The Runaway Wife-6

Tila nagulat pa ang babae nang madiskubreng nakatitig si Andrei.

“Bakit, Senyorito?”

“Wala,” wika niya habang umiiling. “May naalala lang ako.”

Tahimik na sumimsim ng black coffee ang babae.

Nanatili siyang nakamasid dito. Habang tumatagal, napupuna niya ang maraming discrepancies.

Rana did not think and speak and move — like a housekeeper’s daughter.

She was definitely in complete command of her whole self.

Pinag-aralan nang husto ang paglalakad. Pati ang pag-aayos.

“Interesting,” bulong niya sa sarili habang napapangiti.

“Bakit ka natatawa, Senyorito?” untag nito nang makita ang pagtawa niya sa sarili.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“May naaalala nga lang ako,” ulit niya sa unang alibi.

“Hindi ako naniniwala, Senyorito, pero palalampasin ko pa rin.”

A thick eyebrow quirked sardonically.

“Thank you,” he quipped back in a semi-amused tone.

Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ni Rana.

Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan.

Tumindig ang babae, kaya nagsalita siya.

“Saan ka pupunta?”

“Kukunin ko ang mga basket at bayong sa kusina. Doon na ako sa garahe maghihintay sa inyo.”

“Okey.”

Nagbalik siya sa kanyang silid upang kunin ang wallet at para magpalit ng pang-itaas.

He wanted to look casual like Rana.

Dinatnan niyang may iniitsang mga sako ang dalaga sa likod ng bukas na pick-up jeep.

“`Yan ang gagamitin natin, Senyorito,” pahayag nito.

“Bakit iyan?” He did not mind but the question just popped out.

“Para magkasya ang mga bibilhin ko,” wika ni Rana. “Huwag kang mag-alala, Senyorito. Ako ang magmamaneho. Hindi kayo madudumihan.”

“What?” ang gulat na sambit niya bago umiling nang umiling.

“Hindi ikaw ang magmamaneho. Ako. I’ve never trusted a woman to drive for me!” singhal ni Andrei.

Kuntento naman si Rana na ipagmaneho siya ng isang lalaki — for once.

She had been trying to teach Manolito the dubious art of driving pero hindi matuto dahil masyadong nerbiyoso.

A, walang-wala siya sa kalibre ni Andrei.

He was a smooth driver. His musician’s hands were more than capable of controlling the wheels.

Kahit na baku-bako ang kalyeng dinadaanan at medyo matarik ang mga bangin sa gilid, hindi man lang siya nakadama ng kaba.

The reason why she had been forced to learn driving the pick-up was the reckless jeepney drivers in this side of her quaint world.

Nakakalula maging pasahero kapag ang tsuper ay kaskasero.

But at present, puwede pa nga siyang matulog kung gusto niyang sayangin ang pambihirang pagkakataon na magkasama sila ni Andrei.

Napailing ang dalaga habang napapangiti. Kung magiging matalino siya, maaari niyang gamitin ang atraksiyon sa pagitan nila to her own advantage.

Napawi na ng isang gabing pahinga ang pangit na pakiramdam ng pambabastos ni Raffy kahapon.

Isa pa natural sa kanya ang maging optimistic sa lahat ng bagay tuwing umaga.

Her sunny disposition was inherited from her mother.

Hindi na nakilala ni Rana ang kanyang ama ngunit naging masaya pa rin siya dahil ramdam naman niyang mahal na mahal siya ng Inay niya.

Ang hindi lang niya nakuhang matutunan ay kung paano makuntento sa lugar na ito.

Nais talaga niyang makaalis dito.

She had this burning desire to go away for as long as she could remember.

She was happy here pero nararamdaman niyang hindi ito ang tamang lugar para sa kanya…

“A penny for your thoughts?”

Nagulat siya nang biglang magsalita si Andrei.

Nakarating na sila sa bahagi ng bundok na patag at aspaltado ang kalsada.

Sumulyap siya rito para makasigurong kinausap nga siya ng lalaki.

“Nakangiti ka habang nakatanaw sa malayo. Ano ba ang iniisip mo?” tanong uli nito.

“Nangangarap ako nang gising,” pag-amin niya.

“Tungkol saan?” He looked genuinely curious and interested.

“Tungkol sa mga ambisyong marating.”

Natigilan sandali ang lalaki. “Ano ba ang mga ambisyon mo?”

Rana sighed as she warmed up to her subject.

“Una, gusto kong makarating sa kabila ng mga bundok na ‘yan. Ano ba ang meron d’on?”

Matagal bago tumugon si Andrei. Para bang nag-iisip ng magandang isasagot.

“You’re better off here, Rana. Hindi maganda ang mga makikita mo sa kabila ng mga bundok na `yan,” pahayag nito nang makalipas na ang maraming minuto.

“Let me be the judge of that,” tugon niya.

She was proud of her unstilted way of speaking English.

Bukod sa pagbabasa ng mga librong nakaimbak sa library, mahilig siyang manood ng mga late night movies.

O ng kahit na anong palabas na Ingles ang salitaan. Ibig niyang mahasa nang husto sa pa-sosyal na pagsasalita.

Natuwa siya nang makita ang pagkagulat ng lalaki. Parang bang nagbago ang opinyon nito tungkol sa kanya.

“So, ikaw pala ang nag-aalaga ng mga libro nina Mama at Papa sa library… I was wondering about it last night,” sambit nito.

“Do you mind?”

Umiling ang lalaki. “Of course not.” Then, he smiled at her boyishly. “I’m glad, you’re the intelligent type, Rana,” dugtong pa.

It was his famous smile.

Her poor heart did a crazy somersault inside her chest. She had no protection against his potent charms.

“Thank you,” sambit niya. Namumula na naman ang kanyang mga pisngi kaya nagbaba siya ng tingin.

“Sumulat ako sa ‘yo noon. Nagpapaalam ako na makikibasa ako sa mga libro n’yo — pero walang sagot na dumating.”

Kumunot ang noo ni Andrei. “Wala akong natanggap.”

“Ganyan nga ang naisip ko noon. Isa pa, baka naligaw ang sulat ko dahil sa dami ng mga bahay mo.”

His eyebrows arched questioningly. “Hmm, at paano mo naman kaya nalalaman ang mga tungkol diyan? I’m sure, hindi nagkukuwento ang abogado ko na nagdadala ng suweldo n’yo rito.”

“I am your number one fan, Senyorito Andrei,” she admitted smilingly.

Napatitig sa bibig niya ang lalaki.

It was just a split-of-a-second stare but the effect on her was immense. She felt shaken.

And confused, once again.

Dali-dali niyang binawi ang paningin. Sumiksik siya sa kanyang sulok at muling tumanaw sa malayo.

“You can feel it, too,” Andrei stated quietly, after a while of silence. “Nararamdaman mo rin ang mainit na atraksiyon sa pagitan natin, hindi ba?”

Tumango lang si Rana. Hindi siya umimik.

She had read in a magazine celebrity trivia column, that the leader of ‘The Cynix Band’ disliked groupies.

Or cheap flirts.

Or girls who chased after men.

THE RUNAWAY WIFE-7

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.