Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

WILD BEAUTY

Beauty is both a curse and a gift. Extraordinary good looks can be a magnet to negative reactions. Envy. Jealousy. Lust…

Beauty is just skin-deep but most eyes cannot see the heart and soul hidden underneath.

Alyzha was born with a natural beauty that seemed to drive men wild wherever she went.

How can she be sure that a man loves her for herself and not for her lovely face and body?

* * *

“Take eleven — action!” singhal ng direktor. Sabay na umalog ang lawlaw na baba at bilog na tiyan. Pasabunot na kinamot ng matatabang daliri ang nakakalbong buhok.

“Grr! Kapag naka-sandosenang take — tapos na ang career nitong bobitang aktres na ‘to! Tsugi ka nang gaga ka!” he warned under his breath.

Mahina ang pagkakasabi ng huling babala pero narinig nang malinaw ni Alyzha. And inside her mind, she was already clapping her hands with glee.

‘Baka magkaroon na ako ng break!’ bulalas niya sa sarili.

Matagal na siyang nagtitiis bilang isang dakilang ekstra. Mahigit dalawang taon na. Nagbigay na nga rin siya ng ultimatum. Kapag hindi pa siya naging full-pledged actress sa ikatlong taon, isusuko na niya ang matayog na pangarap.

She was an aspiring actress who dreamed of becoming a big star someday.

Isang oportunidad lang ang magkamaling lumapit sa kanya, talagang susunggaban na niya.

Actually, she had let go so many chances already. Marami na siyang pinakawalang pagkakataon dahil hindi niya gusto ang mga kondisyon na nakakabit.

Unfortunately, the showbiz world was littered with lecherous men. Pawang mga nakakainsultong alok ang natatanggap niya.

“Ibabahay kita, Alyzha. Bibilhin ko ang lahat ng gusto mo–basta’t sumama ka lang sa akin.” Si Don Ricardo, ang isa sa mga higanteng producer ang unang nagyaya sa kanya na maging kerida siya.

“Kapag sa akin ka sumama, Alyzha, gagawin kitang sikat na sikat na sikat. Ikaw ang magiging pinakasikat na aktres sa darating na dekada!” Ganito naman ang naging dialogue ni Larry Dizon, isang kilala at premyadong direktor.

Pati ang mga kapwa-artistang lalaki ay nagka-kursunada ring ‘silawin’ siya sa kinang ng popularidad.

“Basta magdidikit ka lang sa akin, ‘Lyzha, sisikat ka na rin. Ano, payag ka na bang makipag-live-in sa akin?” Isang matigas na ‘hindi’ ang itinugon niya rito.

“Ikaw na lang kaya ang gawin kong bagong bed-partner? Makikinabang ka sa akin. Bukod sa magaling ako sa kama, sisikat ka ring tulad ko.” Napaka-kaswal ng naging imbitasyon ng isa pang leading actor, kaya nabigyan niya ito ng sampal bilang pagtanggi.

Anupa’t habang tumatagal siya sa mundo ng mga pekeng tuwa at luha, parang nagiging sinikal na siya. Unti-unti nang nawawala ang kasiyahan niya sa mga ‘biyaya’ ng Maykapal: ang magandang mukha at katawan niya.

Alyzha had been gifted with a captivating beauty and a voluptuous body. She was naturally seductive and sensuous. A candid exhibitionist.

Lumaki siya sa isang dalampasigan sa Visaya. Nag-iisang anak ng isang mag-asawang mangingisda. Na hanggang sa mamatay sa pagkalunod sa dagat, hindi man lang naipadama sa kanya ang pagmamahal.

Although an only child, she was never spoiled by either of her parents. They were somewhat detached to her.

Malayo at impersonal ang pakikitungo ng dalawang nasirang matanda sa kanya dahil napakalayo ng hitsura niya sa ama at ina. Mistulang diyosa ang ganda niya, samantalang ang mga pobre ay mistulang mga pangit na alipin.

Hanggang sa maglaho ang mga ito sa karagatan, nababalot pa rin marahil ng pagtataka at pagkamangha ang anumang damdaming nadarama ng mga ito para sa kanya.

She had been orphaned at age twelve. Her beauty was just starting to burgeon. Mula pagkabata, nasanay na siyang tinititigan ng sinuman dahil sa angking kagandahan.

Nang magdalaga, nahirati na rin siyang mapagnasaan ng mga lalaki ang alindog niya.

She did not mind being stared at — but ‘no touch, please’!

