Allyson would never forget Liam so she had no choice now but to catch his elusive heart. What magic should she use to get the man of her dreams?
Love at first sight is pure magic… but only when love is reciprocated. Unrequited love is like living in a private hell.
Si Allyson lang ang nabighani kay Liam nung unang pagkikita nila. Ang batang puso niya ay kusang umibig kahit na napakalamig ng pakikitungo ng binata sa kanya.
She tried her best to win his heart until she lost hope. Masakit mabigo sa unang pag-ibig kaya lumayo na lang si Allyson para lumimot.
Unfortunately, her heart falls in love only once in a lifetime. She’d never forget Liam so she has no choice now but to catch his elusive heart.
What magic should she use to get the man of her dreams?
* * *
“Hello, Allyson.” A deep, male voice greeted her from behind.
Her heart had practically bounced inside her chest. But she immediately obliterated the gladness and put on a composed mask to hide her feelings. Gusto niyang ipakita sa lalaking ito na hindi na siya bata.
“Hi, Liam.” She was proud to hear the calmness of her husky voice. Marahan siyang luminga sa gawi nito.
And literally found herself captured by the mesmerizing eyes. Kung inaakala niya na wala nang epekto ang makapangyarihang karisma ni Liam Campovista pagkatapos ng tatlong taon, maling-mali siya.
‘Boy, he hasn’t changed at all!’ bulalas niya sa sarili. Agad niyang ibinaba ang tingin upang hindi masira ang kaswal na maskara.
Para disimulado, iginapang pa niya ang pansin sa suot nitong mamahaling blazer at necktie. Parehong neutral-colored na katerno ng ash-grey slacks.
Tumalbog sa makikintab na dulo ng sapatos na itim ang kanyang mga mata. Naglakbay na lang pabalik sa itaas.
Napapatda siya nang makitang minamasdan rin siya ng lalaki. Pero hindi niya mabasa ang iniisip nito. The watchful eyes of Liam had always been enigmatic.
She was wearing a brand-new travelling suit. Tailored pencil-cut peach-colored skirt and long-sleeved cream blouse with dainty ruffles at the collar to compliment the manly lines of the outfit.
She knew she looked formal and straitlaced but that was the image that she wanted to portray.
Although she was disappointed because Liam seemed unimpressed and — bored.
“‘Yan lang ba ang luggage mo?” tanong nito makaraan ang ilang makapigil-hiningang minuto. “Surely, these last three years had accumulated a wardrobe?”
Allyson gave a curt nod.
“I haven’t decided if I’ll stay,” she added haughtily.
Saglit na naningkit ang mga mata ng lalaki. “You will stay,” paniniyak nito habang inilalahad ang isang kamay para kunin ang strap ng wheeled suitcase na hila-hila niya. “Come along, kid,” aya pa nito.
Allyson wanted to stomp her foot but resisted the childish impulse. Sayang ang matagal na pagpapraktis niya sa harap ng salamin.
So she forced her shoulder to give a small shrug as she started walking away. She coolly ignored his silent offer to pull the large suitcase for her.
“Would you like to have a cup of coffee first?” Balewala kay Liam ang ginawa niya pang-i-isnab. Sumabay pa ito sa paglalakad niya at inalok pa siya ng kape.
“No, I’m not thirsty. If you are, go ahead. I’ll just wait in the car.” Ginagad niya ang pakaswal na tono ng lalaki.
“I had three cups while waiting for you.”
Wala na siyang kailangang itugon kaya tumahimik na lang siya. She refused to apologize for her delayed flight, kahit na pakunswelo lang.
Matangkad na lalaki si Liam Campovista. His lean body was lithe and athletic. He had long, muscular legs that ate the distance effortlessly.
Iyon ang main reason kung bakit nagkaroon siya ng strong inclination towards sports, especially track and field, sa boarding school.
