The Runaway Wife-20

Tila nagulat ang babae sa obserbasyon ni Andrei.

“What do you expect me to do?”

“I expect some sort of — excitement, of course,” he stated laconically. “Although you were suitably shocked,” dugtong niya.

Hindi nagustuhan ni Andrei na madaling naiwaksi ni Rana ang pagkabigla sa muli nilang pagkikita.

Nagkibit ng mga balikat ang babae. It was the same elegant little shrug.

‘God, she did not change!’ bulong ni Andrei sa sarili, paungol.

He had to control himself from grabbing her soft body and seizing her sweet mouth with passionate violence.

“I’m not a young girl anymore, Andrei.”

“You don’t realize that you’ve never been a young girl, do you?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Natigilan ang babae.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Kahit na nung bata ka pa, hindi ka nag-astang bata, Rana. Masyadong kang abala sa pangangarap ng mga bagay na hindi kayang maabot ng isang katulad mo.”

Umiwas ng tingin ang babae. Para bang nasaktan.

“Alam ko na ‘yan ngayon, Andrei. I’ve mellowed through the years. Hindi na ako preoccupied sa mga ambisyon na imposibleng matupad,” she said bitterly.

Sinipat niya ang babae. Mali pala ang unang impresyon niya kanina.

Marami na palang nagbago sa katauhan ni Rana.

Marami na ang nawala…

Tila wala na ang apoy ng masidhing determinasyon sa mga mata nito.

Ang mainit na pagtanggap sa buhay.

At ang matapang na pakikiharap sa mga hamon ng kapalaran.

O nakakubli lamang ang lahat sa likod ng blangkong maskara na kayhirap nang basahin?

Lumapit ang dalagang tauhan na dinatnan niya kanina.

“Ma’am? Ano po’ng gusto n’yong dalhin ko dito — kape o juice?” Ingat na ingat itong umiwas na tumingin sa gawi niya.

“Ano’ng gusto mo, Andrei?”

“Kape na lang.” He had no interest in anything but Rana.

But he had no wish to alienate her at this early stage of their reunion.

Hinintay niyang umalis ang empleyada bago siya nagsalita uli.

“Kumusta ka na, Rana?”

“Uhm, mabuti naman ang naging buhay ko, Andrei.” She was not comfortable with his eyes on her. “Ikaw? Kumusta na ang private life mo? Iyon na lang ang hindi naisusulat ng press.”

“Hindi mabuti.”

She flicked him a furtive glance.

“Belated congratulations nga pala sa ‘yo. Successful ang bagong banda mo, hindi ba? Sumikat ang lahat ng mga kanta n’yo,” she babbled in a rush. She pretended to ignore his terse answer.

Andrei let out his impatience through a long, silent sigh.

“Naging paborito mo din ba ang awiting pinamagatan ko ng pangalan mo?”

“O-of course,” ang maagap na tugon nito. Halatang nagsisinungaling.

“And I bet, baka nanonood ka pa ng mga concerts namin noon pero hindi ka man lang nagpakita sa akin?”

Tumutop ang isang palad nito sa tapat ng dibdib. Baka nangangamba ring tumalon palabas ang tumatahip na puso, na katulad ng sa kanya.

“H-hindi ako nangahas gawin ‘yon,” tugon ng babae.

“Dahil ayaw mo na akong makita?”

“Ikaw lang ang nagsabi niyan, Andrei.”

Andrei sighed again.

“Oo, sinabi ko nga ‘yon pero wala sa loob ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko. You must know that. Alam mong medyo nakainom pa ako noon, hindi ba?”

Umiling ang babae.

“Alam nating dalawa na tutoo sa loob mo ang mga salitang binitiwan mo, Andrei,” she insisted quietly.

“Pero hindi na natin dapat ungkatin ang nakaraan. Sampung taon na ang lumipas.” She suddenly smiled brightly.

“Yeah,” he murmured testily. “It’s been a hellish ten years for me, Rana. Because you left me.”

“Hindi ako naniniwala sa ‘yo, Andrei. Nagbabasa pa rin ako ng mga diyaryo at magasin.”

“Those are just for my listening public. Gawa-gawa lang ng publicity manager namin.”

Dumating na si Myrna, dala ang isang tray na may dalawang tasa at platito. Kaya nagkibit na lang uli ng isang balikat si Rana.

She performed the short ritual of putting cream and sugar to both their cups in silence.

‘God, I missed her!’ bulalas niya sa sarili habang nakamasid sa babae.

He watched her fluid and graceful movements avidly.

Kaya naman namayani ang sandaling katahimikan.

“Thank you,” aniya nang iabot sa kanya ang puswelo niya.

Tumango lang si Rana bago inilapit sa bibig ang sariling tasa.

Sumimsim rin siya ng mainit na likido. Kuntento na siyang panoorin muna ang babae.

Saglit silang nagpakiramdaman bago nagsalita si Rana.

“Uhm, may nagustuhan ka ba sa mga displays ko? I saw you admiring the black negligee. Would you like to buy it for your girlfriend?”

“I don’t have a girlfriend, Rana,” pakli niya. “I have no plans to buy anything.”

She smiled uneasily.

“Uhm, ano’ng sadya mo? Bakit ka nagpunta dito?”

“I want you back, Rana,” he replied simply.

Her whole body shook as wave after wave of remembered rhapsody of sensations assaulted her senses.

His eyes spoke of passion eloquently.

Para na rin siyang inaangkin ni Andrei habang hinahaplos ng mga mata nito ang kanyang kabuuan.

She felt stroked and petted even though they were not moving.

Nilalaro siya ng mga alaala niya!

Ipinilig niya ang ulo para mawaglit ang paralisasyon na sumakmal sa kanya.

“M-may sarili na akong buhay, Andrei,” pahayag niya. Nanginginig at napapaos ang boses.

“Didn’t you miss me, too?”

Pinilit niyang umiling.

“Wala tayong naging magandang relasyon para ma-miss kita, Andrei.”

He winced slightly.

“Hindi ganyan ang mga naaalala ko, Rana. Were I really cruel to you?”

The question triggered a lot of unwanted memories, until the insides of her mind was suffused with confusion and painful disappointment.

“Natural na lang siguro sa ‘yo ang maging malupit sa damdamin ng iba, Andrei. Kaya hindi mo alam na nakakasakit ka na.”

Ang lalaki naman ang namula dahil sa sinabi niya.

She was stunned to watch the slight reddening of his face and his neck.

“I’m sorry,” she said uncomfortably. “I didn’t mean to say that.”

“I’m glad, you still have your sharp tongue, Rana,” ang tanging sinabi ni Andrei.

Lalo siyang nailang. Kaya hindi na siya nagsalita.

Muling naghari ang katahimikan nang magpakiramdaman na naman sila.

It was the most suspenseful situation she had ever endured.

Ayaw na niyang magsalita, for fear of saying something awkward and revealing.

At tila wala na ring balak magsalita ang lalaki.

Mabuti na lang may dumating na isang grupo ng mga babaeng suki niya sa boutique.

THE RUNAWAY WIFE-21

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.