Rana was a country girl who yearned to get out and see the world.
Andrei was still a young man but already bored and jaded with the world in general.
Would their different views in life deter the growth of love for each other?
Inosente pero matalino si Rana kaya alam agad niyang si Andrei ang makakatulong sa kanya para matupad ang ambisyong makarating sa lungsod.
Alam ni Andrei na gusto lang siyang gamitin ni Rana kaya pilit na pinaglalabanan ang atraksiyon para sa dalaga.
Magkaroon pa kaya ng pagkakataong manaig ang pag-ibig na sikretong sumibol sa kanilang mga puso?
* * *
Lumilipad daw si Rana na parang ibon.
Tinatawid ang mapuputing ulap, ang matataas na bundok, ang maraming batis, ang mapuputik at baku-bakong daan…
“Rana!”
Napapitlag si Rana. Naputol ang pangangarap nang gising.
Her beautiful daydreams vanished into thin air immediately.
“Pambihira naman talaga, oo!” reklamo niya habang bumabangon mula sa kinahihigaang damuhan.
Lalong nadagdagan ang pagkayamot niya nang makita kung sino ang nang-istorbo sa kanya.
“Rana, tawag ka ng nanay mo,” wika ni Manolito. Hinihingal ang binatilyo nang makarating sa ituktok ng talampas.
“Hindi ako naniniwala sa ‘yo,” pakli niya. Nakasimangot. “Nagdadahilan ka lang para makabuntot ka sa akin, ano?” pang-aakusa niya pa.
“Hindi tutoo `yan, Rana.” The young lad looked hurt.
“Kaaalis mo lang nang tawagin ako ni Aling Narda. Kailangan mo raw umuwi agad dahil may dumating na telegrama galing kay Senyorito Andrei.”
“Ha? Bakit naman hindi mo sinabi agad?” bulalas niya sabay balikwas ng tindig.
She was suddenly gone in a flurry of movements. Nakatakbo na agad siya papababa sa mabatong landas.
“Hintayin mo naman ako, Rana!” habol ng pobreng binatilyo.
“Tumakbo ka na rin, Manolito!” hiyaw niya. Nakatawa na.
Masayang-masaya siya kapag si Senyorito Andrei na ang paksa.
She had a terrible crush for her employer. Andrei Montevista was the epitome of her tall ambition.
A very tall ambition!
And that was to leave this godforsaken place for good!
Mabait na anak naman si Rana sa kanyang ina. Magalang naman siya sa ibang tao. Mabuting makisama.
Ang tanging maipipintas siguro sa kanya ay ang matayog na ambisyon niya na makarating sa mga lugar na hindi pa napupuntahan.
At hindi kayang puntahan ng isang katulad niya.
Kaya nga siguro nagkaroon siya ng obsesyon para kay Andrei Montevista.
Imposible kasing matawag na pag-ibig ang nadarama niya. Isang beses pa lang niya ito nakita magmula nang maging empleyada nito ang kanyang ina.
Ng personal. Pero sa telebisyon at sa mga magasin ay halos minu-minuto. Palagi pa nga niyang kaulayaw sa gabi ang mga larawan na inipon nang matagal.
Itinulak niya ang pinto ng kubol nilang mag-ina.
“O, Rana, mabuti’t nakita ka agad ni Manolito,” salubong agad ni Aling Narda nang makita siya. “Kailangang tulungan mo ako, anak.”
Hindi siya interesado sa mga sinasabi ng ina tungkol sa ibang bagay. Si Andrei Montevista lang ang importante para sa kanya.
“Inay, ano `yung tungkol kay Senyorito Andrei?” usisa niya.
“Hay, hindi ba’t sinabi ko na ngang darating siya bukas — este, mamaya na pala `yon. `Asaan ba ang telegrama?”
Kinapa ng may edad na babae ang mga bulsa.
“Naku, nawala na yata sa katarantahan ko. Basta, anak. Ang pagkaintindi ko ay ngayon na ang dating niya — nila pala. Tulungan mo akong maglinis ng mga silid-tulugan na gagamitin nila, ha?” anito habang lumalabas, bitbit ang isang basket na puno ng malilinis na kurtina at kubrekama.
