The Runaway Wife-28

“We could learn to love each other, Rana. Given time, our old feelings for each other will return back bit by bit,” Andrei murmured huskily.

“Don’t push it, Andrei. It’s not a good idea.” Papiksi ang tugon ni Rana.

Kasama pati ang sarili niya sa tinutulan.

Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Halatang hindi nito gusto ang pagiging brusko niya. Ngunit wala na siya sa ilalim ng palad nito.

She was not vulnerable anymore. Kaya na niyang proteksiyunan ang sarili.

Ngunit parang hindi na niya alam kung paano mag-umpisa.

Ni hindi pa nga siya nakakabawi mula sa pagkabigla niya kanina…

“Huwag mong isipin na sumusuko ako kapag huminto ako sa pangungumbinsi sa ‘yo ngayon,” he warned her tersely.

Ikiniling lang ni Rana ang ulo bilang tugon.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Andrei tried hard to pull himself together and continued on in a calmer note.

“Naturally, mas gusto kong sa bahay ko na siya manirahan magmula ngayon.”

Rana did not make a protest.

“Ako na ang bahala sa lahat ng mga pangangailangan niya,” dugtong pa nito.

Hindi pa rin nagsasalita si Rana.

“Well? Have you no comment to all my plans for our son?”

“I have nothing to complain about. I know that you want the best for my son.”

“I do, I do,” tugon ng lalaki. “And, please, he is our son.”

“Our son…” Tumangu-tango si Rana.

“And I also want the best for you,” bulong ni Andrei.

Kunwa’y hindi niya narinig ang sinabing iyon ng lalaki kahit na parang may gumapang na kiliti sa kanyang gulugod.

“And I could never do that if you couldn’t be my wife,” patuloy ng baritonong tinig.

Nagbingi-bingihan si Rana. Ayaw niyang magpadala sa matamis na dila ng lalaki.

Pero sabi lang niya iyon.

Alam niyang kapag ang matatamis na katagang ‘Iniibig kita’, ang kanyang narinig — bibigay na agad siya!

Katulad nung mga katagang nasa kanta ni Andrei na pinamagatang ‘Rana’…

He must learn the art of being patient.

Kung hindi, baka mawala na nang tuluyan sa kanya si Rana.

He had done his first blunder when he dished out a thoughtless marriage proposal. Hindi na siya dapat magdagdag ng ganoong klaseng pagkakamali.

‘God, I want to win her back. The mother of my son…!’ usal ni Andrei sa sarili.

“Have some of this.” Inalok siya ng babae ng chocolate cake na dinala ng katulong na mas bata kaysa sa nagpatuloy sa kanila kanina.

“Thank you,” wika niya habang tinatanggap ang platito. “Mmm, this is good. Sino’ng gumawa?”

“Ako,” ang simpleng tugon ni Rana.

“Your chocolate cake is the most excellent I’ve ever tasted.”

Tumawa lang ang babae.

“Don’t be too extravagant with your praises, Andrei. Or you might ran out of ‘em.”

“Oh, I won’t be. My tongue is a natural word-inventor.”

Tumawa uli si Rana. The melodious laughter was warm and golden to his ears.

Kumabog ang dibdib ni Andrei. Gustung-gusto niyang pakinggan ang paghalakhak ng babae.

“Are you really serious, Rana?” Nagseryoso siya bigla. “Ipapadala mo sa akin ang bata?”

“Of course. You have nine years to catch up as his father.” Tila kalmado lang talaga si Rana.

“P-pero ikaw?” Hindi pa rin makapaniwala si Andrei.

“I’ll be fine here. Siyempre, hahanap-hanapin ko sa umpisa si Randie. Kapag tumagal-tagal, masasanay rin kaming dalawa.”

“Puwede ka namang sumama sa amin.”

“As what? As mistress again?”

“Nagmamagandang-loob ako sa ‘yo, Rana. All you could have done is very graceful with rejection.” He deliberately made his tone hurt.

“Ano pa bang klaseng pagtanggi ang nais mo?” tanong naman ng nabagbag na babae.

“Rejecting a man has several different styles,” patuloy niya.

“Like what?”

“Like going out for a special dinner.”

“Why meet on a date when all I have to do is say ‘no’? That’s silly and extravagant,” katwiran ng babae.

“Oh, well, it was just one of those styles,” ang maagap na salo ni Andrei. “Kung gusto mo naman, pupunta na lang tayo sa bahay ko para maghapunan.”

“Kahit na dito lang, puwede na siguro,” agap ni Rana.

“Hindi ka ba nabibigla?”

“Of course not.” Pikit-mata, isinubo ni Rana ang sarili sa posisyon na may malakas na hatak ng tukso.

Matagal na niyang napaghandaan ang eksenang ganito kaya nagagawa niyang maging kalmado kahit na ang buong mundo ay parang nadudurog na.

“Kailan?”

“Mamaya,” she breathed more easily when she decided decisively. “So that you would be more acquainted to your son.”

“Good idea, Rana.” Tumindig ang lalaki. “Magpapaalam na muna ako. Mamaya na lang ako babalik, pakisabi kay Randie.”

“Oo,” tugon ni Rana.

“Can I bring a bottle of wine? As a gift or payment for the dinner.”

“If you like,” she answered hesitantly. “Pero hindi mo na kailangang mag-abala, Andrei.”

“It’s nothing,” bawi ni Andrei. “Pampaganang kumain ang alak,” dagdag pa.

Tumango na lang ang babae. Tumindig rin ito para ihatid siya.

“Ano’ng oras nga pala ako babalik?” tanong ni Andrei nang nasa labas na sila.

“Alas siyete y medya,” pahayag nito.

Tumango si Andrei. Hindi niya itinatago ang kasiyahan.

“This is my happiest day, Rana,” he murmured softly. “I found you, I discovered my son, and I will have dinner with you tonight!”

Bahagyang kumunot ang noo ng babae sa tinuran niyang iyon ngunit agad ring nawala ang pagtataka nito.

They had a candlelit dinner that night.

May pagka-romantiko din ang kanyang anak. Dahil tuwang-tuwa ito sa mga magulang.

“Mommy, Daddy, I have to say my goodnight now,” paalam nito. “Kailangan ko na pong umakyat sa kuwarto ko para gumawa ng homeworks.”

“Goodnight, son.”

“Magpatulong ka kay Thelma, ha? I’m sorry, I can not help you now.”

Randie winked at her conspiratorially. “I know, Mommy. And you’re instantly pardoned.”

Yumukod pa nga ang munting binata sa kanila bago tuluyang lumakad palabas ng kumedor.

Atsaka lang tumawa nang mahina at patudyo si Andrei. He was entertained by his young son’s antics.

“Like father, like son,” he declared amusedly. Pailing-iling pa habang nakangiti. “He’ll be a ladykiller, too, someday.”

“No, he won’t be,” tanggi naman ni Rana. “I’ll make sure that he’ll have too much respect for women,” she said sharply.

THE RUNAWAY WIFE-29

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.