The Runaway Wife-3

Naparalisa si Rana nang haplusin ng isang daliri ni Andrei ang makinis na kurba ng pisngi niya.

Tila hindi makapaniwala habang nakatitig sa pag-iiba ng kulay ng balat niya.

Rana was shaken when the small caress had ended.

Again, she was being pulled towards him by instant attraction.

“L-labindalawa pala kayo. Lima lang ang mga kuwartong naihanda namin, bukod dito. Kailangan ko nang umalis, Senyorito,” she excused herself.

The thundering rush of blood in her veins had ebbed to let her practical self surface again.

“Hindi na kailangan, Rana,” pigil ng lalaking amo. Ngunit hindi na ito nagdugtong ng paliwanag.

Napamaang si Rana. Mga mag-asawa ba ang mga parehang nagsi-ibis sa mga sasakyan kanina?

Umalis siyang ganito ang laman ng isipan.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Aling Narda, the old dear, was looking harrassed and scandalized.

“Nasaan si Senyorito Andrei?” tanong nito nang makita siya.

“Iniwan ko po sa itaas, sa kuwarto niya. Bakit po, Inay?”

Luminga ito sa gawi ng pinanggalingang silid, ang salas.

“E, e, hindi bale na nga lang. M-medyo nalilito lang ako,” anito, kandautal. “Halika. Doon tayo sa kusina. Tulungan natin si Berta.”

Naiibahan si Rana sa ikinikilos ng ina ngunit tumalima siya sa nais nito.

May dalawa pang katulong na dalaga, bukod sa kanya. Kaya lima silang nagtulung-tulong sa paghahanda ng pagkain para sa isang dosenang tao.

Nababalam pa dahil panay ang hingi ng mga kung anu-ano ng mga bisita.

Una, nagpahatid ng mga baso at yelo.

Pagkatapos, tubig naman dahil walang softdrinks.

Sumunod ay ash tray, prutas, tinapay, at kung anu-ano pa.

Awang-awa na si Rana sa ina ngunit ayaw naman siya nitong payagan na maghatid ng paruo’t parito sa sala.

She was curious to know why the two young maids had scurried back earlier, looking pale and appalled.

“Manang,” tawag ng isang lalaki na may mahabang buhok at bulbos sa kanyang ina.

Sumungaw ang ulo nito sa pinto ng kusina.

“May dala kaming mga frozen meat and fish. Pakikuha n’yo na lang sa sasakyan namin.”

“A, e, oo, ser. Susunod na ako,” tugon naman ni Aling Narda. Tila pagud na pagod na.

“Inay, ako na lang ang kukuha sa labas,” Rana announced determinedly. “Dito na lang muna kayo. Baka kung map’ano pa kayo niyan.”

Sinipat siya ng lalaki bago tumango. “Okey, ikaw na lang. Tutulungan naman kita,” pagpayag nito.

“Kaya ko pa naman, anak,” protesta ni Aling Narda. There was distrust in the old woman’s tone.

“Sige na, Inay. Magpahinga muna kayo. Imando n’yo na lang kina Siling at Tonyang ang paghahanda ng lamesa para sa hapunan,” she insisted. Itinulak niya pabukas ang back door. “Dito na tayo dumaan.”

Panay ang sulyap sa kanya ng lalaki habang naglalakad sila sa hardin.

Papaliko sila sa kanto ng malaking bahay nang bigla siyang hawakan nito sa isang braso at isalyang pasandal sa magaspang na pader.

The narrow but strong body pressed against hers as she tried to struggle.

His thin mouth, still with traces of scarlet lipstick from his kissing partner’s red mouth, grinded onto her glued lips.

She tasted the foul smell of stale cigarette smoke and the reeking odor of booze. Muntik na siyang maduwal.

“Bastos!” hiyaw niya habang itinutulak ang butuhang dibdib ng tagabihag. “Walanghiya!” Sinampal pa niya ito sa pisngi kaya tuluyang nawalan ng balanse ang kalaban.

“Hey, Raffy! Ano ba ‘yan?” asked a shrill voice from an open window.

Nasa tapat na pala sila ng sala.

“Nothing, just a little tussle on the grass,” tugon ni Raffy habang nakatawa.

Hinihimas ng isang kamay nito ang namulang pisngi. But his small eyes were looking at her coldly.

Nangaligkig si Rana ngunit saglit lang ang epekto ng takot.

A girl like her who grew up in such a spartan place was tougher and stronger.

She stood up straight before she spoke.

“Tutoo bang may kukunin tayo sa sasakyan?” she asked coolly. “Kung wala, babalik na ako sa kusina.”

Nagpagpag ng puwitan ng pantalong maong ang lalaki bago dinukot sa bulsa ang susi at iniitsa sa kanya.

“O, hayan. Ikaw na lang mag-isa ang kumuha!” singhal nito bago tumalikod sa kanya at padaskol na lumakad.

“Napakabastos na lalaki,” bulong ni Rana sa sarili. Dinampot niya ang bungkos ng mga susi sa damuhan.

Parang bigla siyang nawalan ng gana.

The dinner that night was a moderate success, after pulling together a huge effort from the limited resources of the house’s help.

Kulang sila sa tao. Iyon ang unang konklusyon ni Rana.

Ang ikalawa ay tungkol sa kakulangan sa pagkain.

Tila nahulaan naman ni Andrei ang dilemma nilang mag-ina.

Nagtungo ito sa kusina upang personal na magpasalamat sa kanilang lahat.

His praises were met with tired smiles.

Ang tanging tugon naman niya ay isang matipid na tango lang.

Kumunot ang noo ni Andrei. He did not like her lukewarm response.

“Aling Narda, gusto ko kayong makausap,” he said in an authoritative voice. “At pati ikaw, Rana.”

“H-ha, e, saan n’yo kami gustong makausap, Senyorito?”

Nakatutok na naman sa dalaga ang matiim na titig ni Andrei.

“Sa musicroom ni Mama.”

Hindi naikubli ng matandang babae ang panghihilakbot.

“Hindi puwede d’on? Bakit?” pang-uusig ng lalaki.

Rana rescued her mother from explaining.

“Nakalimutan n’yo na bang ipinasara ng Papa n’yo ang silid na iyon, Senyorito?”

Nabura ang madilim na ekspresyon ng lalaki.

“Gan’on ba? Saan ba puwede?”

“Uhm, kung gusto n’yo, sa — sa library,” suhestiyon ni Aling Narda.

“Okey. Siyanga pala — ” Nauntol ang ibang sasabihin nito nang may marinig silang matitinis na sigaw at malalakas na tawanan na nagmumula sa kumedor.

Her distaste was clearly visible on her face when Andrei threw her a quick glance.

His narrowed gaze was suddenly laced with something like irritation and displeasure.

“Pasensiya na kayo sa mga kasama ko. Masyado lang silang, a, masayahin.” The apology sounded forced and stilted.

Hindi nagpakita ng reaksyon si Rana samantalang ang kanyang ina ay namilipit sa pagkapahiya gayong hindi naman ito ang dapat na mapahiya.

“Mauuna na ako sa inyo. Hihintayin ko kayo sa library.”

Saka lang uli nakakilos ang kanyang ina nang mawala na sa paningin ang matangkad na hugis ng amo.

THE RUNAWAY WIFE-4

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.