The Runaway Wife-36

Pumikit si Andrei. Para bang umusal pa nga ng isang maikling panalangin bago muling tumitig sa kanya.

“You made me very happy, Rana,” pahayag nito.

Their lips met again in an inevitable kiss.

They drank from each other’s oasis of desire and love and passion.

“I want to hear the words from your sweet lips, darling,” bulong ng paos na boses ni Andrei.

“I love you, Andrei,” she complied readily.

She gasped when a hot palm caressed her leg insinuatingly.

The atmosphere was instantly charged with electric currents of sexuality.

Her eyelids became heavy with an immediate surrender.

“Puwede na ba kitang iuwi ngayon?” anas ni Andre bago kinipit mga ngipin ang sensitibong kurba ng isang teynga.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Hin-hindi mo na kailangang magtanong, Andrei,” she stammered her answer huskily.

She was rewarded with an ardent kiss.

“You can easily make me forget everything, darling,” he chided lovingly. “But what I really want to hear was your reply to my marriage proposal.”

“Yes! I’ll marry you,” she replied without hesitation.

Ngayong nakatiyak na siyang may tunay na pag-ibig rin para sa kanya ang lalaking pinakamamahal, nanumbalik ang kumpletong self-confidence ni Rana.

Nagbalik na yung dating Rana na marunong pang mangarap…

“Oh, Rana, I hope you won’t take back those words if you heard my last but not the least confession.”

“What is it?”

“Promise me, you’ll not back out,” he requested.

“I won’t,” she declared.

“Ang tutoo… oh God, please give me strength! — hindi kita talaga ipinahanap noong lumayas ka sa poder ko, Rana,” pagtatapat ni Andrei. Nanginginig ang tinig dahil sa matinding pangamba. “I was too arrogant to look for a mere girl who could easily be replaced by anybody. I – I didn’t even believe you’re pregnant!”

Pinakiramdaman ni Rana ang sarili ngunit wala siyang maramdamang sakit.

“My pride and ego were so big, I even believed that you’ll be crawling back to me… Inasahan ko talagang babalik ka sa akin. Sigurado ako na hindi ka makakatiis na mawala sa piling ko,” patuloy ni Andrei.

“Pero nagkamali ako. Matuling nakalipas ang mga taon dahil sinadya kong abalahin ang sarili ko sa mga bagay na wala naman talagang halaga para sa akin. Sa sobrang taas ng pride ko, nagawa kong tikisin ka kasabay ng paninikis ko sa aking sarili.”

“H-huwag mong sabihin ‘yan, Andrei,” pigil niya. “Ang iyong musika ang pinakaimportanteng bahagi ng buhay mo, hindi ba? Ito ang iyong kaligayahan.”

She was quoting a line that she had read from an interview write-up about the man.

“Noon iyon, Rana,” salo ni Andrei. “Noong hindi ko pa inaamin sa sarili ko na ikaw lang ang tanging makakapagbigay sa akin ng ibayong ligaya.”

Napalunok si Rana. Bumibikig sa kanyang lalamunan ang mga emosyon na pinupukaw ng mga katagang sinasambit ni Andrei.

“Oh, Andrei! Nag-aksaya tayo ng mahabang panahon!” wika niya. Puno ng panghihinayang ang kanyang tinig.

“Hindi rin siguro.” Hinapit na naman siya nito palapit sa malapad na dibdib.

“Ang lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. Pinaglayo tayo ng tadhana upang mapatunayan natin sa ating mga sarili na tayong dalawa ang para sa isa’t isa. Masyado akong sinikal. Wala akong kakayahang magtiwala nang lubos kaninuman. Wala rin kakayahang magmahal…”

She accepted his logic in silence.

Nakuntento na siyang nakasandig lamang ang isang pisngi sa mamahaling tela ng suot nitong evening suit habang pinakikinggan ang malakas na pagtibok ng puso.

“Rana?”

“Hmm?”

“Nagbago na ba ang isip mo? M-maiintindihan ko kung hindi mo pala kayang mahalin ang isang katulad kong — ”

“Ssh. Hindi nagbago ang isip ko.”

“Bakit hindi ka na kumibo? Ano’ng iniisip mo?”

