Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

TO SEDUCE A WIFE

Ysrael collects rare jewels. Lorelei owns a priceless jewel. He wants both the jewel and the lady.

But the lady is a man hater and distrusted him very much.

With his charm and magnetism failing to get her attraction, he used the oldest trick to make her his wife. But she just hated him more…

Sa unang pagkakataon, isang babae ang bumihag sa atensiyon ni Ysrael. Ngunit sa malas naman, walang interes sa kanya ang mailap na dalaga.

Magtagumpay pa kaya siyang mapaibig si Lorelei matapos niyang puwersahing magpakasal sa kanya?

* * *

Puno ng mga panauhin ang malawak na bulwagan ng Ravago Castle, ang pamosong kastilyo na pag-aari ni Ysrael Ravago.

Na isa namang plamboyante at kilalang kulektor ng mga rare art items. Ng mga mamahaling antigo at sikat na alahas.

At ng mga babaeng magaganda at sosyal…

“Pare ko! Kumusta ka na?” ang eksaheradong bati ni Billie sabay tapik sa likod ng binata.

Abot-teynga ang pekeng ngiti nito, habang kinakarkula sa tingin ang presyo ng suot niyang London-made evening suit na kulay greyish white.

Harmless naman si Billie kahit na plastik at inggitero. Kaya palagi pa rin itong imbitado sa mga pagtitipon sa kastilyo niya.

Isa pa, kapag naging mapili siya, baka wala na siyang maging panauhin. Maraming ganitong klase ng tao sa alta sosyedad na kinabibilangan niya.

“I’m fine,” tugon niya kay Billie bago sumimsim mula sa hawak na babasaging kopita.

Siya lang ang nakakaalam na mineral water lamang ang iniinom niya.

“No, you’re not,” kontra ng kaharap. “You look bored, pare ko.”

Kumurba pataas ang isang makapal na kilay. “Do I?”

Tumango si Billie. “Siguro, naghahanap ka na naman ng panibagong excitement, ano?”

“Maybe,” pagkikibit-balikat niya.

Naglabas ng isang kahang sigarilyo at isang ginintuang lighter ang kausap. “Want one?” alok nito matapos isubo ang isang stick.

Umiling si Ysrael. “I don’t smoke,” wika niya.

“I envy you for having a smoke-free existence, pare ko!” panunuya ni Billie. Yumuko ito upang sindihan ang sigarilyo.

“If you really do, try it,” salo ni Ysrael. Banayad ang tono niya. Hindi mababakas ang pagkayamot na nadarama.

Tumawa nang malakas si Billie habang umiiling. “I’ll die if I don’t smoke.”

“You also die when you smoke.”

Tumawa lang uli ang kaharap. Nagmistula itong dragon nang sabay na lumabas ang usok sa dalawang butas ng ilong at sa bibig.

“Balik tayo sa excitement ng buhay mo, pare ko,” bawi nito. “Wala ka na bang mabiling alahas o antigo?”

“Hindi pa ako naghahanap sa ngayon,” tugon niya. Iginagala niya ang paningin sa paligid para hindi siya mabagot.

Nagtitiyaga siyang makipag-usap kay Billie Lozano dahil marami-rami din naman itong nalalaman tungkol sa hobby niya.

Kusang huminto ang mga mata ni Ysrael sa isang babaeng nakatayong mag-isa sa tapat ng higanteng flower arrangement.

Nakasuot ng puting gown ang babae. Simple pero elegante ang tabas ng mamahaling tela. Madulas at manipis iyon kaya nakahakab sa magandang hubog ng katawan.

Hanggang beywang ang mahaba at alun-alon na buhok. Nakatali sa likod at ang tanging palamuti ay mga mumunting ipit na yari sa ginto at brilyante. Kaya nagmistulang mabituing langit ang mga itimang hibla.

Di-pangkaraniwan ang tangkad nito. Pino ang pagkilos pero may direksiyon ang bawa’t galaw.

‘Humarap ka sa akin, maladiyosang nilalang!’ utos ng utak ni Ysrael.

