The Unexpected Lover-16

Professionalism. Ganito ang palaging idinidikdik ng mga propesor nila sa eskuwela.

Ipinagbukas sila ng pinto ng tsuper pero hindi sinundan sa loob ng bahay-kainan. Magalang na tumanggi nang ayain ni Marco.

Pagdating sa mesa, dalawang weyter agad ang maliksing lumapit upang kunin ang kanilang mga order. Hinayaan niya sa lalaki ang pag-order.

Sandali lang silang naghintay. Pagkatapos ihain ang mga pagkain, iniwanan sila para magkaroon ng privacy.

“Ilan kayong magkakapatid, Laurie?”

Nagtanong si Marco nung matapos lagyan ng kanin ang mga pinggan nila. Pa-kaswal ang tono. Para bang kusa lang na numulas sa bibig nito ang tanong.

Pero hindi naniniwala si Laurie. Alam niyang may direksyon ang inumpisahan nitong paksa.

Gayunpaman, kailangan niyang sumagot.

“Uh, l-lima kaming lahat. Ako ang panganay. Ang bunso ay limang taon lang.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – THE UNEXPECTED LOVER…? Click Here!]

Dinampot ni Marco ang mangkok ng menudo at inilapit sa kanya. Nang hindi siya nakakilos agad, ito na rin ang naglagay ng ulam sa pinggan niya.

“Nag-aaral ba kayong lahat?”

“Oo, maliban sa bunso. Third year college ako sa Commerce. Dalawa sa highschool at isang elementary.”

Tumangu-tango ang lalaki. Chop suey naman ang sinandok para sa kanilang dalawa.

“Tutoo bang bago ka lang sa klab na ‘yon?”

Kumuyom ang mga palad ni Laurie. Hindi niya inalintana ang kirot na idinulot ng mga kukong bumabaon sa balat. Ang buong atensiyon niya ay nakatutok sa lalaking nasa kanyang harapan.

“T-tutoo,” sambit niya. Nanginginig ang tinig. Aywan kung ano ang dapat ikatakot. “B-bakit ka nagtatanong ng ganyan, Marco?”

Muli, sinuri na naman siya ng mga mata nito.

“Gusto kitang makilala nang husto,” wika nito matapos ang ilang mahahabang sandali ng pagpipigil-hininga.

“B-bakit?”

Nagbaba ng tingin ang lalaki. Pinanood ang nilalaru-larong tinidor na pilak.

“Gusto kita, Laurie,” sambit nito. Seryosong-seryoso. “Gusto kitang ibahay,” dugtong nito, sabay kibit ng isang balikat.

Siya na ang nagpatuloy sa ibinitin nito. “Pero hindi mo gusto ang pagkatao ko, hindi ba?”

Nang hindi sumagot ang lalaki, parang tinarak ng balaraw ang dibdib niya.

Tuluyang nasira ang gabing iyon nang hilingin ni Marco na magpunta sila sa tinitirhan nina Laurie, matapos ang tamilmil na pagsasalo nila sa masarap na hapunan.

Hinayang na hinayang siya sa masasayang na mga pagkain kaya kahit na nahihiya ay hiniling niyang ipabalot na lang ang mga natira. Mas importante ang mga kapatid niya kaysa sa kanyang kahihiyan.

Mabilis ang pagpayag ng lalaki pero may kondisyon pala.

“Ihahatid na natin ang mga ‘yan sa inyo ngayon,” wika nito.

Mabilis rin ang naging pagtanggi niya. Walang gatol ang pagtutol na lumabas sa bibig.

“Hindi,” tutol ni Laurie, sabay iling.

Ano’ng iisipin ni Junior? Paano niya ipapaliwanag ang presensiya ni Marco? Magdududa na naman ang kapatid niya. Mawawalan na ito ng pagtitiwala sa kanya. Pati paggalang na siguro.

Kapag nagkagayon. maliligaw na ito ng landas.

“I’m sorry, Marco,” pahayag niya, halos pabulong. Gusto niyang palisin ang panlalamig ng lalaki sa kanya pero hindi niya alam kung paano.

