The Runaway Wife-12

Andrei suppressed the sudden desire to smash something.

Parang gusto niyang manira ng isang bagay.

His frustration was eating at his guts.

Parang nangangamba siya na baka mapunta pa sa iba si Rana.

He had never felt like this before — all knotted and trussed inside…

Nakatutok kay Rana ang tatlong pares ng mga mata.

“Ano? Aalis ka dito?” bulalas ni Tonyang. “E, saan ka naman pupunta?”

Tumango si Siling. Nanlalaki rin ang mga mata.

“Hindi ka ba natatakot? Mag-isa ka na lang, Rana.”

“Hindi matutuwa ang Inay mo sa gagawin mong ‘yan,” pahayag naman ni Berta, habang iiling-iling.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Nasa kusina silang lahat. Tulung-tulong na nagliligpit ng mga ginamit na kasangkapan.

“Ayokong dito na lang tumanda,” salo ni Rana. Inilapag niya ang hawak na bimpong pamunas ng mga kutsara. “Hindi ganito ang pangarap kong marating.”

“Oo nga,” bawi ni Tonyang.

“Alam namin na gusto mong makapaglakbay sa marami at malalayong lugar. Pero mapanganib ang nais mong ‘yan dahil batam-bata ka pa.”

“Hindi ba’t disisiyete ka pa lang nung huling bertdey mo?” paalala ni Siling.

“Wala ka pa sa legal na edad, Rana.” Si Berta naman.

“Dalawang buwan na lang naman ang kulang, a?” Nanatiling matatag ang determinasyon ni Rana. “Hihintayin ko pa ba naman ang dalawang buwan na iyon bago ako umalis dito?”

Tinapik ni Berta ang isang balikat ni Rana.

“Bakit hindi? Maikli lang naman ang dalawang buwan, hindi ba? Sana, huwag ka munang umalis. Wala na si Aling Narda, pagkatapos ikaw, iiwan mo na kami.”

“Oo nga naman,” ang panabay na pakiusap nina Siling at Tonyang.

Bumuntonghininga si Rana. Pinilit niyang manatili ang katatagan.

“Kailangan kong umalis na rito para hindi mabawasan ang lakas ng loob ko,” paliwanag niya. “Puwede pa naman akong dumalaw dito, hindi ba? Sana ang tagumpay ko na lang ang hilingin n’yo. Sana, ipagdasal n’yo ako palagi.”

Natahimik ang mga kaharap niya. Tila nakumbinsi na niya.

Si Berta ang unang nagsalita.

“Kung iyan ang pasiya mo, wala na kaming magagawa. Gagawin na lang namin ang hinihiling mo. Ang ipagdasal ka.”

“Asahan mo ‘yan, Rana,” pangako ni Siling.

“Ipagnonobena kita palagi,” ang kay Tonyang naman.

“O, siya, siya, magpahinga na tayo,” wika ni Berta. Tumindig ito para mag-inspeksiyon sa palibot. “Maaga pa tayong babangon bukas.”

“Kailan mo ba balak umalis?” usisa ni Siling nang papalabas na sila.

“Nagpaalam ka na ba kay Senyorito?” Umabrisiyete sa kanya si Tonyang.

Kasunod nila si Berta. Ito ang may hawak ng malaking flashlight para ilawan ang kanilang daanan.

“Hindi ko pa alam. Pero baka mauna pa ako sa mga bisita.” She deliberately made her answer vague.

“Naku, e, di si Berta na ang magiging mayordoma namin ngayon?” panghuhula ni Tonyang. “At kaming dalawa na lang ang mga alalay niya?”

“Kung hindi pa ibebenta ni Senyorito ang lugar na ito,” sabad ni Berta.

“Sa palagay ko naman, hindi gagawin ni Senyorito ‘yon,” wika ni Siling. “Bahay ng mga magulang niya ito. Dito pati siya ipinanganak, hindi ba?”

Hinayaan lang ni Rana ang mga kasama sa paglikha ng sari-sariling haka-haka. Lumilipad na naman kasi ang isipan niya.

“Rana?”