Nag-angat siya ng mukha para handugan ng isang ngiting may bahid na naman ng mga agam-agam.

“Nagbago na nga ba tayo, Andrei? What if I was still the mercenary little shrew who just wanted to trap you with my feminine wiles?” Inamin niya ang lihim na kinatatakutan.

“And what if I was still the pompous animal who hurt you with my arrogance and jealousy?” he countered back.

Sinaklot na naman ng pangamba ang dibdib ni Rana. Para kasing si Andrei ang nagbabago ng isip…

“K-kung mas makakabuting — ” ang pautal na sambit niya. “I mean, p-papayag naman akong i-adopt mo ang anak natin… kung …” Hindi na niya matapos ang gustong sabihin dahil may bumara na sa kanyang lalamunan.

She waited nervously for his answer.

Marahan siyang inilayo ng lalaki. Ikinabit uli nito ang buckles ng seatbelt niya bago nagsalita.

“Do you know what you’re asking of me, Rana?” tanong nito. “You’re asking me to give up living.”

“H-hindi ganyan ang gusto kong mangyari, Andrei,” she denied contritely. “P-pero baka nabibigla ka lang. Ayaw kong mawalan ka ng kalayaan — ”

“Who needs freedom when happiness is missing?” pakli ni Andrei. “Saka ko lang napagtanto ang malaking kawalan sa buhay ko nang matagpuan uli kita, Rana.”

“Gustung-gusto kong paniwalaan ka, Andrei.”

“At lalo pang tumamis ang katotohanang iyon nang makita ko ang aking kahapon at kinabukasan sa kabuuan ni Randie,” dugtong pa ng masuyong boses.

“Oh, Andrei! You always know what to say to a woman!” bulalas niya. Natutunaw siya habang pinapakinggan ang lalaki. “You’re a real flatterer!”

“I’m not flattering you, my dearest bride-to-be,” bawi ni Andrei. Seryosong-seryoso talaga. “I’m telling the truth.”

“Sana ay magkatutoo na ang mga pangarap ko ngayon,” bulong niya, pausal.

Hindi siya sinagot ni Andrei. Pinindot nito button ng car stereo casette player.

Pamaya-maya pa, pumailanlang na ang romantikong musikang likha ng piano.

At ang medyo paos at malambing na boses ni Andrei.

Such tall dreams for a young girl like her are too good to be true…
Oooh…!
She must stay awake, stay awake, stay awake forever…
She must not close her eyes…
And she must go away from me…
Oh, love, don’t be gone forever…!
‘Cause I love you so much…
Oh, I miss you, baby…!

“I wasn’t sure that I really loved you then. But I’m pretty sure that I love you more now,” pahayag ni Andrei.

Para bang wala sa sarili habang nagmamaniobra ng sasakyan.

Ni hindi napansin ni Rana na pabalik na sa pinanggalingan nila ang direksiyong tinutugpa nila ngayon.

“Will you marry the man who sung that song, Rana?” bulong nito ngunit hindi nakatingin sa kanya. “And the man who had hurt you so badly?”

Hindi agad siya tumugon. Pinakinggan muna niya ang katapusan ng awitin.

Rana is a girl from my dreams…
And I love her so much…
And I wish to have her here in my arms…
again…
oooh…
Rana…

Nanatili siyang tahimik hanggang sa maglaho na ang pinakahuling nota.

Kaipala, kinakapa niya sa kanyang puso ang eksaktong kasagutan.

“Ang lalaking pakakasalan ko ay ang lalaking iniibig ko,” pahayag niya. “Ikaw iyon, Andrei.”

“I’m giving my cynical heart to you, Rana. I can only hope that you’d take care of it.”

“Makakaasa ka,” pangako niya. “I love you, Andrei.”

“I love you, Rana.”

Kinuha ni Andrei ang isang kamay ni Rana atsaka hinagkan nang hinagkan.

The loving gesture was more than enough assurance for once.

Sa ngayon, sapat na muna siguro ang pag-ibig…

Tiyak naman na susunod nang yayabong ang pagtitiwala…

Dahil mayroon nang sangkap na pag-ibig!

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age