The Runaway Wife-30

“It won’t hurt anybody kung uulit-ulitin ko, hindi ba? Para malaman ko kung ano ang dahilan ng pagtanggi mo — aside from lack of trust…”

He was speaking softly, gently. Para bang ingat na ingat ang lalaki na magulat siya at mailang.

But she was already feeling hunted and chased.

“Can we drop that subject tonight?” she requested with a fake boldness.

Ang tutoo, natatakot siyang magkamali. Nangangamba siyang baka makumbinsi siya habang lango siya sa mainit na atensiyon ni Andrei Montevista.

Andrei inclined his proud head. “If that’s what you want, my princess,” ang wika nito, buong pagkamaginoo. “Your wish is my command.”

“Gasgas na ang linyang ‘yan, Andrei,” pambubuska niya, pabiro.

They smiled at each other with mutual gladness.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Kukunin ko lang ang mga kopita,” paalam ng lalaki bago tumalikod.

Tumango si Rana.

She had a short respite from all the sexual tension that billowed and swelled around them.

Ramdam na ramdam niya ang walang pagbabagong reaksiyon ng mga katawan nila sa isa’t isa.

Para bang walang nagdaang mga taon…

Nagbalik ang lalaki makaraan ang ilang sandali.

“Ilang minuto na lang daw,” pagbabalita nito sa kanya. “At ilalabas na ang espesyal na pagkain.”

Andrei was grinning like an excited child on his first treat.

And he was looking so much like her son.

Napatitig lang si Rana dito hanggang sa makabalik na sa kinauupuan kanina.

“Bigla akong ginutom nang maamoy ko ang masasarap na lutuin sa kusina mo, Rana,” pahayag nito habang binubuksan ang kahon na makintab.

Pinanood niya ito sa metikulosong pagbubukas ng bote ng mamahaling alak.

“That bottle of wine sure looks expensive,” she observed.

Tumango ang lalaki. Nakangiti pa rin.

“And it also tastes excellent,” he said casually. “Nanggaling na ito sa chiller kaya hindi na kailangang palamigin pa,” dugtong nito bilang paliwanag sa pagiging basa ng bote.

“Hindi ka na sana nag-abala pa,” pahayag niya.

Ngumiti lang si Andrei sa tinuran niya. Nagsalin ito ng tig-kaunti sa dalawang kopita.

“Taste it,” wika nito habang iniaabot sa kanya ang isang kristal. “It’ll make you feel better.”

She sipped from the crystal goblet with wariness.

“Mmm, matamis lang pala ito?” She sounded surprised. Hindi niya kasi akalaing magugustuhan ang likidong mala-kristal din sa linaw.

Sumimsim siya uli hanggang sa maubos ang laman ng sisidlan niya.

Ilang sandali nga lang, parang gumaan-gaan na nang kaunti ang pakiramdam niya.

“More?” tanong pa ng lalaki pero sinasalinan na nito ang kopita niya.

Umiling si Rana. “Tama na,” awat niya nang malapit nang mapuno ang hawak niya.

Ngumiti uli nang pakaswal ang lalaki. Hindi na nagsalita pa.

Bumuglaw ang ulo ni Luming sa pintuan ng sala. “Ma’am, nakahanda na sa kumedor ang pagkain.”

Andrei was quick to guide her. He was determined to be a gentleman tonight.

Inasikaso siya nito nang husto hanggang sa matapos ang hapunan.

“Ito na siguro ang pinakamaligayang gabi ng buhay ko, Rana,” he declared when they went back to the living room.

“Sinasabi mo ba ‘yan sa lahat ng mga babaeng naglilibre sa ‘yo ng hapunan?” She did not hide her skepticism.

Gusto niyang masira ang sense of happiness niya.

Andrei looked hurt.

“Of course not,” anito. “Why do you keep on destroying the beauty of each moment that we spent together?”

“Because I don’t want to see its beauty only,” ang maagap na katwiran niya. “Kailangang palagi ko ring nakikita ang pangit na bahagi.”

Bumuntonghininga ang lalaki. Napailing-iling na lang.

Walang imik na nagsalin ito ng alak sa sariling kopita. At tinungga ng isa hanggang sa maubos.

“Nagpapakalasing ka ba? You’re driving.” Hindi rin niya napigil ang pag-aalala.

Umiling ang lalaki. “Don’t worry. Hindi ako malalasing ng ganitong klase lang, Rana.” He grinned at her with masculine defiance. “Besides, you don’t really care for me. I could smash my car against a wall, and you won’t really care.”

There was a genuine melancholy in his deep-timbred voice, na bumagbag sa kanyang damdamin.

“Bakit ka nagsasalita ng ganyan, Andrei? Hindi mo na ba iniisip ang anak mo?”

Tila wala itong narinig. “I know, I behaved like an animal on that fateful night,” he admitted softly. “I tried to stop myself but I could not. A force that was stronger than me pushed me on. Hindi ako makahinto.”

Nanlalaki ang mga mata ni Rana. Gayundin ang iniisip niya nitong mga huling taon.

Her wounds had healed through a series of rationalizations on her part. She had been finding it more and more impossible to believe that the cruel animal was not the real man.

Ngunit kailangan niya ng proteksiyon kaya pinanatili niyang buhay ang sindak at ang pagkasuklam sa kanyang dibdib.

Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging alipin ng sariling mga emosyon…

Malapit na.

Iyon ang bulong ni Andrei sa sarili habang nakatitig sa magandang mukha ni Rana.

She was still as elusive as a shy doe, but her reawakening was starting already.

Sandaling panahon na lang ang ipaghihintay niya…

“Stop it, Andrei,” she said hoarsely. “Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Tapos na ang nakaraan.”

“Was it?” salo niya. “Ayaw mong kalimutan ang nakaraan, Rana. Ginawa mong pader ang mga kasalanan ko para hindi ako makalapit sa ‘yo.”

“H-hindi tutoo ‘yan, Andrei!” bulalas nito.

“Bakit ayaw mo akong patawarin?”

“A-ang tutoo, matagal na kitang pinatawad. Kaya lang — ”

“Kaya lang ay ano?” he pounced on the unfinished sentence.

“I must have something to hold on. Para mapigilan ko ang sarili ko sa pagpunta sa ‘yo… sa tuwing nahihirapan ako.”

It must have cost her much to make such an admission.

He suddenly felt gentle for her.

Hinawakan niya ang isang kamay na nanlalamig. PInainit niya iyon sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghaplos.

Kapagkuwan ay ang isa naman ang ginawaran niya ng masuyong atensiyon.

Hindi tumututol si Rana kaya nagsimulang gumapang ang mga pangahas na daliri niya.

Tentatively at first, but becoming bolder as seconds after seconds ticked by.

Namumungay na ang mga mata ni Rana nang huminto siya.

And he was also feeling heavy with langorous passion.

“Poor baby,” he crooned gently. “You should have followed your instincts then, sweetheart. I would have welcomed you with open arms if you had come back to me.”

THE RUNAWAY WIFE-31

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.