The Runaway Wife-34

Kinaumagahan, ginising si Andrei ng matitinis na ingay.

His head was pounding with a terrible hang-over.

Kinapa niya ang kinaroroonan ng alarm clock. Kinuha niya iyon at ibinalibag sa dingding.

Ngunit hindi pa rin huminto ang sunud-sunod na pagkuriring.

Napaungol siya nang mapagtantong ang telepono ang tumutunog.

His fingers groped for the telephone beside the lamp.

“Hello?” he croaked without opening his eyes.

“Andrei?” anang tinig-babae mula sa kabilang linya.

“Sino ‘to?”

“Rana.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

Bigla siyang napabalikwas ng bangon kahit na binabayo sa sakit ang ulo niya.

“R-rana!” he stuttered. “I — good morning. Why did you call?”

“It’s afternoon already, Andrei,” pakli ng maikling tono ng babae. “Hindi ka pa rin nagbabago. Tanghali ka pa rin magising,” dugtong pa, pa-sermon.

He could not stop himself from feeling pleased.

“Marami ka pa palang hindi nakakalimutan tungkol sa akin,” he said in a scratchy voice. “Bakit ka tumawag?”

Hindi agad tumugon ang tinanong kaya nag-alala siya nang kaunti.

“May problema ba, Rana?”

“W-wala naman,” anito. “Uh, may dumating na imbitasyon dito. ‘Yung galing kina Miss Brigitte.”

Kumunot sandali ang noo niya. “Ah, the three friendly witches?” paniniguro niya.

“My customers yesterday,” she corrected him. “Inihatid ng messenger ang invitation card dito. R.S.V.P. ito. Kailangan agad ang sagot mo kung dadalo ka ba talaga.”

“We shall go there, Rana.”

“I told you yesterday I won’t go with you.”

“Of course, you’ll go with me, Rana,” ang masuyong sambit niya. “But you’ve got no choice in this matter. You’ll go with me. And that’s final, sweetheart.”

“Huwag mo na akong pilitin, Andrei — ”

Hindi na niya pinatapos sa sasabihin ang babae. Inilapag niya ang awditibo ng telepono.

He jumped off the bed to run to the bathroom.

Nang bumaba siya para mag-almusal, dinatnan niyang naghihintay ang mga ka-grupo.

“What’s the problem?” tanong niya sa mga ito.

Nagtinginan muna sina Gene at Bobbit, bago siniko si Jonie.

“Ikaw na ang magsabi kay Andrei, tutal ikaw naman ang may ideya nito,” ani Bobbit.

Nagkamot muna ng ulo si Jonie. “E, gusto sana naming magyaya pumunta sa probinsiya nung isang drummer natin, Andrei. Maganda raw d’un, e. Inspirational daw sa mga artists ang lugar.”

Napatitig si Andrei sa mannerism ng kausap. Hindi pa rin nagbabago si Jonie. Maging sina Bobbit at Gene. Posibleng siya man ay hindi pa rin nagbabago.

Kaya marahil turned-off si Rana sa kanya…

“Gusto n’yong doon gumawa ng kanta?” panghuhula niya.

Sabay-sabay na tumango ang tatlo. “Hindi ka ba interesadong sumama, Andrei?” usisa ni Gene.

Umiling si Andrei. “Huwag muna ngayon. Siguradong hindi ako mapapalagay doon,” pagtatapat niya.

“Babae na ba ang dahilan?” tanong ni Bobbit, nakangiti.

Tumango si Andrei. Ngumingiti na rin.

“Nakita ko na ang babaeng pakakasalan ko, guys.”

Pumalatak si Jonie. Hindi makapaniwala. “Talaga?”

“Sa wakas!” bulalas ni Bobbit.

“Akala namin, magpapari ka na, e!” pagbibiro ni Gene.

“E, sino ang mapalad na babae?” usisa ni Jonie.

“Si Rana.”

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata ng tatlong kaharap.

