To Marry His Mistress-18

Nagpatianod si Leona nang aluking magpahinga ni Ruan.

Naupo sila sa bar stools matapos ang tatlong sunud-sunod na sayaw. Tinanggap ang iniabot ng babae ang kopita ng ladies drink na inabot niya habang nagmamasid sa paligid.

Kanina pa niya napuna na umiiwas na tumingin nang diretso sa kanya ang babae ngunit hinayaan lang niya ito.

Tutuparin niya ang ipinangako niya na hindi siya mamumuwersa — kahit na mamilipit siya sa sakit!

“Shall we go home? Medyo inaantok ka na yata,” suhestiyon niya nang mapansin ang pamumungay ng mga mata ni Leona.

Ngumiti lang ang babae bago tumindig. Lumapit ito sa kanya at isiningkaw ang mga braso sa kanyang leeg.

“Dance with me, Ruan,” bulong nito.

Gusto na niyang sumiklab nang mga sandaling iyon ngunit nagtimpi siya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Leona upang idistansiya ito nang kaunti.

[Want to read the Start of Stories Online titled – TO MARRY HIS MISTRESS…? Click Here!]

“Umuwi na tayo, Leona,” ulit niya habang pinagbibigyan ang malambot na pag-imbay ng katawan nito na nakadaiti sa kanya. “Medyo nalasing ka sa ininom mo.”

“Isayaw mo ako, Ruan,” bulong uli nito habang lalong pinahihigpit ang pagkakayapos sa kanyang batok. “Isayaw mo na lang ako, kung hindi mo ako kayang mahalin…”

Napamaang si Ruan sa tinuran ng babae. “Hindi tutoo iyan, Leona,” tutol niya, paanas. Idinampi niya ang mainit na bibig sa gawi ng teynga nito. “Kayang-kaya kitang mahalin pero — ”

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil ibinaling ni Leona ang mukha upang magkatapat na ang kanilang mga labi.

Naparalisa ang buong katawan ni Ruan. Parang na-blangko siya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na dapat gawin…!

Sumungaw ang dulo ng dila ni Leona upang sundan nang dahan-dahan ang linya ng nakatikom na bibig ni Ruan.

Napaungol siya. Napapikit siya nang mariin bago muling nagmulat. Halos imposibleng gawin dahil sa sobrang pamimigat ng kanyang mga talukap.

“Leona,” protesta niya, ngunit agad ring nawala ang idudugtong nang magsimulang bumuka ang bibig nito upang gawaran ng mamasa-masang halik ang pulsong nasa gilid ng panga niya. Pinagapang ang basang init hanggang sa kanyang leeg, patungo sa kanyang tenga.

Nangangatog ang mga tuhod ni Ruan kaya napilitan siyang sumandig sandali sa pinakamalapit na poste. Madilim sa bahaging ito ng hardin na ginawang lugar-sayawan.

Sumandig rin sa kanya ang babae. Ginawa siyang bihag ng kalambutan nito.

“Love me, Ruan,” bulong ni Leona habang ginagalugad ng malasutlang init ang sensitibong bahagi ng kanyang leeg, papababa sa matipunong dibdib na nalalatagan ng manipis na balahibong medyo kulot.

“N-not here, Leona,” bulong niya, halos padaing. “For God’s sake! Leona — ”

Iniiwas niya ang kanyang bibig nang tangkaing hagkan ni Leona kaya muling naglayag pababa ang mga halik.

Hanggang sa matagpuan ang munting buton ng kanyang sensuwalidad. Para siyang sumabog at nabuong muli habang sinasakop ng mga labing mapaglaro ang sensitibong sentro ng mga sensasyon.

