Deanna was secretly in love with Fernando for a very long time. But he was a certified woman hater…
So when he discovered her true feelings she must run away to escape from his hatred.
Kailan ba dapat itago ang pag-ibig sa puso? Paano ba pinapatay ang pag-ibig na bawal?
Matagal nang umiibig nang lihim si Deanna sa isang lalaking bawal ibigin. Si Fernando ay certified womanhater. Tiyak na masusuklam ito kay Deanna kapag natuklasang nagmamahal siya.
Ano ba ang tama? Ilantad ang pag-ibig at bahala na kung masaktan? O itakas ang sarili kahit na siguradong masasaktan?
Isang sikat na aktor si Fernando at si Deanna ang masipag na talent manager. Habang tumatagal, lalong nagiging imposible para sa dalaga ang magkunwaring manhid sa raw sex appeal ng binata. Pinili niyang tumakas kaysa sumugal sa ngalan ng pag-ibig.
When love is a dark secret – it is a best-kept secret. Lock it in inside your heart, and throw the key away.
* * *
Kinakapa ni Deanna ang pagkakapusod ng kanyang buhok habang naglalakad siya papasok sa loob ng bahay niya. She had long, long hair with curly and shiny black tresses; but she never had it down outside her room.
Para kasing naging simbolo ng kanyang mga emosyon ang mahabang buhok. Nangangamba siyang baka makakawala ang itinatagong damdamin kapag hinayaan niyang lumugay ang mahahabang hibla.
She did not have unruly curls for nothing. Naging rebelde rin siya nung kabataan niya.
Nung kabataan niya… ulit niya sa kanyang sarili. Bahagya siyang napapangiti dahil twenty-nine lang siya pero parang ang tanda-tanda na ng pakiramdam niya!
Bumuntong-hininga si Deanna. Hindi pa tapos ang araw na ito. God, it’s been a long day! bulalas niya sa sarili habang inilalapag ang dalang attache case sa Chinese chest na katabi ng antigong salamin niya sa foyer.
Namataan niya ang repleksiyon ng isang babaeng may maluwang na blusa at mahabang palda. Her clothes were expertly cut and sewn but not designed to flatter the female figure. Pati ang kulay ay hindi rin atraktibo para sa kanyang balat na may pagka-mestiza. Her shoes were always sensible and neutral-colored, too.
“Hi!”
Deanna jumped with shock. Hindi niya akalain na may ibang tao sa salas niya. Hinagilap ng mga mata niya ang may-ari ng baritonong tinig.
Fernando Santilla always had a sexy voice that could strum heady shivers on her sensitive spine.
Pinigil niya ang pagrehistro ng nadaramang arousal sa kanyang mukha. Deanna held on to her professional mask habang ngumingiti nang matipid sa lalaking nakaupo sa windowseat habang nilalaru-laro ang hawak na basong kristal.
“Hello, intruder,” bati ni Deanna sa makisig na panauhin. Pinuwersa niyang ihakbang ang mga tuhod na nanginginig. Habang tumatagal, it was getting harder and harder to come near him. “Kanina ka pa dito?”
Umiling si Fernando. “Ngayun-ngayon lang. Sumugod agad ako dito nang mag-beep ka,” tugon nito bago tumungga ng alak.
Kumuha muna ng maliit na bote ng mineral water ang dalaga bago nagsalita uli. Nanuyo lalo ang lalamunan niya dahil napaka-seksi ni Fernando sa suot nitong polo na bukas sa dibdib. Bagay sa kayumangging balat nito ang kulay ng hilaw na mangga.
Maging ang maong pants na hakab sa matitipunong hita at binti ay hindi rin maganda ang epekto sa kanya.
Tumalikod agad si Deanna matapos kunin ang kailangan sa maliit na refrigerator ng wine bar niya.
Huminto lang siya nang may ilang metro na ang distansiya sa pagitan nila ng lalaking walang kamalay-malay sa mga nararamdaman niya.
“Nasa final stage na ang negotiation ko sa Chinese producer na gustong kumuha sa iyo,” umpisa niya habang nauupo sa isahang sopa. Hindi siya sumandal kahit na masakit na ang likod niya. Baka ma-relaks siya nang husto sa harap ni Fernando, may masabi pa siyang hindi dapat.
Tumuwid sa pagkakaupo ang lalaki. Interesado agad. “Talaga, Deanna? Tuluy na tuloy na ba ang pelikula namin ni Jackie Chan?”