Saka lang bumalik ang wisyo niya nang marinig ang kanyang pangalan, sabay yugyog ni Tonyang sa braso niya.

“Uh, bakit, Tonyang?”

“Ang sabi ko, doon ka na lang sa kubol namin. Para hindi ka nag-iisa.” Si Berta ang tumugon.

“Hindi ka ba natatakot?”

“Hindi,” aniya. “Marami akong dapat gawin doon. Inaayos ko ang mga gamit namin ni Inay.”

“Nag-iimpake ka na siguro,” konklusyon ni Tonyang.

“Gusto mo, tulungan ka namin?” alok ni Siling.

Pinilit niyang ngumiti habang umiiling.

“Maraming salamat sa kabutihan ninyo. Papayag sana ako kung walang mga bisita sa malaking bahay,” she refused them gently. “Mas kailangan n’yo ang pahinga ngayon.”

Hindi na napigil ni Berta ang paghihikab.

“Hohum. Tama si Rana. Halina kayong dalawa. Gabing-gabi na.”

Naghikab na rin sina Siling at Tonyang.

“Naku, nakakahawa ka namang humikab,” reklamo ng mga ito. Tila napapahiya kay Rana.

Inihatid siya ng mga ito hanggang sa may pintuan ng kubol.

“Hihintayin ka naming makapasok sa loob, Rana,” wika ni Berta.

Tumango siya at ngumiti sa mga ito.

“Maraming salamat sa lahat, mga kasama,” pahayag niya. “Magandang gabi sa inyo.”

“Magpahinga ka agad, ha?” habilin pa ni Berta. “Huwag ka nang magpuyat.”

“Oo, gagawin ko ‘yan. Huwag n’yo na akong alalahanin.”

Kumaway siya habang inihahatid ng tanaw ang tatlong babae. Pumasok lang siya sa loob nang malayo na ang mga ito.

Isinasara niya ang pinto nang biglang may nagtulak mula sa labas.

Nagulat siya kaya hindi agad nakahuma.

Malayang nakapasok sa loob ang nakangising demonyo, sa katauhan ni Raffy.

“A-ano’ng kailangan mo?” Pinilit niyang magtapang-tapangan.

“He! he! Alam mo na kung ano ang kailangan ko, beybi,” tugon nito. Sinipa nito ang pinto para sumara bago humakbang palapit sa kanya.

Umatras si Rana. Nakatutok ang mga mata niya sa kaharap na panganib.

“Huwag kang lumapit sa akin,” utos niya. Pasalamat siya dahil matatag pa rin ang boses niya. “Sisigaw ako.”

“Sige, sumigaw ka. He! he! Ang katulad mo ang tipo, alam mo ba? Turn-on na turn-on ako sa mga babaeng pakipot!”

Bumilis ang pag-atras niya nang madaling nauubos ang distansiya sa pagitan nila ni Raffy.

His leering expression was repulsive. His mouth was drooling with saliva. His bloodshot eyes were bulging with excessive drinking and something else.

Nagsimulang mangibabaw ang takot sa dibdib niya nang maramdaman ang dingding sa likod niya.

Sukol na siya!

Dumaluhong ang hayop nang magtangka siyang pumasok sa loob ng kuwarto.

Nandoon sana ang kaligtasan niya ngunit nabigo siya.

Nawalan siya ng balanse nang hablutin nito ang blusa niya.

Napunit ang manipis na tela at lumantad ang kanyang harapan.

“Ay! Walanghiya ka! Bitiwan mo ako!”

Tuluy-tuloy siyang bumagsak sa sahig. Nakakubabaw na agad sa kanya ang buhong bago pa siya nakabawi ng lakas.

Diring-diri siya nang ulaulin ng halik ang leeg niya.

“Paliligayahin kita, beybi. Pasasayahin. Nalulungkot ka dahil wala na ang Inay mo, hindi ba? Kaya heto na ako. Hindi ka na iiyak magdamag.”

She fought him fiercely.

Gumagapang ang balat niya dahil sa pandidiri. Sinabunutan niya ito para hilahin palayo.

THE RUNAWAY WIFE-13

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age