Tila narinig ng babae ang utos na ibinulong ng utak niya.

Dahan-dahang humarap ang dalaga sa gawi niya. Hinanap siya ng mga matang malalaki at medyo bilugan.

Minasdan nila ang isa’t isa.

Matangos ang ilong. Makipot ang bibig. Klasiko ang hubog ng mga pisngi at baba. Makinis ang mamula-mulang balat.

‘Sino ka?’ tanong niya sa sarili.

“Ha! ha! I bet, magiging interesado ka sa impormasyong ito,” patuloy ni Billie. Wala itong malay na lumilipad na ang atensiyon ng kausap. “Alam ko na kung sino ang may-ari ng Sea Rose Jewels, pare ko!”

Bahagya na lang pumasok sa kamalayan ni Ysrael ang sinasabi ni Billie. “Really?”

“At huwag mong sasabihin sa akin na tsismis lang `tong alam ko,” dagdag pa nito.

Tumalikod ang babae nang hindi matagalan ang masidhing pagtitig ni Ysrael. Nawala agad ito sa pagitan ng makakapal na mga halamang palamuti sa palibot.

“Susundan ko siya,” bulong ni Ysrael, halos wala sa loob. “Kailangang makilala ko siya!”

“Hey! Hindi ka na ba interesado sa Sea Rose Jewels?” Tinangka siyang pigilan ni Billie.

“Saka na lang tayo mag-usap tungkol diyan, Bill,” wika niya habang maliksing humahakbang ang mga paa.

“Weird ka talaga, Ravago!”

Hindi niya pinansin ang yamot na pahabol ni Billie sa kanya.

Nakatutok ang isipan niya sa babaeng ngayon lang nakita.

Tiyak na matatandaan niya ang klasikal na kariktan kahit na saan pa niya ito nakilala noon.

Ngunit naharang siya ng punong katiwala.

“Senyorito Ysrael, dumating na ang inyong nobya,” pahayag nito.

“Nobya?” ulit niya. “Wala na ako’ng — Sino raw siya?”

“Si Miss Odessa po, senyorito.”

“Si Odessa? Nandito siya ngayon?” paniniguro niya.

Naalala niya ang batam-batang modelo na may mataas na ambisyon. Nakilala niya ito sa isang charity fashion show, na dinaluhan niya nung isang linggo.

Yumukod ang tapat na empleyado bago tumango. “Kararating lamang ng kanyang sasakyan.”

“At nagpakilala siyang nobya ko raw siya?” Naging arogante na ang tono ni Ysrael. Lumalabas na ang dugong-Kastila na nananalaytay sa mga ugat niya.

“Opo, senyorito.” Blangko pa rin ang ekspresyon ng kaharap ngunit nasa tono na nito ang hesitasyon.

“Puwes, sabihin mo sa adelantadang babae na hindi ko siya kailanman niligawan. At hindi rin siya imbitado! Pauwiin mo na siya, Dionisio!” utos niya sa malamig na tono.

“Masusunod, senyorito.” Yumukod uli ang tauhan bago tumalikod.

Ganoon lang ka-kaswal ang pagtingin niya sa mga babae. Hindi niya gaanong binibigyan ng halaga ang damdamin ng mga ito dahil kabisado na niya kung paano alisin ang gaano man kalaking hinampo.

Alam niyang pera lang ang habol ng mga ito sa kanya.

Itinuloy ni Ysrael ang pagsunod sa babaeng ‘diyosa’.

Ang tutoo, si Odessa sana ang babaeng isisiping niya habang nagbabakasyon siya sa kanyang isla.

Ngunit naagaw ng misteryosang babae ang kanyang pansin.

Don’t worry, Odessa. I’ll send you a box of trinkets, bulong niya sa sarili upang hindi na siya usigin ng konsensiya. Hindi masasayang ang pagod mo sa pagpunta dito.

“Good evening, Mr. Ravago,” bati ng mga bisitang nadadaanan niya.

