The Runaway Wife-33

She was pushing him away with useless arms. Nahigop na yatang lahat ang lakas niya.

He let her go reluctantly. Halatang ayaw siyang pawalan ni Andrei.

Nakatiimbagang ito at madilim ang anyo.

She turned her back to him as she dressed. She tried to compose herself within just a few seconds.

Ngunit tila imposible dahil sa sobrang panginginig ng kanyang mga daliri.

“Let me,” Andrei muttered impatiently. Ito na ang nagpatuloy ng pag-aayos sa zipper at hooks ng evening gown niya.

Her long, curly hair was a shiny, black silk that tumbled around her naked shoulders. It was rumpled by his caressing fingers during their fiery lovemaking.

“Look at me, Rana,” utos ng baritonong boses. “Bakit ayaw mong tumingin sa akin nang diretso? We have done nothing wrong, for chrissake!”

“Para sa ‘yo, wala. Pero sa sarili ko — meron!” bawi niya. “My God, we’ve only just met after ten years of separation!” Hindi na niya napigil ang pagbahid ng histerya sa boses.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Hinawakan siya ni Andrei sa magkabilang balikat at inalog nang ilang ulit.

“We’ve been lovers before, for chrissake!” bulalas ng lalaki. Bahagya na lang maikubli ang galit sa matigas na tono. “Natural lang na may mangyari sa atin kahit na ngayon lang uli nagkita.”

Pumiksi si Rana. “Hindi tayo naghiwalay na magkaibigan, Andrei!”

Bumuka ang bibig ng lalaki ngunit hindi na itinuloy ang sasabihin.

Binitiwan siya nito at padaskol na lumayo sa kanya.

Kaninang nagbibihis siya, naisuot na nito ang pantalon. Huminto ito sa paglakad patungo sa pinto nang matalisod ng isang paa ang ilang saplot sa sahig.

He stooped down to pick up his poloshirt and blazer on the carpeted floor.

“This is not goodbye, Rana. I’ll be back,” he promised her curtly. Isinusuot nito ang panloob habang nagsasalita. “And the next time we meet, this scene will happen again.”

“No!” tutol ni Rana ngunit sa hangin na lang siya nagsalita. Nakaalis na ang lalaki.

Lumabas ito ng pinto nang walang lingon-likod at pabagsak na hinila pasara ang solidong dahon niyon.

Rana hugged herself as she gazed around her in confusion.

Parang bigla siyang nawala sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo ngunit talagang litung-lito pa siya. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari.

They’re back to square one! They’re lovers again – and yet there’s no love mentioned between them!

Pumikit siya nang mariin.

But she opened her eyes again fast. Because she saw their bodies entwined in an erotic embrace. The image was imprinted on her eyelids.

Nakaukit sa kanyang memorya ang mga erotikong tagpo kanina.

Tuluyan nang nabura ang mga pangit na alaala ng kahapon.

Her wounds had healed too soon!

Bakit hindi na niya maalala ang kahayupan ni Andrei noon?

Disinsana, hindi na naganap ang mga sandali ng kapusukan…

She grimaced to herself in disbelief.

Alam niyang mali ang paniniwalang iyon. Everything had happened because it was written on her destiny to be possessed by Andrei Montevista.

Mahal na mahal pa rin niya si Andrei Montevista!

Sa pag-amin niyang iyon sa katotohanan, para bang nagkaroon ng kakatwang kapayapaan sa kanyang kalooban.

A peculiar serenity cloaked over her and pushed away all her anxiety and apprehension.

Nakatitig siya sa kisame habang bumabalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

Unti-unti, bumabalik na naman ang nakaraan…

Umalis siya sa piling ni Andrei matapos makalasap ng pandadahas nito.

Hindi dahil sa labis siyang nasaktan at ayaw nang maulit ang nangyari.

Kundi dahil nangangamba siyang baka mahirati sa tinatawag na ‘cariño brutal’.

Because she loved the man very much! Papayag siyang abusuhin nito nang paulit-ulit — noon.

Pero hindi na ngayon!

Tumuwid siya sa pagkakaupo at muling ipinilig ang ulo. Umiling siya nang umiling.

Kumuyom ang mga palad niya at ibinayo sa kinauupuang sopa.

“Sasayangin mo ba ang sampung taon, Rana?” pang-uusig niya sa sarili. “Nagtago ka at nagdusa na para muli lang magpaubaya!” dugtong pa bilang paalala.

Tumindig siya. Papiksi. Nagpalakad-lakad habang nakikipaghamok sa kanyang sarili.

Pasabunot niyang hinawakan ang mahabang buhok. Para bang mapipigilan pa ang pagbalik ng mga katagang sinambit ni Andrei.

‘You want to marry for love, ain’t you? We could learn to love each other, Rana. Given time, our old feelings for each other will return back bit by bit…’
Tinakpan niya ang magkabilang teynga. He always knew what to say!

“Hindi ka dapat maniwala sa matatamis na salitang wala namang laman, Rana!” Pagkatapos ng pagalit na pahayag na iyon, padaskol siyang lumakad patungo sa kanyang kuwarto.

She spent the larger part of the night scolding herself.

Halos umaga na nang makatulog siya. And it was not a peaceful sleep…

Inalog ni Andrei ang hawak na baso. The cubes of ice clinked against the crystal walls of the cut-glass tumbler.

Nakaupo siya sa malalim na sopa sa loob ng silid-tulugan niya. Nakatitig sa dulo ng mga daliri sa paa. His legs were stretched long in front of him.

“Rana,” bulong niya. It was a sigh of deep regret.

And of an intense desire to be with her again. To be inside her once again.

Nakapikit siya. Hinahayaang maglaro sa balintataw ng isipan ang maapoy na pagtatalik nila ni Rana kanina.

His flesh quivered with heated anticipation.

Kung hindi lang malalim na ang gabi, baka bumalik pa siya sa bahay ni Rana.

He would kneel in front of her and beg for her forgiveness.

Bumuntonghininga muna siya bago tinungga ang natitirang alak.

He winced as the strong bitter taste burned the linings of his throat. Medyo matagal na rin nang huli siyang tumikim ng ganito katapang na alak.

Nung iwan siya ni Rana noon, naging palainom siya. Hindi kasi siya makatulog kung hindi lasing.

Palagi siyang inuusig ng kanyang budhi hanggang sa panaginip.

Isang milagro nga lang na hindi siya binabangungot kapag natutulog siyang langung-lango.

“Sinabi mong pinatawad mo na ako pero hindi tutoo ‘yan, Rana,” sambit niya. “Nababasa ko sa mga mata mo ang pagkamuhi at ang pagkasuklam.”

He closed his eyes tightly. Kinusot niya ang mga iyon bago nagmulat uli.

Gusto na niyang magpahinga. Marami siyang dapat gawin.

Ipinilig niya pa nang ilang ulit ang ulo para maliyo siya nang husto.

Pamaya-maya nga, nakaramdam na siya ng matinding antok.

THE RUNAWAY WIFE-34

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age