Hindi niya napigil ang mapangiti sa kabila ng tensiyon na nadarama niya. Fernando was in the business for five years now pero hindi pa rin nababawasan ang enthusiasm sa trabaho.
“Kailangan mo munang mag-audition, siyempre,” bawi niya matapos lumagok ng isa sa tubig niya. “Lilipad tayo sa Hongkong sa makalawa. Valid pa ba ang passport mo?”
“Of course,” ang maagap na tugon ng lalaki. He stood up in one fluid motion, stretching his beautiful muscles with blatant sensuality. “Mabuti na lang pala, naipagpatuloy ko ang martial arts ko nung isang buwan. Mapapasabak pala ako ngayon sa action.”
Deanna was not fooled. Alam niyang planado ni Fernando ang mga skills na pinag-aaralan nito para sa ikauunlad ng career nito. “Have your things packed and ready,” pakli niya, in a no-nonsense tone. “Maaga ang flight natin. Ten o’clock.”
Tumawa si Fernando. “Ten o’clock? Maaga nga. Have you forgotten that I have a dubbing session tonight? Baka umagahin ako.” He gave her a quizzically pleading look. “Hindi ba puwedeng evening flight na lang ang sakyan natin?”
Umiling si Deanna. “I’ll give you a wake-up call,” pangako niya. “Sa eroplano ka na lang matulog.”
He let out a short groan. “You’re a slave driver, Deanna!” he accused her, in a playful tone.
My God, he really is a natural flirt! she told herself in distress.
Binura niya ang lahat ng emosyon sa tinig niya. “Puwede naman nating i-postphone ang biyahe,” suhestiyon niya.
Kunwa’y walang anuman sa kanya ang pagkakansela sa isang magandang oportunidad para sa kanilang dalawa. Siya ang manager ni Fernando magmula nang mag-umpisa ito sa showbiz.
The handsome man gave her a charming smile.
“Nagbibiro lang ako, bosing. Hindi ka na nasanay sa akin. Alam mo namang hindi ko mapigil ang sarili ko na susutin ka. Masyado ka kasing seryoso. Baka madali kang tumanda niyan,” panunudyo nito habang humahakbang palapit sa pinto.
“Hindi mo ba dala ang kotse mo?” tanong niya bago ito makalabas. “Wala yata akong napansin sa labas.”
Umiling ang binatang aktor.
“Nag-taksi lang ako. Mas gusto kong magkabisa ng mga linya ko habang nakaipit sa traffic, kaysa pagpawisan lang sa pagkayamot.”
“You’re a practical person, Fernando.” She also stood up. “See you tomorrow.”
Tatalikod na sana siya upang magtungo naman siya sa kuwarto niya nang tawagin siya ni Fernando.
“Deanna?”
“Yes?”
“Thank you very much. You’ve worked so hard to get this offer for me. I’ll give it my best shot, don’t worry.” Seryoso na ang lalaki sa pagsasalita.
She forced herself to smile.
“You do that, Fernando. Para hindi naman masayang ang pagod nating dalawa.”
Saka lang uli naging normal ang paghinga ni Deanna nang makapasok na siya sa kanyang silid-tulugan.
Dito nakalantad ang kanyang tutoong personalidad. The only painting in the room conveyed the earthiness of her character. An abstract work with strong lines and tones.
Her suppressed warmth were reflected on the lush colors and shapes of her pillows and quilt on the queen-sized bed.
Her repressed sensuality were let free on the silky, deep red satin sheets.
A, dito lang malaya ang tunay na katauhan ni Deanna!
Naghubad siya ng makakapal na kasuotan upang makapagbabad sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig at mabangong bula.
Ilang minuto siyang naglunoy doon bago siya napilitang umahon. May mga kailangan pa siyang gawin bago siya makapagpahinga.
Fernando felt an instant disgust as he saw the elegant woman inside his apartment.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Vanessa?” tanong niya rito, paangil.
“Naghihintay sa iyo,” tugon nito. Mistulang ahas sa pagkiwal ang mga balakang at beywang nito habang humahakbang palapit sa kanya. “I decided to go to Hongkong with you. I’m at a loose end. Libre akong sumama sa iyo doon.”
He hid his thoughts beneath his long lashes. Kailangan niya ang babaeng ito…
“Bukas ng alas diyes ang flight ko. Kaya mo bang makarating sa airport nang gayon kaaga?”
