The Runaway Wife-10

Mabuti na lang, dumating ang mga kasama niyang tumutulong sa paghahakot ng mga pinamili niya.

“Ay! Bakit may patay dito?” bulalas ng nagulat na si Tonyang.

“Hoy! Huwag ka ngang sumigaw diyan,” saway ni Berta. “Nakatulog lang ‘yan. May nakaaway siguro.”

Hindi sila nakita ng mga ito dahil maagap siyang hinila ni Andrei palabas ng kusina.

Humantong sila sa isang bakanteng storage room.

“Hala, kumuha kayo ng malamig na tubig. Gigisingin natin ito,” utos ni Berta.

Tinangka niyang kumalas sa pagkakahawak ng lalaki.

“Marami akong gagawin, Senyorito,” wika niya nang lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.

“Bibitiwan lang kita kapag sinagot mo na ang tanong ko.”

She sighed. “Tama ang suspetsa mo,” she admitted reluctantly.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Inakit mo rin ba siya?” pang-aakusa nito. His tone was sharp and suspicious.

“My, my, but you’re a fast worker. Dalawa agad kaming napaikot mo?”

Hindi niya inaasahan na iinsultuhin siya ni Andrei. Nagpumiglas siya ngunit ayaw pa rin siya nitong pakawalan.

“Hindi ko siya inakit! Wala akong inaakit sa inyo!” bawi niya. “Bastos lang talaga ang kasama mo!”

“I know. May pagka-bastos talaga si Raffy,” pag-amin nito.

“Pero alam ko rin na may masidhi kang pangarap na makalayo dito. Susubukan mo ba kaming lahat kung sino ang mapapasunod mo sa gusto mo?”
Pakiramdam ni Rana, sinampal siya ng ilang daang beses.

“Palalampasin ko ang sinabi mong ‘yan, Senyorito,” ang pagigil na wika niya. Lumiliit na ang paningin niya dito. “Dahil ikaw ang amo!”

“Ipinagkakaila mo?”

“Oo!” she almost screamed.

Tinitigan siya ng lalaki. Para bang inaarok ang sinseridad niya.

Inulit niya ang pagpupumiglas. Hindi siya huminto kahit na namamanhid na sa sakit ang biyas niya.

“Senyorito, please!” pakiusap niya nang manlambot lang sa pagod. “Kailangan pa naming maghanda ng pananghalian n’yo,” dugtong pa niya.

“Mamaya — mag-uusap uli tayo!” angil nito bago siya pinalaya, clearly reluctant to let her go. “Pupunta ka sa kuwarto ko mamayang hapon. Doon tayo mag-uusap ng masinsinan.”

Pilit ang pagtango ni Rana.

She was asking herself how had her little peaceful world suddenly turned tupsy-turvy like this.

“O, Rana, mabuti’t nakabalik ka na,” salubong ni Berta sa kanya. “Hindi mo ba nakita ‘yung isang bisita ni Senyorito Andrei? Nakabulagta diyan kanina, a?”

“Nas’an na?” tanong niya. Kunwa’y inosente siya.

“Hayun, dali-daling umalis nang magising. Winisikan ko ng malamig na tubig sa mukha ang diyaske!”

“Sino raw ang nakaaway, este, a-ano ba sa palagay n’yo, napaaway ba siya?”

“Sa palagay namin. Agos ang dugo sa mga putok sa labi, e.”

“Gan’on ba? Mabuti na lang pala, wala tayo nung me nakaaway,” sambit niya sa tonong patapos. “Si Inay nga pala? Nasaan siya?”

“Nagpaalam na me kukunin daw sa bahay n’yo, Rana.” Si Siling ang sumagot sa kanya.

“Susunduin ko ba?” prisinta ni Tonyang.

“Sige,” sang-ayon niya. “Pero baka nagpapahinga siya. Pakitanong mo na lang kaya kung ano pa ang iluluto para sa pananghalian?”

“Okey, Rana.”

“Salamat, ha?”

Ngumiti sa kanya ang papaalis na kasama.

“May natira pa ba sa pick-up?”

