The Runaway Wife-11

“S-si Senyorito?” paniniguro ni Rana. Baka nagkamali lang siya ng dinig.

“Oo,” tugon ni Siling. “Kaya ayusin mo na ang sarili mo. Alalahanin mo, marami kang dapat ipagpasalamat kay Senyorito. Siya ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan ng Inay mo.”

Pinunasan niya ng panyolito ang mga pisngi niya. Pati ang mga mata.

Ilang ulit siyang huminga nang malalim para makalma ang sarili.

Kailangang magpatuloy ang buhay! utos niya sa sarili.

Pinilit niyang kumain. Inubos niya ang isang saging at ang sabaw na mainit.

“P-pasensiya ka na, Siling. Wala pa talaga akong gana,” she apologized when she could not eat anymore. Hindi niya nagalaw ang kanin at ang ulam na sinigang.

“Okey lang. Kahit paano naman, nagkalaman na ang sikmura mo.” Dinampot nito ang tray. “Halika na. Isasabay na kita.”

Mabuway ang mga hakbang niya nung una.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Matagal kasi siyang nakaupo sa sahig ng kuwarto ng kanyang Inay habang umiiyak sa pag-aayos ng mga naiwanang gamit nito.

Andre was waiting for her impatiently.

He wanted to leave this old house immediately.

The peaceful atmosphere here was somehow tinged with macabre when his housekeeper died.

O sinusurot lang siya ng konsensiya niya?

Hindi niya maikakaila sa sarili kung ano ang pinaplano niyang gawin kay Rana habang nandirito siya.

He had no plans to take her with him either after enjoying her body.

Lolokohin lang niya ito. Pagsasawaan. Sana…

Noon iyon. Hindi na niya magagawa ang gayon ngayon.

It would be cruel. Heartless.

May delikadesa pa naman siya.

He pushed all thoughts from his mind when he heard the soft knocking on the library’s door.

“Tuloy.”

“Gusto mo raw akong makausap, Senyorito?” ang seryosong bungad ni Rana nang makapasok na.

Tumango si Andrei. Isinenyas niya ang sopang inupuan ng mag-ina nung isang gabing binigyan niya ng pera ang mayordoma.

Nung isang gabi lang ba iyon?

“Maupo ka,” utos niya rito.

Naupo naman ang dalaga.

“Kumusta ka na ngayon?”

“M-mabuti na,” she whispered huskily.

Tumangu-tango si Andrei kahit na hindi siya naniniwala.

“Ano ngayon ang balak mo?”

Yumuko ang babae. Tumingin sa mga daliring walang tinag sa ibabaw ng kandungan.

“A-aalis na ako dito,” pahayag nito.

He had to strain his ears to hear her.

“Saan ka pupunta?”

“Makikipagsapalaran sa ibang lugar.”

“Kanino ka sasama?”

He still believed his accusation to her the other day. She knew the power of her beauty over men.

Marunong itong gumamit ng angking kariktan para makuha ang nais mula sa isang lalaki.

Rana had a shrewd mind.

“Wala,” ang maikling tugon ng dalaga. Nakatingin nang diretso sa kanya ang mga mata pero walang ipinapakitang emosyon.

“Kung buhay si Inay, kailangan kong sumama sa iyo. Para hindi siya mag-alala sa akin. Pero ngayong wala na siya…” Ibinitin nito ang sasabihin ngunit malinaw niyang naintindihan.

Dapat ay masiyahan siya sa tugon na iyon ng dalaga.

Ngunit lalo lang siyang nabugnot.

“Ngayong wala na siya,” dugtong ni Andrei. “Wala ka nang pagtataguan ng mga kalokohan mo. Gan’on ba?”

Nagkibit-balikat lang si Rana bago tumindig.

“Magpapaalam na ako — ”

“Hindi pa tayo tapos mag-usap. Maupo ka uli,” pakli niya.

