The Runaway Wife-19

Nahulog si Rana nang buung-buo sa patibong ng atraksiyon noon.

Ibinigay niya ang lahat-lahat sa lalaking natutuhang ibigin nang buong puso’t kaluluwa.

Ng walang naging kapalit kundi pagkabigo lamang.

At ang walang kahulilip na sakit ng kalooban…

She suffered a lot — because she let herself be enticed by a stupid love song!

Ipinilig niya ang ulo. Ilang ulit, para mapuwersang mawaglit ang mga bangungot ng nakaraan.

Huminga siya nang malalim. Ilang beses, para makalma ang kanyang sarili.

Nasa ganitong ayos siya nang kumatok si Myrna.

Napatalon pa nga siya sa pagkabigla.

“Ma’am?” tawag ng empleyada. “May kliyenteng naghahanap sa inyo.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Dali-dali niyang kinuha ang cosmetics kit sa handbag para tingnan sa compact mirror ang sariling mukha.

Her tears had surely ravaged her make-up.

“P-pinaupo mo na ba?” aniya habang pinupulbuhan ang ilong at mga pisngi.

Sanay ang kanyang mga daliri sa pagpapahid ng lipstick sa kanyang mga labi. Kulay coral iyon para katerno ng kanyang peach and salmon ruffled blouse.

“Ay, hindi pa po, ma’am,” anang boses ng kausap. “E, kasi palakad-lakad naman siya.”

Napailing na lang si Rana. Talagang madaling mataranta ang tauhan.

“Okey. Bumalik ka uli sa kanya at alukin mo ng silya at ng juice,” utos niya sa malumanay na tono. “Huwag ka muna sanang magkakamali, Myrna,” bulong niya sa sarili.

Isang dalagang nasa mahigit bente na ang edad si Myrna.

Ignorante pa ito sa maraming bagay, pero tapat naman at mapapagkatiwalaan. At may malaking malasakit pa sa kanya.

Kaya nga kahit na medyo simple lang ang angking talino nito, malaki ang pagpapahalaga niya sa nag-iisang store helper ng kaisa-isang House of Elegance Boutique.

Halos walong taon na ang nasabing boutique. O designers’ clothes shop.

Dala nito ang ilan sa mga disenyo niya ngunit inihahalo niya sa mga kilalang pangalan para unti-unting makilala ang istilo niya.

She modelled her own stocks. Isinusuot niya ang mga paninda niya.

Her in-born elegance helped her wear anything with aplomb.

Na nagiging pangunahing atraksiyon ng kanyang establishment.

Her name was being spread around through word-of-mouth advertisement, the cheapest kind of publicity.

Kaya paparami na nang paparami ang mga kliyente niya.

Her fingers smoothened her pencil-cut skirt and touched her loose chignon at the nape before she opened the door.

Nakontrol na niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

“Binigyan mo na ba ng maiinom ang kliyente natin?” tanong niya sa nakaabang nang si Myrna.

“Uh, opo, ma’am,” tugon nito. “Kaya lang tumanggi po. Hindi raw siya nagpunta dito para makiinom. Kayo daw ang sadya niya.”

Tumaas ang mga kilay ni Rana.

“Sino daw siya?” Nag-aapuhap na ang kanyang mga mata sa paligid habang nagsasalita.

Itinuro ni Myrna ang bahaging kinaroroonan ng mga nightgowns at intimate apparels.

“Doon siya nagpunta, ma’am.”

Isang lalaking matangkad at mukhang mayaman ang nakatayo sa tapat ng manikin na nakasuot ng manipis na negligee.

Hinihipo ng mahahabang daliri nito ang madulas na telang itim.

“She’ll love the silky texture of that premium nightgown, sir,” pahayag niya.

She was wearing her professional smile as she stepped towards the new customer.

The man faced her slowly. As though reluctant to move.

“We have some more in our stocks — ” She stopped abruptly when she recognized the tall stranger.

“Oh, my God!” she breathed shakily.

Nabigla pa rin siya kahit na matagal na niyang inaasahan na mangyayari ang sandaling iyon. Alam niyang magkakaharap pa rin sila ng lalaking ito.

“Hello, Rana,” he greeted her with cold anger in his harsh voice.

“A-andrei,” sambit niya. Para bang ibig niyang tiyakin na hindi siya nananaginip lang.

“Long time no see, Rana. Should I be glad that you still remember me?”

‘The last ten years had been kind to her, physically speaking,’ Andrei thought as his eyes drank her thirstily.

Parang walang sampung taon na nagdaan.

Her skin was still the same flawless alabaster. Her body was still slim but for the slightly ripened curves of her hips and breasts.

Pero sa imahinasyon lang ni Andrei ang lahat dahil ang babaeng nasa harapan niya ay balut na balot.

Long-sleeved blouse and ankle-length narrow skirt ang suot ni Rana.

Old-fashioned ang hairstyle. Nakapusod ang mahabang buhok.

Kaunti lamang ang make-up pero napaka-sopistikada ng dating.

Elegante ang kabuuan. Larawan ng isang matagumpay na negosyante.

He disregarded the pale cheeks and the dilated eye pupils.

It was not surprising that Rana was utterly shocked to see him.

Inakala nito na mananatiling magkahiwalay ang mga landas nila dahil sampung taon na ang nakakaraan.

“You did well for yourself — kung sa ‘yo ang boutique na ito, Rana,” patuloy niya nang tila naparalisa na ang kaharap.

“Or this might be a gift from a besotted lover.”

Rana pulled herself together with visible effort.

“Uh, ito ang itinayo ko pagkatapos kong — ” Napahinto na naman ito.

“Pagkatapos mong umalis sa akin nang walang paalam noon?” dugtong niya. “Iyan ang hindi mo maituloy sabihin, hindi ba?”

She moved away agitatedly. Humalukipkip ito pero ang tutoo ay niyayapos nito ang sarili.

Muli itong humarap sa kanya para magtanong.

“P-paano mo nalaman na dito ako matatagpuan?”

“By a stroke of luck. I’ve been looking for you — on and off — for the last ten years. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng suwerte.”

Humakbang siya palapit sa babae. Nakasuksok sa magkabilang bulsa ang mga kamay habang nakatitig ang mga mata niya sa maamong mukha.

“Kung hindi pa ako dumalo sa isang fashion show last week, hindi pa kita matatagpuan.”

Relief flashed on her face. Para bang may lihim na ipinagpasalamat ang babae.

Pero masyadong mabilis ang pagrehistro at ang pagkawala kaya hindi siya siguradong tama ang nakita niya.

“F-fashion show last week?” ulit nito. “Hindi naman ako pumunta d’on.”

“You didn’t but I heard your name being mentioned many times by the lady-in-charge of the fund-raising occasion. You’ve quite a reputation for such a young entrepreneur, my dear Rana.”

Namula ang mga pisngi ng babae.

“Don’t patronize me, Andrei.” Isinenyas nito ang daan pabalik sa reception area.

He had to follow her.

“Dito tayo magpatuloy ng pag-uusap,” dugtong nito nang nakaupo na sila. Pinili nito ang isahang sopa na nasa gawing kanan niya.

He eyed her suspiciously. “You’re too meek, Rana. I don’t like it.”

THE RUNAWAY WIFE-20

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age