“Good evening, good evening,” sambit niya. Panay ang ngiti at tango niya kahit na hindi natitingnan nang diretso ang mga taong bumabati. Palinga-linga siya sa paligid.

“May hinahanap kayo, Mr. Ravago?” tanong ng isang lalaking pamilyar sa kanya ang mukha ngunit hindi naman niya kilala nang personal. “By the way, I’m Roger Malvar. Papa ko ang isa sa mga kasosyo mo sa negosyo.”

“I’m glad to meet you, Roger,” wika niya. Kinamayan niya ito habang sinusuyod ng tingin ang palibot. “Napansin mo bang dumaan dito ang isang babaeng nakaputing gown?”

“Yes, Mr. Ravago,” ang maagap na tugon ng isa sa mga lalaking kaumpok ni Roger Malvar. “Doon siya nagpunta.”

Ang courtyard ang gawing itinuro nito.

“Salamat,” sambit ni Ysrael bago maliksing humakbang patungo sa arkong pintuan. Nahuhulaan na niya kung saan matatagpuan ang babae.

Namataan niya ang puting hugis sa tabi ng fountain basin na napapalibutan ng fishpond sa paanan.

Ang tanging liwanag sa gawing iyon ng walled garden ay ang mga bumbilyang nakakabit sa mga suluk-sulok at ang mala-usok na sinag ng buwan sa langit.

Hindi narinig ng babae ang mga yabag ni Ysrael sa damuhan dahil maingay ang lagaslas ng tubig. Nakalapit siya nang di namamalayan.

“Miss?”

Napapitlag ang babae. “Huh! Ginulat mo ako!” bulalas nito.

“I’m sorry,” ang nakangiting sambit niya. “Sinundan kita rito dahil gusto kitang makilala.”

Dahan-dahang bumaba ang kamay nito na sumapo sa dibdib kaninang nagulat sa kanya. Itinaas nito ang noo bago nagsalita.

“A-ang pangalan ko ay Lorelei Cortez.”

“Lorelie Cortez,” ulit ni Ysrael. Para bang ninanamnam niya ang pangalan ng babae. At ni hindi pumasok sa isip na baka hindi rin ito imbitado.

“Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa ‘yo,” papuri niya, sabay ngiti nang buong init.

Iyon ang paboritong linya ng pagdiga niya sa isang babae.

Ngunit tila manhid ang isang ito.

Dahil ang reaksiyon na inaasahan niya ay hindi dumating. Nanatiling blangko ang magandang mukha.
Tumikhim si Ysrael upang ikubli ang bahagyang pagkapahiya.

“What do you do, Lorelei?” tanong niya matapos itong sipatin.

Diretso tumingin ang babae. Kaya lalo pang humanga ang binata.

“Isa akong aromatherapist,” ang pormal na tugon ni Lorelei. Natural ang malamyos at medyo paos na boses. Hindi pinag-aralan para makapang-akit.

“Aromatherapist!” sambit ni Ysrael. “You work with perfumes?”

“Yes,” ang maikling tugon ng dalaga.

“I think I’ve heard of you, Lorelei. Are you the one who creates signature perfumes for the rich and the famous? Parfum by Lorelei?”

“Yes, I am.” Walang halong pagyayabang ang tono ng babae.

Sinamantala niya ang pagkakataon. Hinawakan niya ang isang kamay ni Lorelei at hinagkan ang malambot na palad, bago pa ito nakahuma.

Alam niyang may kiliti ang mga babae doon.

At hindi naman pala naiiba nang husto si Lorelei. Naramdaman niya ang pagpitlag nito bago binawi ang kamay na binihag niya.

Isang marahang ngiti ang sumilay sa bibig ni Ysrael. Alam niyang naapektuhan ito ng munting halik.

“Puwede ba akong maging isa sa mga kliyente mo, Lorelei?” hiling niya, paanas.

Umatras ang babae nang mapagtantong papalapit na ang kanyang mukha rito.

Hindi yata patag ang natapakan ng isang paa, kaya muntik nang mawalan ng balanse.

