The Rebellious Bride-7

Isang maikling katahimikan ang tumugon sa kanya.

Nag-alala siyang baka naputol na ang kuneksiyon nilang dalawa.

“Er, Mr. Corvera, nandiyan ka pa ba?”

“Yes, nandito pa ako,” tugon ng lalaki. “Tatanggapin ko iyan kung — ”

“Kung — ?” salo niya nang ibitin ni Guiller ang sasabihin.

“Kung tatawagin mo na lang ako sa first name ko from now on,” hiling nito matapos ang mahinang pagtikim.

“Okey, Guiller. Iyon lang pala e.” Pinilit niyang maging magiliw ang kanyang tono kahit na maasim ang ekpresyon niya.

There was evident relief in his voice when he spoke again.

“Dinner tonight? Ano’ng oras?”

“Same time?”

“If that’s okey with you,” patianod ni Guiller.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE REBELLIOUS BRIDE…? Click Here!]

“Okey. Ibababa ko na ito. Baka nakakaistorbo ako sa trabaho mo,” aniya nang wala na siyang maisip sabihin.

“Wait,” pigil nito, “Maryana.”

“Uh, m-may sasabihin ka pa?” she asked nervously. She didn’t like the way he said her name.

There was a short hesitation. “Puwede bang sambitin mo uli ang pangalan ko?”

Maryana felt suddenly confused. “B-bakit naman?”

Bakit hindi niya magawang magtaray? she asked herself frantically.

“Sabihin na lang natin na hindi ako makapaniwalang mabait ka na sa akin,” wika ng lalaki.

“Was I that bad?” Hindi niya napigilan ang kuryosong katanungan.

He gave a soft chuckle, which sent shivers to her spine.

“Hindi naman,” anito. “Natural lang sa isang unica hija ang behavior mo, Maryana.”

Parang nangunti si Maryana sa indulgent tone ni Guiller. She had been trying so hard to prove herself to be an adult but she always end up behaving like a spoiled brat she was!

“Guiller Corvera,” sambit niya, nagmamadali. “Okey na ba? Darating ka sa dinner tonight?”

Tumawa lang ito bago nagpaalam sa kanya. “Bye, see you tonight.”

Matagal bago siya nakaalis mula sa kinatatayuan niya. Nakatitig siya sa telepono ngunit hindi niya alam kung bakit.

Tama kaya ang ginawa niya? tanong niya sa sarili hanggang sa maggabi.

She was doing things around the house automatically. Wala sa isip niya ang mga ginagawa nang maghapong iyon.

Kahit nang magbalik ang kanyang Papa nang dakong tanghalian, bahagya na lang niyang nawawaan ang pinag-usapan nilang dalawa during lunch.

“May dinaramdam ka ba, Maryana?” Hindi nakatiis na magtanong ang ama nang mapuna ang sobrang katahihimikan niya. “You were so quiet throughout lunch.”

Napapitlag ang dalaga. “W-wala po akong sakit,” she denied.

Tinitigan siya ng matandang lalaki. Then, he sighed heavily.

“Pasensiya ka na kagabi. Masyado lang akong napahiya kay Guiller. I was an admirer of that young man. Bumilib ako sa kanya dahil halos pambihira ang life story niya,” pahayag ng ama. He smiled to himself and almost looked young again.

“Self-made millionaire si Guiller Corvera. He started from scratch. Walang gustong magtiwala sa kanya noon — but he still made it.”

Walang gustong magtiwala…

Umalingawngaw ang mga katagang iyon sa loob ng utak ni Maryana. Dahil para maantig ang konsensiya niya. Parang nakini-kinita niya ang Guiller Corvera na ipinagtatabuyan ng mga taong matapobre — na katulad niya.

Tumindig siya upang magtungo sa kanyang kuwarto.

“Please, excuse me, Papa. I’d like to take a rest in my room,” paalam niya matapos itulak ang silya.

“May napili ka na bang ulam na ipapaluto kay Dolor para mamayang hapunan?” tanong nito bago siya nakahakbang palayo.

Naalala tuloy niya na hindi pa pala niya nasasabi sa ama ang tungkol sa pag-iimbita uli kay Guiller for dinner.

Saglit siyang nag-alinlangan bago siya nagpasiyang huwag na lang sabihin ang planong dinner partly for four. Gugulatin na lang niya ito.

“Bakit po? Aalis ba kayo mamayang gabi?” tanong niya, imbis na sagutin ang katanungan ng ama.

Umiling si Don Ramon. “Nandito lang ako. Ikaw? May shooting ka ba?”

“Wala po, Papa. Sa Tuesday pa ang susunod na call slip ko,” aniya habang pilit na ngumingiti. Ayaw niyang mabasa ng Papa niya ang tensiyon niya.

“Sinira ni Guiller Corvera ang big scene ko kagabi, e,” she added casually.

Natigilan ang matandang lalaki sa pagkabanggit niya sa pangalan ng bisita nila kagabi.

“Tutoo bang — ?” Ngunit huminto rin ito bago natapos ang pangungusap.

“Ano po ‘yon, Papa?” she encouraged him to continue.

“Tutoo bang umatras na si Guiller sa venture naming dalawa?”

Huminga nang malalim si Maryana bago tumugon. Inarok muna niya ang tunay na damdamin ng ama.

“Sinabi niya sa inyo?” panghuhuli niya.

Tumango si Don Ramon. “Not in so many words, iha,” wika nito, malungkot ang tono. “Sinabi lang niya na nakasalalay sa iyo ang ikatutupad ng aming usapan.”

Natigilan si Maryana. “Tell me, Papa,” umpisa niya habang nakatitig nang diretso, “importanteng-importante ba na matuloy ang negosyo ninyo?”

Saglit lang ang hesitasyon ng matanda bago tumango nang marahan.

“Oo, anak, Mahalagang-mahalaga siya. Si Guiller lang ang may guts na magbukas ng bagong negosyo sa panahong ito ng krisis!”

Guiller was feeling nervous. Para bang first time niyang makikipag-date.

“Are you afraid of her, man?” tanong niya, patudyo, sa kanyang repleksiyon habang sinusuklay nang paulit-ulit ang maikling buhok na medyo kulot.

He smiled at himself.

Nasaan na ang self-confidence mo, Corvera? he chided the attractive man on his mirror.

The reason for his anxiety was a niggling suspicion about Maryana’s sudden about-face.

Sa mahabang panahon ng pagsusumikap at pagsisipag niya, marami na siyang nakilalang iba’t ibang klaseng tao pero pare-pareho ng kulay.

He had also met many women. Bagama’t marami siyang nakaugnayang ‘cobra’ at ‘piranja’, hindi pa rin nasisira ang magandang pagtingin niya sa mga kabaro ng kanyang butihing ina.

But he had always been wary of the wily children of Eve…

Ano ang laro ni Maryana? he asked himself for a hundred time.

Bakas ang matinding pagkagulat sa mukha ni Don Ramon nang makita siya.

“Iho! Mabuti’t napadaan ka.”

Napamaang si Guiller. “H-hindi po ninyo alam na inimbita ako ni Maryana for dinner?”

Nanlaki ang mga mata ni Don Ramon.

“Aba’y hindi, iho. Nasa itaas pa siya e. Teka’t ipapatawag ko siya.” Walang pagsidlan ng kasiyahan ang matandang lalaki.

Pinigilan niya ito. “Huwag na po, Don Ramon. Medyo napaaga nga po ako sa talagang oras,” aniya.

THE REBELLIOUS BRIDE-8

Comments are closed.