Lumapad ang ngiti ng babae. Isinampay nito ang mapuputing braso sa kanyang mga balikat at ikiniskis ang malambot na katawan sa kanyang harapan bago ito nagsalita uli.
“I’ve brought my luggage, sexy man. I’ll be staying the night here with you,” she murmured, with a studied huskiness. “Any comment?”
“None,” he grunted as his hands cupped the curvaceous buttocks to pull her tightly against his burgeoning manhood. He did not bother to put finesse in his foreplay. Vanessa always liked it rough.
Alas otso impunto, tumunog nang paulit-ulit ang telepono niya. Unang nagising si Vanessa dahil katapat ng ulo nito ang mekanismo.
“Sino ba’ng istorbo ang ke-aga-agang–Hello!” bulyaw nito sa receiver na idinikit sa teynga.
Nahulaan na ni Fernando kung sino ang tumatawag. Si Deanna lang ang may alam ng numero niya sa teleponong nasa loob ng kuwarto niya. Ngunit hinayaan lang niyang tugunin ni Vanessa ang dalagang talent manager.
Deep inside him, may gustong malaman si Fernando. He wanted to prove something to himself.
“Darling, ang stage mother mo pala,” wika ng matalas na dila ni Vanessa, habang iniaabot sa kanya ang awditibo.
“Hello? Good morning, Deanna,” bati niya. Sinadya niyang maging paos ang kanyang tinig.
“Good morning, Fernando. Try to get up now, para hindi tayo ma-late sa flight. Tatawag uli ako after thirty minutes,” wika ng professional na boses ni Deanna.
He felt peculiarly deflated. Wala siyang mabakas na reaksiyon sa babaeng nasa kabilang linya.
“Okey. Thank you for waking me up. Er, Deanna? Isasama ko si Vanessa. Can you get an extra ticket for her?”
There was a slight hesitation before the affirmative answer.
“Y-yes, of course.”
Parang biglang tumamlay ang binata.
“You get up there, Vanessa. Mag-shower ka na. Bilisan mong mag-ayos ng sarili. I don’t want to be late,” utos niya sa babaeng yumayapos pa sa kanya. “Kapag hindi ka nagmadali, iiwan kita dito.”
Sumimangot si Vanessa. Her face was pasty and unhealthy without any make-up on.
“You and your manager deserve each other. You’re both killjoys!” reklamo nito habang kumikilos para sundin ang utos niya.
Hanggang sa airport, nakasimangot si Fernando. Puro singhal ang tinatanggap ni Vanessa kapag nagbukas ito ng bibig para magsalita.
Masakit ang ulo niya dahil sa kakulangan ng tulog. Magdamag siyang inuungutan ng babae. Gusto raw nitong mag-shopping sa Hongkong pero kulang ang dala nitong cash. Kesyo kailangan ng mga bagong damit at sapatos para sa susunod na pelikulang gagawin.
Fernando was not being fooled by the little bitch, but he was willing to tolerate her. May gusto siyang patunayan…
Naghihintay na sa waiting lounge si Deanna. She looked cool and professional sa suot nitong tailored cream blouse and white blazer with the slim black pants.
Her smile looked strained as she walked towards them.
“Nandito na ang mga tickets ninyo. Sa Royal Hotel ako nakakuha ng reservation. Doon kayo magpahatid sa taksi,” anito habang iniaabot ang isang itim na document bag sa binata. “Hello, Vanessa. May I have your passport, please? Ilalagay ko na rito para isang lalagyan lamang ang lahat ng mga kailangan ninyong ilabas pagdating sa Hongkong Airport.”
“Wait,” pigil ni Fernando nang akmang lalakad na ito palayo. “Bakit dalawa lang ito? Akala ko ba, kasama kita sa audition?”
Tumango si Deanna. Ngumiti uli ito sa kanya pero blangko pa rin ang mga mata.
“Puno na ang flight na ito. Nakakuha ako ng ticket para sa susunod na biyahe,” paliwanag nito.
He wanted to kick himself at that moment. Binigyan niya lang ng pahirap ang babaeng walang iniisip kundi ang ikabubuti ng career niya, dahil sa kagaguhan niya!
“C’mon, kanina pa tinatawag ang flight number ninyo,” she prodded them on urgently. “Ako na ang magdadala niyan, Vanessa. Dadalhin ko na sa baggage section. Pati ang sa iyo, Fernando. Go, go. Baka maiwan pa kayo,” pagtataboy nito sa kanila.
