The Runaway Wife-4

Nagpaalam na ang iba pa nilang kasama.

Nauna si Berta. At sumunod ang dalawang dalaga.

“M-magpalit muna kaya ako ng damit? Baka amoy-pawis na ako.” Nagsalita ang ina niya nang mapag-isa na sila.

“Hay, Inay. Halinakayo doon. Para matapos na. At nang makapagpahinga na kayo,” tugon naman ni Rana.

Hinila niya ito patungo sa landas na tinugpa ni Andrei Montevista.

Panay ang kapa ng mga kulubot na daliri ng ina sa ulo habang naglalakad sila sa koridor.

“Tungkol kaya saan ang gusto niyang sabihin sa atin, anak?” pag-aalala nito. “B-baka sasabihin niyang ibebenta na niya ang bahay na ito, a? At — at papaalisin na niya tayo?”

Hindi natigatig si Rana.

Personally, it would be better. Matagal na niyang nais makaalis sa lugar na ito!

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

But for her mother’s sake, she had to show some sympathy.

“Hindi naman po siguro, Inay.”

Sana nga ay mangyari na iyon! bulong naman niya sa sarili.

Huminga muna nang malalim ang magulang bago kumatok sa solid door panel.

“Tuloy,” tugon ni Andrei. Medyo ngamol ang boses dahil makapal ang dahon na nakapagitan sa kanila.

Nakaupo ang lalaki sa mahabang sopa. Inilapag nito ang binubuklat na libro sa lamesita nang iluwa sila ng pintuan.

“Isara n’yo ang pinto,” utos nito nang makapasok na sila. “Pakipindot ang lock. Ayaw kong may makaistorbo sa pag-uusap natin.”

Si Rana ang kumilos upang i-lock doorknob ng pinto.

“Maupo kayo, Aling Narda, Rana,” alok nito nang manatili silang nakatayo.

Inakay ni Rana ang nanginginig na magulang para igiya sa pinakamalapit na sopa.

Dinukot ng lalaki ang dalawang envelope na puti mula sa bulsa ng suot na navy blue blazer at iniabot sa matandang babae.

“Para sa inyong mag-ina ang isa diyan. At ang isa naman ay para pantustos sa mga gastos habang nandito kami.”

Tama ang hinuha ni Rana. Ngunit hindi siya umimik.

“Bukas, mamalengke kayo ng pagkain na kakasya para sa isang linggo,” patuloy nito.

“Hanggang kailan po ba kayo dito?” Hindi na napigil ni Rana ang sarili.

“Anak naman — ” saway ng ina sa kanya.

Andrei stared at her with narrowed eyes.

“Hindi mo gustong magkaroon ng mga bisita ang bahay na ito?”

Tumango si Rana. Walang gatol.

“Hindi mo ako gusto dito?” he queried in a dangerously low tone.

“N-naku, Rana. Ano ka ba naman. Pasensiya na kayo, Senyorito Andrei,” sabad uli ng mayordoma. Takut na takot.

“Hayaan n’yong magsalita si Rana, Aling Narda,” awat ni Andrei. “May karapatan siya sa kanyang personal na opinyon.”

“Hindi ko gusto ang mga bisitang katulad nila, Senyorito Andrei,” pahayag niya.

“A, hindi mo ako gustong bumisita rito?” he concluded in a seemingly light tone. But his dark eyes remained menacingly direct.

“Alam n’yong hindi kayo bisita dito, Senyorito. Kayo ang may-ari ng bahay na ito,” bawi ni Rana. Seryosong-seryoso. Diretso din siya tumingin. “At kami ay mga utusan lamang.”

“Tama ‘yang sinabi mo, Rana,” sang-ayon ni Andrei. “Tatandaan mo sana palagi ‘yan.”

“P-pasensiya na po kayo, Senyorito,” her mother apologized again. “N-napagod lang siguro nang husto ang anak ko.”

Andrei inclined his proud head haughtily. His arrogant features were hard and looked like chiselled on stone.

Mistulang isang lawin na may palalong palagay sa sarili.

Rana stood up to preempt the end of the uncomfortable conversation.

“Magpapaalam na kami, Senyorito. Kung wala na kayong ipag-uutos, tutuloy na kami sa bahay namin para magpahinga.”

She spoke with an uncharacteristic boldness, unknowingly arousing the wrath of her employer.

“Magkikita tayo bukas,” Andrei promised her darkly.

That girl has spunk, bulong ni Andrei nang hindi niya maiwaksi sa isipan ang dalagang anak ng mayordoma.

Pinagsalikop niya ang mga kamay sa likod ng batok at tumitig sa kisame.

Hindi niya pansin ang mga inukit na kupidong nakatunghay sa kanyang pagkakahiga.

“Rana,” he rolled her short but romantic name on his tongue experimentally.

“Rana, Rana, Ranaaa…” he repeated it in a soft humming sound.

Natawa si Andrei sa sarili. Kinakanta na niya ang pangalan ng babaeng iyon.

“Tsk! tsk! You’re more tired than you know, Andrei old man!” wika niya, pa-buska. “Creating a song to a naive and very young woman! She’s not your type…”

Umiling-iling siya. Bumago siya ng posisyon sa kama.

Tumagilid.

Dumapa.

At tumihaya uli.

He should be able to sleep like a log tonight.

Maghapon siyang nagmaneho patungo dito — at nagpigil ng yamot sa katabing babae. Pinilit niyang magpakapagod.

Bumalikwas siya ng bangon nang manatili siyang gising matapos ang maraming minuto.

Isinuot niya ang itim na roba bago lumapit sa dressing table para kunin ang lighter at isang kahang sigarilyo.

He padded outside the balcony. Nagsindi siya ng sigarilyo habang nakatanaw sa mabituing langit.

This house was the least visited of all his properties.

Ito lang pati ang bahay na hindi niya binili mula sa perang kinita. Ipinamana ng mga magulang sa kanya, may pitong taon na ang nakakaraan.

Five years ago, namatay na rin ang katiwalang mayordomo dito. It was then that he had employed Aling Narda as the housekeeper.

Malabo ang alaala niya nung huling punta niya rito. At lalong hindi niya gaanong maalala si Rana.

May natatandaan siyang isang batang babae na palaging nakabuntot sa kanya kahit na saan siya magpunta pero — si Rana ba iyon?

Humitit siya ng malalim at sunud-sunod sa hawak na sigarilyo hanggang sa maging upos na lang iyon.

Parang nabitin pa kaya nagsindi siya ng isa pa.

Gayundin ang nangyari sa ikalawang stick. Hanggang sa maka-apat siya nang halos di namamalayan.

Subconsciously, he knew that he was killing himself with excessive smoking. But he could not help himself.

Or even think of stopping.

Napahinto siya sa aktong pagsisindi ng ika-lima nang maulinigan ang mga katok sa pinto.

Nagtagis agad ang mga bagang niya. Nahuhulaan niya kung sino ang nasa labas.

Si Mimi!

Binuksan niya ang pinto. Nakakunot agad ang kanyang noo.

“Ano’ng kailangan mo?”

“Ikaw, loverboy.” Nakangiti ang babae. Ka-terno pa ng buhok ang suot na berdeng nightgown.

She was very green tonight – like an alien.

Nakalantad ang dibdib nito at ang malaking bahagi ng mga hita.

“Natatakot akong mag-isa sa kuwarto ko, Andrei,” dugtong ni Mimi nang hindi siya nagpakita ng tuwa.

THE RUNAWAY WIFE-5

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age