Para hindi siya maiwanan sa paglalakad nito, na katulad ng malimit mangyari noon…
Nahiligan din niya ang larong basketball. In fact, kung hindi nangyari ang sudden heart attack of her father, which led to the older man’s paralysis, baka nasa Switzerland pa rin siya at kasalukuyang nag-eensayo sa gym ngayon.
Allyson drew in a slow, deep breath. She was trying to hide her anxiety because she and her father never enjoyed a close and comfortable relationship.
She was one of the perennial poor-little-rich girls. Her father’s idea of giving parental love was through lavish gifts and extravagant monthly allowances.
Isa siya sa mga batang anak-mayaman na lumaki sa kandili ng ibang tao. Ang nagpalaki sa kanya ay ang iba’t ibang yaya. Papalit-palit dahil madalas ay hindi makatiis sa pagiging spoiled niya.
Gayundin naman kadalas ang kanyang Papa kung magpalit ng asawa. So far, ang kasama nitong babae nung atakihin ng sakit sa puso habang nagwa-water-skiing sa Boracay ay ang twelfth common-law wife nito.
Doon naisipang mag-honeymoon ng dalawa matapos magkasundong magsama ng lantaran.
Allyson sighed inwardly again. Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi rin siya nakadarama ng pangungulila para sa kanyang ina.
Her mother died when she was only one year old. Nakilala na lang niya ang ina sa mga letrato habang lumalaki siya.
“A penny for your thoughts?” sabad ng baritonong tinig ni Liam. “Or should I offer a million to tempt you? You’re a future millionairess. You can be an heiress anytime.”
May panunuya ba sa tono ng lalaki?
Sinulyapan niya ito upang subukang basahin ang ekspresyon nito. Ngunit abala ito sa pagbubukas ng passenger’s door ng silver-grey BMW.
Nakatabing ang mahahabang pilikmata habang nakatingin sa ginagawa.
She tossed her long, glossy curls away from the heart-shaped face as she went inside the low-built luxurious car.
This time, iniwanan na niya ang suitcase at ipinaubaya na lang sa lalaki.
Dinampot iyon ni Liam at inilagay sa likurang bahagi bago lumibot patungo sa driver’s side.
“How does it feel to be so sinfully rich, Allyson?”
She threw him a speculative glance.
“Irritating,” ang maikling tugon niya sabay irap. Hindi niya maitago ang pagkayamot dahil mas gusto niyang siya ang pag-usapan. Bakit hindi na lang ang flight niya o di kaya’y ang pakiramdam niya ang kumustahin nito?
‘Was he one of those numerous men who found money as the strongest aphrodisiac in the whole world?’ tanong pa niya sa sarili habang unti-unting nanlulumo.
“Really? You’ve got more power than you can imagine, being the future sole owner of the vast Montenegro Estates,” patuloy ni Liam. Magaan na mapanudyo ang tono. “Please, fasten your seatbelt.”
Tumingin sa labas ng bintana si Allyson habang awtomatikong tumatalima ang mga daliri.
Hindi interesanteng paksa ang malaking kayamanang mamanahin niya. Pati na ang kapangyarihan na kakambal niyon.
Mas gusto niya ang maging isang simpleng babae lang. Iyong nagmamahal. Iyong may nagmamahal…
She glanced at Liam under her lashes. Pero binawi rin agad ang tingin dahil nagsikip ang kanyang lalamunan.
Dumagundong rin ang mga munting kulog sa kanyang dibdib.
God, why did he have to be so handsome and sexy and desirable?
Wala pa ring nagbago. Alipin pa rin siya ng atraksiyon para sa lalaking ito!
She was expecting – no, hoping fervently — that her infatuation for this man would just be that, a simple infatuation. A puppy love that would fade away in due time, just like an uncomfortable cold.
Pero hindi ganoon ang nangyari. Tila lalo pang lumala ang ‘karamdaman’ niya.
Sa buong panahon ng nagdaang tatlong taon, malimit niyang mapanaginipan si Liam Campovista.
He dominated her thoughts and became the man of her dreams. Night after night after night…
Kaya ngayon na napilitan siyang umuwi mula sa exile, iritable siya. Excited rin kung aaminin. But the general issue was her boundless attraction for this man.
