The Runaway Wife-5

“Kay Raffy ka magpunta, Mimi. I’m sure, he can accomodate you in his bed,” pakli ni Anrei. Matigas ang tinig.

Mimi gasped, as though in shock.

“How dare you suggest such a vile thing like that!” bulalas nito. “Hindi porke ikaw si Andrei Montevista, puwede mo na akong pagsalitaan nang ganyan. I can give you a living hell!”

He just gave her a cold smile.

“If that’s a threat, I’m already shaking in my shoes,” ang patuyang wika niya. “Now, you can get out of my sight!”

Inirapan siya nang matalim ni Mimi bago tumalikod.

Andrei sighed heavily. Ibig na niyang magpahinga!

His whole being was craving for a complete rest since a long time ago.

He wanted to sleep like a babe.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

He needed his peace of mind.

He craved for everything that money could never buy…

Nakahalukipkip si Rana habang tinatanaw ang malaking bahay mula sa bintana ng munting sala nila.

Tapos na siyang maglista ng lahat ng mga kailangang bilhin sa bayan bukas.

Sa kanya na ipinababahala ng Inay niya ang tungkol sa pamimili dahil hindi naman ito mahilig makihalubilo sa maraming tao.

Bernarda Abanto, or Aling Narda, disliked mingling with so many people.

Ayaw na ayaw nitong makakakita ng matataong lugar, na katulad ng palengke.

Na kabaligtaran naman ni Rana.

She welcomed attention. She was a born exhibitionist. Not the perverted type though.

Mahilig lang siyang mag-project ng sarili. Lalo na sa harap ng salamin.

Someday, she dreamed of being a trendsetter — either as a designer or as a model.

May karapatan siyang mangarap dahil matangkad naman siya.

And was blessed with a slim body.

Atsaka, ang kanyang mga pisngi ay may klasikal na hubog.

She possessed a model’s lush mouth, too.

Ang hindi lang niya gusto ay ang sobrang pagka-inosente ng kanyang mga mata.

Her long, slanting eyes always gave her true age away, which was seventeen going eighteen.

Pero siguro, kapag nagdisi-otso na siya, mawawala na ang ‘untouched look’ niya. Puwede na siyang rumampa.

Rana smiled at herself mockingly. Wala siyang kasawa-sawa sa kapapangarap!

Palagi na lang ba siyang ganito? Pangarap nang pangarap, pero wala namang pagkakataon para matupad?

Ni hindi nga siya magkaroon ng lakas ng loob na magsabi sa kanyang Inay.

Paano’y hindi naman siya papayagan niyon. Menor de edad pa nga siya.

Umalis siya sa kinasasandalan. Naglakad-lakad siya.

She walked around restlessly. Nang makaramdam ng pagka-alinsangan, lumabas siya sa munting balkon.

Mula sa kinaroroonan ng cottage, tanaw na tanaw niya ang balkonahe ni Senyorito Andrei Montevista.

Andrei…

Ipinilig niya ang ulo.

Naramdaman na naman niya ang pandidiri nang maalala ang pambabastos ni Raffy.

Kapag naaalala niya si Andrei, naiisip na rin niya si Raffy.

Sa kuwarto niya, nakadikit ang maraming mga posters ng The Cynix Band. Sa letrato pa lang, antipatiko na ang dating ni Raffy.

Obnoxious and revolting. Gayon ang karakter ni Raffy, pero bakit tumagal sa banda ni Andrei?

Ganoon ba ang klase ng mga tao sa mundo ni Andrei Montevista? Kung gayon, ano’ng klase kaya ito?

Nahinto ang pagmumuni-muni niya nang may makitang tila apoy na maliit na tumilapon mula sa balkonahe ni Andrei.

Nagsisigarilyo pa ang lalaki. Hindi rin siguro makatulog.

O katatapos lang makipagsiping sa babaeng may buhok na kulay berde?

Nagulat si Rana nang umasim ang timpla ng pakiramdam niya.

“Wala kang karapatang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa kanila, Rana Abanto,” panenermon niya sa sarili. “Anak ka lang ng muchacha dito. Huwag mong kalilimutan ‘yan!”

Minabuti niyang pumasok na lang sa loob at magpumilit na lang na gumawa ng antok.

Tomorrow would be another long day…

Hindi pa sumisikat ang haring araw, gising na si Andrei.

Nakalimutan pala niyang isara ang mga pintuang salamin ng balkonahe kaya lumulusot ang mga ingay ng isang bagong silang na araw sa loob ng silid-tulugan.

Sunud-sunod ang pagtilaok ng mga manok sa paligid. Sinasaliwan pa ng matitinis na huni ng mga ibon.

Takang-taka siya nang mapagtantong magaan ang katawan niyang bumangon.

It was like the old days.

Natatandaan niyang ganito rin siya kaaga gumising noong bata pa siya.

Matagal na matagal na matagal na ba ang panahong iyon, Andrei? tanong niya sa sarili, pabuska.

Masigla siyang nagbihis at pumanaog.

Si Rana lang at ang isa sa mga dalagang katulong ang nabuglawan niya sa kumedor.

“Magandang umaga, Senyorito Andrei,” ang banayad na bati ni Rana sa kanya. “Dito ka maupo.”

Ngumiti at yumukod lang ang isa pang dalagang kasambahay na kiming-kimi ang kilos.

“Magandang umaga rin sa inyong dalawa,” tugon naman niya habang nauupo sa silyang hinila ni Rana para sa kanya. “May kape na ba?”

Tumango ang utusan.

Napuna niyang ito lang ang naka-uniporme.

Naka-maong pants at maong jacket si Rana. T-shirt na puti ang panloob.

At nakatirintas ng isa sa likod ang mahabang buhok.

She was wearing a minimum amount of make-up.

Hindi pa niya mapapansin sana kung hindi eksperto ang mga mata niya.

“May pupuntahan ka ba?”

“Ako ang inutusan ni Inay na mamili sa bayan.”

May kumislap na ideya sa kanyang isipan.

“Sasamahan kita,” pahayag niya.

“Hindi na kailangan, Senyorito,” tutol ng babae.

“Maupo ka. Sabayan mo akong magkape,” he cut in without paying any attention to her objection.

Napansin niyang hindi naman nagprotesta nang matagal ang babae.

Naupo ito sa silyang nasa gawing kanan niya. Tinanggap nito ang malambot at bagong lutong tinapay.

“Nakapagluto na agad ang kusinera?”

Umiling si Rana. Napapangiti sa pagkamanghang ipinamamalas niya.

“Mabilis na kumalat ang balita na nandito kayo ngayon, Senyorito,” paliwanag nito. “Kaya madilim-dilim pa, kumakatok na ang panadero sa pinto namin.”

“Oh, I see. I almost forgot,” sambit niya sa sarili.

“Nakalimutan mo na ba ang buhay dito sa probinsiya?”

Tumango siya habang napapangiti nang marahan.

“Alam mo bang marami na akong nakalimutan?” pag-amin niya.

Even he himself was stunned to hear the words that tumbled out of his mouth.

“Pero gusto mo pa bang maalala ang mga nakalimutan mo na?”

“Kung maaari pa.” Nagkibit siya ng mga balikat.

Dumating ang katulong na kumuha ng mainit na kape.

“Salamat, Siling,” sambit ni Rana.

She was full of confidence. Para bang lugar talaga nito ang makisalo sa almusal ng amo.

Tinitigan ni Andrei ang dalaga habang ipinagsasalin siya ng kape.

THE RUNAWAY WIFE-6

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age