Na sinamantala na naman ni Ysrael. Mabilis siyang sumaklolo. Nayapos agad ng mga bisig niya ang malambot na katawan ni Lorelei.

“Ay!” bulalas nito. Napadaklot pa nga ang mga kamay sa harapan ng kanyang blazer.

Gusto niya ang taas ng babae. Tamang-tama lang. Hindi mangangawit ang kanyang batok kahit na halikan niya ito nang matagal…

“Gotcha, Lorelei,” bulong niya.

“P-puwede mo na akong bitiwan,” anito. “Hindi na ako matutumba.”

“I’m afraid, I can’t,” tutol ni Ysrael. “I want a reward kiss.”

“No — ”

Hindi na niya pinatapos ang pagtanggi ng dalaga.

Agad niyang kinuyumos ng halik ang mga labing tila talulot ng bulaklak sa lambot. Tinikman niya at nilasap ang matamis na nektar doon.

Paulit-ulit.

Hanggang sa maramdaman niyang mapupugto na ang paghinga nilang dalawa.

Nakapikit ang babae habang naghahabol ng hininga.

Bahagyang nakaawang ang bibig na para bang nag-aanyaya…

At siya ay isang lalaking hindi tumatanggi sa kaway ng tukso.

“You’re sweet!” anas niya bago muling inangkin ang matamis na kalambutan.

Umungol si Lorelei. Tumatanggi ngunit hindi magawang kumawala.

Umungol uli ito nang kagat-kagatin niya ang ibabang labi nang buong pagsuyo.

“Mmmph!” protesta nito habang itinutulak ng mga palad ang kanyang dibdib.

Ilang ulit pa niyang ginawa ang erotikong ritwal. Nang matupok na ang pagtutol ng kaniig, saka lang niya ipinasok ang dila sa loob ng bibig nito upang lalo pang palalimin ang maalab na halik.

Mas mapusok na ngayon ang bawa’t malikot na hagod. Hindi na siya nagtitimpi.

Eksperto siya sa pagpapaalab ng isang anak ni Eba. Alam niya ang mga dapat gawin upang maglagablab ang pagnanasa sa bawa’t himaymay ng laman.

Pinisil muna ng mga daliri ang bilugang bahagi ng balakang bago sinapo upang hapitin palapit at igiyagis sa kanyang harapan.

Tumiklop ang mga tuhod ng katalik dahil sa tindi ng mga sensasyon.

Maagap na sumuporta sa likod ng katalik ang braso niya.

“Oh, God! Please, stop!” pakiusap nito nang pagbigyan niya uli itong makahinga.

“You don’t mean that, Lorelei,” bulong niya. Pinagaspang ng masidhing pagnanasa ang kanyang boses.

Pinagapang niya ang nagbabagang bibig sa malasutlang kinis ng leeg at balikat at dibdib.

Hinila ng mga daliri niya ang makikitid na tirante para lumawak ang teritoryong sinasakop niya.

“You want me as much as I want you!” dugtong pa niya.

Sinakop ng mga labi at hinaplos ng dila ang munting korona.

Napaliyad at nanginig ang balingkinitang katawan. Para bang dinaluyan ng kuryente.

“No!” sigaw nito, ngunit paus na paos at nanginginig rin ang boses. “No, no, no!”

Nakabawi ng lakas ang babae. Nagpumiglas ito. Binayo siya ng maliliit na kamao sa dibdib at mga balikat nang ayaw niya itong pakawalan.

“Bitiwan mo ako!”

“I won’t let you go,” pahayag niya, “unless we’re inside my bedroom. Come with me upstairs, my little goddess. I want to make love to you properly.”

“Y-your bedroom?” bulalas na naman ni Lorelei. “Are you a lunatic? You expect me to go to your bedroom — When I don’t even know you?”

Tumawa si Ysrael. “Pardon me, milady,” bawi niya. “I am Ysrael Ravago, at your service.”