Patungo na ito sa malaking bahay na nasa gitna ng malawak na bakuran.
Napatigagal si Rana sa narinig. “D-darating siya?” ang tanging nasambit niya.
“Rana! Halika na! Ano ba?” hiyaw ng ina nang mapunang hindi siya nakasunod dito.
She had worked almost nonstop. Feeling delirious with excitement.
“Maraming salamat, anak,” wika ng Inay niya nang matapos sila sa limang silid. “Ngayon naman, titingnan ko ang pagkain kung naiayos na ni Berta.”
Nagpaiwan si Rana sa itaas. Mula sa guestroom na nasa dulo ng koridor, nagbalik siya sa master’s bedroom na una nilang inayos na mag-ina.
“Inspeksyunin mo pa nga uli, Rana,” habilin ni Aling Narda nang makita siyang papalayo dito. “Pero sumunod ka agad sa akin pagkatapos mo, ha?”
“Opo, Inay,” ang magalang na tugon niya.
Her wistful gaze roamed around the elegantly decorated bedroom.
The tall windows opened to a wide and sunny balcony, that overlooked the lush vegetation of the deep valley below.
Nakaharap sa makapal na kagubatan ng bundok ang isang panig ng kuwarto ng master-of-the-house. Samantalang ang gawing may balkonahe ay maaari ding tumanaw sa paliku-likong kalsada na galing pa sa paanan.
Habang pinapanood niya ang mga ibon na kinaiinggitan kanina, napagawi ang paningin niya sa aspaltadong daanan.
Tatlong sasakyan ang namataan niyang papalusong patungo sa matandang bahay.
Hindi na siya nag-alinlangan pa. Sigurado siyang ang nakita ay ang mga bisitang hinihintay nila.
Dali-dali siyang nagtatakbo papababa sa unang palapag.
“Inay! Inay, nandiyan na po sila!”
Nasa paanan pa lamang sila ng pinakamababang bundok, natatanaw na ni Andrei ang pulang bubungan ng ancestral house.
He had never regarded it as anything but a resthouse, paalala niya sa sarili.
“Ayan na ba ang bahay, bosing?” usisa ng mga kasama sa kanya.
“Yeah. That’s the one,” he answered succinctly. He was feeling bored.
Kanina pa siya nagtitimpi sa babaeng naka-okupa sa passenger’s seat ng kotseng minamaneho niya.
Their small convoy consisted of three cars that were driven by its respective owners.
“Wow! We’ll have a real thrill during our stay here!”
He ignored the excited gush from the young woman with a tatch of green on the top of her head that she called hair.
He did not want a groupie in this vacation but the members of his band disobeyed him.
Anim silang lahat sa grupo. At anim na babae rin ang kasama nila. Kaya alam na niya kung para kanino ang sumobrang isa.
Si Raffy ang lead guitarist, second to him. At alam niyang ito ang pasimuno sa pagsuway sa nais niya na walang isasamang babae.
Pinigil niya ang nadaramang galit para sa pinaka-suwail na miyembro. Na nakaupo sa likuran niya at may kayapusang isang babae na hippie-hippie din ang ayos.
Ayaw niyang mag-umpisa sa pangit na simula kaya sinarili na lang muna ni Andrei ang pagkayamot.
He would castigate the insolent cad when they were back to civilization.
For now, he would enjoy watching out for discomforts and listening to complaints of these city persons.
Hindi lingid sa kanya na tutol ang mga kasama na dito sa liblib na lugar magbakasyon.
“What are we gonna there?” protesta ni Raffy nung isang araw, matapos niyang sabihin ang susunod na destinasyon ng grupo.
“Oo nga naman, Andrei. Wala naman tayong puwedeng gawin d’on kundi ang manood sa mga ibon.”
“For what reason?” Raffy questioned aggressively.
“For the sole reason of trying to recoup our lost strengths,” he hissed. Andrei had always hated explaining anything he did.
“We can do it better in a health farm or at a beach resort — ”
“Why don’t you just stop these gripings and go with me and see?” pakli naman niya, pasinghal.
Impatience had laced his husky voice that sang beautiful songs.
“Okey!” ganting-singhal ni Raffy. “What shall we bring with us?”
“No groupies,” ang walang gatol na tugon niya.