Napilitang tumalima si Fernando, kahit na gusto pa niyang ipagpatuloy ang pag-uusap nila ni Deanna. He wanted to apologize for acting like a bastard he really was!
“Bye, Deanna,” paalam niya rito nang papasok na sila sa custom section. “Hihintayin kita sa hotel.”
Tumango ang babae. Blangko ang ngiti habang tinitiyak na nakalusot sila nang maayos sa inspection area.
The turn of events became worse to worst as the day drew to its slow and maddening end.
Kasunuran lang nila si Deanna. Ngunit ang isa’t kalahating oras na ipinaghintay niya ay muntik nang umubos sa kaunting pasensiyang naibaon niya sa Hongkong. Vanessa proved to be a certified goldigger.
And an overly-confident slut. Iniisip na baliw na baliw siya sa alindog nito kaya panay ang ungot tungkol sa pagsa-shopping na ipinangako niya rito.
“For chrissake, Vanessa! Will you shut up? I’m here to work!” asik niya sa babae. “Kung gusto mo, humanap ka na ng ibang lalaki na puwede mong huthutan. Gamitin mo ang katawan mo. Siguradong may makikita kang utu-uto,” dugtong pa niya. Lantaran na ang pang-iinsulto.
Saglit lang ang pagkatigagal ng starlet.
“H-how dare you, Fernando!” bulalas nito. Nagawa nitong pabalungin ang luha sa malalaking mata habang pinanginginig ang ibabang labi. “Ang sakit-sakit mong magsalita. Parang ang linis-linis mo samantalang pareho lang tayo ng pinagmulan!”
He tried to control his exasperation.
“Alam ko kung saan ako nagmula, Vanessa,” pahayag niya, pigil ang tono. “Kaya nga alam ko kung ano’ng klase ka. Ngayon, kung ayaw mong mag-away tayo–ihinto mo muna ang kauungot mo. Hindi ako nakakalimot sa pangako ko. Maliwanag?”
Tumango si Vanessa bago padaskol na tumalikod sa kanya para pumasok sa kuwarto.
Naghuhubad siya ng jacket nang may mag-doorbell. Si Deanna ang nakatayo sa labas. Her heart-shaped face was looking gaunt and pale with tiredness.
“Deanna! Akala ko’y hindi ka na makakasunod,” he exclaimed apologetically. “Come in. You look weary. Is your flight okey? Medyo magaspang ang biyahe namin kanina dahil may namumuong bagyo sa China Sea.”
Nag-a-adlib si Fernando pero wala siyang pakialam. Gusto niyang humingi ng dispensa sa dalaga ngunit hindi niya alam kung paano ang tamang paraan.
“I — I have bad news, Fernando,” umpisa ni Deanna.
Hindi makatingin nang diretso si Deanna sa lalaki. Peak season ng mga hotel sa Hongkong ngayon. Sinadya niyang huwag sabihin kay Fernando na hindi siya nakakuha ng dalawang kuwarto na magkahiwalay. Ang suite na kinaroroonan nila ay ang tanging accomodation na napagtagumpayan niya.
Having Vanessa here made everything more awkward than it should have been. But, at least, mayroon siyang shield.
Ngunit paano naman niya makokontrol ang panibughong naghahari na sa kanyang kalooban? tanong niya sa sarili.
She was suddenly wishing that she did not come here anymore. Dapat ay naghanap na lang pala siya ng silid na tutuluyan niya! Sinisi niya ang maling takbo ng disposisyon niya kanina.
“Deanna? Please, continue. I’m listening.” His tone was disturbingly gentle.
Lalong naging apprehensive ang dalaga. Hindi niya namamalayan na pinipilipit na ng mga daliri niya ang strap ng shoulder bag na itim.
“Uhm, d-dito rin kasi ang kuwarto ko. Sa akin ang isa sa mga iyan,” she continued in a rush. Kailangang matapos na ang eksenang ito. “Pero kung hindi papayag si Vanessa na kasama ako sa suite na ito, I could get a separate room — ”
“Hah! Dapat lang, ano?” sabad ng matinis na boses ni Vanessa. Nakikinig na pala sa kanila.
Namula nang husto si Deanna dahil halos luwa na ang malulusog na dibdib ng babae sa suot nitong French knickers na kulay pula. Dali-dali niyang inialis ang paningin sa bulgar na tanawin.