“Bakit hindi mo na lang diretsuhin? Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo. Makikinig lang ako.”

“Don’t be an impertinent hussy!” singhal niya rito. “Maupo ka!”

She flinched but remained standing. Para bang hinahamon siya.

Nagtiim-bagang na lamang si Andrei. Isinuksok niya ang mga kamao sa magkabilang bulsa ng pantalon at nagpalakad-lakad.

Nakalimutan na niya kung ano ang orihinal na plano ukol sa babaeng ito.

He should not feel responsible for her. Wala siyang obligasyon dito.

“Puwede ka’ng manatili dito, Rana. Ipagpatuloy mo ang naiwanang trabaho ni Aling Narda.” Nagsalita siya uli nang matiyak na kalmado na uli siya.

“Nagsasayang ka lang ng laway, Senyorito Andrei,” pakli ni Rana. Tumingin uli ito nang diretso sa kanya matapos tapunan ng sulyap ang palibot.

“Hindi n’yo ako mapipigil sa pag-alis. Paalam.”

“Rana!” he called her back with clenched teeth.

Pero nagpatuloy lang sa paghakbang palayo ang babae.

“Damn you!” bulalas niya habang sinusundan ito.

“Papayag ka bang sumama sa akin?” He was forced to issue the invitation. “Sa akin ka na lang sumama, Rana.”

Saka lang humarap uli sa kanya ang dalaga. Nakabadha sa maputlang mukha ang pagkabigla.

“Seryoso ka ba, Senyorito?”

Tumango si Andrei. Biglang nagkaroon ng linaw ang lahat. Naglaho ang kalituhan.

He wanted this woman in his bed. And he was willing to wait.

He was shocked with this fact because he had never waited before. He was not a patient man.

Pero wala siyang opsyon. Desperado na siya…

Ano bang meron ang babaeng ito?

“At ano naman ang magiging papel ko, Senyorito Andrei?” she threw back his own cynical words to his face.

“Alam mo na kung ano, hindi ba?” salo niya.

“Hindi na ako desperado ngayon,” she reminded him caustically.

‘Ikaw na lang,’ para bang iyon ang sinabi ng mga mata ni Rana, ‘ang desperado ngayon!’

This made him angrier.

“Okey, I take that back,” he decided to back out.

Hindi niya dapat kalimutan ang trauma na dinaranas ng dalaga ngayon.

He must keep in mind that she was in grieving state.

‘What do you mean, man?’ usig niya sa sarili. ‘You’re not a hunter who’s just biding his time, waiting for the right chance to move in for the kill!’

“I’m sorry,” he added, grimacing.

“Kay Inay ka humingi ng tawad, Senyorito,” ang mapait na wika ng dalaga.

Napamaang si Andrei.

“Are you blaming me for your mother’s death?”

“Ikaw ang nagsabi niyan, Senyorito. Hindi ako.”

Napatitig siya rito.

Her eyes were dark and bottomless with inner misery.

His conscience pricked him once again.

Tumalikod siya para hindi siya matuksong yapusin ito nang mahigpit at kuyumusin ng maiinit na halik.

“Kaya nga gusto kitang isama, Rana,” sambit niya habang minamasahe ang nananakit na batok. Huminto siya nang makailang hakbang at muling humarap dito. “I feel responsible for you.”

“Nagsisinungaling ka, Senyorito. Isa kang sinikal na tao. Walang puwang ang malalambot na emosyon sa kalooban mo.”

“Now is an exemption, Rana,” salo niya.

“Hindi ako maniniwala sa ‘yo kahit na ano’ng sabihin mo.”

“Pag-isipan mo na lang muna ang alok ko sa ‘yo, Rana. Goodnight.”

“Magandang gabi ulit, Senyorito,” was the taut answer.

Narinig niya ang pagbubukas at ang pagsasara ng pinto.

THE RUNAWAY WIFE-12

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age