The Runaway Wife-9

Nanonood si Andrei sa rearview mirror kaya nakita niya nang alalayan si Rana ng malaking lalaki.

Malinaw na may kursunada ito sa babae.

He was suddenly feeling violent.

Parang gusto niyang suntukin ang mukha ng manliligaw ni Rana.

Ngunit nagpigil siya.

“Salamat, Karding. Magkano ang atraso ko sa ‘yo?” tanong ng babae habang dinudukot ang wallet sa bulsa.

“Ngiti mo lang ay sapat na, Rana,” tugon naman ng kargador.

“Salamat uli, ha?” Ngumiti uli ang babae pero nag-abot pa rin ng isang salaping papel na binilot nang bahagya.

Nabura ang ngiti nito nang buksan ni Andrei ang passenger door.

Ni hindi ito tumingin sa kanya habang sumasakay. Bitbit nito ang isang plastic bag na puno ng mga hinog na mangga.

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE RUNAWAY WIFE…? Click Here!]

“Nakapunta ka na ba sa botika, Senyorito?” tanong nito habang pinupunasan ng puting bimpo ang pawis sa mukha at sa leeg.

“Oo,” he replied curtly. “Ikaw? Wala ka na bang bibilhin?”

“Wala na,” ani Rana sabay iling. Hindi pa rin ito sumusulyap sa gawi niya.

Andrei was seething with silent displeasure.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nila habang nagmamaniobra siya papalabas sa parking lot ng palengke.

“Ano’ng ginagamit mong proteksiyon kapag magkasama kayo ng nobyo mo?” he asked her when they were on the road again.

“A-ano’ng sinasabi mo, Senyorito?” Napamaang ang babae. Saka lang ito tumingin sa kanya.

Saglit na nagtama ang mga mata nila. Siya ang unang nagbawi nang marinig ang busina ng kasalubong na sasakyan.

“Surely, you don’t want an unwanted pregnancy?” Diniretso na niya ang ibig sabihin.

Sumulyap uli siya rito matapos magsalita nang padaskol.

Rumehistro ang maraming emosyon sa magandang mukha ni Rana. Ngunit hindi niya nabasa lahat.

“Well?” untag niya nang hindi na naman ito kumibo.

“Hindi ko kailangan ng anuman,” tugon nito sa maikling tono.

“Ah, the boys take care of it for you, eh?” he expressed sardonically. “I’m afraid I’m not going to be as accommodating as your ‘boys’!”

Umirap lang sa kanya ang dalaga.

He found himself being enchanted by the purely girlish gesture.

Hindi magandang tingnan sa ibang babae, pero hindi kay Rana.

“With you, I won’t use a rubber,” pagsisinungaling niya sabay sulyap sa munting plastic bag na iniitsa niya sa ibabaw ng dashboard.

“Rubber?” She looked lost. “Hindi kita maintindihan, Senyorito.”

Biglang naglaho ang pagkadisgusto ni Andrei. Parang gusto niya ang pagiging ignorante ni Rana sa ibang bagay.

She was not experienced, after all.

“Maiintindihan mo kapag nand’on na tayo,” he said with a meaningful undertone.

Halatang naiibahan pa rin ang dalaga ngunit hindi na ito nag-usisa pa.

Malapit na ang oras ng pananghalian nang dumating sila sa bahay.

Bago pa lang nagsisibangon ang mga kasama kaya walang nakapuna sa pagkawala niya.

“Bosing, ang aga mo palang nagising?” bulalas ni Bobbit nang mamataan siyang naglalakad galing sa tagiliran ng malaking bahay.

Nakasalampak ito sa damuhan habang kumakalabit sa gitara. Nasa katabi nito ang isang tray na mayroong pagkain.

“Gising na ba ang iba?”

Nagkibit-balikat ang tinanong. “Ako pa lang yata at si Raffy.”

“Nas’an siya?”

“Dumiretso sa kusina, e. Hinahanap ‘yung anak ng mayordoma,” Bobbit said in a careless tone.

Kumunot agad ang noo ni Andrei. “Bakit hinahanap niya si Rana?”