Maikli ang tango ng lalaki. Pati ang tono.

“Ilagay na lang muna sa ice box ng kotse ang mga ‘yan.” Ang tinukoy ay ang mga supot na iniabot ng weyter bago sila umalis.

Yumuko siya at napa-buntonghininga.

“Maraming salamat,” aniya nang nakasakay na uli sila. Hindi siya pinansin ng lalaki.

Naghari na naman ang katahimikan habang tumatakbo ang sasakyan. Ilang na ilang si Laurie pero wala siyang magawa.

Sinubukan niyang pagaanin ang atmospera.

“Uh, kumusta nga pala si Mr. Rodriguez?” tanong niya. Hesitante ang mahinang tinig. Inaasahang i-ignorahin na naman ni Marco.

“Nasa bahay siya ngayon. Naghihintay sa pagdating natin.”

Luminga sa labas ng bintana si Laurie. HIndi patungo sa lugar ng lalaki ang direksyong tinutugma nila.

“Er, saan tayo pupunta?”

“Malalaman mo kapag nandoon na tayo.”

Sumuko na siya pagkatapos niyon. Hindi na uli siya nagtanong.

Hindi na rin sumulyap man lang sa gawi ng lalaki. Ilang pulgada lamang ang layo nila sa isa’t isa ngunit parang milya-milya na sa pakiramdam niya.

Isang mumurahing motel ang biglang nilikuan ng sinasakyan nila. Nanlamig si Laurie pero sinarili lang ang takot na nadarama.

Nanginginig siya nang umibis matapos buksan ni Marco ang pinto sa dako niya.

Hawak siya nito sa isang braso habang pumipirma sa logbook ng receptionist na walang hinto sa pagnguya ng bubblegum.

Halos kaladkarin siya ng lalaki patungo sa maliit na kuwartong inupahan sa susunod na tatlong oras. Hindi siya nanlalaban pero halos isalya siya na makitid na kama.

Nang mapaupo doon, hindi na siya tuminag. Pinanood niya ang padaskol na paghuhubad nito ng jacket na maong at ng puting kamiseta na hakab sa matipunong katawan.

Malamig ang eskpresyon ng lalaki habang nakatitig rin sa kanya. Itiniklop nito ang mga hinubad bago sinimulang kalasin ang buckle ng sinturon.

Maingat na ibinilot iyon at ipinatong sa mga nakatiklop na damit sa silya. Pagkatapos, ang pantalong maong naman. At ang pangwakas ay ang puting cotton briefs.

Sa bahaging iyon ng striptease, umiwas ng tingin si Laurie. Hindi siya makapagsalita dahil napakalaki ng bikig na nakabara sa kanyang lalamunan.

Napapitlag siya nang pabagsak na naupo sa tabi niya ang lalaki.

“Ikaw naman,” anito. “Gawin mo ang ginawa ko.”

“M-marco — ” Sinambitla ng mahahabang daliri ang beywang niya at pinuwersa siyang tumayo.

“Kustomer ako,” pakli nito. “Gagawin mo ang lahat ng gusto ko. Maghubad ka sa harapan ko — ngayon.”

Naninigas ang mga daliri niya nang tumalima. Ilang beses na tinangkang alisin sa pagkakabutones ang pantalon kaya tinulungan na ng nainip na lalaki. Ito na rin ang nagbaba ng zipper.

“Ituloy mo,” utos nito.

Inaasahan niya na mapapaiyak siya ngunit tuyung-tuyo ang mga mata niya. Parang sasabog na ang dibdib niya pero walang makahulagpos sa mga hikbing naiipon doon.

Ang sumunod na inalis niya ay ang blusa. Itiniklop rin niya iyon. Kahit na hindi siya tumitingin sa lalaki, ramdam na ramdam niya ang pagtitig nito sa buong katawan niya.

Para bang wala na sa paningin nito ang manipis na kamison at panty. Paano’y magdamag siyang walang saplot nung magkasama sila.

THE UNEXPECTED LOVER-17

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age