The Rebellious Bride-5

Nabaghan ang dalaga sa tila panunumbat ng ama, ngunit nang titigan niya ito, wala naman siyang mabakas na paghihinampo sa mukha nito.

“I’m sorry, Papa,” she was forced to apologized even while in front of Guiller.

“As I have said kanina, puwede ko namang iwanan ang mga commitments ko dito anytime.”

Umiling-iling ang don. “Alam mo, iha, hindi dapat ganyan ang attitude sa trabaho. Paano ka magkakaroon ng isang magandang reputasyon at sound credibility record kung ganyan ang katwiran mo?” he chided her very gently. “Palabra de honor mo ang nakataya.”

Maryana had difficulty in controlling her rising temper.

“Okey, I got your point, Papa. We’re losing the issue. Bakit kailangan mo pang makipagsosyo sa iba, Papa?” she asked him pointedly without even glancing at Guiller.

Sumulyap muna ang matanda sa binata bago tinugon ang tanong niya.

“I have to, Maryana. We will be helping ourselves dahil imbes na maglalabas kami ng malaking halaga para tustusan ang plano naming negosyo, maghahati na lang kami sa puhunan.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDEā€¦? Click Here!]

She nodded as though really understanding what her father had explained to her. Ngunit ang tutoo, nalalabuan na siya ng matinding inis kay Guiller.

Bakit ba nakilala pa ng Papa niya ang lalaking ito?

Deep inside her, alam niyang nakatakda silang magkakilala ni Guiller Corvera.

Every time she looked in his eyes, she was feeling something elemental. There was an ancient bond between her and this crazy man.

Sa wakas ay natapos na rin ang hapunan. Nauna siyang tumindig dahil baka magtagal pa ng isang oras ang dalawang lalaking patuloy sa pagdidiskusyon tungkol sa business na hindi na niya gaanong mawawaan.

In those few moments, naramdaman ni Maryana kung ano ang pakiramdam ng kalungkutan.

Oo, nag-iisang anak lang siya ngunit wala siyang pinangulilahan. Kahit na nang mamatay ang kanyang ina sa sakit na breast cancer, wala siyang nadamang matinding dalamhati sapagkat secured siya sa pagmamahal ng kanyang ama.

And now, labis siyang nananaghili sa saglit na pagkawala ng atensiyong nito sa kanya.

Sinupil ni Maryana ang mga emosyon. Hindi na siya bata at hindi na siya dapat umaarte nang ganito. Selfishness was only for thoughtless children!

“Papa, ipapadala ko na lang sa study ang coffee n’yo ni Mr. Corvera,” wika niya habang lumiliko sa gawing kanan ng koridor, patungo sa kusina.

“Nasabi ko na kay Nilda, iha,” pigil ng ama niya habang hinahawakan siya sa isang braso.

“Sandali lang, anak. Nais kong sumama ka sa amin ni Guiller. Gusto kong ipakita sa kanya ang greenhouse ng iyong Mama. Mahilig din pala sa halaman ang bago nating kaibigan.”

Her smile was saccharine-sweet as she forced herself to accompany the two men.

Pinagitnaan siya ng dalawa.

At tila sinasadya ng
Papa niya na magpahuli o humiwalay sa kanila habang binabaybay nila ang covered walk na nakalatag sa malawak na hardin upang maging madali ang paglalakad-lakad sa gitna ng damuhan.

“Ay, iha, Guiller, I’m sorry,” pahayag ng matanda nang nasa kalagitnaan na sila

“Hindi ko na kayo masasamahan hanggang sa greenhouse. Parang sumasakit ang rayuma ko. Dito na lang ako maghihintay sa inyo sa bahay-kubo.”

Alam ni Maryana na dahilan lamang iyon ng ama upang magkaroon sila ng pagkakataong mapag-isa ni Guiller ngunit wala siyang magawa upang tutulan ang nais nitong mangyari.

Wala namang imik si Guiller. Tila nakikiramdam lang sa mga susunod na mangyayari.

“Gusto mo ba talagang makita ang greenhouse?” tanong niya rito.

He replied suavely, readily. “Sure. I have always been fascinated with beautiful things.” His eyes were telling her that he found her beautiful!

Nakarating sila sa greenhouse in a tensed silence. Maryana was literally fuming in an ominous quietness. She answered to his many interested questions in monosyllables.

“Why didn’t you refuse your father when he suggested this tour to you?” tanong ni Guiller sa kanya nang papalabas na sila sa bahay-halamanan.

It was asked in a casual tone kaya hindi agad naintindihan ni Maryana ang ibig sabihin ng lalaki.

“I’ve just arrived from studying abroad. Hindi ko siya puwedeng tanggihan nang tanggihan sa mga kahilingan niya,” katwiran niya.

Tumangu-tango ang lalaki. “Dahil baka nga naman matanggihan ka rin ng iyong ama sa anumang gusto mong mangyari sa hinaharap, hindi ba? Nag-iipon ka ng mga pabor na pinagbibigyan mo sa iyong Papa para magkakaroon kayo ng compromise pagdating ng oras ng tagisan ng mga willpowers,” obserba nito.

Namula ang mga pisngi ni Maryana. Tama ang mga sinasabi ni Guiller pero hindi ba nito alam na unethical ang magsabi ng sariling opinyon?

Of course not! Ano naman ang alam ng hampas-lupang lalaki sa pinong pag-uugali?

Siya na ang sumagot sa tanong niya sa sarili niya. This man is barbaric!

Hindi niya sinagot ang lalaki. Umirap lang siya rito at nag-apura na sa paglabas ng greenhouse.

“Sandali lang, Ana,” pigil nito sa kanya.

Pumiksi si Maryana nang hawakan ng isang maskulinong kamay ang isang siko.

“Bitiwan mo nga ako! And don’t call me ‘Ana! Maryana ang pangalan ko,” angil niya.

“Maryana,” pagbibigay naman ni Guiller. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy sa sabihin.

“I hope you could forgive me for my mistake earlier. Nakahanda naman akong magbayad ng danyos sa mga damages sa shooting at sa production. I think I deserve to be forgiven, Maryana.”

Umismid ang dalaga. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki.

“There’s nothing to forgive, Mr. Corvera,” pakli niya habang hinahapit sa katawan ang kanyang shawl na yari sa French lace na kulay antique gold.

“Hindi ka naman sa akin nagkamali, e. Kaya lang, mabigat ang loob ko sa iyo. Kumukulo ang dugo ko sa iyo. You get it?”

Tumango ang lalaki. Tila nalungkot ito sa sinabi niya.

Nagulat si Maryana nang makaramdam siya ng simpatiya. She shouldn’t sympathize with the enemy!

“Baka naiinip na ang Papa mo,” wika ni Guiller nang magsimulang lumawig ang mabigat na katahimikan.

Sa hindi malamang dahilan, lalong nag-init ang ulo ni Maryana. Pumiksi siya nang akmang aalalayan siya ng lalaki sa beywang upang igiya na pabalik sa covered walk na dinaanan nila kanina.

“Hindi pa ako tapos!” asik niya.

THE REBELLIOUS BRIDE-6

Comments are closed.