The Runaway Wife-14

“Ngayon, isang masinsinang pag-uusap naman.”

Muling rumehistro ang aprehensiyon sa mukha ni Rana.

“T-tapos na tayong mag-usap. Tumanggi ako sa alok mo. Hindi na magbabago ang isip ko.”

“Our circumstance now is different,” pakli ni Andrei. “You’re only seventeen.”

Nanlaki ang mga mata ng babae.

“Hin-hindi tutoo ‘yan,” she tried to deny the truth.

But her shaky voice had no conviction.

“Menor de edad ka, kaya inilalagay kita sa poder ko,” patuloy niya.

“Nasa empleyo ko ang iyong ina nang mamatay siya — at ako pa nga ang isa sa mga dahilan ng pagkamatay niya, ayon sa ‘yo — kaya responsibilidad kita. Sasama ka sa akin, sa ayaw mo o sa gusto.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Umiling nang sunud-sunod ang babae.

“Hindi mo ako mapipilit sa ayaw ko!” she cried defiantly.

Andrei just smiled at her complacently.

“We will see,” aniya. “I shall enjoy dragging you outside the house and throwing you inside the car — all trussed and tied up like a screaming pig!”

“S-seryoso ka ba, Senyorito Andrei?” tanong ni Rana nang makapagsalita uli. Titig na titig ito sa kanya.

“Yes,” tugon niya. “I’ve never been more serious in all my life!”

Ipinilig ni Rana ang ulo. Parang hindi makapaniwala.

“Papayag ako pero pagdating ko ng disiotso, aalis na ako sa poder mo — sa ayaw mo o sa gusto.”

Andrei gave her a cheerful grin suddenly.

Na tila lalo ng ikabigla ng babae. Natulala ito habang nakatitig sa kanya.

“Aaminin kong napasaya mo ako sa pagpayag mo, Rana,” he said lightly.

“S-salamat naman, kung gayon,” she rejoined dazedly.

“Inaantok ka na,” he concluded. “Matulog ka na.”

Rana shifted uneasily.

Maya-maya, lumabas ang mga kamay nito mula sa ilalim ng kumot. Ipinakita ang mga kamay at mga kuko na marurumi.

“M-may tubig pa ba?” she asked drowsily. “Gusto kong maghugas…”

Bumagsak uli ang mga braso nito nang hindi na napigil ang pagdatal ng antok.

Her long lashes looked like a twin crescent moons on her pale cheeks. Making her look vulnerable and defenseless.

He stared at her for a long time. Bago niya naalala ang huling sinabi nito.

Dinampot niya ang mga kamay ni Rana.

At sinimulang punasan ng basang bimpo ang mga daliri isa-isa.

May kasama si Rana sa kuwarto. Nararamdaman niya.

“Inay?” sambit niya, pabulong.

Walang tumugon.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Maliwanag na sa labas.

Napapatda siya nang mahagip ng paningin ang lalaking nakatulog sa pagkakaupo sa silya.

Bigla siyang napahumindig.

Tinangka niyang bumalikwas ng bangon ngunit agad rin siyang bumalik sa pagkakahiga.

Wala siyang saplot sa katawan!

Naalimpungatan ang lalaki.

Tumuwid ito sa pagkakaupo at agad na napaungol nang maglagutukan ang mga buto sa batok at balikat.

“Ooh, umaga na pala! Ang sakit ng leeg ko!” daing nito habang tumitindig. Luminga ito sa kanya at ngumiti. “Good morning, Rana,” bati nito.

“A-ano’ng ginawa mo sa akin?” she accused him in a husky voice.

An arrogant brow quirked at her in mock indignation.

“Wala akong ginawa sa ‘yo, Rana,” anito.

“Bakit nandito ka? Bakit n-nakahubad ako?”

“Believe me, Rana,” pakli ni Andrei. “Kung may nangyari sa atin kagabi, nandiyan ako sa tabi mo kaninang nagising ka.”

She swallowed back her mortification.

Sinikap niyang bawiin ang sarili sa pagkapahiya.

“G-gusto kong magbihis. Maaari bang iwan mo muna ako?” hiling niya rito.

“Sure,” was his ready answer. “I’ll wait for you outside.”

“S-senyorito?” tawag niya nang nabuksan na nito ang pinto.

“Yes?” He looked back at her with an enigmatic expression.

She took a deep sigh before replying.

“Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin kagabi,” sambit niya. Seryoso ang mababang tono.

“Are you sure you didn’t resent my intervention?” He asked her with heavy sarcasm. “You might find a liking to Raffy’s rough handling.”

She flinched back and paled visibly from the veiled insult.

“That’s below the belt, Senyorito,” she protested weakly while looking away. “But I still thank you for rescuing me from an animal like him. It was very noble of you,” papuri niya.

He shrugged off her thanks.

“Don’t be too grateful, Rana. I rescued you last night because I wanted to be in Raffy’s place. Don’t forget that I desire you, too.”

His hot gaze caressed her naked shoulders.

And her body trembled readily as though in response.

Nagbaba siya ng tingin.

“No comment, huh?” tanong ng lalaki. “I’ll wait for you outside. You’ve got five minutes.”

Maliksing humakbang palabas si Andrei.

As though not trusting himself to pursue the provocative issue furthermore.

Saka lang siya tumayo nang nakasarado na ang pinto.

She pulled out the first garments her fingers touched and dressed as fast as she could.

She ran a comb to her tangled hair. Dito siya natagalan.

Kumatok si Andrei nang itinatali na niya ang itinirintas na buhok.

“Your five minutes’ up, Rana,” paalala ng ngamol na boses-lalaki.

Hindi siya tumugon pero binuksan na niya ang pinto. Kailangan niyang humarap uli kay Andrei Montevista — kahit na hindi ba siya nakahanda.

“Let’s have some coffee first before we start a serious discussion.” Iniabot nito sa kanya ang isa sa dalawang coffee mug na hawak nito.

She took it because she had no choice.

Nakiramdam si Rana habang sumisimsim ng mainit na likido.

“Well? Is my coffee tastes good?” untag ng lalaki nang bumigat na ang katahimikan sa pagitan nila.

“Uhm, maayos naman,” tugon niya kahit na medyo mapait sa panlasa. “Uh, ano ba ang pag-uusapan natin?”

“Your future as my ward. Magmula ngayon, ako na ang magpapasiya para sa kinabukasan mo.”

“Hindi mo ako mapipilit kung ayaw ko, Senyorito.”

“Pumayag ka na kagabi, Rana. Don’t cheat on me.”

“I was not myself last night. Wala ako sa sarili ko kaya napapayag mo ako.”

“Kung talagang wala ka sa sarili mo, hindi mo sana natandaan ang mga pinag-usapan natin kagabi,” Andrei reminded her pointedly.

Walang masabi si Rana.

Binago ng lalaki ang strategy nito. His cajoling tone became coaxingly persuasive.

“Isipin mo ang mga advantages na mapapasaiyo kapag nasa poder ko na ikaw, Rana.”

Humigop lang uli ng kape si Rana.

“Makakapag-aral ka kung gusto mo,” patuloy nito.

THE RUNAWAY WIFE-15

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age