“What? No girls?” bulalas ng drummer nila, si Pippo. “Omigod! How can I live without girls?”
Gayundin ang naging protesta ng iba pang ka-grupo.
Hindi na kumibo si Raffy. Tatawa-tawa lang ito habang pinapanood ang pagpipigil ni Andrei sa sarili.
Presently, he was still under close scrutiny from the malicious eyes of the lanky lead guitarist.
Hindi alam ni Andrei kung bakit nagtitiyaga pa siya sa masamang ugali ng naturang ka-miyembro, pero ngayon pa lang nauubos ang pasensiya niya.
But he had to do something about it soon.
He might have to disband…
“Here we are,” he announced unnecessarily.
Nagsihinto sa gawing likuran niya ang iba pang mga sasakyan.
The serene atmosphere was destroyed by the harsh honks from the other cars.
He took off the seatbelt and went out of the red sportscar lazily. His lazy movements disguised the persisting tiredness that made him feel weary and listless.
He was tired!
“Andrei, wala yatang tao dito, a?” puna ng bass guitarist na si Bobbit.
“Oo nga. Nakakatakot! Baka me engkanto dito, ha?” anang partner ni Raffy.
“Atsaka maginaw, a? Puwede bang magpayakap?” dugtong ng babaeng may buhok na kulay berde.
Andrei ignored the cheap invitation.
“Huwag kang matakot, beybi. Basta’t nandito si Papa, ligtas ka!”
The couple began smooching with sloppily wet and loud kisses.
Andrei turned away from them with barely hidden disgust.
“C’mon, I have my keys,” aya niya sa ibang mga kasama na hindi anyong pagud na pagod. “Puwede na tayong magpahinga lahat.”
Papaakyat na sila sa mababang hagdanan na nasa tapat ng front double doors nang bumukas nang sabay ang mga iyon.
They were momentarily shocked when a slender girl with golden skin and classic cheekbones stood before them.
She was taller than a typical Filipina.
He felt the familiar stirrings of hot lust inside his body.
But he arrested the seeds of desire from burgeoning because she looked young and innocent.
He had committed a variety of sins during his twenty-nine years of stay in this world.
Only God knew what were those sins because he was feeling too high and too wild with the phenomenal and continuing success in his career as a singer with his own band.
But he had never tried to do sex with just a child. He should thank for small mercies.
“Sino ka?” tanong niya nang makabawi sa pagkagulat.
Yumukod nang bahagya ang babae.
“Magandang araw sa inyo, Senyorito Andrei. Ako ang anak ni Aling Narda, ang inyong mayordoma dito.”
He liked her voice. It was naturally raspy and with almost complete modulation.
Once again, the quelled attraction shot back to life.
“Ang ganda, pare. Sayang, anak lang pala ng muchacha.” Boses ni Raffy ang narinig niya. “Buti pa ‘tong beybi ko, anak ng isang dating boldstar!” At nagtawanan pa ang magkapareha.
Bumadha ang pagkailang sa mukha ng kaharap niya.
“May pangalan ka ba?” he asked testily. Gusto na niyang basagin ang nguso ni Raffy ngunit nagkontrol pa siya.
The girl nodded her head gracefully. Her lovely face had put on a wary mask before she looked at his companions with disreputable appearances.
Nag-rugged din siya ng style noon. Pero hindi siya kailanman naging sobra.
He had tried the long-hair-look, like Raffy, but he was not comfortable.
“Rana Abanto ang pangalan ko, Senyorito Andrei.” Nakangiti na ito nang muling tumingin sa kanya.
The smile was breathtaking. It transformed her age suddenly. Her lips looked dewy and her eyes luminous.
She became a young woman that was ripe and ready.
He shook off the unwelcome illusion. Pagod na talaga siya!
“Rana,” sambit niya. “Gusto kong makausap ang iyong ina.” He made his tone deliberately cold.
The lustre in her smiling eyes faded quickly.
“T-tuloy kayo,” anito sa mas matamlay na tono. “Tatawagin si Inay.”
As she turned to go back inside the big house, Andrei had to suppress himself from calling her.
For he had the most peculiar wish to soothe her…
Rana was confused and shocked at the same time.