At kung paano niya iiwasan ang masaktan habang ginagamot ang obsesyon.
Could this be love? Had she fallen in love with him? Huwag naman sana. Hindi na lang sana sa isang lalaking katulad ni Liam.
Mas maigi pa sigurong hindi na lang siya umalis noon. Mas mabuti pa sigurong hinarap na lang niya ang katotohanan na isa siyang baliw.
Disinsana, medyo immune na siguro siya ngayon.
Pinutol ng isang exaggerated sigh mula sa lalaki ang pagmumuni-muni niya. Napatingin siya rito.
Kasabay ng pagsulyap nito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nabihag siya. Nag-usap ang kanilang mga isip.
Si Liam ang unang nagsalita. A lopsided smile stretched the firm line of his hard mouth.
“Kaaway ba ang tingin mo sa akin, Allyson? I thought, we’re friends?”
Nag-isip muna siya bago tumugon. Ibinaling niya uli ang tingin sa labas para makasigurong malinaw na uli ang utak.
“Hindi,” aniya kapagkuwan. “Depende,” dugtong niya.
“Depende saan?”
“Depende sa attitude mo.”
There was nothing ingratiating in his manner, but it was definitely cajoling. Para bang bata siya na kailangan munang utu-utuin para makausap nang maayos.
“I’m not a child anymore. Don’t treat me as one,” patuloy niya. “I don’t particularly care about being a darned heiress. For pity’s sake, my father is still alive and fighting for his life. If you’re envious of my being rich, do it in private. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa pera o yaman na mamanahin ko!” Her modulated voice sounded determined and confident.
Ang lalaki naman ang natahimik. Ito naman ang nag-isip.
The silence stretched as the fast car devoured the miles smoothly.
Itinutok ni Allyson ang atensyon sa mga gusaling nadaraanan. Maraming pagbabago ang napuna niya kahit na tatlong taon lang siyang nawala.
Pero hindi niya ma-appreciate nang husto ang mga iyon dahil sa tension na nilikha ng huling sinabi niya.
Pumikit siya nang manghapdi ang mga mata niya. Inilatag niya nang husto ang katawan sa malambot na upholstery ng upuan. Para bang gusto niyang isiksik ang sarili sa kutson para maglaho na sa paningin.
What made her say those arrogant words? Hindi naman siya matapobre. Her father had many faults in his shallow character but pomposity was never present.
Aywan lang kung dahil iyon sa sobrang obsesyon sa magandang mukha at sariwang alindog kaya wala ng panahong manuri sa kapwa.
Gusto ba niyang maging matapobre?
No. Of course not.
Allyson sighed as she surrendered to her conscience.
“I’m sorry, Liam. I didn’t mean those words. I guess, I’m just tired.” Nakapikit pa rin siya habang nagsasalita. “Can you forgive me?”
“Look at me, Allyson.” He instructed her quietly.
Natagpuan niya ang sarili na kusang sumusunod sa malumanay na utos. Dumilat siya at luminga sa gawi nito.
She was vaguely surprised to discover that he had stopped driving. The car was parked on a wide shoulder, near the meandering seawalls.
Tila tinimbang muna ni Liam ang mga salita bago ipinahayag. Maraming sandali pa muna ang lumipas bago bumuka ang bibig nito.
“Of course, I forgive you. I had hoped to break this news gently but you did not give me a choice,” umpisa nito. Seryosong-seryoso. Para bang may isa pang masamang balita ang isisiwalat. “But I think it’d better this way.”
“What is it? Si Papa ba — ?” Inawat agad siya ng isang kamay na lumahad para isenyas na huminto.
“Let me finish, please,” ani Liam. Pormal ang tono, pati na ang anyo. “Allyson, I was named in your father’s testament as your guardian until you reached the age of twenty-five — or at least, until your father recovers fully from illness.”
“What!”
“Why so shocked? I’m your father’s closest friend,” salo ni Liam makalipas ang ilang minuto ng mabigat na katahimikan.