“I-ikaw si — ang may-ari ng kastilyong ito?” Nanlalaki ang mabibilog na mga mata ni Lorelei habang nakatitig sa kanya.

Tumango ang binata. Ipinagmamalaki niya ang matayog na simbolo ng kayamanan at kapangyarihan ng kanyang angkan.

“I’ll show you the whole castle, if you want — but not tonight,” anas niya habang hinihigpitan ng mga bisig ang pagkakayapos dito. “I intend to make love with you till morning!”

Iniiwas ni Lorelei ang bibig nang akmang hahagkan niya. “Let me go, you crazy man!” utos nito, pagigil.

“I like your style, Lorelei,” pakli niya, nakatawa pa rin. “But don’t overplay the hard-to-get role. I’m easily bored.”

Muling nagpipiglas ang babae. “Damn you! Pakawalan mo ako!” Nagkaroon na ng lakas ang boses nito. “Hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo, Ysrael Ravago!”

Parang sinampal ang pakiramdam ni Ysrael. Nag-init ang mukha at leeg niya. “What do you mean by that?”

Nangingislap sa galit ang mga mata ni Lorelei. Mas makislap pa ang mga iyon kaysa sa pinaka-perpektong brilyante na pag-aari niya.

“Hindi ako nagpunta rito para mabastos ng isang lalaking animal!” asik nito.

“Do not insult an aroused man. I might forget that I’m still a man — not an animal!” aniya, paangil.

“Patunayan mong hindi ka animal. Bitiwan mo ako!”

“There!” Halos pasalya niya itong inilayo.

Ngunit pahaklit na ibinalik uli sa mga bisig niya. Inulaol niya ng maririing halik sa bibig ang napasinghap na babae.

Wala na ang masuyo at mapanuksong ningas. Apoy na naglalagablab na ang ginamit niya para bumangon na ang natutulog na pagnanasa.

Napangiti siya nang marinig ang nabiglang pagsinghap nito. Ngunit sandali lang ang kasiyahan niya.
Kinagat ng babae ang ibabang labi niya. Mariin.

“Hayup!” singhal nito nang maikawala ang sarili mula sa mapagparusang halik.

“Ouch!” daing niya. Nalasahan niya ang sariling dugo.

Umigkas ang isang tuhod nito para sorpresahin siya. Mabuti na lang, maliksi siyang nakailag.

“Don’t ever think of doing it again!” asik niya habang isinasalya ito palayo. “Pagsisisihan mo kung nasaktan ako,” dagdag niya.

Hindi umimik ang babae. Nagdudumali itong nag-ayos ng sarili. Matigas ang hubog ng panga nito at matiim ang pagkakatikom ng bibig. Hindi tumitingin sa kanya.

Lalong sumidhi ang atraksiyon niya para dito.

“I really fancy you, Lorelei,” pahayag niya nang kontrolado na uli ang tinig.

“What do you want me to do? Are you fond of clothes, jewelries? I can give you anything you desire.” Malambing at mapanrahuyo ang tono ni Ysrael.

Kumunot ang noo ng dalaga. Pinukol siya ng matalim na sulyap.

“I want you to get out of my sight!” ang mariing tugon ni Lorelei.

“Ayoko ko sa lahat ang isang babaeng sobrang pakipot,” pagbabanta niya. Epektibo ang taktikang mapanggulat sa mga babaeng nagnanais na pahirapan siya nang husto. “Nawawala agad ang interes ko.”

“I don’t care!” singhal nito. “My God, you really have a nerve!”

“Hihintayin kita sa kuwarto ko mamayang gabi,” pang-aamuki niya. Malambing naman ang tono.

“Maghintay ka hanggang sa mamuti ang mga mata mo!”

“Saan ka pupunta?” tanong niya nang lumalakad na ito palayo sa kanya.

“Uuwi na ako!” tugon nito ngunit hindi na luminga.

Naningkit ang mga mata ni Ysrael. Kakaiba sa lahat ang isang ito! bulong niya sa sarili.