Disisiyete siya noon, nang may mag-location shooting sa kanilang munting isla. Napansin agad siya ng matatalas na mata ng isang talent scout.

“Ako si Lowella Marcela. May potensiyal kang maging artista. Gusto mo?”

“Oo, sasama ako sa ‘yo,” ang matatag na pahayag niya.

“Good, good!” The gay beamed at her.

Hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa bakla. Magaan kasi agad ang loob niya dito. Isa pa, ayaw niyang manatili sa isla ng habambuhay.

Dahil nga kakaiba ang angking kariktan, parang hindi normal ang turing ng mga kababayan sa kanya. She refused to be a freak for the rest of her life.

Isa ngang mabuting tao si Lowella. Kinupkop at pinag-aral siya ng crash course sa personality development. Pinagsanay rin siya sa mga acting workshops.

Habang unti-unti siyang natututong mag-ayos at magdala ng sarili, dahan-dahan na rin siyang ipinakikilala ng manager sa mundo ng showbiz.

Nang maka-graduate matapos ang isang taon, hindi na niya makilala ang babaeng nakikita sa tuwing haharap sa salamin.

Si Alyzha Cotoner pa rin iyon, pero napalitan na ang ayos ng buhok at pananamit. Gayundin ang kanyang pangalan.

“Hindi ka na si Alicia Cotoner. From now on, you shall be known as Alyzha Consunji!” Lowella had been enthusiastic with her entry to the colorful world of show business.

“Sa commercial ka muna magsisimula.”

Nakilala naman agad siya. Sunud-sunod ang mga advertisment projects niya, matapos ang unang paglabas niya sa isang underwear commercial.

Walang kiyeme ang paglalantad niya ng katawan. Lalupa’t kuminis at pumuti na nang husto ang kanyang balat.

At katulad ng inaasahan ni Lowella, may mga movie people na naakit sa kanyang karisma. Dumagsa ang mga movie offers. Pati ang mga indecent proposals.

Ang masaklap, karamihan sa mga iyon ay magkakambal. Hindi puwedeng tanggapin ang una at tanggihan ang ikalawa.

Ang nangyari, naging madalang ang paglabas niya sa pelikula at naging mabagal ang kanyang pagsikat.

Gayunpaman, nananatili ang suporta ni Lowella sa kanya.

“Darating din ang suwerte mo, Alyzha. Basta’t palagi lang bukas ang iyong mga mata,” ang malimit nitong sabihin sa kanya, sa tuwing magpapahayag siya ng frustration.

“Nahihiya na ako sa ‘yo. Baka nagiging pabigat na lang ako dito sa bahay mo.”

“Wala ka pang dapat alalahanin dahil may ginagawa ka namang mga pelikula — kahit na maliit lang ang mga papel na nagagampanan mo,” salo ng manedyer niya.

“Isa pa, marunong kang makisama. Nakakatulong ka dito sa amin. May kusang-palo ka,” papuri pa nito.

Tutoo naman ang mga narinig niya. Kahit na taliwas sa ganda at kaseksihan niya, masipag siyang gumampan sa mga gawaing-bahay.

Kung paanong walang kiyeme siya sa paghuhubad sa harap ng kamera, ganoon din siya sa paglilinis, paglalaba at pagluluto. Balewala kahit na magmistulang katulong siya sa bahay ni Lowella.

Ang mahalaga ay ang makatanaw siya ng utang na loob sa butihing bakla.

Pero kahit na siguro habang buhay siyang magsilbi, hindi pa rin niya maibabalik ang panahon at perang ipinuhunan nito sa paglikha sa katauhan ni Alyzha Consunji.

Kaya kailangang mag-isip-isip na siya ng bagong istratehiya para maabot ang rurok ng tagumpay. Hindi na puwede ang istilong kimi ni Aliciang Promdi.

Dapat siguro ay pinag-isipan na niyang seryosohin ang mga bastos na proposisyon. Tila ang pagiging kerida na lang ang papel na naghihintay sa kanya…

“Cut! Cut, cut, cut!” Pinutol ng mga sigaw ang paglalakbay ng utak niya.

Napatalon siya sa pagkabigla dahil lumagabog sa sahig ang natumbang director’s chair, nang biglang tumindig ang okupante. Mistulang elepante ito na sumugod sa set. Halatang galit na galit na.

“Ayoko na! Ayoko na talaga! Wala na akong pasensiya sa ‘yo, boba! Lumayas ka sa harap ko!” Nagtungayaw na ang pobre. Hindi na makontrol ang kunsumisyon.

