The Runaway Wife-16

Halatang muling nangibabaw ang lungkot sa kalooban ng babae.

“Salamat sa papuri mo sa kanya,” sambit ni Rana. Mababa na uli ang tono.

“Palaging nagtatanong si Inay sa sarili niya noon kung nasisiyahan ka sa serbisyo niya. Matutuwa siya kung naririnig ka niya ngayon.”

“Sana nga,” wika ni Andrei bago lumabas ng pinto.

He could have added ‘Kaya nga nais kong magpakita ng kabutihan sa ‘yo’ but he did not dare make another lie.

His lust for her was the true reason for his generosity.

“Lock this door, Rana,” bilin niya nang makalabas.

Umalis lang siya nang tumalima ang dalaga.

Nagsisikip ang dibdib ni Rana — dahil sa magkakahalong emosyon.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Tama ba ang ginawa niya?

Nagbago na ang desisyon niya dahil sa pagkabigla at sa pagdadalamhati.

Nais niyang maging tuwid sa pagpapasiya para sa alaala ng nasirang ina.

Ngunit ngayong kumakaway ang mas magandang oportunidad, mas dapat sigurong maging matalino na naman siya, hindi ba?

She knew very well that she would end up in Andrei’s bed.

Nakahanda naman siyang gamitin ang sarili niya noon, hindi ba? Para lang maabot ang mga ambisyon.

So, what if she became his mistress — kung ang magiging kapalit naman ay ang tagumpay?

Kung tutuusin nga, she was better off now.

She did not have to deceive him. Everything that would happen between them would be mutually wanted.

Alam nila kung ano ang kailangan ng bawa’t isa…

Ang dapat na lang niyang katakutan ay kapag nagsawa agad na sa kanya si Andrei Montevista.

She should be able to keep him interested for a long while before she surrendered herself to his mercy.

Kapag nagpakipot siya nang husto — at bibigay lang kung kinakailangan na, bakasakaling mahawakan niya nang mas matagal ang interes ni Andrei Montevista.

At titiyakin niyang nakahanda na siya sa sandaling binitawan na nito.

Who knew what lies in the future, if she was able to play her cards right…?

“Nasaan si Raffy?”

“Umalis na, bosing,” tugon ni Bobbit. “Kagabi pa. Nagmamadali ngang nag-impake ng mga damit.”

“Sino’ng kasama?”

“Sina Pippo at ang mga babae. Galit na galit nga. Sinira mo raw ang gandang-lalaki niya. Kaya sisirain na rin daw niya ang samahan natin.”

Kaya pala parang natahimik ang buong kabahayan. Wala na ang mga boses at hagikhik na nakakangilo sa pandinig.

“Good.”

“P’ano ‘yan, bosing?” Nag-aalala si Bobbit. “Wala na tayong drummer at lead guitarist.”

Nagkamot ng ulo ang organist at pianist na si Jonni.

“Malalansag na ba ang banda?” tanong nito habang nilalaro sa mga daliri ang hawak na ballpen.

Maingat na inilapag ni Gene ang nililinis na pluta sa taguan. Ito ang may hawak ng flute at saxophone sa banda.

“Hay, hindi man lang tayo nagkaroon ng farewell concert,” panghihinayang nito.

“Hindi pa malalansag ang ‘The Cynix Band’,” pahayag ni Andrei sa mga kasama. “Mas magiging maganda pa nga ang sitwasyon nating lahat ngayong wala na sina Raffy at Pippo.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, bosing?” maang ng tatlo.

“Bakit walang natirang groupie dito?” tanong muna niya.

Muling nagkamot ng ulo si Jonni. “E, ayaw rin naman namin sa kanila.”

“Masyadong maiingay at makukulit,” dagdag ni Gene.

“Oo, ang aarte pa.” Si Bobbit.

Kumiling ang ulo ni Andrei. “Distraksiyon lang sila, hindi ba?”

Sabay-sabay na tumango ang tatlo.

“Iyon ang unang magandang pangyayari, para sa akin,” dugtong niya.

“Aalis na rin ba tayo dito?” usisa ni Jonni.

“We could stay for a few more days, if you like,” tugon ni Andrei. “Bakit?”

“May naumpisahan kasi akong kanta, e. Baka hindi matapos kapag umalis tayo agad,” paliwanag ng piyanista.

“I bet, may pagka-ballad na naman ‘yan, ano?” pambubuska ni Bobbit, pero pabiro.

“Alam mo naman si Jonni baby, sentimental,” ang nakatawang dugtong ni Gene.

“That’s good news, guys. It’s time we change our image and music. We can’t be forever young, remember,” pakli naman ni Andrei. “Kayo man, magsulat na rin kayo ng mga kanta,” he added in an encouraging tone.

“You mean we’ll do slower songs just like Rod Stewart and his other contemporaries?” Hindi makapaniwala si Bobbit.

Tumango si Andrei. Walang gatol.

“Katulad ng sinabi ko, hindi naman tayo puwedeng maging bata habang panahon, hindi ba? We’ve proven ourselves since we created the band, fifteen years ago. And I think, we can afford to change now. Pero hindi naman natin bibiglain ang mga pagbabago. We’ll have a gradual transformation,” ang mahabang paliwanag niya.

Nagseryoso si Gene. “I’m all for it,” anito. “It’s a great idea. What about you, Jonni?”

“Ganyan din ang sagot ko. Areglado ka na rin ba, Bobbit?”

Nakakunot ang noo ni Bobbit habang tumatango. Hindi ito madaling makumbinsi pero palagi namang handang sumuporta.

“Kung ano ang gusto n’yo, okey lang sa akin, mga kasama.”

“We must celebrate the reborn of the group, pero kapag nakabalik na lang uli tayo sa Maynila,” pahayag ni Andrei. “But for now, I have to attend to other pressing matters — like breakfast. Did you have yours already?”

Tumango ang tatlong kaharap.

“Diyan na muna kayo, guys,” paalam niya.

Dinatnan niya si Berta nang magtungo siya sa kusina para humingi ng almusal.

“Sa balkonahe po nag-almusal ang mga bisita n’yo, Senyorito. Gusto n’yo po bang doon rin mag-almusal?” ang magalang na tanong ng bagong mayordoma.

“Sa hardin. Ipasundo mo si Rana para sabay na kami.”

“Opo, Senyorito.”

Nagsindi siya ng sigarilyo habang naghihintay. Nakaupo siya sa isa sa mga garden chairs sa hardin.

Nasa ganitong posisyon siya nang dumating si Rana.

She appeared calm and collected. Looking not a bit like a teenager that she really was.

She was as sure and as confident as a young woman who held the world in her palms.

It was an absurd thought. And yet, peculiarly precise.

For he suddenly realized that he was willing to be winded around her little finger…

Nakatitig sa kanya si Andrei habang humahakbang siyang palapit.

And Rana was feeling uneasy because he had been looking at her fiercely.

But the wildness in his dark eyes was gone when she came near.

“Mabuti’t dumating ka na. Sabay na tayong mag-almusal,” pahayag ng lalaki. Hinila nito ang puting garden chair.

“Halika, maupo ka. Dito dadalhin ni Berta ang pagkain.”

THE RUNAWAY WIFE-17

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.