The Runaway Wife-35

Andrei threw her a challenging look. “No comment?”

Umiling si Rana. Naumid na yata ang dila niya.

Humugot ng malalim na buntonghininga ang lalaki. Inakalang negatibo ang dahilan ng kawalan niya ng imik.

“I wish you could find forgiveness in your heart for me, Rana,” he expressed in a solemn tone.

“S-sinabi ko nang pinatawad na kita, hindi ba?”

“I don’t believe you. You still hate me.”

“Nag-iingat lang ako, Andrei. Ayoko nang masaktan uli.”

“Nasaan na ang tapang mo, Rana? Naging duwag ka na ba pagkatapos ng sampung taong pagtatago?” Nanghahamon na ang tono nito.

Sumeryoso na si Rana. “Dapat lang akong maging duwag, Andrei. Wala akong proteksiyon sa ‘yo… At – at wala ka pa ring tiwala sa akin!”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Kaya mo pa rin akong saktan,” sambit niya, pabulong.

“You mean — ?”

Yumuko muna si Rana bago nagpatuloy. She decided to take the plunge into the unknown.

Ayaw na niyang pahirapan ang mga sarili nila.

“Mahal pa rin kita, Andrei. I’ve never stopped loving you!” she blurted out suddenly. “Sa sitwasyon kong ganito, hindi masamang maging duwag,” patuloy niya.

Hindi umimik si Andrei. Tila napatigagal.

“O, ano pang hinihintay mo? Bakit hindi ka pa magdiwang? Pagtawanan mo na ako,” panghahamon niya.

Gumewang ang takbo ng minamanehong sasakyan ni Andrei nang muli itong makabawi sa pagkabigla.

“You choose the most inappropriate timing, Rana!” bulalas nito.

Kinabahan siya nang muntik-muntik na silang bumunggo sa malaking poste ng kuryente.

“Andrei! Mababangga tayo!” sigaw niya.

“No, we won’t,” he gritted with steely determination.

Pinihit nang pinihit ng lalaki ang manibela upang iiwas ang nguso ng kotse sa sementadong pader.

Sumikip sandali ang suot niyang seatbelt nang biglang huminto ang sinasakyan nila.

Dumausdos ang madulas na tela ng balabal sa mga balikat niya ngunit hindi na niya iyon naiayos nang sambitlain siya ng lalaki sa magkabilang braso

“Andrei — ”

She was not given a chance to speak. Her lips were captured by a fiery kiss and took her breath away.

An impertinent tongue darted inside her mouth and made her heart beat faster.

His white teeth nibbled on her neck and created tiny pangs of hunger inside her.

“You are the most maddening woman I’ve ever met, Rana,” he whispered breathlessly, “but I love you, too! I love you so much!”

Nanlaki ang mga mata ni Rana sa ipinagtapat ng lalaki. Gusto niyang maniwala ngunit kailangan niyang paglabanan ang kahinaan ng damdamin.

Minsan nang sinambit ng lalaking ito ang matatamis na katagang narinig niya.

“You don’t have to tell lies to me, Andrei. Mas maganda siguro ang bagong simula natin kung magiging tapat ka na sa iyong tunay na nararamdaman,” she intoned seriously.

Nag-angat ng ulo ang lalaki. His warm palms cupped her cold cheeks to look deeply into her eyes.

“But I’m being honest now, Rana,” bawi ni Andrei. Seryosong-seryoso na rin ito.

“Remember the song I’ve written for you? Those words were all from my heart. Kinanta ko ang pag-ibig na hindi ko maipagtapat nang harapan.”

Napakurap-kurap si Rana. Nanlalabo na sa luha ang kanyang paningin.

“Diyos ko! Gusto kong maniwala sa ‘yo pero — ”

“Bakit ayaw mong maniwala?” he asked gently. “Natatakot kang masaktan?” Ito na rin ang tumugon sa sariling katanungan.

She nodded wordlessly.

Isang masuyong halik ang iginawad ni Andrei sa mga talukap ng kanyang mga mata.

“Ako man, Rana. Natatakot rin akong masaktan,” he admitted huskily.

“I-ikaw man?” tanong niya, in a disbelieving whisper.

“Pero tapos na ang panahon ng karuwagan,” patuloy ng lalaki habang tumatango.

Hinaplos ng mga daliri nito ang mga kunot sa kanyang noo, pati ang matangos na ilong at ang makinis na pisngi. Bago ang malasutlang hubog ng kanyang mga labi.

“At ng kasinungalingan,” he added, as an afterthought.

He kissed her again passionately.

Rana did not fight him. She would not fight him anymore.

She loved this man very much.

Hindi na niya alam ngayon kung tama o mali ang ginawa niyang paglayo sa lalaking ito noon.

“Patawarin mo na ako, Rana,” anas ng lalaki.

Nagsusumamo ang baritono at natural na paos na tinig. Nakayapos sa kanya ang matitipunong bisig nito nang mahigpit. Para bang ayaw na siyang pakawalan.

“Balikan mo na ako.”

She could not breathe easily but she did not mind.

“Pinatawad na nga kita,” sambit niya. “Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin?”

“Marry me,” he pounced hastily. “Say you’ll marry me, Rana.”

Saglit siyang naparalisa.

“M-mahal mo ba talaga ako?” tanong ni Rana nang muling matagpuan ang nawalang boses. Hindi pa rin makapaniwala.

Tumango si Andrei. “I love you more than anything in my life, Rana,” ang taimtim na pahayag nito.

“Sigurado kang hindi lang dahil sa anak natin — kaya mo ako gustong pakasalan?” paniniguro niya.

Tinitigan siya ng lalaki. Matagal. Kaipala, ipinababasa ang mga matang dati ay misteryoso at enigmatiko.

Ngunit nang mga sandaling iyon ay bukas na bukas. Nakalantad sa kanya ang nilalaman ng buong pagkatao — puso, isipan at kaluluwa.

“My body is already your slave,” he murmured sincerely. “And now, I’m offering all my emotions, my thoughts, my freedom, and my happiness. Iyung-iyo na ako, Rana!”

Rana shook her head once, and then twice. Para lang matiyak na malinaw pa ang pag-iisip niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naririnig niya.

“You don’t believe me,” panghuhula ng lalaki.

“I can’t believe you,” pag-amin niya.

“Bakit?”

“Dahil hindi ganyan ang ipinilit kong paniwalaan ng sarili ko sa loob ng nakalipas na sampung taon.”

Tila naunawaan siya ng kausap. Muli siyang ginawaran ng masusuyong halik sa bibig bago dahan-dahan pinawalan.

“Tinuruan mo ang sarili mo na kamuhian ako,” sambit ni Andrei. Tiyak ang tono.

Tumango si Rana. Hindi siya makapagsalita dahil sa pagkapahiyang nadarama.

“Pero hindi ka nagtagumpay, hindi ba?”

“P-paano mo nalaman?”

“Dahil hindi mo piniling magpakalayu-layo sa akin,” he concluded simply.

Hinintay ng lalaki ang magiging sagot niya. Pamaya-maya, tumango uli siya.

“Nanirahan ako sa abot-tanaw ng bahay mo para maipagpatuloy ko ang nakagawian ko nang gawin noong bata pa ako,” pangungumpisal niya.

“Ang alin?” untag ng lalaki nang huminto siya.

“Ang mahalin ka mula sa malayo,” tugon niya.

THE RUNAWAY WIFE-36

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age