“Matutuyuan ako ng utak sa ‘yo! Lumayas ka! Layas!”

Imbis na mapahiya at manghingi ng dispensa ang artista, nameywang at nagtaray pa ito.

“Ababa, Direk! Ako ang lead star dito!”

“Hindi na ngayon!”

“Baka nakakalimutan mong may kontrata tayo! Magdedemanda ako!”

“I don’t care! C’mon, sue me,” panghahamon naman ng direktor. “At ipagkakalat ko naman kung gaano ka ka-tonta sa pag-arte!”

“Hah! Isusumbong kita kay Lion! Tiyak na sisisantehin ka n’on!” ganting-pananakot ng artista. Parang nawala ang ganda nito nang magusot sa galit ang maputing mukha.

Nameywang na rin ang direktor. Nagladlad na ng tunay na kasarian upang makapagtaray. “E, di magsumbong ka! Tutulungan pa kita!”

“Hah! Talaga! Mapapagalitan ka n’on dahil dodoblehin mo pa ang gastos — at matatagalan ka sa pagtapos ng pelikula.”

“Hah ka rin! ‘Yan ang akala mo! Marami akong makukuhang kapalit mo! Nobody is indispensable! Boba! Lumayas ka na sa set ko! Lumayas ka na sa pelikula ko! Peste kang artista ka!”

“Makikita mo! Malalaman ito ni Lion!” Nagmumura ito sa galit nang padaskol na umalis. “Talagang mapepeste kang bakla ka!”

Natahimik ang lahat matapos ang pabagsak na pagsasara ng mabigat na pinto ng studio.

Pinalis ng malulutong na palakpak ang katahimikan. “Buweno, buweno, attention! May good news ako!” hiyaw ng direktor. Abot-teynga na ang ngiti nito.

“Ang papel na Mariposa ay bakante na. Puwede na akong maghanap ng bagong artista, hindi ba?” Habang nagsasalita, gumagala ang mga mata nito sa mga artistang nasa paligid.

Her heart skipped a beat. Nagsikip ang dibdib niya nang dalawang beses siyang dinaanan ng paningin nito.

But even though she was nervous, she remained composed and poised. Hindi niya kinalimutan ang projection. May kumpiyansa naman kasi siya.

Sa payo ni Lowella, pinag-aaralan ni Alyzha ang script ng bawat pelikulang ginagawa niya. Kinakabisa niya ang mga dialogue ng lead role. Umaarte siya sa harap ng salamin.

At sa lahat ng mga pelikulang nagawa na, ang istorya ngayon ang nagustuhan niya. Paano’y akma sa kanyang personalidad. May hawig rin sa background niya.

The story was about a beautiful woman who got disenchanted with her womanly allures because of languished love affair. Nawalan ng halaga ang angking ganda ng babae dahil sa nabigong pag-ibig.

Hindi pa nararanasan ni Alyzha ang umibig, pero nawawalan na nga siya ng pag-asang makakatulong nga sa kanyang pag-unlad ang kariktan.

‘Isang tsansa lang,’ usal niya sa sarili. ‘Isang-isa lang…!’

Biglang kumuriring ang telepono, kaya naputol ang eye contact nila ng punggok na direktor.

Halos sumabog si Alyzha dahil sa sumulak na desperasyon. She had been almost sure that he was going to point a finger towards her. Sa halip, tumalikod ito para lapitan ang assistant director na may iniaabot na celfone.

“My golly! Na-suspensed naman ako nang husto d’on!” bulalas ng ilang mga babaeng nasa gawing likuran niya.

“Ituturo na sana ako ni Direk, e!” salo ng ikalawa.

“Tange ka! Hindi ikaw, ako!” bawi ng isa pa, sabay hagikhik.

‘Sila ba? O ako?’ tanong niya sa sarili.

Tumindig siya para magtungo sa comfort room. Doon niya susubukang supilin ang disappointment.

Malapit na siya sa pinto ng banyo, nang mapahinto dahil may tumawag sa kanyang pangalan.

“Miss Consunji?”

She swerved on her tracks at once.

“Y-yes, Direk — ?” ang pautal na sambit niya.

“Freshen up,” utos nito, pero nakangiti. “Pupunta tayo sa big boss!”

“B-bakit po ako, Direk?” Alyzha had asked the question in the umpteenth times. Paano’y hindi pa rin siya tinutugon ng tinatanong.

“Napakasuwerte mo, Alyzha. Ang suwerte-suwerte mo!” was the only obscure reply she could get.