“Si Rana? Natagpuan mo na si Rana?” bulalas ng mga ito.

‘Bakit ba tumututol ka pa?’ pang-uusig ni Rana sa sarili. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Andrei nung unang gabi ng muling pagkikita, parang pagpapakiyeme na lang ang inaasta niya!

Kasalukuyan siyang naglalagay ng kaunting pakintab sa mga pilikmata niya.

She had been going out with Andrei for a week now.

Pagkatapos siyang mapilitang sumama rito sa gala night nina Brigitte, naging sunud-sunod na gabi na silang lumalabas.

The man was courting her. Everybody knew it.

At ang lahat ay tila masayang-masaya para sa kanya.

Lalung-lalo na ang kanyang anak…

Rana gave out a long sigh. Sino ba ang niloloko niya?

Ang sarili lang niya.

She wanted to marry the man. She wanted to be with him for always.

But…

She shook off the crazy thoughts.

Posible bang magkaroon sila ng panghabangbuhay na relasyon ni Andrei?

Wala namang nagbago sa karakter ng lalaki. Tila wala pa ring kakayahang magtiwala sa kaninuman.

O sa kanya lang ito walang tiwala?

Bumuntonghininga uli siya.

“Stop wasting your time on wishful thinkings, Rana,” she scolded herself.

She gave her hair a final pat before putting on her lace shawl.

Suot niya ang isang off-shouldered gown na kulay silver. Mahaba ang laylayan na kipit mula sa beywang hanggang sa mga tuhod, kungsaan lumampas pa ang slit na nagmula sa talampakan.

“You look icy,” Andrei observed after looking at her for several seconds.

“Is that a compliment?” tanong niya. May neutral na ngiti sa kanyang mga labi.

“You can take it whichever way you want,” ang suwabeng tugon ng lalaki.

Yumukod ito para hagkan ang likod ng isang kamay niya bago siya hinawakan sa siko.

Katulad nang dati, pumipitlag ang puso niya. Andrei was always gentlemanly towards her. Napakamaginoo nito sa pakikitungo sa kanya.

Parang isang panaginip na lang ang unang gabi ng pagkikita nilang muli. Hindi na kasi naulit ang maalab at mapusok na pagtatalik…

“Saan tayo pupunta?” usisa niya nang igiya na siyang patungo sa labas.

“Sa isang lugar na makakapag-usap tayo nang maayos.”

“Puwede naman tayong magkausap nang maayos dito,” salo niya.

He threw her a speaking glance. Namula agad ang mga pisngi ni Rana dahil naintindihan niya agad ang ibig sabihin ng makahulugang sulyap nito.

“Have you forgotten that first night?” tanong nito, pabulong.

“I — no, of course not,” ang paiwas na tugon niya. Ayaw niyang aminin na naaapektuhan siya. “Uh, n-nagkita na ba kayo ni Randie?”

Tumango ang lalaki. “Nagkausap na kami ng anak natin bago siya umakyat patungo sa silid niya.”

“Nabanggit mo na ba sa kanya ang tungkol sa paglipat niya sa bahay mo?”

“Hindi pa.”

“Bakit hindi mo pa sabihin?”

Inalalayan muna siya nito sa pagsakay sa modernong kotse bago siya tinugon.

“I’ll be honest with you, Rana,” pahayag ni Andrei matapos paandarin ang makina.

Nakatingin ito sa malaking gate na magkatuwang na binubuksan ng dalawang katulong na babae.

“Gusto kong pati ikaw ay maiuwi ko na rin sa bahay ko.”

Nagsikip ang dibdib niya. Umapaw sa di-mapigil na kaligayahan.

Hindi siya makapagsalita. Kahit siguro ilang ulit pang sabihin ni Andrei ang talagang nais nito, hindi pa rin siya masasanay.

Hindi pa rin mapigilan sa pagsirko ang kanyang puso…

THE RUNAWAY WIFE-35

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.