Napaungol na lang siya habang nagpapaubaya sa agos ng agresibong sumpong ng kaniig. Ngayon lang siya ginawan ng ganito ni Leona. Palagi lang itong nakasunod sa bawat gustuhin niya noon. Nasa kanya ang simula sa tuwing magniniig sila…

Nakakuha siya ng kaunting kontrol nang sumagi sa kanyang isip ang lalaking nagturo nang ganito kay Leona. Napuno ng selos ang kanyang kalooban kaya nagawa niyang ilayo ang mapanuksong init ng babae sa kanya.

“G-gumagabi na, Leona. Umuwi na tayo,” pahayag niya habang maliksing humahakbang patungo sa pinto. Kailangang pumasok uli sa loob ng restawran para makalabas sa kalsada.

Animo isang pugita ang babae na tinubuan ng napakaraming kamay nang sakay na sila ng kotse. Naging abala si Ruan sa pag-aalis at pagkakalas ng mga braso ni Leona sa kanya habang nagmamaneho siya.

“Leona, please! Baka mabangga tayo,” pakiusap niya nang maramdaman niyang nawawalan na ng minor ang sasakyan. Butil-butil ang pawis na gumigiti sa kanyang noo at leeg.

Kung ibang babae marahil ang kasama niya nang mga sandaling iyon, puwede niyang iliko sa madilim na parte ng highway ang sasakyan upang angkinin ang iniluluhog na kariktan sa kanyang harapan.

O kung ang dating Ruan Barrientos, bawi ng munting tinig sa likod ng isipan niya. Ni hindi na nga siya makatingin sa ibang babae ngayon.

Laking pasalamat niya nang matanaw na niya ang otel na tinutuluyan nila. Halos paliparin na niya ang kotse upang madaling marating ang mababang gusali.

Walang katau-tao sa paligid nang pumasok sila sa bukas na lobby. Nakaligpit ang mga gamit sa information desk kaya naka-off na ang nakabantay doon.
Mayroong tumahol na aso sa di-kalayuan ngunit hindi pa rin nabasag ang makapal na katahimikang nakabalot sa kanila ni Leona.

Muli, pahila halos niyang inakay papasok sa otel ang babae.

Tinapik niya ang munting kampanilya upang ipahiwatig
ang pagpasok nila sa landlady na alam niyang nakikiramdam lang.

“Leona, maglakad ka nang maayos,” utos niya nang nais na naman nitong pumulupot sa kanya. “For chrissake — !”

Napabulalas siya nang pabulong dahil huminto na sa paglakad ang babae. Humarang na ito sa daraanan nila at yumapos na nang husto sa kanya.

Kahit na anong gawin niya, hindi niya makalas ang pagkakabuhol ng mga daliri nito sa likuran niya.

“Leona — ” anas niya.

Hindi na siya pinayagang makapagsalita si Leona. Sinalo ng mabango at malambot na bibig nito ang anumang sasabihin sana niya.

Tuluyan nang nagpatangay sa umaalimpuyong uli-uli ng mga sensasyon ang katinuan ni Ruan. Kailanman ay hindi siya nag-ambisyon na maging santo o anghel. Nagtangka siya at nagpumilit ngunit wala siyang proteksiyon sa magnetismo ni Leona…

Pinangko niya ang babae at dinala sa kanyang silid. Nanumbalik ang kalma at lakas sa kanyang kabuuan nang matanggap niya ang kanyang pagkatao at pagsuko sa babae.

“Sana ay huwag mong pagsisihan ang lahat, Leona,” anas niya habang binibigyang laya na ang kinimkim na damdamin.

“Hindi, Ruan, hindi,” bulong ni Leona habang iniaalay nang buong pagsuyo ang sarili.

Halos hindi namalayan nang mag-alis ito ng saplot sa katawan. Maging nang pati siya ay hubaran na din. Para bang isang panaginip lang ang nagaganap kay Ruan nang mga sandaling iyon.

“Ayaw ko nang magising kang ito ay isang panaginip lang, mahal ko,” sambit niya habang kinukumutan ng sarili ang kahubdan na nakalatag sa kanyang higaan.

TO MARRY HIS MISTRESS-19

Comments are closed.