“Tama po kayo, Direk,” she agreed, still somewhat dazed.

“You will see.” Tinapik siya ng direktor sa isang braso. Makahulugan ang ngiti.

Napilitan siyang huminto sa kakukulit nang bumukas na ang pinto ng elevator. Nasa topfloor na sila ng building.

The Stallion Films, Inc. was housed in a twenty-floor building, which was sprawled in front of a spacious compound. Large spaces for shooting sets were located at the back.

Masasabing naging suki na niya ang naturang production outfit dahil ikatlong ulit na niyang pagkakataon na magtrabaho dito. Nung una ay ekstra lang at nung ikalawa ay nabigyan ng bit role.

Ang papel niya ngayon ay inialok na. Medyo mahaba na ang exposure. Pero napakalayo pa sa lead role, na pinakamimithi ng mga katulad niyang starlet.

Isang penthouse ang bumulaga sa kanilang paglabas sa elevator. Kakaba-kaba si Alyzha habang patungo sa putim-puting pintuan.

The rotund man beside her punched the doorbell button with aplomb. Tila madalas na itong napupunta doon dahil sa pagiging pamilyar sa paligid.

“Come in.” A deep male voice instructed through an intercom unit.

Nangangatog ang mga tuhod ni Alyzha pero pinilit niyang lumakad.

‘Ngayon pa ba siya bibigay, kung kailan abot-kamay na ang tagumpay?’ panenermon niya sa sarili. ‘Napakarami nang naging puhunan…’

Those thoughts helped her nerves to calm down a bit. She was able to appreciate the elegant foyer, with its collection of impressive objets d’ art.

Napahanga siya nang husto sa mga obra maestra na ng sari-saring sining.

Pulos mga mamahalin ang bawat bagay na tamaan ng kanyang paningin kaya lulang-lula na si Alyzha bago pa man sila nakapasok nang husto sa marangyang kabahayan.

She could not contain her disbelief when a glimpse of a swimming pool winked at her from a side glass window.

Papalampas na sila sa naturang bintana, nakalinga pa rin siya doon. Talaga bang nasa top floor sila ng isang mataas na building?

“Smile, my dear,” utos ng direktor nang huminto sa tapat ng isa na namang pintuan.

“This is your chance to charm the big boss in person. Kung ako sa ‘yo, sisiguraduhin kong masisilo ko na nang buung-buo ang ating leon,” dagdag pa.

Nahihiwagaan man, tumango na lang siya. Itinuon niya ang buong konsentrasyon sa pagngiti.

“Good girl,” papuri nito bago pinihit ang hawak na seradura.

Isa na namang magarbong paligid ang sumalubong sa kanila, ngunit wala pa ring tao.

Nai-intriga na talaga siya. Hindi pa niya nakikita ang big boss ng Stallion Films, pero marami na siyang naririnig at nababasa tungkol dito. One time, she had seen a picture on one of the leading paper but it was blurred and unclear.

Nanlalaki ang mga mata ni Alyzha habang inililibot sa maraming bagay na ngayon lang niya nakita sa kanyang tanang buhay.

“Where are you, boss?” tawag ng kasama niya habang patuloy sa pagtawid sa makapal na alpombrang kulay berde.

“I’m here.” Sa gawing dulo ng kaliwang bahagi nanggaling ang baritonong boses.

“Nervous?” hula ni Direk Larry. “Don’t be. Inirekomenda ka niya mismo sa akin, alam mo ba?”

Nagulat si Alyzha sa narinig. “H-ho?”

“Napansin na niya ang potensiyal mo sa mga naunang pelikulang ginawa mo dito. In fact, inirekomenda ka na niya sa lead role, pero kailangang pagbigyan ang isa sa mga backers,” ang pahapyaw na paliwanag nito.

“Kailangan pa naming patunayan na isang palpak na aktres ang gagang ‘yon.” Bahagyang tumigas ang ekspresyon nito nang maalala ang kunsumisyong dinanas kanina.

She was quite overwhelmed with what she heard. Hindi niya akalaing may nakapuna na sa kanyang kakayahan bilang artista.

“O, okey ka na?”

She bobbed her head instantly. Her long curly hair was tied in a thick pony tail.

“Smile,” paalala ng kaharap bago tuluyang itinulak pabukas ang dahon ng pinto.

The room was a mini-theater. There was a large screen on one side of the square room. The lights were dimmed.

And a movie was currently on shown. Tila isa iyon sa mga audition scenes na ipinagawa sa kanila, pero walang sounds.