“Ewan ko. May kursunada yata ang loko sa dalagang mutsatsa.”

Nagsimulang umakyat ang dugo sa ulo ni Andrei sa narinig.

“May kursunada?” ulit niya para makasiguro.

“Oo. Alam mo naman si ‘Ole Raffy Boy’,” patuloy lang sa pagsagot si Bobbit. Walang kamalay-malay na nagagalit na siya. “Masyadong mahilig sa maganda!”

“Hindi puwede rito ang kalokohan niya,” ang pagigil na wika niya habang maliksing humahakbang palayo.

Sa kusina siya nagtungo. Nasa may pagpasok pa lang siya sa pinto, nang marinig ang boses ni Rana.

“Ano ba? Bitiwan mo ako,” singhal nito. Para bang may katunggali. “Kahapon ka pa, a? Bastos ka!”

Itinulak niya nang pasalya ang pinto.

Natagpuan niyang nakayapos si Raffy kay Rana. Tila inuulaol na ng halik ang huli.

Nagdilim agad ang paningin niya. Dali-dali siyang sumugod sa mga ito.

Nagulat si Rana nang lumitaw mula sa kungsaan si Andrei.

She was suddenly rescued from the clutches of a maniac.

“Wow, Andrei, ang labo mo naman. Bakit ba?” reklamo ni Raffy. Pumiksi ito para makakawala sa pagkakapigil ng mala-bakal na mga daliri.

“Hindi mo dapat dinadala dito ang kalokohan mo, Raffy!” angil ni Andrei sabay suntok sa bibig ng bihag.

Sumargo ang mapulang dugo nang pumutok ang labi ni Raffy.

“Arrgh!” daing nito. “Bakit mo ako sinuntok? Nagkadugo tuloy ako!”

“Dahil bastos ka!” singhal ni Rana.

“Sino’ng binastos ko? Siya?” The scoundrel leered at her tauntingly. Puno ng pang-iinsulto ang ngisi nito.

“Sino ba siya? Isang alila. Ganang-gana pa nga ‘yan sa ginagawa ko, e. Nagpapakipot lang ng kaunti ‘yan!”

“Damn you!” Andrei swore violently before he wiped off the insolent smile with another sharp punch.

Tumalsik si Raffy sa isang sulok. Ngunit agad rin itong nakabangon. Sumusuray pero nagawang makalakad palapit kay Andrei.

Nanlilisik na ang mga mata nito.

“Walanghiya ka, Andrei! Sinasaktan mo ako nang dahil lang sa babaeng ‘yan? Ang tagal na nating magkakasama, a?”

“You’ve known this is coming for a long time now, Raffy,” pakli ni Andrei. “Wala ka nang respeto sa amin. Nananadya ka na, matagal na. Lumaki na nang husto ang ulo mo!”

Walang sabi-sabi, umigkas ang isang kamao ni Raffy. Sumalpok iyon sa panga ni Andrei.

Ngunit hindi man lang ininda ng huli. Malinaw na ito ang may superyor na lakas sa dalawa.

Pamaya-maya pa nga, sunud-sunod na suntok na ang dumadapo sa iba’t ibang parte ng katawan ni Raffy.

While Rana just stood there… Hindi siya makapag-isip dahil sa pagkabigla.

Nahimasmasan lang siya nang lapitan na ni Andrei.

Tinigilan nito si Raffy nang ma-knockout na, kumbaga sa boxing.

“Are you alright?” Matiim ang anyo ng lalaki habang ineeksamin ang pamamaga at pamumula ng ibabang labi niya. “Gawa ni Raffy ‘to?”

Tumango siya. Her eyes were widening with wonder. Tutoo ba ang concern ni Andrei para sa kanya?

“Ginawa rin niya ang ganito sa ‘yo kahapon?”

Tumango uli siya, halos wala sa loob.

His firm mouth tightened with vexation.

“Siya ang iniisip mo kanina, hindi ba? Kaya inasahan mong masakit akong humalik?”

Nalito si Rana. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot.

“Answer me, dammit!”

THE RUNAWAY WIFE-10

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.