To Marry His Mistress-19

Hinapit ng mga daliring sumabunot sa buhok ang kanyang ulo upang magkalapit na ang kanilang mga labi.

“Sssh,” awat ng babae nang magtangka pa siyang magsalita uli. “Mahalin mo ako, kahit ngayon lang, Ruan. Ibigin mo ako, kahit na sandali lang.”

Mula pa sa kaibuturan ni Leona ang mga katagang iyon. Paano magagawang tanggihan at biguin ni Ruan ang kahilingan nito?

Hinila niya ang unan mula sa ilalim ng ulo nito at inilaglag sa sahig. Ginagap niya ang mga kamay nito upang maipadama ang buong init ng kanyang pagnanasang magbigay at magpaubaya…

Halos maglagablab na ang palibot ng silid na iyon sa pakiramdam ni Ruan. Humulagpos nang lahat ang mga nadarama niya para sa babae. Wala na siyang kayang itago pa.

Inibig niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga labi, mga palad, at ng kanyang buong katawan. Hindi siya ang umangkin nang gabing iyon. Sa unang pagkakataon, siya ang inangkin.

Halos mapugto ang kanyang paghinga nang sumama siyang nagpatihulog sa di-nakikitang bangin ngunit ang nangyari ay ang pagbulusok nilang dalawa ni Leona papaitaas. Patungo sa mga bituin sa kalangitan.

[Want to read the Start of Stories Online titled – TO MARRY HIS MISTRESS…? Click Here!]

Oh, Leona, I love you! hiyaw ng kanyang puso at isipan ni Ruan habang sumisibat ang kamalayan sa palibot ng kalawakan. Pinakaiibig kita, Leona!

Kinaumagahan, nagising siya na wala na tabi niya ang babae.

Hinintay ni Lionessa na manumbalik ang normalidad sa paghinga ni Ruan bago siya nagtangkang bumangon.

Ngayong napaalpas na niya ang matinding tensiyon ng lalaki, parang nakabawas na siya sa kanyang pagkakautang dito.

Marahan niyang inilayo ang sarili mula sa init ng lalaking nahihimbing na. Dakong madaling-araw na iyon.

Parang ayaw na niyang umalis sa tabi Ruan ngunit masyadong delingkuwente ang sitwasyon nilang dalawa.

Madalas niyang maitanong sa kanyang sarili nung mga unang buwan na pag-iwan niya kay Ruan kung ano ang naging pagkakamali sa panig niya at nagsawa agad ang lalaki sa kanya. Kung bakit hindi na ito madalas umuwi noon…

Naisip niyang baka masyado siyang naging malapit at madikit. Baka nasakal si Ruan sa kanya. Nasikipan kaya naghanap ng ibang pugad. Ng ispasyo.

Hindi na niya uulitin ang pagkakamaling iyon. Nananatiling malaya ang lalaki sa relasyon nila ngayon.

Hindi na siya magiging mapaghanap. Hindi na siya maninibugho.

Mahirap, at parang imposibleng mangyari, pero pipilitin niyang huwag makaramdam ng selos kapag may kausap na ibang babae si Ruan. Noon kasi, mapasulyap lang ito sa iba ay nagagalit na siya.

Pero hindi na ngayon.

Matupad ko po sana ang pangako ko, ang taimtim na usal ni Leona sa sarili.

Namaluktot siya sa sariling higaan matapos magtalukbong ng kumot. Hinahanap-hanap agad ng katawan niya ang init ng mga bisig ni Ruan!

Nakatulog siya nang mangibabaw ang pagod. Bahagya pa siyang napangiti nang maalala ang halos walang kapagurang mangingibig. Hindi lang si Ruan ang lumigaya, pati siya, nang ilang ulit nilang sukatin ang itaas at lawak ng langit.

Nagulat pa siya nang may humablot sa kanyang kumot. Muntik na siyang mapasigaw kung hindi niya agad nabuglawan si Ruan.

Isang galit na galit na Ruan ang nakatayo sa tabi ng kama niya at nakatunghay sa kanya.