“You’re only twenty years old. Did you expect to have instant control on everything that is as complicated as your group of companies? Baka isang buwan lang ang itagal ng pamumuno mo, Allyson. Baka sabay-sabay na bumagsak ang lahat ng mga kumpanya n’yo.”
Hindi nakakibo si Allyson.
“Anyway, your shareholders and directors will never allow you to step inside the boardroom,” he added as an afterthought.
Malaki at malinaw ang punto ng lalaki. Actually, she felt an instant relief although she could not show it. Hindi siya dapat magpahalata na nagtitiwala siya sa lalaking ito.
Ngayong malapit na malapit na siyang maging heredera, her position had became doubly vulnerable.
Kahapon, bago niya nalisan ang boarding school, pinangaralan at pinaalalahanan siya ng butihing school mistress.
Isang matandang dalaga ang namumuno sa pribado at esklusibong eskuwelahan. Nakagiliwan agad si Allyson dahil tahimik at masunurin siya. Napakamalulungkutin pa nung dumating sa eskuwelahan.
Tahimik at masunurin, ulit niya sa sarili. Malaki na ang ipinagbago niya magmula nuong makilala si Liam.
“I know, this is a cliche. And also it’s not my place to say these things to you. But because I care for you very much, my dear child, I’ll remind you of the pitfalls that surrounds an heiress like you.”
Ginagap pa ni Miss Maurice ang mga kamay niya upang maipadama marahil ang pagpapahalaga sa kanya.
“There will be so many fortune-hunters — all wearing a mask of kindness, concern, and tenderness. But have no fear, my dear. You’re a wise and intelligent girl. You can fend for yourself. Just beware and be cautious. Don’t just trust anyone.”
And that anyone included Liam Campovista.
Walang kakurap-kurap ang tuwid na pagtitig ng lalaki sa kanya. Para bang ang katapatan at sinseridad pa niya ang sinusuri nito.
Lumaban siya ng pakikipagtitigan. Inarok din niya ang kaluluwa nito.
“Bakit hindi nabanggit sa sulat mo ang tungkol sa bagay na ‘yan, Liam?” pang-uusig niya. “I would’ve appreciated being shocked in private.”
“You shouldn’t be surprised nor shocked, Allyson. You’re too young and inexperienced. You’ve not even finished your studies. P’ano magtitiwala ang mga directors and stockholders ng mga kumpanya mo sa ‘yo?”
She agreed with him. And her strong sense of honesty forced her to admit it. “You’re right, Liam,” she sighed after a short silence. “Of course,” dugtong niya.
“Of course.” He inclined his dark head. His hair was still very black. It had always been cut short to discipline the unruly curls.
“So, what do you suggest I do?”
“Continue your studies. And at the same time, learn the ropes of running the business.” Parang napaka-simple ng dapat niyang gawin. “You don’t have to worry. I am here to guide and to teach you.”
She was more worried about that fact. But she did not say anything.
“Any comment?”
“I just hope you have more patience than an ordinary man,” wika niya.
“I do.” Tiyak ang tugon nito. “Pero hindi ko pa nasusubukan sa isang babaeng katulad mo. Who knows, you might be my downfall?”
“Doesn’t that bother you?” Napamaang siya. Napatitig sa kausap.
Tinitigan muna siya ng lalaki bago ito tumugon.
“Anything that goes up must go down. That’s the general rule. Nakarating na ako sa rurok ng tagumpay, Allyson. Wala na akong ibang pupuntahan kundi papababa na lang.”
Natigilan si Allyson sa narinig. “Puwede kang manatili lang sa itaas, Liam.”
He shrugged an elegantly-clad shoulder.
“Que sera sera,” ang pa-kaswal na tugon nito. “Mas interesado akong malaman kung puwede tayong maging magkaibigan.”
“Gusto mong maging magkaibigan tayo?” paniniguro niya habang unti-unti na namang bumibilis ang pagpintig ng puso.
