The Runaway Wife-18

“Umalis kagabi si Raffy, kasama si Pippo.”

“Si Pippo ang drummer, hindi ba?”

Tumango si Andrei. “Apat na lang kaming natira.”

“N-nasira ang banda nang dahil sa akin, hindi ba?” She was truly feeling sad.

Ang ‘The Cynix Band’ ang kinikilalang pinakasikat at pinakamatagal na banda sa buong Pilipinas.

Andrei smiled at her ruefully.

“Hindi ikaw ang sumira, Rana. Naging instrumento ka lang. Matagal nang may lamat ang samahan namin. Ngayon lang nangyari ang pagkabasag.”

“Pero bakit?”

He shrugged his shoulder nonchalantly.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Lumaki na ang ulo ni Raffy. At nalululong siya sa droga at alak. Kaya napakahirap na niyang pakisamahan nitong huli.”

Sandali lang siya natahimik.

“Ano ang mangyayari sa inyo ngayon?”

“Nothing much. Just a new band image and newer songs and fewer band members. Raffy and Pippo will not be missed, I’m sure.”

“Hahanapin sila ng mga fans, hindi ba?”

“At first, yes,” he agreed carelessly. “But nobody is indispensable. They shall be forgotten after a short while.”

The words were like swords. Sharp and double-edged…

Natigilan si Rana. Parang patama na rin sa kanya ang mga sinabi ni Andrei.

‘No woman was indispensable in my bed. I could take anybody to assuage my desire and to slake my lust!’

Pinilit niyang iwaksi ang mga agam-agam.

“More coffee?”

Binasag ng lalaki ang bumibigat na katahimikan.

Umiling si Rana. “Tama na ito. Baka maging nerbiyosa na ako,” tanggi niya, medyo pabiro.

Ngumiti ang lalaki. Isang ngiting nakakapagpalambot ng mga buto.

It was an artless smile that lightened his dark and aristocratic face.

That softened the hard lines of his jaw and thin nose.

That put tenderness to his firm lips. And gentleness to his deep-setted eyes.

“Have no fear,” he murmured huskily. “You’re a brave little thing, Rana.”

“Nagbibiro lang naman ako,” she tried to laugh off her silly remark but she was too breathless.

Umiling nang marahan ang lalaki.

“My hunger is great and is no laughing matter. And it will not be appeased for a long, long time!” ang makahulugang wika nito.

At kahit na bigla na lang isiningit ni Andrei sa usapan ang pahayag na iyon, malinaw pa ring naunawaan ni Rana.

They stayed at his ancestral house for another week.

Kapansin-pansin ang pagiging iwas at mailap ni Rana kay Andrei matapos ang kakatwang umagang iyon.

Pati ang pagiging mababang-loob. Nagpatuloy ito sa pagtulong sa mga gawaing-bahay kahit na hindi na ito tauhan.

In truth, he was silently thankful. Her avoidance of him was a great help to his rare display of gallantry.

He was really determined to let her mature more before he made her his exclusive paramour.

He did not believe her wild stories about her notoriety anymore. Alam niyang gawa-gawa lang ni Rana ang tungkol sa mga iyon.

“Tapos na ang mga kanta namin, bosing,” wika ni Bobbit. “Puwede na tayong bumalik sa Maynila.”

Tumango si Andrei. Siya man ay may nagawa rin ngunit inilihim muna niya sa mga kasama.

He had written four songs about a woman who was rare and exquisite and bold and guileless… and yet seductive and scheming and calculating as a woman should be.

Nagkaroon ng iyakan nang magpaalam na si Rana sa mga kasamang maiiwanan.

Malungkot din ang babae ngunit mas malamang ang nakakubling kasiyahan nito.

Nasukat niya sa mga kislap ng mga mata nito ang katuwaan at kasabikan para sa simula ng bagong yugto ng buhay.

Ni hindi ito nagpakita ng pagkainip at pagod habang nagbibiyahe sila — kahit na pareho silang hindi nagsasalita.

Dalawa lang sila sa sportscar. Kasunod nila ang mga kasama, sakay ng kotse ni Bobbit.

“Sana magustuhan mo ang Maynila,” wika niya nang malapit na sila sa kalunsuran.

“Sana nga,” sambit ni Rana.

Ngayon pa lang sila nag-usap ulit.

Luminga siya sa gawi nito. “May mga plano ka na bang gawin?”

Tumango ang dalaga. “Marami na akong plano,” umpisa nito. “Pero ang pinakauna ay pag-aaral muna.”

“That’s a good start,” he agreed readily. “You have my complete support, Rana.”

“Thank you.”

“Ano naman ang kursong nais mo?”

“Modelling and business management.”

“Dalawang kursong magkasabay?”

“Oo, para madali akong makatapos sa pag-aaral.” Pulos walang gatol ang mga tugon ni Rana.

“Tila nagmamadali ka namang masyado?”

“Hindi naman. Gusto ko lang makasigurong — ” Napahinto ang babae.

“Gusto mo lang makasigurong ano?” tanong ni Andrei kahit nahuhulaan na kung ano ang hindi itinuloy ni Rana.

“W-wala — ”

Makalipas ang sampung taon…

Such tall dreams for a young girl like her are too good to be true…
Oooh…!
She must stay awake, stay awake, stay awake forever…
She must not close her eyes…
And she must go away from me…
Oh, love, don’t be gone forever…!
‘Cause I love you so much…
Oh, I miss you, baby…!

Pumatak ang luha ni Rana habang pinapakinggan ang klasikong awitin na kapangalan niya.

“My dear listeners, you just listened to a classic song entitled ‘Rana’, composed and sung by Andrei Montevista of the still most popular band of all times — ‘D Cynix’!”

Humugot ng facial tissue si Rana para idampi sa kanyang mga pisngi at mga mata.

“Ma’am? Umiiyak kayo?” usisa ng store helper niya, si Myrna.

“H-ha? A, e, hindi, Myrna. Napuwing lang ako. Panay kasi ang pagpag mo diyan, e.” She had to blame the poor girl to hide her rare display of weakness. “Medyo sensitibo ang mga mata ko,” dugtong pa niya para disimulado.

Nataranta naman agad ang usiserang empleyada.

“Naku, sori po, ma’am. Hindi ko napansin na napupuntahan na kayo ng alikabok.”

Tumango siya at nagkunwaring may kinukuhang gamit sa ilalim ng lamesang sulatan.

“Ang mabuti pa, doon na lang muna ako sa backroom. Pakitawag mo na lang ako kapag may kustomer, ha?”

“Opo, ma’am.”

Nang mapag-isa na siya, saka lang niya inamin sa sarili na nanginginig ang buong katawan niya.

She also trembled like this when she was in his arms!

Or when she was on the brink of a spectacular climax.

Or even when the aftermath of a rapturous passion was slowly starting to end…

‘Oh, God, it’s been ten years — but I still remember him!’ bulalas niya sa sarili.

Nakapikit siya nang mariin dahil nais niyang iwaksi ang lahat ng bakas ng mga alaalang pinukaw ng awiting napakinggan.

Because the first time she heard him sang it, was the first night that she had spent in his bed.

THE RUNAWAY WIFE-19

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.