Hindi niya akalaing magiging magulo at maingay ang ikalawang pagkikita nila ni Andrei Montevista.
But she tried to muster enough determination to remain calm and unruffled.
Nagugulat din siya sa kanyang sarili dahil hindi naman niya dating ginagawa ang magtago ng ekspresyon pero marunong siya.
“Dito ang master’s bedroom, Senyorito,” pahayag niya sa matangkad na lalaking agad na nagpahatid sa itaas.
Tumangu-tango si Andrei habang tinitingnan ang palibot.
“Matutuwa sina Mama at Papa, kung nabubuhay pa sila. Everything is in its proper place, just like in the old times. Your mother is a good housekeeper, Rana,” papuri nito.
She controlled her blushes but she failed in her valiant efforts. Kaya tumalikod na lang siya para ikubli ang pamumula ng mga pisngi.
“Humarap ka uli sa akin, Rana,” utos ng lalaki.
Pilit lang ang pagtalima niya.
“You’re blushing,” sambit nito. Nasa mababang tono ang pagkamangha. “A woman’s blush is not a myth, after all,” dugtong pa, pero sa sarili na lang.
Naparalisa si Rana nang haplusin ng isang daliri ni Andrei ang makinis na kurba ng pisngi niya.
Tila hindi makapaniwala habang nakatitig sa pag-iiba ng kulay ng balat niya.
Rana was shaken when the small caress had ended.
Again, she was being pulled towards him by instant attraction.
“L-labindalawa pala kayo. Lima lang ang mga kuwartong naihanda namin, bukod dito. Kailangan ko nang umalis, Senyorito,” she excused herself.
The thundering rush of blood in her veins had ebbed to let her practical self surface again.
“Hindi na kailangan, Rana,” pigil ng lalaking amo. Ngunit hindi na ito nagdugtong ng paliwanag.
Napamaang si Rana. Mga mag-asawa ba ang mga parehang nagsi-ibis sa mga sasakyan kanina?
Umalis siyang ganito ang laman ng isipan.
Aling Narda, the old dear, was looking harrassed and scandalized.
“Nasaan si Senyorito Andrei?” tanong nito nang makita siya.
“Iniwan ko po sa itaas, sa kuwarto niya. Bakit po, Inay?”
Luminga ito sa gawi ng pinanggalingang silid, ang salas.
“E, e, hindi bale na nga lang. M-medyo nalilito lang ako,” anito, kandautal. “Halika. Doon tayo sa kusina. Tulungan natin si Berta.”
Naiibahan si Rana sa ikinikilos ng ina ngunit tumalima siya sa nais nito.
May dalawa pang katulong na dalaga, bukod sa kanya. Kaya lima silang nagtulung-tulong sa paghahanda ng pagkain para sa isang dosenang tao.
Nababalam pa dahil panay ang hingi ng mga kung anu-ano ng mga bisita.
Una, nagpahatid ng mga baso at yelo.
Pagkatapos, tubig naman dahil walang softdrinks.
Sumunod ay ash tray, prutas, tinapay, at kung anu-ano pa.
Awang-awa na si Rana sa ina ngunit ayaw naman siya nitong payagan na maghatid ng paruo’t parito sa sala.
She was curious to know why the two young maids had scurried back earlier, looking pale and appalled.
“Manang,” tawag ng isang lalaki na may mahabang buhok at bulbos sa kanyang ina.
Sumungaw ang ulo nito sa pinto ng kusina.
“May dala kaming mga frozen meat and fish. Pakikuha n’yo na lang sa sasakyan namin.”
“A, e, oo, ser. Susunod na ako,” tugon naman ni Aling Narda. Tila pagud na pagod na.
“Inay, ako na lang ang kukuha sa labas,” Rana announced determinedly. “Dito na lang muna kayo. Baka kung map’ano pa kayo niyan.”
Sinipat siya ng lalaki bago tumango. “Okey, ikaw na lang. Tutulungan naman kita,” pagpayag nito.
“Kaya ko pa naman, anak,” protesta ni Aling Narda. There was distrust in the old woman’s tone.
“Sige na, Inay. Magpahinga muna kayo. Imando n’yo na lang kina Siling at Tonyang ang paghahanda ng lamesa para sa hapunan,” she insisted. Itinulak niya pabukas ang back door. “Dito na tayo dumaan.”
