The Runaway Wife-25

Hindi agad tumugon si Rana. Nag-isip pa siya kung dapat niyang tugunin ang pangahas na tugon ng lalaki.

“A lover? Or a husband, perhaps?” untag ni Andrei nang mainip.

Sumilay ang mapait na ngiti sa bibig ni Rana. “I — there’s one right now,” tugon niya kapagkuwan.

“You don’t sound so sure of him,” pakli ng lalaki. “Hindi ka ba siguradong magkakatagalan kayo?”

Bumuntonghininga siya bago umiling. Dahan-dahan nung una, pero naging tiyak bandang huli.

“Well, I’m sure na habang buhay ko siyang mamahalin. At sana, mahalin din niya ako kapag — ”

“Kapag ano?”

She sighed again.

“N-nothing,” pagkikibit-balikat niya. “It’s none of your business, Andrei.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“On the contrary,” bawi ng lalaki. “Gusto kong malaman kung may lalaking haharang sa daanan ko para makuha ka uli.”

She smiled bitterly.

“Walang lalaking haharang sa ‘yo, Andrei,” pahayag niya. “Ako ang tututol. Ayoko nang masaktan uli.”

“Ang lalaki ba sa buhay mo ngayon sigurado mong hindi ka sasaktan?”

“I think so.”

Tila ikinayamot ng kausap ang isinagot niya.

“Kukunin kita, Rana. Sa ayaw at sa gusto mo.” Nanumbalik na naman ang puwersang pamilyar sa kanya.

Itinaas niya ang noo at dumiretso ng tingin sa kaharap.

“Alam ko,” tugon niya. “Puwersa lang naman ang alam mong gamitin, hindi ba?”

“I did not use force when I first took you to my bed, Rana,” he cut in softly.

“But you did on our last time,” she quipped back.

Hindi agad nakapagsalita si Andrei.

“Yeah, I raped you the last time,” he said huskily. “Can you ever forgive me?”

“You’re asking for my forgiveness?” paniniguro niya.

“Yes.”

Napailing si Rana. She was feeling giddy with sudden confusion.

Parang gusto niyang sumaya na hindi niya maintindihan.

May karapatan pa ba siyang maging masaya?

“Tutoo ba ang naririnig ko? Humihingi ka ng tawad sa akin?” May himig-panunuya ang tono niya.

He grunted impatiently.

“You heard me right, Rana. All you have to do is give your answer.”

Pinilit niyang ngumiti.

“You surprise me, Andrei. Kanina, sabi mo kukunin mo ako, sa ayaw ko at sa gusto. Ngayon naman, tinatanong mo pa ako,” pambubuska niya.

Papilig na umiling ang lalaki. Madilim ang anyo nito. Kapagkuwa’y bigla na lang tumawa nang malakas.

“Oo nga pala, ano?” sambit nito bago muling pinaandar ang sasakyan.

“Saan mo ako dadalhin?”

“Saan ka ba umuuwi?”

Nasa bahay ang lihim niya…

Bumuntonghininga si Rana, bago siya tumugon.

“Nasa Alabang ang bahay ko, Andrei.” Idinugtong niya ang eksaktong address nang halos pabulong lang.

Napamaang ang lalaki. Ilang sandaling hindi nakaimik matapos siyang marinig.

“You mean to say, all this time — nandoon ka lang sa malapit sa akin?” bulalas nito kapagkuwan.

Tumango si Rana. Sa labas na naman siya nakatingin. Pero hindi niya nakikita ang mga dinaraanang gusali at mga tao.

“Pinili kong maging kapitbahay mo dahil hindi mo aakalain na nasa tabi-tabi lang ako.”

Hinampas ni Andrei ang manibela. Napapailing ito habang tumatawa nang malakas.

“Matalino ka talaga, Rana. Pinabilib mo na naman ako,” papuri nito. “I can’t believe na napagtaguan mo ako ng sampung taon, Rana.”

A peculiar warmth spread over her when she heard the back-handed compliment.

Her heart was doing a crazy dance inside her chest.

She had learned to protect herself from anything and anybody.

But never from the man who would always be her first — and last — love…

The powerful sportscar ate the miles easily.

At habang daan, nag-iisip si Andrei.

He could not believe that everything would be too easy.

She had eluded him during the last ten years.

Kaya hindi siya makapaniwalang sasama sa kanya si Rana nang gayon lang kadali.

He must not forget that this woman was very clever.

“Kumusta na nga pala sina Berta?” Si Rana ang bumasag sa katahimikan. “Umuuwi ka pa ba doon?”

He threw her a glance and a quick smile.

“Every month, kapag nandito lang kami sa Pilipinas,” tugon niya. “May mga pamilya na sina Berta, Siling at Tonyang. Silang lahat ang nangangalaga sa bahay ko doon ngayon.”

Napangiti ang babae. “Gustung-gusto ko silang puntahan noon pero — ”

“Madali siguro tayong nagkita kung hindi ka nagpatumpik-tumpik,” dugtong niya.

“Oo nga,” sambit ni Rana.

Tumingin uli ito sa labas. Muling natahimik. Para bang napakalalim ng iniisip.

“Ano’ng iniisip mo?” untag ni Andrei nang bumigat na naman ang katahimikan sa pagitan nila.

“Hindi na importante sa ngayon,” buntonghininga ni Rana.

“You must know by now that everything about you is important to me, Rana,” pahayag niya.

Ngumiti nang buong pait ang babae.

“Hindi mo na ako kailangang bilugin, Andrei. Nakapagpasiya na akong sumama uli sa ‘yo — kung gugustuhin mo pa ako kapag nalaman mo na ang lahat-lahat,” ang matalinhagang wika nito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Kaunting panahon na lang ang ipaghihintay mo, Andrei,” she said meaningfully.

He controlled his impatience with difficulty.

Itinutok na lang niya ang buong pansin sa pagmamaneho para hindi siya matalo ng pagkainip.

Simpleng bungalow lang ang bahay ni Rana. May katamtamang lawak ng hardin sa palibot at matatagpuan sa isang disenteng subdibisyon.

“Tsk! tsk! You’re just here at the back of my own house all this time?” Napapalatak na naman si Andrei. “Kung hindi ka pa siguro sumikat sa negosyo, baka hindi pa kita natagpuan, Rana!”

Hindi umimik ang babae. Tila may nakasakmal na tensiyon sa kabuuan nito habang naghihintay sa pagbubukas ng malaking tarangkahan.

Ipinasok niya sa garahe ang sportscar.

“Ilan ang katulong mo dito?” usisa niya habang matamang sinusuyod ng tingin ang palibot.

“Tatlo,” ang maikling tugon ni Rana. Umibis ito nang bumukas ang pinto ng sasakyan.

“Ma’am, magandang hapon,” ang magalang na bati ng may edad na babaeng nagbukas ng gate.

“Sumundo na ba si Luming?” tanong ni Rana matapos tumango.

“Kaaalis lang nila ni Thelma.”

Nagpauna sa pagpasok sa bahay si Rana.

“Pasok ka, Andrei,” yaya nito sa kanya. Seryoso na uli ang ekspresyon nang tumalikod sa kasambahay.

He liked everything he saw. The house was elegant and immaculate with a touch of coziness in unexpected places.

“I like your house, Rana. It looked very much lived in.”

“This is a home, Andrei,” she corrected him.

“Yeah, you’re right,” he agreed quietly.

THE RUNAWAY WIFE-26

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.