“Wala na.”

“Pati ‘yung bigas?”

“Naisalin na namin sa tatlong balde. Tinulungan kami ni Manolito,” paliwanag ni Berta. “Kaya nabuhat na rin namin papunta diyan sa may labas. Teka’t ipapasok ko na nga pala ang mga ‘yon. Baka masungkal pa ng aso. Walang mga takip, e.”

Si Siling na lang ang tinulungan niya sa pag-aayos ng mga pinamili.

Humahangos na bumalik si Tonyang.

“Rana! Ang Inay mo!”

“Bakit?”

“Nakahiga siya sa mahabang sopa. Tinatawag ko siya, hindi siya tumitinag. P-parang — parang patay na!”

“Ano?” panghihilakbot ni Rana.

Bigla niyang nabitiwan ang hawak-hawak. It was glass jar of instant coffee. But she was just dimly aware when it crashed onto the stone floor.

“Diyuskupo!” bulalas nina Berta at Siling.

Sumama ang mga ito pahangos sa kubol.

Abut-abot ang kaba at ang hingal ni Rana. Habang tumatakbo siya patungo sa ina, sinisisi niya ang sarili.

Siya ang may kasalanan kapag may nangyari sa kanyang ina! Gusto niya itong iwanan.

Nararamdaman marahil ng magulang ang pagnanais niyang umalis dito…

Natagpuan nilang tila natutulog nga lang si Aling Narda. Maayos ang pagkakahiga nito sa mahabang sopa. May hawak pa ngang pamaypay sa isang kamay.

Normal sana maliban sa nangingitim na mukha at sa kaunting bula na lumabas sa bibig.

Atake sa puso.

Nangangatog ang mga tuhod ni Rana habang papalapit sa sopa.

Nanginginig ang buong katawan niya.

Nahihilam sa luha ang mga mata niya.

“Oh, Inay! Inay ko!” hagulgol niya nang lumuhod at sumubsob sa gawing tiyan ng bangkay.

Wala nang namalayan si Rana matapos ang mga sandaling iyon.

Everything that happened after that was barely noticed by her hazy mind.

She was wallowing in a mixture of grief and remorse.

Her youthful confusion had reasserted itself inside her.

Hindi niya magawang maging praktikal habang nakalubog siya sa depresyon.

Ganito ang estado niya hanggang sa mailibing na ang kanyang ina, matapos ang isang araw na burol.

“Sigurado kang wala na kayong ibang kamag-anak na dapat makarating dito, Rana?” Ilang ulit siyang tinanong ni Andrei kaya natandaan niya.

Ilang ulit din siyang umiling nang umiling.

“Wala na kaming kamag-anak, Senyorito,” wika pa nga niya sa paos na boses.

Hapon nang ilibing ang kanyang ina.

Kung wala marahil sina Andrei at ang mga kasama nito silang lima lang nina Berta, Siling, Tonyang at Manolito ang naghatid sa ina sa huling hantungan.

Nakakalungkot isipin na maraming kakilala si Bernarda Abanto ngunit wala naman itong naging kaibigan.

Kailangang magpatuloy ang buhay matapos ang libing.

Si Berta ang pumalit sa posisyon ni Aling Narda dahil wala sa tamang wisyo si Rana.

Ito at ang dalawang dalaga ang nag-asikaso sa mga pangangailangan ng mga bisita ni Andrei.

At pati sa kanya.

Hinatiran siya ng hapunan ni Siling sa kubol.

“Rana, kumain ka na naman,” pakiusap nito. “Baka magkasakit ka na niyan. Hindi matutuwa ang Inay mo.”

Umiling si Rana. “H-huwag mo akong alalahanin, Siling. Gusto ko lang mapag-isa.” Ikinubli niya ang mga matang basa ng luha.

Bumuntonghininga ang kasama.

“Inutusan ako ni Senyorito Andrei na pilitin kitang kumain, Rana. Pagkatapos, gusto ka raw niyang makausap.”

Parang may pumitlag na bahagi sa namamanhid na kalooban.

THE RUNAWAY WIFE-11

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.