“Hindi ka makakauwi hanggang hindi ko sinasabi, Lorelei!” pahabol niya. “Walang tauhan dito sa kastilyo ang maglalakas-loob na ihatid ka pauwi!”

Ngunit hindi na siya sinagot ng babae. Tuluy-tuloy itong lumayo hanggang sa maglaho sa madilim na bahagi ng hardin.

Malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib ni Ysrael ngunit may kahalo nang pagngingitngit.

Kailanman, hindi pa niya kinailangang magtimpi sa pangangailangan ng katawan. Palagi siyang napapagbigyan ng sinumang babae na gustuhin niya.

‘Alam kong nagpapakipot ka lang, Lorelei Cortez!’ bulong niya sa sarili. ‘Hihintayin kita sa silid ko mamayang gabi!’

Pinilit niyang lunukin ang frustration na nadarama. Minabuti niyang bumalik sa bulwagan para makalimutan ang rejection ni Lorelei. Sigurado siyang gusto lang magpasuyo ng babae.

Kasalukuyan siyang nakikihalubilo sa mga bisita nang lumapit na naman sa kanya si Dionisio.

Tila mayroon itong inaalala.

“Ano ‘yon?” tanong niya sa empleyadong lubos na pinagkakatiwalaan sa lahat matapos humingi ng dispensa sa kaharap na mga panauhin.

“Senyorito, hindi namin napigil ang pag-alis ng isang panauhin n’yo.”

“Ano?” Si Lorelei agad ang unang pumasok sa isip niya. “Sino’ng naghatid sa kanya?”

Lalong nag-alala ang head butler. “M-may sarili siyang helikopter, senyorito.”

Nabawasan ang tensiyon ni Ysrael. Tiyak na hindi si Lorelei ang umalis.

“Nakapagpalipad ng helikopter papunta at paalis dito?” paniniguro niya.

Tumango ang tinanong.

Tinapik niya sa yayat na balikat ang kausap. “Don’t worry over that fool, Dionisio. He’s responsible for his own neck!”

“P-pero, senyorito, babae ang may-ari ng helikopter. At babae rin ang nagpapalipad niyon.”

“Babae?” Hindi makapaniwala si Ysrael. “Sino siya. Kilala mo ba siya? Naitanong mo ba kung sino siya?”

Sa kabiglaanan, nahawakan na pala niya ang pobre sa magkabilang balikat at inaalog na nang malakas.

“Itinanong ko, senyorito,” tugon nito. “Siya daw si Lorelei Cortez!”

Nagtagis ang mga bagang ng binata. “Si Lorelei!”

Katatapos lang niyang sambitin ang pangalan ng babae nang marinig ang malakas na ugong ng higanteng makina na nagmumula sa labas.

Humangos siya patungo sa hilera ng mga bintana.

Tumanaw siya sa hardin.

Karimlan muna ang nakita niya bago naapuhap ng mga mata ang sasakyang-hangin na napapalibutan ng makukulay na ilaw. Kasalukuyan pa lang itong nagmamaniobra papalayo.

Aninag sa loob ang piloto. Naka-helmet kaya nakakubli ang mahabang buhok at ang kalahati ng mukha. Pero ang white gown na suot nito ay katulad ng kay Lorelei Cortez.
Kaya tuluyan na siyang naniwala sa sinabi ng katiwala.

Inihatid niya ng tingin ang helikopter hanggang sa mawala na ito. Habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng tailored slacks ang mga kamao upang itago ang ebidensiya ng pagnanasa.

“Hanapin mo ang address and telephone number ni Miss Lorelei Cortez, Dionisio,” utos niya sa tauhan na nakaabang sa iuutos niya.

“Iyon lang po, senyorito?” untag ni Dionisio nang huminto siya. “Hindi ko tatawagan ang mga kasambahay niya?”

Saglit na nag-isip si Ysrael bago umiling. May pilyong ngiti na sa pirming hugis ng bibig. “Iyon lang,” tugon niya. “Ako na ang bahala sa kanya. Susundan ko siya.”

Click here to READ MORE

Comments are closed.