Panay ang sulyap sa kanya ng lalaki habang naglalakad sila sa hardin.
Papaliko sila sa kanto ng malaking bahay nang bigla siyang hawakan nito sa isang braso at isalyang pasandal sa magaspang na pader.
The narrow but strong body pressed against hers as she tried to struggle.
His thin mouth, still with traces of scarlet lipstick from his kissing partner’s red mouth, grinded onto her glued lips.
She tasted the foul smell of stale cigarette smoke and the reeking odor of booze. Muntik na siyang maduwal.
“Bastos!” hiyaw niya habang itinutulak ang butuhang dibdib ng tagabihag. “Walanghiya!” Sinampal pa niya ito sa pisngi kaya tuluyang nawalan ng balanse ang kalaban.
“Hey, Raffy! Ano ba ‘yan?” asked a shrill voice from an open window.
Nasa tapat na pala sila ng sala.
“Nothing, just a little tussle on the grass,” tugon ni Raffy habang nakatawa.
Hinihimas ng isang kamay nito ang namulang pisngi. But his small eyes were looking at her coldly.
Nangaligkig si Rana ngunit saglit lang ang epekto ng takot.
A girl like her who grew up in such a spartan place was tougher and stronger.
She stood up straight before she spoke.
“Tutoo bang may kukunin tayo sa sasakyan?” she asked coolly. “Kung wala, babalik na ako sa kusina.”
Nagpagpag ng puwitan ng pantalong maong ang lalaki bago dinukot sa bulsa ang susi at iniitsa sa kanya.
“O, hayan. Ikaw na lang mag-isa ang kumuha!” singhal nito bago tumalikod sa kanya at padaskol na lumakad.
“Napakabastos na lalaki,” bulong ni Rana sa sarili. Dinampot niya ang bungkos ng mga susi sa damuhan.
Parang bigla siyang nawalan ng gana.
The dinner that night was a moderate success, after pulling together a huge effort from the limited resources of the house’s help.
Kulang sila sa tao. Iyon ang unang konklusyon ni Rana.
Ang ikalawa ay tungkol sa kakulangan sa pagkain.
Tila nahulaan naman ni Andrei ang dilemma nilang mag-ina.
Nagtungo ito sa kusina upang personal na magpasalamat sa kanilang lahat.
His praises were met with tired smiles.
Ang tanging tugon naman niya ay isang matipid na tango lang.
Kumunot ang noo ni Andrei. He did not like her lukewarm response.
“Aling Narda, gusto ko kayong makausap,” he said in an authoritative voice. “At pati ikaw, Rana.”
“H-ha, e, saan n’yo kami gustong makausap, Senyorito?”
Nakatutok na naman sa dalaga ang matiim na titig ni Andrei.
“Sa musicroom ni Mama.”
Hindi naikubli ng matandang babae ang panghihilakbot.
“Hindi puwede d’on? Bakit?” pang-uusig ng lalaki.
Rana rescued her mother from explaining.
“Nakalimutan n’yo na bang ipinasara ng Papa n’yo ang silid na iyon, Senyorito?”
Nabura ang madilim na ekspresyon ng lalaki.
“Gan’on ba? Saan ba puwede?”
“Uhm, kung gusto n’yo, sa — sa library,” suhestiyon ni Aling Narda.
“Okey. Siyanga pala — ” Nauntol ang ibang sasabihin nito nang may marinig silang matitinis na sigaw at malalakas na tawanan na nagmumula sa kumedor.
Her distaste was clearly visible on her face when Andrei threw her a quick glance.
His narrowed gaze was suddenly laced with something like irritation and displeasure.
“Pasensiya na kayo sa mga kasama ko. Masyado lang silang, a, masayahin.” The apology sounded forced and stilted.
Hindi nagpakita ng reaksyon si Rana samantalang ang kanyang ina ay namilipit sa pagkapahiya gayong hindi naman ito ang dapat na mapahiya.
“Mauuna na ako sa inyo. Hihintayin ko kayo sa library.”
Saka lang uli nakakilos ang kanyang ina nang mawala na sa paningin ang matangkad na hugis ng amo.