamig na tubig ang katulong nang dumating sila.

“Maupo ka, Guiller.” anyaya ng magiliw na matanda sa panauhin.

Hindi umimik si Maryana habang nauupo siya. Ni hindi niya sinulyapan ang bisita.

She was piqued because her usual turning-off technique didn’t work with the man. Napipikon siya dahil hindi ito nailang sa ginawa niyang panunuri dito magmula ulo hanggang paa.

Dati-rati, sa ibang mga lalaki, epektibo ang mga titig niyang nanunukat at nanunuri.

Ngunit lumaban nang titigan si Guiller Corvera sa kanya kaya pakiramdam ni Maryana, siya ang sinukat at sinuri nito.

Drat the man! aniya sa sarili habang dinadampot ang mga kubyertos.

Nagsimula na sa pagsisilbi si Nilda.

Nanatiling walang imik ang dalaga.

Panay naman ang kuwento ni Guiller sa kanyang ama kaya tawa ng tawa ang matanda.

“Kung saan-saan ka na pala nakakarating, iho,” papuri ni Don Ramon sa bisita. “Ganyan din ang pangarap ko noong nabubuhay pa ang aking maybahay na si Morena.”

“Malungkot nga pong maglakbay nang nag-iisa, sir, pero mas nalulungkot po siguro ngayon ang inyong misis sa kinaroroonan niya dahil hindi ninyo tinutupad ang mga pangarap ninyo noon,” ang mahabang tugon ng lalaki. Tila sincere and concern na nasa tono nito.

Nag-isip si Don Ramon. “Oo nga, ano? Hindi ko naiisip iyan noon. Mabuti’t nabanggit mo sa akin ang ganyang point of view, iho.”

Hindi na napigilan ni Maryana ang sarili. Bagama’t naninibugho siya sa papuring tinatanggap ng panauhin, concerned din naman siya sa kalagayan ng kanyang ama.

Naging malulungkutin na ito magmula nang mamatay ang kanyang ina, limang taon na ang nakakaraan.

“Papa, magta-travel na kayo? Puwede ko naman kayong samahan. I could leave any commitments I’ve made. Wala namang importante sa mga ‘yon,” pahayag niya sa ama.

Umiling ang matandang lalaki. “Paano ako makakapag-pantasya na kasama ko ang iyong Mama? No, iha. Ako na lang ang maglalakbay.”

THE REBELLIOUS BRIDE-4

Comments are closed.