“Ano’ng ibig sabihin ng nangyari kagabi, Leona?” angil nito.

Dali-daling bumangon si Lionessa. Hintakot na nahawakan ang unan na kayakap palagi upang itabing sa kanyang kabuuan habang sumisiksik siya sa sulok.

“Ano, Leona?” ulit nito habang lumuluhod sa ibabaw ng kama uang makalapit sa kanya.

“Pinaglaruan mo lang ba ako? Pinatunayan mong lalaki lang ako at mahina sa tawag ng tukso?” Pabulong na ang mga sumunod na katanungan ni Ruan ngunit puno pa rin ng galit. Na tila may halong hinanakit.

“H-hindi, Ruan,” tugon niya nang mabakas ang paghihinampo sa ilalim ng galit na ekspresyon.

“Pinagsisisihan mo siguro ang mga nangyari?” pananalakab nito. Unti-unting nababawasan ang tigas sa anyo habang nababasa ang pangamba sa kanyang mukha.

Walang maitugon si Leona. Nagsisisi ba siya? tanong niya sa kanyang sarili. Dapat bang pagsisihan ang isang karanasan na ubod ng ganda?

Umiling siya. “Hindi, kailanman,” bulong niya. Nakatitig siya nang diretso. “Kung puwede pang maulit, ganoon uli ang ibig kong maranasan, Ruan,” dugtong niya upang makumbinsi ang lalaki.

Napapikit si Ruan. Napa-buntong-hininga bago yumuko upang masahehin ng isang kamay ang matipunong batok.

“I’m sorry, Leona. N-nabigla lang ako nang makita kong wala ka sa tabi ko kanina. Ang akala ko’y — ” Hindi na naituloy ni Ruan ang sasabihin ngunit kayang hulaan ni Leona ang karugtong ng pangungusap na puno ng pag-aalinlangan.

“Akala mo’y umalis na naman ako?” untag niya. “At muling nagpakalayu-layo?”

Sumulyap sa kanya ang lalaki bago tumango ng isa. Papiksi itong tumalikod sa kanya upang tumayo at makalayo na sa kama.

Pinigil lang niya. “S-sandali lang, Ruan,” pakiusap niya sa likod nito. Nag-igtingan ang mga siksik na kalamnan, tanda ng pagtutol ng kalooban sa ginawang paghinto at paghihintay sa sasabihin niya.

“Ayaw kong masakal ka sa relasyong ito,” pahayag niya sa banayad na tinig.” Ayaw kong masikipan ka.”

Marahang luminga sa kanya ang lalaki. Nabakas niya ang panggigipuspos sa mukha nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

May nagpapahiwatig kay Leona na nasaktan niya nang labis si Ruan. Ngunit hindi niya alam kung paano at kung bakit.

Inut-inot siyang naghanda sa pagpunta sa ospital. Naligo siya at nagbihis. Habang pinupunasan niya ng tuwalya ang kanyang kabuuan, hindi siya tumitingin sa kanyang repleksiyon dahil iniiwasan niyang makita ang maraming marka na inilagay ni Ruan sa maraming bahagi ng kanyang katawan.

Sinasadya man o hindi, nanlalambot siya kapag naaalala niya ang tagpong lumikha ng bawat love marks…

Nang lumabas siya sa kuwarto niya, napahinto siya sa tapat ng pinto ni Ruan. Saglit siyang nakiramdam. Nais sana niyang kumatok upang ayain na itong mag-almusal ngunit nagbago ang isip niya nang maisip na baka nagpapahinga pa ito.

Kaya nga gayon na lang ang pagkagulat niya nang matagpuan sa ospital si Ruan. Dinatnan niyang kausap nito ang bata.

Hindi sana mahahaluan ng pagtataka ang kasiyahan niya kung hindi niya napuna ang kawalan ng pormalidad sa mukha ni Ruan habang nakikipagkuwentuhan sa paslit.

Puwede na ngang masabi na magiliw na ang lalaki sa pasyente na dati-rati ay parang ibig iwasan.

TO MARRY HIS MISTRESS-20

Comments are closed.