The Runaway Wife-15

“Iniisip ko rin kung ano naman ang magiging kapalit, Mr. Andrei Montevista?”

“Explain,” utos ni Andrei.

“Will I be paying you back for such privileges in your bed, my good and mighty master?” panunuya ng dalaga.

‘Talagang matalas ang dila ng isang ito!’ bulong ni Andrei sa sarili.

“Not now. Maybe, later,” he replied, his manner succinct and enigmatic.

“It won’t make a difference,” giit ni Rana.

He forced himself to look away. And walk away.

The sight her slender body encased in casual clothes and her beguiling smile were very alluring to him.

“Enough of this nonsense talk,” pakli ni Andrei. Tinungga niya ang natitirang laman ng mug niya. “Mag-impake ka na ng lahat ng mga gamit mo. Sasama ka sa akin.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Hindi mo ako mapipilit, Senyorito,” pakli ng babae.

“Menor de edad ka pa, Rana.”

“Puwede akong umalis dito kahit na menor pa ako,” diin nito. “Hindi na ako bata. Kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko.”

“Katulad ng pangangalaga mo kagabi?” he reminded her cruelly. “O mali ang ginawa kong pagsaklolo sa ‘yo kagabi? Were you just playing a role with Raffy?”

Sinugod siya ni Rana at pagigil siyang sinampal.

Agad niyang nahuli ang mga kamay nito bago siya nakalmot sa magkabilang pisngi.

“Hey! Stop! Bakit ka napipikon?” pang-uusig niya. “Tutoo ba?”

Hindi huminto ang babae sa pag-atake. May bahid na nga ng histerya ang pagpipilit nitong masaktan siya.

Para bang sa kanya ibinubunton ang nadaramang galit kay Raffy.

“Walanghiya kayo lahat! Pare-pareho kayo! Mga hayop! Mga bastos! Akala n’yo, laruan lang ang mga babae! Tao rin kami!”

He imprisoned her flailing arms with his fingers until her nervous strength was subdued.

Nauwi sa pag-iyak ang panlalaban ni Rana. Niyapos niya ito habang hinahaplos sa ulo at likod.

“I’m sorry,” sambit niya.

Narinig niyang humagikhik ang babae. Tila nawala na nga yata sa sariling bait.

Inilayo niya ito nang bahagya upang matunghayan ang mukha.

“Bakit? Ano’ng nakakatawa?” tanong niya. Nakatitig siya sa mga matang nalulunod sa luha.

“Ikaw,” tugon ni Rana. “Paulit-ulit ang paghingi mo ng dispensa sa pang-iinsulto sa akin dahil hindi naman tapat sa loob mo.”

Imbis na mayamot, tumawa na rin si Andrei.

“I think I’ll enjoy having you with me, Rana. You won’t bore me. Your waspish tongue is very entertaining.”

Rana’s cheeks flushed a deep red.

Nagdumali itong kumawala mula sa pagkakayapos niya. Para bang itinatago ang reaksiyon sa kanya.

“I’m serious,” dugtong ni Andrei. “Alam mo bang ikaw lang ang taong tila hindi natatakot sumagot sa akin?” he said soothingly.

But she became more unsettled instead. Para bang lalong may pinangambahan.

“Come to think of it. Eversince we’ve met, you were always provoking me,” he continued musingly. “You acted and talked cheekily towards me, as though you’re trying to catch my attention.”

She moved away agitatedly.

“Tutoo ang mga obserbasyon mo, Senyorito Andrei. Dahil gusto kong sumama sa iyo para makaalis dito,” pag-amin nito. “Pero hindi na kita kailangan ngayong wala na si Inay.”

“I see.” Aywan kung bakit naapektuhan siya ng sinabing iyon ng babae. “But you don’t have a choice now. I shall be your guardian from now on.”

“Hindi ko ibibigay ang hihingin mong kapalit, Senyorito,” she said warningly.

“Bakit ba ipinipilit mong hihingi ako ng kapalit?”

“Because you’re not known as a benevolent man. You’re just a singer who had a cynical point of view in life.”

Tumawa nang malakas si Andrei.

“Iyan ang image na nilikha ko para sa publiko. Pero ang tutoong Andrei Montevista ay wala pang nakakakilala,” he uttered the lie with a glib tongue.

“Palalampasin mo ba ang pagkakataon na makikilala mo ang tunay na pagkatao ko?”

Napamaang ang babae. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“You’ll be with me constantly. Kungsaang bahay ako nakatira, nandoon ka. Kahit na saan ako magpunta, kasama kita,” dugtong niya. “Sa palagay mo ba, hindi mo pa ako makikilala nang husto?”

Andrei was feeling exhilarated with no apparent reason at all. Basta’t naramdaman na lang niyang kumakabog na nang ubod-lakas ang kanyang dibdib.

At nagpipigil siya ng hininga habang hinihintay ang magiging reaksiyon ni Rana sa hamon niya.

She appeared to muse on it. Hindi ito nakatingin sa kanya. Kaya hindi niya nababasa ang nasa isipan nito.

“Well?”

“O-okey, pumapayag na talaga ako ngayon — pero sa isang kundisyon.”

“Kundisyon na naman?”

Tumalikod uli ito sa kanya. Nababalisa na naman.

“May naipon kami ni Inay. Balak ko sanang gamitin iyon sa pag-aaral,” umpisa nito. “Gusto kong tanggapin mo ‘yon para hindi ako masyadong makabigat sa ‘yo.”

“For chrissake!” bulalas niya. Hindi niya akalaing iyon ang inaalala ni Rana. “Kahit na sampung katulad mo pa ang kupkupin ko, hindi makakabigat sa akin.”

Mapakla ang ngiti ng babae nang humarap na naman sa kanya.

“Oo nga pala. You earned your first million at age fifteen, hindi ba?”

“And felt world-weary by twenty-nine,” he added bitterly.

Nanlaki ang mga mata ni Rana.

“Nagsasawa ka na sa yaman at sa kasikatan mo?”

Napailing si Andrei.

“Talaga nga palang fan kita, ano? Pati ang mga naunang write-ups tungkol sa akin ay alam na alam mo, a?” panunudyo niya. Iniiba niya ang usapan.

He was regretting the rash admission already. He was not one to complain too much with life’s idiosyncracies.

He just sang about them.

Rana looked disappointed. But very, very much intrigued.

At iyon ang nais niyang maging reaksiyon nito.

Nais niyang makuha ang interes nito para hindi mawala ang magneto sa pagitan nila.

“Buweno, tatanggapin ko ang kundisyon mo,” he stated tersely. “Mag-impake ka na ng mga gamit mo. Aalis tayo agad pagkatapos kong maayos ang ilang detalye.”

He hid his triumph behind an abrupt manner. Ayaw niyang mahalata ng babae na natutuwa siya sa napakadaling tagumpay na tinamo.

“Sandali,” pigil ni Rana. “Kukunin ko na ang pera ni Inay.”

“Saka mo na ibigay, Rana,” pakli niya. “May tiwala naman ako sa ‘yo na hindi mo uumitan iyon,” dugtong pa niya, patudyo.

“Aba, hindi ako mag-uumit!” bulalas nito.

Humalakhak si Andrei sa ekspresyon ng kaharap.

“Alam ko,” he said when he was able to control his mirth. “Your mother had been an honest person.”

THE RUNAWAY WIFE-16

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.