The Runaway Wife-26

Bumaling si Rana sa nakasunod na katulong.

“Ipaghanda mo kami ng meryenda, Manang Simang. At kapag dumating sina Luming, papuntahin mo agad dito, ha?” pahabol pa nito bago nakaalis ang inutusan.

“Sino ang gumawa ng painting na ‘yan?” tanong niya nang mapag-isa na uli sila.

“An unknown artist,” tugon ng babae, pa-kaswal. “Nabili ko ‘yan sa isang garage sale. Nagandahan ka ba?”

“Uh-uh.” Tumango si Andrei.

The decor everywhere he looked was unobtrusively elegant. He liked her taste.

Nasa basement ang living room. Lusutan hanggang sa kabilang panig ng bahay.

Nagtungo siya doon. He had this impetuous desire to explore her habitat. He wanted to know her better.

“May swimming pool diyan sa likod-bahay,” she offered the information. “Gusto mo bang makita?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

He inclined his head. “Sure.”

Nagpauna ang babae. Ang napuna agad niya ay ang mga orkidyas na nakabitin sa mga punongkahoy.

“Wild orchids?” tanong niya.

Tumango si Rana. “As wild as they can be,” anito. “Pero karamihan ay mga cutflowers na lang nang bilhin ko,” pag-amin nito bandang huli.

“Sila ba ang libangan mo kapag nandito ka sa bahay?”

Ngumiti lang ang babae. Nagpatuloy ito sa paglakad. Sinasamyo ang mga nakalawit na bulaklak.

Sandali lang nilang naikot ang maliit na bakuran.

“Naging masaya ka ba rito?”

“Medyo masikip ang lugar na ito. But believe it or not — oo, Andrei. Naging masaya ako dito,” pagtatapat ng babae.

“Dito ko natagpuan ang kakuntentuhan na matagal ko nang hinahanap.”

“Ngayon ay wala ka nang hahanapin, hindi ba? Naabot mo na ang tagumpay mo,” wika niya.

“Matagal na akong huminto sa paghahanap, Andrei,” pakli ng babae. “My life had been complete for a long time now.”

May kumurot na pananaghili sa kalooban ni Andrei. Ngunit hindi na siya nagkumento.

“Halika na. Baka nasa salas na ang meryenda natin.”

They retraced their steps leisurely.

Para bang kapwa nila ayaw matapos ang mga sandali ng kapayapaan.

For moments of peace were a rarity between them.

They both had strong wills and enjoyed sharpening their wits by fighting.

Inaayos na nga ng may edad na utusan ang meryenda sa lamesitang nasa gitna ng mga sofa chairs.

Papalapit sila doon nang makarinig sila ng malalakas na busina buhat sa di-kalayuan.

“Ma’am, nandiyan na siguro sina Thelma,” panghuhula ni Manang Simang. “Teka’t sasalubungin ko na sila.”

“Sige, Manang. Salamat.” Rana tried to hide her tension.

Nagtataka si Andrei ngunit kunwa’y wala siyang napuna. Alam niyang hindi nito sasagutin ang mga tanong niya.

“Take a seat, Andrei. You might need it,” utos ng babae sa kanya.

“Bakit?” maang niya.

“Basta,” pilit nito.

Nagkibit siya ng isang balikat atsaka naupo.

“Heto ang juice. Magpalamig ka muna.”

Tinanggap niya ang mataas na basong kristal habang pinapanood si Rana.

She was clearly agitated but was still trying her best to look calm and collected.

‘Why?’ tanong ni Andrei sa sarili.

Wala siyang kamalay-malay sa paparating na kasagutan ng tadhana.

Tanging ang ingay ng papalapit na maliliksing yabag ang naging babala ni Andrei sa pagkabiglang nakatakdang dumatal sa kanya.

“Mommy, I’m home!” hiyaw ng isang boses-paslit, bago iniluwa ng pintuan ang isang batang lalaking may siyam na taong gulang pa lang.

Everything went to a standstill.

Napatigagal si Andrei, nang makita niya ang sarili nung inosente pa siya at hindi pa kinakain ng sinismo ang puso at isipan…

“My God!” He heard himself cried hoarsely.

Walang kakurap-kurap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa musmos na nasa kanyang harapan.

Gayundin ito sa kanya. Ang tanging kaibahan, walang pagkabigla sa ekspresyon nito.

“Come here, Randie,” tawag ni Rana sa bata. “May ipapakilala ako sa ‘yo.”

Tumalima ang paslit habang nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata.

“Mommy, siya po ang Daddy ko, hindi po ba?”

Nabigla uli si Andrei sa narinig.

“K-kilala mo ako?”

Tumango ang musmos. Seryosong-seryoso.

“At hindi ka nagagalit sa akin?”

Umiling ang musmos.

Hindi makapaniwala si Andrei. Sumulyap siya sandali sa gawi ni Rana. Ngunit suot na naman nito ang maskarang taguan ng mga emosyon.

“Nagtataka ang Daddy mo kung bakit mo siya kilala, Randie,” pahayag ng babae. Tila naawa sa kanya.

“At kung bakit hindi ka nagagalit sa kanya — kahit na ngayon lang siya dumalaw dito.”

Nag-isip munang maigi ang bata bago tumugon.

“Alam ko pong naging abala kayo nang husto, Daddy, kaya hindi n’yo ako nadalaw nang madalas. Okey lang naman ‘yon dahil pinadadalhan n’yo naman ako palagi ng mga laruan.”

Andrei was thankful that he had taken a seat before the surprise came upon him.

Nangangatog ang kanyang mga tuhod. Daig pa niya ang nakuryente, ang nahulog mula sa mataas na bangin…

He was utterly shocked.

“Magmano ka na kay Daddy at magpunta na muna sa kuwarto para makapagpalit ng damit. Basam-basa ng pawis ang likod, a?”

“Playing time po namin kanina, Mommy,” paliwanag ng magalang na bata.

Lumapit ito sa kanya para sundin ang sinabi ng ina na magmano sa kanya.

“Daddy, iiwanan ko po muna kayo. Magbibihis lang po ako sa kuwarto ko,” paalam nito.

Mistulang estatwa si Andrei hanggang sa makaalis na uli ang paslit.

Sinundan niya ng tingin ang munting hugis nito hanggang sa makalabas na ng pinto.

“You raised him into a fine young individual, Rana,” he complimented her in a low voice. His whole being was vibrating with suppressed happiness. “It must have been very hard for you. Raising a kid single-handedly.”

“I love him so much. Pinadali ng pagmamahal ang anumang paghihirap na kailangan kong harapin noon,” she expressed serenely.

He stared at her. “Why didn’t you inform me of his birth?”

Rana smiled at him bitterly.

“Your reaction had not been good when I informed you of his conception, Andrei,” she reminded him nonchalantly. “I didn’t want to undergo another trauma during that time.”

“But I’m the father,” he cut in insistently. “I have the right to know at the earliest possible chance.”

Her gaze became cold and direct.

“Well, this is the earliest that I can afford,” pakli nito. “Be thankful, I didn’t teach him a lot of gory truths about you. Otherwise, you deserved to be hated by your own son!”

THE RUNAWAY WIFE-27

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.