Naagaw ang pansin niya nang tumindig ang isang matangkad na anino mula sa harapan.

Dahil galing sa maliwanag, bahagyang nabulag si Alyzha. Hindi agad makaaninaw.

“‘Andito na si Miss Alyzha Consunji, boss,” pagpapakilala ni Larry Dizon sa kanya.

“Good,” ang simpleng tugon ng anino. Ilang saglit ng katahimikan ang lumipas habang minamasdan ang kanyang kabuuan.

She discovered that she had not been breathing when he spoke again. Saka pa lang siya nakahinga uli nang magsalita na ang lalaki.

“Good afternoon, Alyzha Consunji. I’m glad, you wanted to come.” Nakakakiliti ang pagka-paos ng boses-lalaki.

She felt a slight tremor that ribboned the length of her spine. May gumapang na kilabot sa kanyang gulugod.

Dahilan para makaramdam ng kakatwang panlalambot. Para bang gusto niyang ilatag ang likod sa kahit saan…

She pushed away the queer thought.

“G-g-good afternoon, sir.” Her voice was husky and tremulous.

“Don’t be nervous, Alyzha,” sambit nito. “Have a seat.” Imbitasyon iyon na tonong pautos.

Natagpuan na lang niya ang sarili na tumatalima. Kusang tumiklop ang mga tuhod niya para maupo sa isinenyas na silya. It was plastic but upholstered with soft leather.

“You can leave us, Larry. Thank you.” Binalingan nito ang direktor.

Unti-unti nang nakakapag-adjust ang paningin ni Alyzha, kaya medyo naaaninag na niya ang lalaki.

Broad shoulders. Piercing eyes. Aristocratic nose.

Those were her first impressions.

“Okey, I’ll be downstairs.” Napuna niya ang pagyukod ng direktor sa producer. Isang uri ng pagsaludo iyon, ayon kay Lowella.

“See you later, Miss Consunji,” paalam pa nito bago lumabas sa pinto.

Napamaang siya dahil ngayon pa lang niya napagtantong kanina pa nagpapakita ng paggalang sa kanya si Larry Dizon, na isang prominenteng direktor sa daigdig ng pelikula.

“Let’s get down to business, Alyzha.” The masculine voice became brisk.

“Ikaw ang gusto kong maging lead star ng bagong pelikulang ginagawa namin. Pero may kaunting audition at interview muna — ngayon nga ‘yon. I’m sure, you understand the haste?”

Nagpasalamat muna si Alyzha sa English tutor na nagtiyagang magturo sa kanya noon, bago sumagot. “Y-y-yes, sir.”

Tumikhim ang lalaki. Tila may inayawan. Meron nga. “Don’t call me ‘sir’,” utos nito.

Kinalas muna niya ang nabuhol na dila bago nakapagsalita. “A-ano — ?”

“Lionello Istalion ang buong pangalan ko. Ikaw na ang mag-isip ng palayaw ko.” Naupo ang matangkad na anino sa kalapit na silya niya, paharap sa kanya.

“I-ikaw si Lion — ?” Ito ang taong pagsusumbungan ni Carlota Minelli!

“Ah, kilala mo na pala ako.” Tila natuwa ang katabi, ngunit hindi siya sigurado dahil malamlam ang liwanag sa paligid. “Ako nga si Lion.”

Nanliliit si Alyzha, pero pinaglabanan niya nang husto ang umaatakeng inferiority complex. Matagal na niyang itinapon ang ugaling-kimi ng probinsiyana, pero umalsa uli dahil sa pagkabigla.

Hindi niya dapat kalimutang isang pambihirang pagkakataon ang dumating sa kanya. Anumang sandali ay maaaring maglahong parang bula…

“N-ngayon ko lang narinig ang pangalan, uh, palayaw mo.” Pinilit niyang magbigay ng mahaba-habang pangungusap.

Tumangu-tango ang lalaki. “I see. Hindi mo pa pala ako nakikita?”

Napilitan din lang siyang umiling. She was uncertain to admit her ignorance.

“S-sa mga pictures pa lang,” sambit niya.

Tinitigan uli siya ng mga matang matatalas. Para bang inaarok ang katapatan niya.

Nakaharap siya sa liwanag ng screen at mayroong nakasinding ceiling pinlight sa tapat niya kaya nakikita nito ang ekspresyon niya. Samantalang ang lalaki ay nasa bukana ng nakapaligid na dilim.

Click here to READ MORE

Comments are closed.