The Runaway Wife-24

Rana had managed to push the nightmares into the far recesses of her mind with desperate strength.

“Isasabay na natin si Myrna sa pag-uwi,” pahayag ni Andrei. Binuksan nito ang pinto sa likod upang doon paupuin ang tauhan niya.

“Ma’am, tutoo po bang ipinasasara n’yo na ang boutique?”

Nagtanong pa ito gayong naisara na nga ang tindahan nang hindi man lang siya kinunsulta.

“Oo, Myrna,” tugon ni Rana. Medyo paos ang pigil na boses. “Halika, sumakay ka na,” aya niya nang tila nag-aalangan pa ito sa pagsakay.

“E, ma’am, hindi na lang po ako sasabay. May gusto akong bilhin sa kabilang tindahan,” tugon nito. “Puwede po ba, ma’am?”

Tumango lang siya bilang pagbibigay ng permiso sa kasama.

“Buweno, salamat na lang sa ‘yo, Myrna,” paalam ni Andrei.

Pilit ang ngiti ni Myrna sa lalaki.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Rana threw Andrei a suspicious glance but she did not demure.

Sinundan na lang niya ng tingin ang dalagang lumalakad palayo sa kanila. Palingun-lingon pa nga ito hanggang sa makatawid na sa kabilang kalsada.

“Your employee is suspicious about me,” sambit ni Andrei. “Wala siyang tiwala sa akin.”

“Dahil nakikita niyang hindi ka dapat pagtiwalaan,” salo niya.

“You trusted me before,” he pointed out as he sat beside her.

He flicked her a long glance as his long fingers turned on the ignition key.

“You even fell in love with me.”

Her cheeks reddened instantly. She could not deny the low blow.

“I thought I was falling in love with a man — not with an animal,” pakli niya nang matagpuan ang nawalang boses.

The hands tightened its grip on the steering wheel for a few seconds. Then he flexed his fingers to relax again.

“Are you referring to the last night that we’ve spent together?” he murmured the question lazily.

Para bang balewala dito ang gabing iyon.

Samantalang napakahalaga naman para kay Rana.

“Noon mo lang inilitaw ang pagiging hayop mo, Andrei,” pahayag niya, with a forced calmness. “Kaya hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mong kalupitan ng gabing iyon.”

“You dislike violent sex?” Tila hindi pa makapaniwala ang lalaki. “But you were asking for it, Rana.”

“That’s not true!” she denied vigorously.

Nakakuyom ang mga palad ni Rana. Habang nanliliit ang kanyang mga mata.

“Kailanman, hindi ko inakalang magagawa mo sa akin ang gan’ong klaseng kahayupan, Andrei!”

Hinampas ng isang kamay ng lalaki ang manibela. Humugot ito ng ilang malalalim na hininga ngunit hindi na nagsalita.

“You — you raped me,” she continued in a low whisper. Her voice was wavering. “You tried to destroy me, Andrei.”

“Yeah,” he admitted ruefully. “I aimed to break you that night. Your dignity, your pride.”

Sa buong panahon na magkahiwalay sila ni Andrei, magiging ipokrita siya kung hindi niya aamining iniisip niya kung ano ang magiging reaksiyon nila sa muling pagkikita.

She had imagined him angry and furious, katulad kaninang una silang nagkita.

Pero hindi niya kailanman inasahan na masasaksihan niya ang pagpapakumbaba nito.

“I take those rotten words back, Rana,” dagdag pa nito. Mas malumanay na ang tono. “I’m sorry for having such a sarcastic tongue.”

Nagulat si Rana. Hindi niya inaasahan na hihingi ng dispensa ang lalaki.

Andrei gave her an undemanding smile.

“Peace?”

Umiwas ng tingin si Rana. Hindi siya tumugon.

Nalilito siya.

“Don’t you want to have peace with me, Rana?” he asked humbly.

She did not answer. Hindi siya tuminag. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa labas ng bintana.

“Would you like to change the subject?”

Saka lang siya gumalaw. Luminga siya rito.

Her vision was slightly blurred with unshed tears.

Nagtama ang kanilang mga paningin. Nag-usap ang kanilang mga isipan.

“Do you realize that this is only the second time that we were able to talk seriously?” patuloy ni Andrei. “And that this is the same car that we rode to Manila, ten years ago?”

It got her complete attention.

“R-really?”

She looked around the small but lush interior with renewed interest.

Kanina kasing nais niya lang na makaalpas, ang dashboard at control panels lang ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Binuksan ni Andrei ang lalagyan ng car stereo.

“See? I still have the same tapes. Ano’ng gusto mo’ng patugtugin ko? Bread? Air Supply? Bon Jovi?”

Umiling si Rana. Hindi siya interesado sa musika nang mga sandaling iyon. Ang gusto niyang malaman ay kung ano ang dahilan ng lalaki sa pagpapahalaga nito sa sportscar.

“You really like this car, huh?” She faked her indifference. Nagkunwaring hindi siya interesado.

“Yeah. This has a sort of sentimental value to me.”

“It reminds you of your parents?”

“No. It reminds me of you, Rana.”

Again, she was disarmed by his honesty and humility.

She had known Andrei Montevista as an arrogant and domineering man.

Kaya kabigla-bigla talaga ang mga ipinakikita at mga sinasabi nito ngayon.

O nagbabait-baitan lang ito?

“I told you already that I want you back, didn’t I?” he asked her mildly. “I’m serious, Rana. I intend to convince you of my sincerity.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Nakahanda akong gawin ang lahat para makumbinsi ka lang.”

“P’ano kung sabihin ko sa ‘yong nagsasayang ka lang ng panahon?”

“Will I be wasting my time, Rana?” tanong nito. “Wala na ba talaga akong magiging puwang sa buhay mo?”

Inihinto ni Andrei ang minamanehong sasakyan sa isang parking space, bago humarap sa kanya para titigan siya nang matagal.

“W-what if I already have someone?”

Dinampot ng lalaki ang kaliwang kamay niya para haplusin ang bakanteng ring finger.

“Meron ka na bang iba, Rana?” tanong nito, pabulong. Seryosong-seryoso.

Nangatal ang buong katawan ni Rana. Hindi siya makapagsalita agad.

“D-depende sa kung ano’ng ibig mong sabihin sa ‘meron’,” she said after
raking in a bit of strength. “Meron na ba akong ibang mahal…?”

Tumikhim ang lalaki. He seemed uncertain and discomfited. Ngunit imposibleng mangyari iyon.

Kung hindi niya ito kilala, bakasakaling maniwala siyang tama ang hinuha niya.

A man like Andrei was too haughty to be hesitant. The only hesitation he had had bordered on his cynical outlook of everything.

“Have you taken another man after me?” he asked after a short silence.

THE RUNAWAY WIFE-25

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.