The Runaway Wife-27

Hindi agad nakahuma si Andrei. Ilang sandali pa bago siya nakakuha ng buwelo.

“Maraming salamat, Rana. A son is the most important treasure for a man.”

Rana inclined her head abruptly. Tumalikod ito sa kanya upang maputol na ang argumento.

“I don’t know how to express my gratitude to you,” dugtong niya.

“Huwag mo na munang isipin ang tungkol diyan. Maya-maya lang, babalik na si Randie. Magkakauusap na kayo nang masinsinan. Kailangang alam mo kung anu-ano ang mga sinabi ko tungkol sa ating dalawa.”

His interest had veered instantly to a more practical direction.

“Ang dahilan kung bakit ka niya kilala ay dahil sa mga letrato mong nakaipon sa slumbook ko. Palagi kong ipinapakita kay Randie ang mga iyon.”

“At ang mga laruan?” untag niya.

“Ipinapadala ko ang mga ‘yon kapag kailangan kong lumabas ng bansa para mamili ng mga paninda. Kunwari, galing sa ‘yo.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

He was feeling light-hearted and deeply shaken at the same time.

Ramdam na ramdam niya ang pagpapahalaga ni Rana sa kanilang anak.

Hindi kaya umiibig pa rin ito sa kanya hanggang ngayon?

She was feeling strangely peaceful with herself.

Marahil, natapos na kasi ang isang obligasyon niya na matagal nang dapat nagampanan.

Naipakilala na niya sa isa’t isa ang dalawang lalaking tanging magiging mahalaga para sa kanya.

Absently, her clammy fingers smoothed her pulled-back hair.

“Hindi ka na mahihirapang makipag-relate kay Randie. You’re not a stranger to him.”

“Really?” Sa katuwaan marahil ni Andrei, ginagap nito ang isang kamay niya at pinaghahalikan sa mga palad. “Maraming, maraming salamat sa ‘yo, Rana.”

“It’s nothing,” pagwawalambahala niya habang binabawi ang kamay. “I have to provide my son a father figure. Katungkulan ko ‘yon bilang ina.”

“Well, I won’t be that anymore. I want to be a real father for Randie.”

Iyon ang gustong marinig ni Rana. Relief started to flood through her.

“Thank you. I’m happy to hear that, Andrei.”

There was something unnatural with the two of them mouthing agreeable words to each other.

Nasanay na siyang nagbabangayan sila palagi — kahit na nung inaakala niyang nagmamahalan sila noon…

Pinilit niyang mawaksi ang mga gunitang lumilikha ng ilusyon.

Kailangan niyang makita nang malinaw ang realidad, alang-alang sa kanyang anak.

“Ano ang plano mo para kay Randie?”

Andrei was eyeing her speculatively.

Kaya nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib.

“Well?” she uttered, in a challenging manner.

“What can you say about marriage?” untag ng lalaki.

Para ngang nag-aalangan pang sabihin sa kanya ang nasasaloob.

She forced herself to laugh carelessly.

Ayaw niyang ipahalata ang nadarama niyang excitement.

Marriage to Andrei Montevista, the man she had loved mindlessly, was the tallest dream she had ever had!

At talagang natitiyak na niyang hindi matutupad iyon kahit na ano pang pagpupunyagi ang gawin niya.

She had been convincing herself of this fact for so many years.

Kaya nang marinig niyang naging tutoo na ang mailap na pangarap, hindi siya makapaniwala.

At ang tanging nasambit niya ay “Why?”

“For our son,” he answered in an almost indifferent tone.

Hindi iyon ang hinihintay niyang maging sagot ng lalaki. Kaya daig pa niya ang binagsakan ng langit.

‘Damn you, Andrei Montevista! I still love you!’ bulalas niya sa sarili habang umiiwas ng tingin.

“Thank you for the offer, Andrei, but you can have your son without me. I won’t fight you for custody.”

Andrei looked stunned for a moment before a crooked smile appeared on his cynically-shaped mouth.

“Oh, I’m sorry for having such a dense mind,” umpisa nito. Puno ng sarkasmo ang mabigat na tono. “Of course, you’re planning to marry somebody. Why should you want me when you can take your pick?”

“Huwag mo akong baligtarin, Andrei!” saway ni Rana. “Hindi ko alam ang mga ibinibintang mo! Wala kang basehan para magsalita sa akin ng ganyan.”

“Ipinagkakaila mo ba ang mga salitang sa ‘yo mismo nanggaling?” panghahamon ni Andrei.

“Wala akong sinasabi tungkol diyan,” diin niya.

“Sinabi mo sa akin kanina na mayroong lalaki sa buhay mo ngayon,” pakli ni Andrei. Tila nagseselos nang husto. “Na pakamamahalin mo pa nga habang nabubuhay ka.”

Saglit na naparalisa si Rana. Ganito ang tono at ang anyo ni Andrei noon…

Ang ibig sabihin – nagseselos si Andrei nung gabing…

“S-si Randie ang ibig kong sabihin kanina,” sambit niya. Biglang napaos ang boses dahil sa mga napagtanto.

“Ang aking anak ang tanging lalaking mamahalin ko nang higit sa buhay ko!”

Andrei stopped his accusations shortly.

“I’m sorry,” he muttered testily. “Tila wala na akong ginagawa kundi ang humingi ng dispensa sa ‘yo,” dugtong pa.

“Just like the old times,” sambit niya.

“Yeah, the old times,” wika ng lalaki. “Sinabi mo noon na kaya ako paulit-ulit sa paghingi ng dispensa ay dahil sa paulit-ulit na paggawa ko ng mali sa ‘yo, hindi ba?”

Tumango lang si Rana.

She preoccupied herself with her glass of juice. She fiddled with the wet napkin wrapped around it and with the coaster. It was useless but she just went on.

Natahimik rin si Andrei. Para bang lumilipad na ang isipan.

“Ang tagal naman ni Randie,” aniya nang hindi na makayanan ang pagkabalisa.

Tumindig siya upang sundan na ang anak ngunit pinigil siya ni Andrei.

“Saan ka pupunta?”

“Susunduin ko si Randie.”

“Huwag na,” tanggi nito. “Baka nagpapahinga. Mukhang pagud na pagod siya kaninang dumating, hindi ba?”

“Tama ka,” sang-ayon niya. Hindi na siya nagpumilit pa.

“Speak to me, Rana,” utos ng lalaki. “Bakit ayaw mong magpakasal sa akin?”

“Dahil hindi naman natin kailangang magpakasal, Andrei.”

“Kailangan bang magkaroon pa ng dahilan — maliban sa ating anak?”

Rana just shrugged.

“Our son needs a real family,” he pointed out determinedly. “Two parents together.”

“A ‘happy’ family, Andrei,” she cut in. Equally determined to win the debate. “I don’t want a second-best family for my son.”

“But we could make it into something you want,” pang-aamuki ni andrei. “We’ve been good together. We have a combustible chemistry.”

“I don’t want to marry for lust, Andrei!” pakli niya. Her low tone was final.

“You want to marry for love?”

Hindi tumugon si Rana. Her answer was obviously written on her glittering slanted eyes.

Andrei sighed heavily. The harsh sound destroyed the tranquility of their surroundings.

THE RUNAWAY WIFE-28

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.