The Rebellious Bride-4

Tila yari na agad ang pasiya ni Don Ramon.

Tumingin nang matalim si Maryana kay Guiller. Ito ang sinisisi niya kung bakit tila bigla siyang na-etsa-puwera sa mga plano ng Papa niya.

Ngumiti lang nang buong lugod ang lalaki. Tila makapal nga talaga ang balat. Ni hindi tinatablan ng kahihiyan!

Nagpatuloy ang elaboradang hapunan. Everytime the Reyeses had a dinner engagement, espesyal ang mga pagkaing ipinaluluto sa kusina.

Maryana continued her sulky silence. She pushed her food around her porcelain plate, with a silver fork.

“Galing ako sa hirap, Mr. Reyes. Nagsikap ako hanggang sa marating ko ang kinalalagyan ko ngayon,” pagkukuwento ng lalaki nang magtanong na ang matanda sa family background nito.

Maryana felt a malicious glee. Tiyak na hindi ito makakapasa sa standards ng kanyang Papa. Kaya pala magaspang kung kumilos — wala naman palang breeding!

“Bilib ako sa isang katulad mo, Guiller. Ang ibang kabataan na nauulila nang maaga ay nagpapakasira na lang kaysa lumaban sa kahirapan.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

“May mga ilang kamag-anak naman po ako na nangagaral sa akin noon, Mr. Reyes.”

Pa-modesty effect pa ang mokong! bulong ni Maryana sa sarili.

Napasulyap siya sa lalaki habang lihim na umiismid. Naglaho ang kislap sa mga mata nito nang mabasa ang panunuya sa paningin niya. Para bang nalungkot.

“Siguro, sobra-sobra ang sipag na ibinuhos mo sa iyong negosyo kaya napakadaling lumago nang ganyan kalaki sa loob lang maikling panahon, ano?” patuloy ng matanda.

“Gan’on nga po. At hindi rin maaaring huminto dahil palaging kailangan pa rin ng ibayong sipag at tiyaga. Success and wealth are not permanent in this rat race. Mayaman ka ngayon pero bukas ay hindi na — kung walang pag-iingat.”

“Tama ka diyan sa sinabi mong iyan, iho. Malimit rin akong mapuyat sa kaiisip ng kinabukasan para sa maraming tao.”

“Isa lang naman po ako, Papa. At saka, marunong naman akong magbanat ng buto kung sakaling kayo naman ang kailangan kong suportahan,” sabad ni Maryana.

Mukhang nahuhulog na nang husto ang loob ng ama niya sa lalaking adelantado.

Ngumiti ang nalulungkot pa ring matanda.

“Hindi na ikaw ang inaalala ko, iha. May nakatabi nang trust fund para sa iyo. Ang mga taong naka-empleyo sa kumpanya natin ang iniisip ko. Magugutom ang mga pamilya nila kapag bumagsak ang negosyo natin.”

Maryana felt a frisson of alarm on her spine. May ibig bang ipahiwatig ang kanyang ama na hindi niya gaanong nauunawaan?

“A-ano’ng ibig n’yong sabihin, Papa? Nalulugi po ba kayo?”

“Ah, hindi pa naman. Kaya nga nakikipagkaibigan ako kay Guiller, gusto kong masiguro na hindi ako darating sa ganyan kalungkot na kabanata ng buhay ko bilang isang iginagalang na negosyante.”

Ngumiti nang buong paggalang ang matanda sa kasalong lalaki. “Ilang taon ka na nga ba, Guiller?”

“Thirty-five, sir.”

She saw him glance at her. Para bang naaalala ang sinabi niya kanina tungkol sa pagiging matanda nito para sa kanyang panlasa.

“Iyan ang tamang edad sa lalaki para makapag-asawa, iho.” Don Ramon stated triumphantly. Para bang may nadiskubre itong maganda.

“At ang tamang edad sa mga babae ay beinte hanggang beinte singko lang. Ano’ng edad ka na nga ba, Maryana?”

“Papa naman,” buntonghininga ng dalaga. She was clearly exasperated.

“Baka biglang magpaalam iyang bisita ninyo kapag nahalata niyang ipinagduduldulan n’yo ako sa kanya?” Hindi niya maderetsa ang ama kaya idinaan na lang niya sa maasim na biro.

“Of course not, Maryana,” bawi naman ni Guiller.

He pronounced her name slowly. Para bang tinitikman ang kanyang pangalan.

“Magyayaya agad ako ng kasal sa iyo. At malamang, hindi na ako uuwi para hindi ka na makakawala pa sa akin.”

Humalakhak nang malakas si Don Ramon. Masayang-masaya ito dahil nag-aakalang nagbibiruan pa ang dalawang kabataang nasa harapan nito.

“Ha! ha! You’ve met your match, iha. Sa wakas, nakatagpo ka na rin ng lalaking hindi napipikon sa ‘yo!”

She smiled at Guiller sourly. “Hindi ka ba talaga pikon, Mr. Corvera?”

“Hindi naman,” tugon ng lalaki, pa-kaswal. “Pero… depende sa biro siguro,” he added as an afterthought.

A slight shiver ran over her bared back. Goosebumps also appeared on her arms.

Sleeveless ang backless ang suot niyang silver evening gown na may mahaba at hapit na laylayan. Hakab na hakab ang kanyang katawan sa manipis na tela.

Kaya nang gumapang ang mga mata ni Guiller Corvera sa kanyang harapan, Kitang-kita ang kanyang dibdib na may namumurok na kambal na tuktok.

Her arms wanted to wrap around herself to hide her nipples from his all-seeing eyes but she resisted the defensive action. Instead, she straightened herself on her seat and showed him her whole upper body defiantly.

Ngumiti nang matalinhaga si Guiller habang minamasdan nang lantaran ang mukha, leeg at harapan ni Maryana. There was a gleam of unabashed admiration in his eyes.

Si Maryana ang hindi nakatagal. Parang nauubusan siya ng hangin sa mga baga nahihirapan siyang huminga bukod pa sa tila paglakas at pagbilis pa lalo ng pintig ng dibdib niya.

Her breasts were heaving faster as though arresting the attention of Guiller.

Her whole body was afire with a reluctant awareness.

Damn this man! I don’t know if I could last any longer! bulong niya sa sarili niya. Sinasakal na siya ng matinding tensiyon.

“Siyanga pala, Guiller.” Her father spoke after discussing dessert with Nilda. He had unknowingly rescued his daughter from lack of oxygen.

“Gusto ko nang ma-finalize ang mga detalye sa bagong business venture nating dalawa.”

Maryana was able to breathe easily when Guiller’s eyes were removed from her.

“I’ll do a presentation on Wednesday. By Friday, makakapag-decide na siguro tayong dalawa,” ang seryosong tugon ng lalaki.

Para bang naisantabi na agad si Maryana sa isang sulok ng isipan nito upang harapin naman ang katanungan ng matandang don.

She knew an unfamiliar surge of irritation with the suspicion. She’s not accustomed to lose the attention she’s got that easily.

Magmula nang ipinanganak siya, ‘apple of the eye’ na siya ng mga magulang — lalo na ng kanyang ama na mapagbigay.

She’s an honest-to-badness-spoiled-brat.

“A, Papa? May I ask about this business venture? Bakit hindi ko yata alam ang tungkol diyan?”

Don Ramon smiled at her tolerantly. “Paano mo naman malalaman ang tungkol dito, e, magmula nang umuwi ka dito sa atin — palagi kang busy sa mga appointments mo?”

THE REBELLIOUS BRIDE-5

Comments are closed.