“Yes. As guardian and ward, mas maiging kumportable kung hindi tayo magkaaway, hindi ba?” Pinihit nito ang ignition key pero hindi agad pinausad ang kotse. “Do you think that’s possible?”
“Hindi kaaway ang tingin ko sa ‘yo, Liam.”
“But you don’t trust me,” panghuhula nito.
Nagkibit siya ng isang balikat. “Hindi kita gaanong kilala,” pahayag niya.
“That could be remedied. Magiging madalas ang pagkikita natin kaya tiyak na makikilala mo na ako nang lubos.” His low voice seemed to become deeper. “I hope you could learn to trust me.”
Parang bigla siyang napaso sa mga titig nito. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana.
A pair of white seagulls were soaring in the cloudy skies. Their wings were widespread to ride the wind trustingly.
Kung gagayahin niya ang pagsakay ng ibon sa hangin, hindi kaya ibagsak siya ni Liam?
Sumulyap siya sa lalaki. Mahirap magtiwala. Lalupa’t sa isang nilalang na may kakaibang epekto sa kanya.
Mula sa unang pagkikita nila ni Liam Campovista at hanggang ngayon, palagi nitong pinakakaba ang kanyang dibdib.
At may kakatwang reaksiyon pa ang katawan niya. Nanginginig siya. Nanlalamig. Nag-iinit.
“We are a team, Allyson. I need you to trust me, as well as you need me to trust in you,” pahayag ng lalaki. “Otherwise, our relationship will have no harmony.”
Tumango siya. “I understand.”
Wala naman siyang choice, hindi ba? Hindi niya tuloy mapigil ang pagbukal ng hinanakit. She felt suddenly helpless.
Katulad nang dati, ang Papa na naman niya ang nagbigay ng direksiyon sa buhay niya.
“We have ample time to have a further discussion of the future. It’d be better for you to have a complete rest first,” dugtong ni Liam habang nagpapatuloy sa pagmamaneho. “Bukas mo na lang dalawin ang iyong Papa sa ospital,” dugtong pa nito.
“Yes,” she agreed wearily. Parang bigla nga siyang napagal. Jetlag siguro. Ibinalik niya sa dating posisyon ang katawan. Pumikit siya para ipahinga ang mga mata.
Silence reigned again. But it was a comfortable one with just a hint of wariness. Nagpapakiramdaman lang silang dalawa matapos ang napagkasunduang truce.
Nanatili ang naturang atmospera hanggang sa makarating sila sa maluwang na bakuran na nakapalibot sa marangyang mansiyon ng angkan ng Montenegro.
Nasa bukana ng matulaing bayan ng Tagaytay ang naturang lupain kaya ang klima ay mahalumigmig at ang mga punong kahoy at mga halaman ay pulos mayayabong.
Ipinagbukas siya ng pinto ng kotse ni Liam. Inalalayan rin sa pag-ibis.
“Thank you.” Wala sa loob ang pagsambit ng pasalamat dahil nakatutok ang buong pansin niya sa palalong istruktura.
Dito siya lumaki pero ngayon lang niya napagmasdan nang husto ang kabuuan. Maybe because she missed it. She had been away for so long.
Hinawakan ni Liam ang isang siko niya. Nakatayo ito sa may gawing likuran niya at nakatingin rin sa matayog na bahay.
“Gusto ko munang magpunta sa mausoleo,” pahayag niya habang humahakbang palayo. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang naisip gawin. “I want to see my mother’s grave.”
Ang pribadong libingan ng kanilang pamilya ay nasa likuran ng munting kapilya, na nasa gawing sulok naman.
Marahil ay doon niya piniling magtungo upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob. At upang maibsan ang pagkalitong sumasakmal sa kanyang isipan.
Umusal siya ng maiksi ngunit taimtim na panalangin para sa kaluluwa ng ina na hindi nakilala. Hindi niya alam kung mahal niya ito pero sigurado siyang may utang na loob siya dahil binigyan siya ng buhay. Malaki ang respetong iniuukol niya para dito.