“Of course, you could use the other room,” Fernando stated smoothly. Parang hindi narinig ang sinabi ni Vanessa. “Tutal, isang bedroom lang naman ang magagamit dito.”
Imbis na ma-relieved, lalong bumigat ang pakiramdam ni Deanna. Ngayon pa lang, nahihirapan na siya. The thought of Fernando and Vanessa locked in each other’s arms tortured her mind until she could not think straight anymore.
“T-thank you,” she muttered with steely determination. Hinila niya ang leather strap ng de-gulong na maleta para makapasok na sa privacy ng magiging silid niya. Iniwasan niyang sumulyap uli sa dako ni Vanessa. Ngunit napilitan siyang luminga sa lalaking nakamasid sa kanya. “Mamayang six thirty, may dinner appointment tayo kay Mr. Ching,” she informed him almost absent-mindedly.
“Can you manage with that luggage of yours?” tanong ni Fernando habang dinadampot sa handle ang malaking maleta. “Ako na ang magdadala nito.”
Tinangka niyang tumutol ngunit maliksing naipasok ng lalaki ang bagahe niya. Napa-buntonghininga na lang siya habang sumusunod sa pagpasok sa pintuan.
“Pakilapag mo na lang diyan,” aniya. Sumulyap siya sa kanyang relong panggalang. “We have three more hours to freshen up. Nagbilin na ako sa desk clerk ng wake-up call for five o’clock this afternoon kaya huwag kang magpigil ng antok mo.” Inilalapag niya sa ibabaw ng dresser ang kanyang shoulder bag habang nagsasalita.
Napalingon si Deanna sa lalaki nang manatili itong tahimik, and was instantly snared by his dark, mesmerizing eyes.
“I-is anything wrong, Fernando?” she stammered her question. Nakakapanlambot ang mga titig ng lalaking ito!
Umiling ang lalaki.
“Talaga bang hindi ka marunong magalit, Deanna?” tanong nito, matapos ang isang mahinang pagtikhim. “Any talent manager who is worth his salt will be very mad at my latest caprice. Bigla ko na lang isinama si Vanessa dito nang walang abug-abog,” dugtong pa nito.
“W-wala namang masama kung gusto mong isama ang girlfriend mo dito, Fernando. May tiwala ako sa binitiwan mong pangako sa akin na pagbubutihin mo ang pag-a-audition. It’s more than enough for me. Hindi ka pa naman gumagawa ng mga bagay na ikasisira ng pagtitiwala ko sa iyo.” Hindi siya dapat nagpapaliwanag ngunit may kakatwa siyang pakiramdam na sinusukol siya ni Fernando sa isang masikip na sulok.
His eyes were narrowed momentarily as he tried to delve behind her bland expression. Nagdasal na lang si Deanna na sana ay manatiling blangko ang kanyang mukha.
“Is there a problem, Fernando?” pananalakab niya, pilit ang pagiging impersonal.
Tumikhim uli ang lalaki, matapos magbuntong-hininga.
“You should be angry at me, Deanna,” sambit nito kapagkuwan. “Lumalabas na ang sungay ko. Dapat ay pinuputol mo na agad.”
Tension slowly seeped out of her system habang napapagtanto ang punto ni Fernando.
“Don’t worry, paparusahan kita sa kapilyuhan mong ito — pero mag-iisip pa ako ng magandang parusa,” bawi niya, medyo magaan na ang tono.
“Maybe, I could treat you for dinner?” He grinned at her uncertainly. Halatang ayaw na rin ng seryosong tema ng pag-uusap.
“You know that I don’t eat dinner,” tanggi ni Deanna. “Maybe, lunch na lang. Tayong tatlo nina Vanessa.”
Umasim ang ngiti ng lalaki.
“Wala akong atraso kay Vanessa. Ikaw lang ang gusto kong i-treat.”
Deanna was alarmed again.
“I’ll think about it. For now, kailangan nating magpahinga para fresh tayo mamaya pagharap sa producer.” Humakbang siya patungo sa pinto para lumabas na ang lalaki sa silid.
Fernando looked reluctant to go out.
“Do you accept my apology, Deanna?” tanong nito, seryoso na naman. “I really regret my impulsiveness today.”
She forced a light smile on her generously-shaped lips.
“You did not do anything wrong, Fernando.” Muntik na siyang mahirinan sa pagsisinungaling.